Chereads / The Former Villain / Chapter 41 - Chapter 39

Chapter 41 - Chapter 39

"Human behavior is always changing: situation to situation, moment to moment, second to second."

-from Atomic Habit

...

Third Person's POV

When Kernel got back to the condo, he saw Jax didn't left by her side. Jax looks calm but Kernel knows he's not.

Sinulyapan niya muna si Jax na nakaupo pa rin sa bed kung saan nakahiga ang walang malay na dalaga. Lumabas siya ng room at doon muna sa sala tumambay. Humiga siya sa sofa habang inaalala ang usapan nila ni Clent kanina pagkatapos nilang iligaw ang mga gangsters.

"Mind to share what you know about Aki?" pagkompronta niya rito na ikinagulat naman ni Clent.

"What are you talking---"

"Denying something to me when I'm confronting is useless. I won't confront if I don't see such hints."

Ilang segundong natahimik si Clent at 'di kalauna'y wala siyang nagawa at sinabi niya kay Kernel ang hula niya, kahit na nagtataka siya kung pa'no nalaman ng binata na may kunting idea siya kung sino si Aki. He really cannot underestimate the members of Aeon.

Parehas silang huminga nang malalim at natahimik pagkatapos sabihin ni Clent kay Kernel ang kanyang hula tungkol sa Aki na iyon. Alam nilang napaka-impossible ang naisip ni Clent.

'Well, everyone thought that Jax is dead but he's not. So there's a possibility that 'he's' alive,' sa isip ni Kernel.

He want to tell Jax about it but he doesn't know what might Jax do because of what happened tonight.

Kinaumagahan, nagising si Kernel bandang 8am. Agad niyang tiningnan ang dalawa sa kwarto.

"And what were you going to do with that?" tanong niya nang makita si Jax na naglabas ng tatlong daggers at mga magazine ng baril.

Nakatayo si Jax sa gilid ng bedside table habang nilalagyan ng mga bala ang magazine. "None of you business!" sagot niya kay Kernel na hindi man lang niya tinapunan ng tingin.

"I hope you won't do any haste moves. I understand you but you need to calm down first and think of a better plan to kill Summits!"

"Don't you ever tell me you understands me and just get out," walang gana nitong sabi at tiningnan si Kernel na blanko ang mukha.

Nagtitigan sila ng ilang segundo, at parang nakuha niya kung anong gustong iparating ni Jax.

If he really understood Jax, he either won't stop him or tell him to calm down. Alam na alam niya na kapag ang isang tao ay nadadala na ng sariling emosyon, mahirap nang pigilan ito.

Nakaramdam si Kernel nang pagkapahiya dahil sa sinabi ni Jax. Nagsisisi siyang sinabi niyang naiintindihan niya ang binata. He realizes that no one can really understand someone's feeling.

Huminga na lang nang malalim si Kernel at pinabayaan ang binata. "I'm gonna buy food," pagpapaalam na lang niya.

Ilang segundo namang napatulala si Jax nang maalala ang sinabi ni Kernel.

'What is a better plan? Do I need one?' he smirked because of the thought. Because this time, gusto niya nang sugurin agad si Stanley. Hindi niya alam kung paano ilabas lahat ang kanyang galit.

Gusto niyang gulpihin ang mukha nito hanggang sa mawalan ito ng mukha. Pero ngayon, ayaw niyang umalis sa tabi ng dalaga habang wala pa itong malay.

Muli niyang itinuloy ang paglagay ng bala sa magazine. Hindi man niya sadyang isipin ang nangyari kagabi, kusa na lang itong bumabalik sa kanyang isipan. Isa din sa dahilan kung bakit wala pa rin siyang tulog hanggang ngayon.

Huminga siya nang malalim at iniligpit ang mga ito sa isang maliit na lalagyan. Kumuha din siya ng mga baril para linisin ang mga ito. Nang mapatingin siya sa gawi ng dalaga, parang automatic na lang siyang tumabi rito habang pinagkaabalahan ang kanyang mga baril.

Ni isang beses simula umalis si Violy kagabi, hindi na ito lumabas ng kanyang kwarto, nanatili lang sa tabi ng dalaga.

...

