Kitkat's POV
"Kapag tungkol kay Jax, gagawin ko ang lahat para sa kanya. Pero may isa lang akong tanong sa 'yo na hindi tungkol sa 'kin."
"What is it?"
"Masasabi kong miss niyo na ang isa't-isa, bakit hindi ka nagpapakita kay Lav?"
Nakita kong medyo nagulat siya sa aking tanong. 'Yong kaninang cold at nakakatakot niyang tingin, biglang nagkaroon ng halo-halong emosyon. Saglit lang iyon pero napansin ko ang naging reaction niya.
"As much as I wanted to, I can't."
"Bakit?" agad ko namang naitikom ang aking bibig. Baka isipin niyang napaka-chismosa ko.
"She's... she's studying and I don't want her to be disturbed."
Na-touch naman ako sa sinabi niya pero may part din sa 'kin na nakaramdam ng lungkot sa dalawa. Akala ko tapos na siyang magsalita pero may sinabi pa siya dahilan na ako mismo ang nasasaktan para sa kanila.
"Anytime I'll be dead... And I'm trying to survive because I promised her that I'll be back."
Hanggang ngayon ay wala akong idea sa mga pinaggagawa niya. Sa rason kung bakit ginagawa niya ito. Pero dahil sa sinabi niyang kahit anong oras ay pwede siyang mamatay, may kutob akong delikado ang kanyang ginagawa.
'Isa kaya siyang assassin? Secret agent? Hala!'
"Nakakalungkot naman pero nakaka-inspire. 'Yong ginawa mo ang lahat para maka-survive para sa kanya. Hays! Gagawin ko rin 'yan. Gagawin ko lahat para kay Jax!"
Hindi na siya nagsalita pero nakita kong ngumisi siya at medyo napailing. Parang hindi siya makapaniwalang sinabi ko talaga iyon o ano.
Inabot niya sa 'kin ang lahat ng gamit ko at may inabot din siyang baril na ikinagulat ko. Nanlalaki ang aking mga matang nakatingin sa baril tsaka sa kanya.
"Para saan po ito? Hehehe!"
"I won't teach you how to shoot but I want you to learn how to disassemble one. Whenever you encounter someone who point a gun towards you, you just need to snatch it and disassemble it as quickly as you should! Before they can pull the trigger!"
Bumuka ang aking bibig pero walang lumabas na salita. 'Di ko alam kung aangal ba ako o ano. Napatingin ulit ako sa hawak kong baril. Nanginginig pa ang aking kamay. Hindi ako makapaniwala!
'Huhuhu! Totoo ba 'to? Nakakatakot! Ang bigat!'
"I'll be giving you orders on what you need to do! But don't worry, you have an accompany."
"Accompany? Hehehe wala po akong nakikitang ibang tao dito maliban sa atin?" nakangiti kong tanong pero nanlalamig na 'yong mga kamay ko. Sinulyapan ko ang baril at dahan-dahang ibinaba sa kama.
'May makakasama pa ako? Partner in crime? OMG! Ilan kaya? Huhu! Kakagising ko pa lang po!'
Bihis na bihis siya ngayon, katulad ng palagi niyang outfit na naka-all black. May dala din siyang bag, at tinitingnan niya ang apat na baril na nasa sofa sa aking harapan.
"This is how you disassemble it. You need to learn the basic then master it."
At ipinakita niya sa kung paano tanggalin ang mga piraso ng baril, na wala akong idea kung paano niya iyon ginawa. Sinabi niya pa ang pangalan ng mga parts pero hindi ko makuha kaagad!
"Focus on taking out the magazine first."
Inulit niya iyon ng pangatlo, pang-apat, at panglimang beses pero hindi ko pa rin makuha. May kung anu-ano pa siyang sinabi at ang dali lang tingnan kung siya ang gumawa.
Ang bobo ko!
Sinusunod ko naman siya at binalaan niya pa ako nang hinawakan ko ang baril na ibinigay niya para subukang i-disassemble.
"You'll hurt or get killed if you're not careful when it comes to guns. You'll learn and master it someday. But I want you to learn it as soon as possible," nagmamadaling sabi niya pero 'yong boses niya ay malamig at wala pa ring emosyon. Ang hirap i-explain. Parang kalmado na hindi.
Ni isang beses hindi ko pa siya nakitang mabagal kumilos. Parang lagi siyang nagmamadali. Kulang na lang pati paghinga niya ay bilisan na niya.
