Third Person's POV
"It's nice to finally meet you, Jax Blaine Wilder. Leader of the rank 1 group in Yumi Mafia, the Elites."
Dahil sa sinabi ni Stanley Summit, iba't-ibang reaction ang mababasa sa mga mukha ng tatlong gangsters. Hindi sila makapaniwala sa sinabi ng kanilang boss. Lalong-lalo na ang tatlong leaders at si Noreen.
Lahat sila ay nakatutok kay Jax na hindi man lang nagpakita ng kahit anong reaction. Seryoso pa rin ito at nakakunot ang noo habang nakatutok ang baril nito kay Steph Summit.
Walang gumalaw sa kanila. Binabasa ang sitwasyon at bawat galaw ng bawat isa.
"What?" Natatawang tanong ni Stanley. "D'you think you can fool me by just changing your family name? Jax Blaine is still Jax Blaine," nakangisi nitong sabi at dahan-dahang lumapit kay Jax habang ang dalawang kamay nito ay nasa kanyang likuran, na parang isang professor na nagle-lecture.
Wala namang imik ang binata at nanatili lang sa kanyang posisyon. Sinusundan niya ang bawat galaw ni Stanley, sinusuri ang expression sa mukha nito.
"When I first heard your name from Franz, that there's a unique one they wanted to recruit, you already piqued my interest. Your name is unique," kalmadong sabi nito habang nagkatitigan silang dalawa sa mata.
Unang umiwas ng tingin si Stanley at nagpatuloy sa paglalakad-lakad malapit kay Jax. Palihim namang tiningnan ni Jax si Steph Summit, iniisip niya kung anong magiging reaction ng bunsong kapatid kung sakaling tuluyan niya itong putukan ng baril.
"Even though I personally saw your grave, I did not really believe that someone like you just died like that. I know you more than you expected."
Mas lalong kumunot ang noo ni Jax dahil sa sinabi nito. Sinamaan niya ng tingin ang matandang Summit at binaba kunti ang pagtutok niya sa baril. Mas lalong nagulat ang matanda nang nakatutok ang baril nito sa mismong mukha niya at hindi na sa ulo nito.
Kikilos na sana ang iba pang natirang body guard pero itinaas ni Stanley ang kanyang kamay para pahintuin ang mga ito sa paglapit kay Jax. Hindi siya basta-basta gagawa ng kilos sa harap ni Jax dahil sa kilala na niya ang ugali nito. Baka mapatay pa ni Jax ang kayang matandang kapatid.
"When I saw you at the court, I was convinced that it's really you. My men tried to follow you and observe every move you make. Unfortunately, you have someone helping you that made us hard to investigate you."
Saglit namang natawa si Jax dahil sa kanyang narinig na ikinataka ni Stanley at ng lahat. Na para bang may nakakatawa sa sinabi nito.
"So that's why you made your men as bait to follow us and test our skills? You're behind it, aren't you?" pagtutukoy niya sa mga lalaking sumunod sa kanila ni Kernel na kanilang pinatay sa loob ng lumang arena.
Kalmado namang humarap si Stanley sa kanya. Bumalik pa ang nang-aasar na ngisi nito at parang proud na proud sa pag-analyze ng binata.
"Clever as always! I just couldn't believe that you're now teaming up with your enemy... I mean your former enemy... Kendrick, one of the leader of Dakumasuta, isn't it?" nakangisi nitong sabi.
"Why are you asking me? I thought you already have much information about me?"
Jax starts grinning when he realized that Stanley is only confirming his hunches to him. The fact that Stanley only mentioned Kernel, ibig sabihin hindi pa alam ni Stanley na tinutulungan siya ng ibang members ng Dakumasuta.
"...and you were also there that time," sabi ni Jax nang mapagtanto niyang si Stanley 'yong nagmamasid na naka-motor na nakita niya sa labas ng arena.
He also realized that he's really right. These people are not really those unknown assholes who tried to kill him.
Bigla namang nawala ang nakakaasar na ngiti ni Stanley. Pero 'di kalauna'y napapailing na lang siya sa binata.
"I know this time you won't join us Jax Blaine. But I know someday you will. You will really need us when you wanted to know more about the connection between your ex-lover and your father..."