Hindi na pumasok si Jax ngayong araw. Kahit ang dami pang asikasuhin sa paaralan lalo na't kailangan siya ng council. Hindi pa rin kasi nagigising ang dalaga. Nawala din kasi ang bagay na iyon sa kanyang isipan.

Kahit na nakabalik na si Kernel at inaya siyang kumain ay hindi rin siya lumabas o kahit pansinin man lang ito.

Walang ibang nagpapa-motivate sa kanya ngayon, maliban sa isiping kailangan niyang makapaghigante sa mga taong gumawa n'on kagabi. Kay Stanley Summit at sa kung sino pang kasabwat sa planong iyon.

Nang mapansin ni Jax ang pagkakunot ng noo ni Kitkat kahit nakapikit pa ito, bigla-bigla siyang kinabahan at may kunting tuwa na nararamdaman. Ilang oras niyang inantay na magising ito, at nang magising na ito, parang kinakabahan siya sa kung anong magiging reaction ng dalaga.

But Jax being Jax, he's able to suppress his emotions. "You're now awake."

Nakita ni Jax kung pa'no magulat ang dalaga nang makita siyang nag-a-assemble ng baril-- na nakalimutan niyang itago. But he think that he doesn't need to hide it anymore since she already saw him killing yesterday.

He's afraid she might be discouraged but he thought it's better to show her who really is he. He'll be lucky if she will still accept him for who he is.

"N-nasaan ako? A-anong ginagawa mo?"

"You're in my room. Are you hungry?"

Jax put the gun beside him and examine her. He sighed when knowing she's okay.

But he frown when Kitkat is looking at his bed with an unexplainable expression. Just like what he thought last night, there's really something that bothers her. He suddenly felt nervous when he realize what it is.

"You saw it, don't you?"

Jax clearly saw her flinching as she's about to turn the doorknob, that made him realize that his hunch is right. She saw his phone's wallpaper.

"Ha? Ang alin?"

"You saw my wallpaper, don't you?"

He already expected this might happen someday. That she'll see it. He didn't change his wallpaper for a purpose to let her stay away from him expecting something happened between him and Noreen... until he forgot to change it. He only realized last night that he want her.

"Ano naman kung nakita ko wallpaper mo? Big deal ba 'yon? Gusto mo din ba makita wallpaper ko? Teka nasaan pala 'yong phone ko?"

Jax felt a pang of pain when he saw the emotions in her eyes. She's hurting. He's always hurting her and he knows that.

He gave her her phone. Actually, when he first saw it back when they're in the classroom months ago, he thought that Kitkat isn't just an idiot but also weird. But when he saw it again yesterday in the rooftop, he even smiled. Her wallpaper is the stolen picture of him busy writing notes in the notebook.

Pumasok sa kanyang isipan na parang sinasadya talaga ng tadhana ang lahat. Kung saan nakapagdesisyon na siyang hindi na niya pipigilan ang sarili at ligawan ang dalaga, doon din nanggugulo si Stanley at ipinahamak si Kitkat. Doon din nito nakita ang kanyang wallpaper na magkasama sila ni Noreen, that night when he and Noreen were making out.

Even if Jax has a reason why he did it, he knows it's still not valid. And even if he explain it to her, she wouldn't understand.

"Yes. Noreen and I are together."

There he said it. He lied. As much as he wanted to explain and tell her the truth, he can't and he won't. He doesn't want her to worry about his own problem. He's afraid she'll know some more about his mission and how dangerous it is.

'It's better this way than her knowing it from someone else!' He repeated it in his mind to convince himself that he did the right choice even though he's hurting this much.

Now that he knows Aki was the one who stalked him that night he tailed Noreen, it's only a matter of time that Aki will tell Kitkat that he's been meeting with Noreen. It's better to tell her now than her learning it from someone else.

She's crying as she's telling him her real feelings. Jax wanted just to gave in and just confess everything but as he always does, he suppress himself not to. He just listen to what she's saying.

"Siguro dito na nga ako matu-turn off sa 'yo. Ang taas pa naman ng tingin ko sa 'yo!"

After saying those words, she left. He couldn't follow her. He couldn't even look at her. He's just standing there as he absorb everything she says in his mind.