"You wanna know why I teach you this?"
Dahil sa kanyang malamig na tono ng boses at walang ka emo-emosyon. Pati na sa mga mata niyang nakakatakot, napalunok ako nang wala sa oras.
"B-bakit? Po?"
"You became the target of all our enemies... Of Jax's enemies... I am not there to protect you in every moment. They're already starting to get to you that's why you need toย learn it 'not' too soon!"
Muli akong napalunok dahil sa kanyang sinabi. Kinakabahan ako!
"Infact, how many times you've been in danger already. Thankfully, Jax and others were there."
Biglang bumilis ang tumibok ng puso ko sa hindi malamang dahilan. May iba pa bang nangyari na hindi ko alam? 'Yong naaalala ko lang kasing danger ay n'ong galing kami sa puntod ni Reid at may mga lalaking nakaaway si Jax. N'ong sumabog ang sasakyan. May iba pa ba roon?
Sinabi pa niyang muntik na daw akong bawian ng buhay mabuti na lang daw at nag-CPR si Jax sa akin. Hindi ko mapigilang maiyak dahil sa aking nalaman. Ikweninto niya lahat ng alam niya tungkol sa nangyari at rason ni Jax.
'Hindi ko alam ito!'
Mas lalo akong na-guilty nang naniwala ako sa sinasabi ni Clark. Nagalit agad ako nang malaman kong si Jax ang nagbigay ng CCTV na iyon kay Noreen!
"'Yes, I did it... but for different reason."' Naalala ko pang sinabi ito ni Jax pero binalewala ko lang. Lalo akong na-guilty at nasaktan. Nasasaktan ako tuwing nasasaktan ko siya!
Hindi pinansin ni Exseven ang pagiging emosyonal ko. Hindi na siya muling nagsalita pa at ilang minuto akong hinayaang umiyak. Pero pagkatapos n'on ay ipinagpatuloy niyang ituro sa 'kin ang tungkol sa baril. Mga ilang minuto ay muli siyang nagsalita.
"If you protect yourself, you're already protecting Jax. Believe me, I know that coward!"
"Paano mo nalaman ang lahat ng ginagawa ni Jax? Pwede ba talaga kitang pagkatiwalaan? Si Aki ganito din sa 'kin, 'yon pala isa siya sa kaaway ni Jax at siya ang nagpa-kidnap sa 'kin."
"I'm on the run... I've been running for almost two years now. When knowing that the enemies were already targeting him, I've been keeping an eye on that coward and to people around him. I cannot communicate to avoid getting traced. I wanted to warn them but I can't! That's why I need you two to be my messenger. Be prepared because what we're doing is somehow... difficult."
Hindi ko pa nga alam pa'no mag-react sa sinabi niya, dinagdagan pa niya ng difficult? huhuhu! At ano? Kaming dalawa daw? Sino ang ikalawa?
"Kinakabahan po ako! Alam ko kasing slow ako pagdating sa gan'tong bagay."
"Buti at alam mo!" Agad akong napalingon sa pintuan at gulat na gulat kong tiningnan si Alfonso. "Hindi lang sa ganitong bagay! Slow ka sa lahat! Engot!"
Nakabusangot niyang inabot sa 'kin ang pagkain. Ako naman medyo nag-loading pa kung totoong si Alfonso ba ang nasa harapan ko. May inilapag siya sa sahig na napakaraming simcard at mga keypad phones tsaka niya akong tiningnan at inirapan.
"Bakit siya pa kasi 'yong magiging partner ko? Eh ang slow niyan!"
"T-teka! Ikaw? Ikaw 'yong tinutukoy na magiging kasama ko?" nalukot naman ang aking mukha nang malaman ko iyon.
"Aba't may gana ka pang mag-reklamo! Ikaw nga 'tong ayokong makasama! At ano naman 'yang ginagawa mo? Pag-disassemble lang 'di mo alam?"
"Damang-dama ko ang inis mo no?" sarcastic kong sabi.
'Aba! Parehas lang kaming naiinis dito no! Bakit ba sina Jax at Exseven lagi kaming pinagsasama?!'
"You cannot contact me with the same number anymore." Pareho kaming napalingon kay Exseven nang magsalita siya habang nilalagyan ng simcard ang mga keypad phones. "I'll be the one who'll contact you to give orders and you need to delete it right away the moment you receive text from me."