Makahulugan nitong nilingon si Noreen dahilan nang napalingon din si Jax sa dalaga. Kitang-kita niya ang paglaki ng mga mata ni Noreen nang magtama ang kanilang tingin. Mabilis namang umiwas ito ng tingin kay Jax.
Parang may kung anong naramdaman si Jax sa hindi maipaliwanag na dahilan.
Hindi na niya gustong pag-usapan ang kahit anong tungkol kay Cath pero dahil sa nabanggit nitong koneksyon sa kanyang ama, kating-kati siyang malaman ito. Lalo na't nakikita niya ang kakaibang reaction ni Noreen, pati na ang makahulugang tingin ni Stanley rito.
'Of course, they're cousins. But why she doesn't recognize me? Seeing her shocked expression just confirm my hunches that she doesn't really know me.' sa isip ni Jax na tinutukoy si Noreen.
Bigla namang may nagsipasukan na maraming tauhan ng The Blues sa loob dahilan na mas lalong naging alerto si Jax. Agad niyang idinikit ang dulo ng kanyang baril sa mukha ng matandang Summit at muling sinamaan ng tingin si Stanley.
"I don't care about them anymore so you cannot persuade me using those pathetic beings to join you... no matter what."
Bigla namang may naisip si Stanley at 'di kalauna'y natawa itong muli.
"Now I get it! The reason you're now friends with your former enemies is maybe because they're the one who helped you back then?" nakangisi at excited nitong panghuhula. "If I am right, then you just betrayed your members. You let them die and let your enemies saved you. If your father is still alive, he's probably proud of you."
"What do you mean?" nagtatakang tanong ni Jax. "My father's dead?" pagtutukoy niya sa kanyang totoong ama. Not his step father.
Umakto namang nagulat si Stanley dahil sa tanong ng binata. Nakikita niya ang curiosity sa mga mata nito.
"You didn't know? Your ex-girlfriend and your father died the same day, kid. Being a traitor is a big deal in an underground organization. You know that rule."
Kung nakakamatay lang ang tingin, matagal ng patay si Stanley. Hindi na nagsalita si Jax at makikita sa mukha ang blanko nitong expression. Walang nakakaalam kung anong laman ng isip ng binata.
Habang seryoso ang dalawa sa pagtitigan, napapaatras naman ang ibang myembro ng tatlong gangs nang marinig nila ang Dakumasuta. Nang mawala ang Yumi, ang Dakumasuta na ang pumalit sa pagiging top mafia group sa underground hanggang ngayon. At kahit sinong underground org na kumalaban dito, wala pang nakakatalo sa mga ito.
Kung tama man ang sinabi ni Stanley na si Jax ay isang leader noon ng rank 1 group ng Yumi, at kakampi na niya ngayon ang isang leader ng Dakumasuta, alam nilang wala silang laban sa binata.
"I-Impossible!" saad ng myembro ni Neil habang nakahawak sa wala ng buhay nitong kasama na pinatay ni Jax.
"K-kaya pala..."
"Akala ko isa lang siya sa tulad ng ibang transferee na nagmamayabang noon..."
Wala sa sariling banggit ng mga ito. Lalo na't naaalala nila ang gabing pumatay si Jax sa recruitment.
Palihim namang nagkatinginan sina Franz at Noreen habang si Clark ay seryosong nakatitig kay Jax. Mula pa kanina hindi niya na inalis ang pagtitig nito. Hindi rin siya makapaniwala sa kanilang nalaman. Habang si Jax naman, parang walang paki sa kanilang mga reaksyon.
Para sa kanya, ang totoong kaaway ay ang magkapatid na Summit kaya wala siyang time na harapin ang mga gangsters sa oras na ito.
"Ahhhh!"
Bigla silang nagulat nang biglang binaril ni Jax ang isang paa ng matandang Summit dahilan nang mapasigaw ito.
Dahil doon agad siyang tinutukan ng mga baril ng lahat ng tauhan ng The Blues. Dali-daling lumapit si Stanley sa kanyang kapatid pero agad din itong napahinto nang sa kanya na nakatutok ang baril na hawak ni Jax.