Kernel offered to drive her home. Before he left, he crossed his arms and look at Jax seriously who couldn't look at him.

"Don't push her to the level where she no longer care," simpleng sabi ni Kernel pero tumagos ang salita nito kay Jax.

...

The next day, it's already 1pm when he got back at the building of his condo after spying the casino and the club where members of The Blues usually hangout. He's in bad mood because he couldn't spot Stanley and Steph, only their minions.

When he got out from the elevator; he saw Alfonso sitting in front of his door, crossing his arms while sleeping. Jax just frown and examine him.

"Tsk!"

Jax didn't mind him and just enter the pincode and open the door, that makes Alfonso wake up and starts complaining.

"Aray! Ano ba! Tang-- Hoy Jax! Tangina ba't ngayon ka lang?" Agad siyang tumayo at sumunod kay Jax sa loob.

"What do you want?"

"Ay wow!" sarcastic niyang reklamo. "Di mo ba alam na kanina pa ako naghihintay sa 'yo rito? 'Di ka man lang makontak! At ba't kayo umabsent kahapon? Alam mo bang nanggugulo na naman ang mga kampon ni Franz sa campus? At ngayon umabsent ka rin?"

Nanatiling walang imik si Jax at nakakunot lang ang noo nito habang binuksan ang refrigerator para kumuha ng tubig. Sumunod si Alfonso at nakitingin din sa laman ng ref. "Mga tubig lang? Walang pagkain?"

Umalis si Jax sa kanyang tabi na parang hindi man lang siya nag-e-exist.

"Timing pa talagang bumalik ang mga gangsters kung kelan ka absent? May nangyari ba ha? Hoy!" Ginulo niya ang kanyang buhok dahil umupo lang si Jax sa sofa sa sala.

Aalis na sana sa kusina si Alfonso nang makita niya ang isang paper bag mula sa isang fast food brand. Agad niya itong tiningnan at nakita ang mga fried chicken at ibang burgers. Ito 'yong binili ni Kernel kahapon para sana sa kanila Kitkat at Jax pero hindi man lang ito nakain.

Inamoy niya ang pagkain at nang okay pa ang amoy nito, dinampot niya ang paper bag. Kumuha din siya ng tubig sa ref tsaka sinundan si Jax sa sala. Umupo siya sa kabilang sofa sa harapan ni Jax.

"At 'yong tatlong gang nagkaisa na sila ngayon, hinahanap ka dahil ikaw daw ang pumatay kina Fourth! Totoo ba?"

"How did you get here?"

"Tangna! Sa lahat ng sinabi ko 'yan lang tanong mo?" Kinagat niya ang isang fried chicken. "Tinanong ko kay Kernel, hinahanap ka niya kanina. Ang aga niyang namulabog sa boarding house ko para lang iutos sa 'kin na hanapin ka! Sinabi mo ba sa kanya kung sa'n ako nakatira?"

"Tsk!"

Sinuri naman ni Alfonso si Jax at muli siyang nagtaka dahil sa suot nitong damit. "Saan ka nga ba galing? Ba't para kang stalker sa suot mo? All black at naka-cap pa?"

"Ano nang gagawin mo ngayon kina Franz? Papasok ka ba ngayon?"

"Ano nang gagawin mo sa engot na 'yon? Sigurado akong hindi na naman 'yon titigilan nina Noreen!"

Kakagat na sana siyang muli ng manok nang sinamaan siya ng tingin ni Jax. Napaubo naman siya nang wala sa oras at nabitawan ang pagkain.

"Gago nito! Sobrang bad mood mo naman! Nagtatanong lang 'yong tao! Nakita ko kasi 'yong engot na 'yon sa campus!"

Kinuha niya ang fried chicken na nahulog sa sofa at pinagpagan at muli niya itong kinain. At muling nagulat nang mabilis na lumingon sa kanya si Jax.

"She's in campus?" 'di makapaniwalang tanong ni Jax kaya hindi maipaliwanag ang mukha ni Alfonso dahil sa pagtataka.

"Nagplano kayong umabsent nga-- Kita mo 'to! 'Di pa nga ako tapos!" Bigla na lang kasing tumayo si Jax at pumasok sa bed room.