Pagkatapos n'on ay lumabas si Exseven at ang engot naman ay humiga sa sofa at pumikit.
"Hay!" pagpaparinig niya pa sa 'kin!
Nang maalala ko ang sinabi ni Exseven na dapat kong matutunan ang pag-disassemble, sinubukan ko namang tanggalin ang magazine na pinaglalagyan ng mga bala. Ito daw dapat kong unahing tanggalin dahil kung walang magazine, hindi puputok ang baril.
"Ano nga ulit 'yon?! Parang ito 'yon eh! Pipindutin ko ito at tsaka dit..."
*Bang!*
"Ahh!" Naihagis ko ang baril nang pumutok ito nang sobrang lakas!
Agad na napabangon si Alfonso at natatarantang napalingon sa 'kin. Nagmamadali ding pumasok si Exseven sa loob para tingnan. Ako naman ay napahawak sa aking dibdib sa kaba. Nakakabingi at nakakatakot!
"H-hindi ko s-sinadyang mapindot ang... ang..."
"Waaaahhhhh!" biglang sigaw ni Alfonso dahilan nang napatingin kami sa kanya.
Mangiyak-ngiyak niyang tinuro ang sandalan ng sofang hinihigaan niya at napasigaw ako sa gulat nang makitang doon tumama ang bala. Kunting-kunti na lang at matatamaan na siya.
"H-Hehehe! A-aksidente lang!"
"You can teach her. I'll be going! You can leave the day after tomorrow whether I get back or not."
"Iiwan mo sa 'kin ang babaeng 'to? Eh mapapatay yata ako nito!"
Hindi naman na nagsalita si Exseven dahilan para guluhin niya ang kanyang buhok. Nagi-guilty naman ako. Muntikan na iyon!
Tumayo si Alfonso tsaka nagtaka akong bigla siyang lumuhod sa sahig at nakayuko pa ang ulo nito. Parang natalo sa laban. Ilang sandali lang napahawak ito sa buhok at...
"AHHHHHHHHHHH!" sigaw niya sa inis. Kulang na lang nasa gitna siya ng kalsada at may pa-ulan effect.
"Luh?"
Kinuha ko naman ang pagkain nang samaan niya ako ng tingin. "Anong luh ka diyan ha! Anong luh!"
"Sorry na nga eh diba!"
"Wowww sorry? Ikaw kaya putukan ko diyan!"
"Isusumbong kita kay Jax!"
"Papatayin ko rin 'yong lalaki mo!" Aalis na sana siya sa kwarto nang pinigilan ko siya.
"Teka! Kumusta na si Jax?"
"Ga'non pa rin! Walang pake sa 'yo!"
...
Dalawang araw ang nakalipas at ngayon ay aalis na kami rito. Kagabi pa umalis si Exseven at may sinabi siya sa 'min ni Alfonso na dapat naming gawin. Nalaman ko ring tumatakas din si Alfonso kina Jax para makapunta rito nang palihim. Hindi nga ako makapaniwala na pumayag si Jax na tumira ang engot na 'yon sa condo niya.
'Mabait talaga si Jax, mahiyain lang. Hehe!'
Bumangon ako at parang may kakaiba akong naramdaman nang sobrang tahimik ng kwarto. Tuwing gigising kasi ako, nandiyan 'yong engot at magsesermon agad sa 'kin.
'Himala! Sa'n kaya 'yon?'
May nakita akong pera sa maliit na mesa tsaka isang papel.
*Umuwi kang mag-isa mo! Mag-ingat ka! Maraming magtatangkang patayin ka at isa na ako don! BYE!*
"Ang engot na 'yon! Iniwan ba naman ako!"
Tinuruan niya kasi ako kahapon sa pag-assemble ng baril at naulit 'yong muntik na siyang matamaan kaya galit na galit na naman siya.
Medyo nakuha ko na kung paano pero mabagal pa rin ako. Iba't-ibang uri ng baril pa ang itinuro nilang dalawa ni Exseven sa 'kin. Sumasakit na nga 'yong mga kamay ko!
'Pero kailangan ko itong tiisin para kay Jax! Kung si Exseven kailangan maka-survive para kay Lav. Ako naman kailangan ko rin para kay Jax!'
...
Papasok pa lang ako sa campus nang makatanggap ako ng text mula sa engot.