"You cannot control me using your knowledge about my pathetic father and my ex! I don't even want to know why you are so eager to recruit me! But I won't mind killing any of you if you still pester me!"
Pagkatapos sabihin ni Jax iyon ay mabilis siyang nakaiwas nang isa sa tauhan nila ay pinutukan siya ng baril. Agad naman itong binaril pabalik ni Jax.
Pero hindi niya naiwasan ang isa pang bala na tumama sa kanyang braso, dahilan nang napaimpit siya sa sobrang sakit nito. Mas lalo siyang nanggigigil sa galit at mahigpit niyang hinawakan ang baril tsaka muling umiwas nang makita niyang papuputokan na siya ng isa pang tauhan. Mabilis siyang nakakilos at inunahan itong barilin sa ulo.
Hindi pa nga nakapag-react ang iba sa sobrang bilis ng pangyayari ay muling binaril ni Jax ang matandang Summit sa kabilang paa.
"Ahhhh! S-stop him!"
"The next bullet will kill your elder brother if you don't stop your men, Stanley!" galit at seryosong sabi ni Jax habang masamang nakatitig kay Stanley. Kahit pa mas matanda pa ito sa kanya, wala siyang balak galangin ito. Ang kaaway ay kaaway.
Mabilis na kinasa ni Jax ang kanyang baril at agad na itinutok sa mismong ulo ni Steph Summit. Dahil doon, agad na sininyasan ni Stanley ang mga tauhan para patigilin ang mga ito bago pa mawalan ng pasensya si Jax at tutuhanin ang sinabi nito.
'This impatient bastard!' sa isip ni Stanley habang masamang nakatingin kay Jax.
Huminga siya nang malalim para pakalmahin ang sarili. Alam niyang hindi niya mare-recruit si Jax sa ganitong paraan. Kung hindi niya lang kailangan ang kakayahan nito, ay hindi na siya nag-aksaya ng oras dito.
"We will recruit you in any way, Jax Blaine. But if you won't still join us, we cannot let anyone live their life after knowing our organization's existence. Don't underestimate our org kid!" Matalas ang mga titig nito kay Jax at makikitang galit na galit ang mga mata nito kahit pa pilit niyang ngumiti sa binata.
He gestured their men to put their guns down and let Jax escape. Stanley knew that there are still lot of times to recruit Jax. He just couldn't believe that Jax fooled him by acting drunk and oblivious. He knew him being clever. He just didn't know he's this more clever and matured now. Unlike before, whenever Cath was involved, Jax always gave in.
"We won't underestimate your org but we will underestimate you. Tsk! Halatang recruiter ka lang, 'wag kang magmamagaling!"
Nagulat naman ang lahat ng isa sa mga tauhan nila ay nagsalita at lumapit kay Jax. Jax couldn't help but roll his eyes heavenward when he already know who it is.
Nanglaki naman ang mata ni Stanley nang tinanggal ni Kernel ang kanyang mask. Ngayon lang din niya napansin na ito lang ang naka-mask sa lahat ng tauhan niya.
"At isa pa, anong knowing your existence? Ano kayo? Mga kakaibang nilalang? Hahahaha!"
Muling naging alerto ang kanilang mga tauhan pero tinutukan sila ni Kernel ng baril sa tuwing lalapit ang mga ito.
Mabilis tiningnan ni Kernel si Jax na may pangdidiri nang makita ang sugatan nitong braso. "Oh? You're hurt?" sarcastic nitong tanong.
"Tsk!"
Dahan-dahan silang lumapit sa pinto habang tinututukan pa rin ng baril ang mga tauhan ng mga Summit.
Bago sila tuluyang makaalis sa kwartong iyon, nakasalubong ni Jax ang makahulugang tingin ni Noreen sa kanya. Tinapunan naman ni Kernel ang pinto ng smoking grenade tsaka nagmamadali na silang umalis doon.
Napakunot naman ang noo ni Jax nang makitang walang mga malay ang lahat ng tao na natira sa dance floor. Pati ang DJ at ang mga servers. Tumutunog pa rin ang sounds nito at tanging ilaw lang ng disco lights ang nagsilbing liwanag sa loob.
Nakita niya si Veign na tinitingnan at sinusuri ang mga walang malay na tauhan tsaka ito napatingin sa kanila at tumango.