Nang makapasok si Jax sa kanyang kwarto, mabilis namang sumunod si Alfonso habang bitbit ang pagkain at ang paper bag.

"Nag-text ako sa 'yo kanina 'di mo ba nabasa? Tinext ko rin 'yong inutos mo sa 'kin. Nasa'n ba 'yong cellphone mo?" tanong niyang muli pero wala pa rin siyang nakuhang sagot mula kay Jax nang pumasok na ito sa banyo.

Doon din napagtanto ni Jax na hindi sinabihan ni Kernel si Alfonso tungkol sa nangyari.

"Gago nito! Ba't ba kasi ako pumanig sa gagong 'yan?"

Inilibot niya ang kanyang tingin sa loob ng room ni Jax at 'di niya mapigilang mamangha. Napapailing pa siya sa sobrang gara ng mga gamit at ang ayos pa tingnan. Sobrang layo kung ikumpara sa room niya.

Tiningnan niya ang mga gamit nito habang bitbit pa rin ang fried chicken. Pumasok siya sa walk-in closet ni Jax at napasinghap sa kanyang nakita.

"Wow! 'Buti pa 'yong mga damit ng gago may sariling room! Mas malaki pa sa room ng Aleng Chonang 'yon!" bulalas niya at inilibot ang kanyang paningin sa mga damit ni Jax. Mula sa sapatos, accessories, at damit.

Nilapitan niya ang isang drawer ng mga relo ni Jax na gawa sa glass tsaka binuksan. Kumuha siya ng isa tsaka agad isinuot at isa pa para itago sa kanyang bulsa.

Nang marinig niyang bumukas ang pinto ng CR ay agad siyang lumabas doon at nakita si Jax na kakaligo lang. Isang towel lang ang nakapulupot sa ibabang bahagi ng katawan ni Jax kaya nakikita ni Alfonso ang itaas na parte nito.

Napakunot ang kanyang noo dahil sa daming peklat sa katawan ng binata. He wonder who really is Jax and how did he get this many scars. Alam na niyang hindi ordinaryong tao si Jax at hanggang ngayon ay mysteryoso pa rin ito.

"Sabihin mo nga sa 'kin, hindi ba ako mamamatay sa desisyon kong pumanig sa 'yo?"

Hindi siya pinansin ni Jax at nagmamadali lang itong pumasok sa loob ng walk-in closet. Bumuntong-hininga si Alfonso tsaka tinapon sa basurahan ang paper bag na may lamang buto ng fried chicken. 'Yong burgers naman ay ipinatong niya sa ibabaw ng bed side table dahil babaunin niya ito mamaya.

Nang pumasok siya sa banyo para sana maghugas ng kamay, muli siya napahinto at iginala ang kanyang paningin. "Mas maganda pa 'yong banyo niya kesa sa room ni Aleng Chona!"

Pagkatapos niyang maghugas ng kamay, nakita niya si Jax na nakabihis na. Kitang-kita talaga ang pagmamadali ng binata na ikinangisi ni Alfonso.

"Tsk! Tsk! Halatang-halata ka yata pre na may gusto ka sa engot na 'yon!" ngisi-ngisi niyang sabi na hindi rin pinansin ni Jax.

"Ninakaw ko pala 'yong relo mo. Makikiligo na rin ako dito. Pahiram na rin ng damit... Pa'no kung makikitira na lang din ako dito?" pagsasalita niyang mag-isa habang tiningnan ang expression ni Jax.

Napangisi naman siya nang wala ring pake si Jax nang banggitin niya ang relong ninakaw niya. Aalis na sana ito nang hinawakan niya ang braso nito para pigilan. Dahil doon, nakatikim siya ng masamang tingin.

"Pahiram ng pera. Wala akong pamasahe papuntang campus mamaya!"

"Remember? Pinaimbestiga mo sa 'kin si Franz? May nakuha akong bagong impormasyon tungkol sa kanya."

Itinuro naman ni Jax ang drawer ng bed side table niya. "Make sure that that information is worth it!"

"Of course! I making sure! What do you think of me? Not sure? -- Kita mo 'to! Ang sarap talagang kausap ng gago!"