"Everything's ready!" pagpapaalala ni Veign tsaka naunang lumabas ng club.
Hindi na nagtanong si Jax kung anong nangyari dahil alam niyang ginamitan nina Kernel ng spray ang mga tao rito.
"So they already know you?" biglang tanong ni Kernel habang tinatahak nila ang exit. "I mean those gangsters? Now that they know you, what are you going to do with them?"
Ilang segundong hindi sumagot si Jax kaya nilingon ito ni Kernel. Nakakunot lang ang noo ni Jax na parang malalim ang iniisip. Bumuntong-hininga ito at naunang naglakad.
"I won't do anything to them unless they provoke me!"
Tumango-tango lang si Kernel tsaka nagbuntong-hininga. He knew that Jax was bothered by Stanley's words. About his father and his ex. Kernel knew that it affect Jax.
Agad niyang pinigilan si Jax sa paglakad tsaka niya ito pinaharap sa kanya, na parang normal lang ang sitwasyon at parang wala silang ginawa sa loob ng club.
"Those Summits, I already asked Ethird to search anything about them and about The Blues. I will tell you what will be his reply. I and Veign also searched everywhere here earlier, hoping to find some unknown assholes. We did not find one. If what you said is right, then The Blues isn't our only enemies!" seryosong sabi ni Kernel, iniiba ang topic para makapag-focus muli si Jax.
He also did this to see if Jax will tell him something. He saw Noreen and Jax having those meaningful looks earlier and Kernel has a weird feeling about it. He's worried.
Alam rin ni Jax kung bakit hindi binabanggit ni Kernel ang tungkol sa ama niya at ni Cath. Alam din niyang inaantay lang nitong siya mismo magsabi kaya bumuntong-hininga na lang siya.
"I know what you're doing! Tsk! Don't worry! I am just curious about what that old hag said and why he knows about my father, Cath and me. I will find it out just for my curiosity! I won't be persuaded by them if that's what you're worrying about! Tsk!"
Natawa naman si Kernel at pabirong yayakapin na sana si Jax kaso agad itong umalis. "Jaxie! I love you na! Mwah! You really changed na talaga!"
Muling sumimangot si Jax nang marinig ang nakakairitang boses ni Kernel na iniipit pa ito na parang ginagaya ang boses ng bakla.
"Hahaha! Sasabihin ko kay ate at sa dalawa mong best friend na best choice nilang binigyan ka ng second chance!" pagtutukoy niya kina Violy, Lav and Ex.
"Shut up!"
"Jaxiee!" pag-iinarte pa ni Kernel para asarin si Jax.
"Kernel!"
Napahinto naman silang dalawa nang makalabas sila ng club at nakita nila ang isang babaeng tinatawag si Kernel.
Nagulat pa ang babae nang magtama ang kanilang tingin ni Jax. Nagpalipat-lipat ang tingin niya kay Jax at kay Kernel tsaka niya napagtanto na kilala nga siya ni Jax n'ong makita siya nito sa loob bilang isa sa mga servers.
"Angel isn't it?" nakangising tanong ni Jax tsaka sinulyapan ang seryosong mukha ni Kernel.
Bumuntong-hininga silang dalawa ni Jax nang nagpatuloy sa paglakad si Kernel nang hindi pinapansin ang ex-girlfriend.
"Kernel wait! We need to talk!"
Hanggang sa marating nila ang kanilang sasakyan ay hindi pa rin pinapansin ng binata ang ex-girlfriend.
Binuksan naman ni Jax ang kotse ni Veign kung saan naghihintay ang binata sa loob.
"I have a favor to ask."
"What is it?"
"Find out everything about Alfonso's sister and I want you to protect her no matter what. Franz might use her to manipulate him."
Ipinakita ni Jax ang picture ni Alfonso at ang buong pangalan nito. Naguguluhan man si Veign pero tinanggap niya ang misyon na iyon.
Ilang segundo pa ay hindi umalis si Jax sa kanyang tabi dahilan nang ikinakunot ng noo ni Veign.
"What?" inis nitong tanong kay Jax.
Ngumisi naman nang kakaiba si Jax na mas lalong ikinasimangot ng mukha ng binata.