Agad namang tiningnan ni Alfonso ang drawer nang makaalis na si Jax at nagulat siya sa daming cash sa loob.

"Mamumulubi kaya ang tangna kung kukunin ko 'to lahat? Hahahaha!" Tiningnan niya ang kanyang sarili sa salamin na nasa ibabaw lang din ng table. "Tsk! Tsk! Sa gwapo ko namang 'to, sino bang hindi magtitiwala?" Naka-pogi sign pang sabi niya.

Isinara niyang muli ang drawer tsaka kumuha ng towel at excited na naligo sa banyo. Umabot ng mahigit isang oras siyang naligo doon na parang iyon na ang pinakamatagal na pagligo niya sa buong buhay niya.

Makakaranas sana siya ng ganyan doon sa hotel kaso 'di niya na appreciate kasi nga nasaksak siya n'ong time na 'yon at pinatulog pa ni Jax gamit ng spray.

Pagkatapos niya ring magbihis, ngiti-ngiti niya ring sinuot ang relo ni Jax na nakuha niya kanina sa walk-in closet. Pinakikialaman niya pa ang ibang gamit ni Jax tulad ng hair wax at pabango.

"Sabi na nga ba! Kulang lang talaga ako ng ligo. Tsk! Tsk!"

Hindi pa siya agad umalis 'tulad ng nasa plano niyang pumunta sa campus, naisipan pa niyang humiga sa malambot na kama ni Jax at nakangiting pumikit.

"Walang maingay na kapitbahay. Walang Aleng Chona. Naka-aircon pa! Mabango pa! Hmm! Peace!"

Kumuha siya ng isang unan at niyakap-yakap ito. Bigla siyang may nakapang isang parang card sa loob ng pillow case. Dahil sa curiosity, tiningnan niya ito at kinuha. Isang larawan. Stolen picture ni Kitkat na naka-sideview at nakangiti.

"Sabi na nga ba ey! Napaghahalataan na talaga ang Jax na 'yon! Ano bang nangita niya sa engot na 'to?"

Ibinalik niya ang larawan sa loob ng pillow case at muling feni-feel ang paghiga at pagyakap ng unan. Wala naman kasi siyang paki sa pag-iibigan ng dalawa. Mas importante sa kanya ang makahiga sa malambot na kama.

The truth is, it was Kernel who took that picture already a month ago when he's observing Jax that day after he got a call from Exseven for their mission. He wanted to know more about the person he's going to accompany with. When he always saw Kitkat sticking with Jax, he also observe her. Then took a chance to take a photo of her.

He gave this photo to Jax that night after they encountered Steph Summit in the casino. And Jax cherish that photo since then.

Habang nakapikit ng mata si Alfonso, bigla na lang may aninong parang dumaan. Maliwanag kasi dahil naka-on ang ilaw kaya kahit nakapikit, malalaman na may biglang dumilim sa talukap ng mata kung may dadaan. At isa pa, malapit ito sa mukha niya.

At dahil alam niyang impossibleng si Jax ito, pinakiramdaman niya ang paligid. Nanatili siya sa kanyang posisyon. Hindi man lang niya marinig ang footstep nito. Hindi niya rin maramdaman ang presensya nito. Kung 'di lang dahil dumalim lalo ang paningin niya kahit nakapikit, 'di niya malalamang may ibang tao na pala.

Nang huminto ang anino sa kanyang harapan, mabilis siyang gumulong pagilid bago buksan ang kanyang mata.

Handa na sana siyang labanan ang kung sino man ang kasama niya sa kwarto pero laking gulat niyang may nakatutok na sa kanyang baril kaya hindi na siya nakakilos at dahan-dahang itinaas ang kamay na parang nagsu-surrender.

Sinuri niya ang 'di kilalang lalaki na nakasuot ng black mask at cap at mata lang ang nakikita nito. Naka-all black din ito at dahil sa suot nito, alam niyang hindi rin ito ordinaryong tao.

"Sino ka?"

Pero instead na sumagot, biglang nag-gesture ito na manahimik na kanyang ikinataka. Mas lalong kumunot ang kanyang noo nang itinanggal nito ang cap at ang mask. Nakita niya ang isang hindi kilalang lalaki.