"You can accompany Lavandeir. It is best if you'll stick to her, care for her, and..."
"What the heck?" naiinis nitong tanong.
"Chillax! I know that bastard Exseven will find a way to watch his girlfriend. In that way, he might as well show himself to you!"
"You haven't change! No, I won't! But I will find a way!"
"What way?"
"Well, Vanvan already has a lot of suitors in her school. Exseven won't stayed still when knowing that his girlfriend is being surrounded by suitors."
"That loser? She's not that beautiful to attract men!" Hindi makapaniwalang tanong ng binata. "Anyway, we both know that Exseven was jealous to you back then."
Sumama muli ang mukha ni Veign tsaka pinaalis si Jax. Napapailing na lang si Jax habang sumasakay sa kanyang motor.
"Ano ba Kernel! We need to talk! Talk to me!"
"Aray!"
Nagkatinginan naman sina Jax at Veign nang sinipa ni Angel si Kernel mula sa likod. Napapailing pa ang dalawa habang nakangisi na parang walang nangyari kanina sa club. Umalis na ang dalawa para makapag-usap ng pribado ang mga ito.
"We need to talk about The Blues not about our relationship! Ano bang iniisip mo?"
"No! I won't share our knowledge and intel! Why would I? Baka isa ka sa mga kalaban!"
"Wag ka ngang umaktong parang bata! Buhay ang nakasalalay dito!"
"Kaninong buhay naman 'yan? Isa na naman sa mga boyfriend mo? Wow ang dami pala namin!"
"Anong mga boyfriend pinagsasabi mo?"
"Wow!" sarcastic na sabi ng binata. "You said I'm just part of your missions that's why you seduce me, let me fall for you and then left me..."
"It's true! I was really investigating your organization that time. I thought that you're organization was the one who kidnapped my best friend!"
Natahimik naman ang binata nang marinig na niya ang matagal niyang gustong marinig. Noong time na nagkita sila sa casino, labis siyang nasaktan nang sinabi sa kanya ng dalaga na part lang siya sa missions nito kaya siya nakipagrelasyon dito. Simula no'ong araw na iyon, hindi na mawala ang tanong sa kanyang isipan kung anong klaseng misyon iyon at bakit siya pa. Ngayon nasagot na ang kanyang tanong. Pero hindi pa rin siya natutuwa.
"Then thank you for telling me that! Now stay away from me!"
Napakamot na lang sa ulo si Kernel nang makitang iniwan na siya nila Veign. Hindi niya napansin. Nawawala siya sa focus sa tuwing nandiyan ang babaeng 'yan.
Naglakad nang mabilis si Kernel para makalayo sa dalaga nang bigla itong may sinabi na ikinahinto niya.
"You're not curious about the real reason why I left you?"
"Isa pa 'yan tangina! Kahit kailan napakahusay talaga ng babaeng 'to! Bweset!" naiinis niyang bulong sa kanyang sarili habang pinipigilan ang sariling lingunin ang ex-nobya.
"Curious my ass! Kainin mo 'yang rason mo!"
...
Sa kabilang banda naman ng tatlong gangsters. Pinagtulungan nilang buhatin ang isa sa myembro ni Neil na binawian ng buhay. Kahit tuliro silang lahat sa kanilang nalaman, wala silang magagawa kundi ang kumilos. Lalo na't makapal ang usok sa binatong smoke grenade ni Kernel.
"I will tell the big boss to give anything you want if you can kill or recruit Jax Blaine! I will give you 3 months to do that!" sigaw ni Stanley sa tatlong gangsters.
Mas lalo pa silang nagulat nang makita ang iba nilang tauhan na wala ng mga malay nang makababa sila sa ground floor ng club. Pati na rin ang pinagparkingan nila ng kanilang mga sasakyan ay butas na rin ang mga gulong.
'Dakumasuta is involved! Shit!' gigil na kinuyom ni Stanley ang kanyang kamao dahil sa kanyang naisip. Hindi niya inakalang nandoon din si Kendrick. Mas lalo pa siyang nagalit sa kanyang sarili nang mawala sa kanyang isipan na kakampi na pala ni Jax si Kendrick.
...
Itutuloy...