Alam niyang hindi siya nito sasaktan dahil sa pagpapakita nito ng mukha. Dahan-dahan niyang ibinaba ang kanyang kamay pero alerto pa rin siya. Hindi man niya alam kung paano ito nakapasok sa kwarto ni Jax nang 'di niya namamalayan. Pero alam niyang napakahusay nito.

...

Sa kabilang banda naman, alam ng mga gangsters ang nangyari sa pag-ambush nina Jax at Kitkat. Nang hindi pumasok si Jax, bumalik naman ang mga gangsters sa campus. This time, magkakakampi na ang mga ito at balak nilang sirain ang bagong rules na ginawa ni Jax.

Dahil sa pag-aakalang si Jax din ang pumatay kay Fourth, mas lalo silang na-motivate na paalisin ang binata sa campus at ibalik ang dating rules na kanilang ginawa. They all wanted to kill him because they lost another member. Si Fourth pa talaga na kabilang sa rank 1.

They were also convinced by Stanley that Jax Blaine was the reason why the Yumi was now gone. That Jax Blaine lost the battle between Elites and Black Chili. That he wasn't that good at all for them to be scared.

The Summits promised them a huge amount of money when they're able to take down Jax and bring it to them alive.  Other higher ups of The Blues got stirred up because of knowing that Jax Blaine is still alive.

Sa loob ng isang araw, nanggugulo ang mga gangsters, ginagawa nila ang mga bagay na against sa bagong rules ni Jax. Parang naghahari-harian sa campus at kahit sino na lang ang bubullyhin nila. Pati mga teachers at student councils ay walang nagawa. Palihim lang na babayaran nina Franz ang mga guro para manahimik, of course, hindi alam ito ni Mr. Espayo.

Bumalik lang sa dati sa loob ng isang araw. Mas matindi pa ngayon dahil namimisikal na sila para takutin ang ibang estudyante. Lalo na't magkakakampi ang tatlong gangs, mas lalong dumami ang nag-idolized sa kanila. May mga estudyante ring hindi natuwa dahil mas peaceful 'yong paraan ni Jax Blaine pero wala naman silang magawa.

When Jax entered the campus, he saw lot of posters with his face that were vandalized with a big red 'X'. He just smirked but didn't mind. He was just being reminded by Lavandeir, back when she's a loser and Elites did something like this too. Now it happens to him.

From gossipping to every reactions of the students, he's able to cooped up the situation. He already expected that those gangsters will know he's here because of the gossipers.

Ilang sandali, nakita niya si Caryll na patakbong lumapit sa kanya. Nakikita ang pagkagalak at tuwa sa mukha nito nang huminto ito sa kanyang harapan.

"Buti at nandito ka na pres! 'Yong mga gangsters nanggugulo na nam---"

"I know," walang gana niyang pagputol sa sasabihin sana nito. Medyo nagulat ang dalaga dahil para itong walang pake.

"Si Mr. Espayo..." Kumunot naman ang noo ni Jax nang banggitin ito ni Caryll. "Nasa hospital siya ngayon dahil bigla siyang nahimatay kanina dahil sa sagutan nila ni Franz."

"Which hospital?"

Sinabi naman ni Caryll kung saang hospital ito.

"Is Clark with the gang?"

"H-ha? Ah! Oo, kasama siya sa kanila. Magkaisa na ngayon ang tatlong gangsters pero si Franz ang namumuno sa kanila. At wala kaming magawang mga student council. Natatakot kaming kalabanin sila."

Hindi naman nag-react si Jax o kahit tumango lang. Nakatingin ito sa kanya pero parang malalim ang iniisip nito.

"P-pres?"

"Have you seen, Kitkat Reyes?"

Ilang segundong hindi nakapag-react ang dalaga dahil sa hindi niya inaasahang tanong ng binata. Nakaramdam siya ng lungkot at sakit dahil lang sa tanong nito.

"P-parang nakita ko siya papunta sa room ni'yo tuwing after lunch. B-bakit?"

"Thank you," sagot lang ni Jax at agad na umalis sa kanyang harapan.

Bumuntong-hininga naman si Caryll. "Wala na talaga akong chance?"

...

Itutuloy...