*From Alfonso Engot:
Oi! san kna? mag ingat ka nkita ko ang gagong aki na yun d2 sa campus!*
Napasinghap ako dahil sa aking nabasa. Ngayong alam ko nang kaaway pala si Aki ni Jax, kinakabahan na ako! Baka mapa'no pa si Jax! Kung kaya niyang ipa-kidnap ako kahit sobrang bait niya sa akin, ibig sabihin, masama talaga siyang tao!
At 'yong mga lalaking kumidnap sa 'kin, alam kong hindi lang sila basta-bastang mga gangsters! Masasama silang tao!
'Malalagay sa panganib si Jax kung magkikita sila ngayon!'
Mabilis kong tinawagan si Alfonso pero huhuhu wala akong load! Pati pang-text wala!
Hindi ko pinansin ang mga estudyanteng nagbubulungan at nagsisitinginan sa 'kin. Hindi ko alam kung issue pa rin sa kanila ang tungkol sa akin at wala na akong pake doon.
"Teka! Nagawa na kaya niya ang inutos sa kanya ni Exseven?"
Saan ba kasi ang engot na 'yon?
Tiningnan ko ang oras sa aking cellphone at napahawak ako sa noo nang makitang lunch time na pala ngayon!
Agad akong pumunta sa cafeteria, at nang makita ko ang asungot na Alfonso na parang wala lang na kumakain, agad ko itong nilapitan.
'Aba! May pangiti-ngiti pa siya! Masaya pa siya!'
"HOY!"
Alam kong narinig niya ako dahil kitang-kita ko ang pagkawala ng kanyang ngiti. Nagpapanggap pang 'di ako narinig ng lalaking 'to!
Kumunot ang aking noo nang makita ko ang larawan na agad niyang itinago. Hindi ako nagkakamali! Si Lav 'yon eh! Mission niya rin kasing bantayan si Lav, utos iyon ni Exseven. Ako ang nagpresenta na ako na bahala sa girlfriend niya pero nang ipakita niya ang larawan ni Lav kay Alfonso para makilala niya, agad ba naman akong inagawan ng misyon!
"Wag mo akong guluhin babae!"
"Anong guluhin? Ganyan ka lang? Chill-chill? Paano naman ako? Anong gagawin ko?"
Eh hindi ko nga alam nasaan si Aki para magawa ko ang misyon ko. Ito namang isa eh hindi sinabi kung saan niya ito nakita! Pinaka-target ko ngayon ay si Aki! Kahit gustong-gusto kong makita si Jax ay hindi pwede! Hindi muna sa ngayon! Baka kapag makita ko siya, yayakapin ko lang agad! Miss ko na siya!
"Manahimik ka nga! Engot! Mamaya na tayo mag-usap!"
"Aba't may gana ka pang magalit pagkatapos mo akong ewan doon? Tsaka pa'no na si Jax? Ha! Wala na lang ba tayong gagawin?"
Huminga siya nang malalim tsaka may itinuro sa aking likuran. Nilingon ko naman ito at parang lumabas ang puso ko sa sobrang gulat nang makita ko siya!
'OMG! Lord? Paano na?'
"J-Jax... Kanina ka pa?"
Mismong boses ko parang 'di ko marinig sa sobrang lakas ng kabog ng aking dibdib. Lalo pa't nagkasalubong ang aming tingin. OMG! OMG!
Nadagdagan pa ang kaba ko nang makita si Aki sa kanyang tabi. Si VP Caryll, at nasa likod nila sina Noreen at Clark. Nilingon ko ang gilid, nandoon din ang ibang gangsters na kakapasok lang sa pintuan at nakatingin sa 'min. At marami pang mga estudyante.
'Bakit nandito si Aki? Sabi kasi ni Exseven di pa nagkikita ang dalawa. Ba't nandito silang lahat?! Ba't nakatingin silang lahat sa 'kin? Ba't walang kumikilos sa kanila?!'
Napasinghap ako at napatakip ng bibig nang maalala ko ang pinagsasabi ko kay Alfonso kanina. Dahan-dahan kong sinalubong ang hindi maipaliwanag na tingin ni Jax sa 'kin.
"J-Jax hehehe m-may narinig ka ba?"
Giniginaw ako sa klase ng kanyang tingin, parang sumasakit 'yong tiyan ko at para akong natatae sa hindi malamang dahilan! Mahihimatay na yata ako sa kaba!
"Aba malamang! Sa laki ng bunganga mo rinig nga ng buong campus!"
Sinamaan ko kaagad ng tingin si Alfonso at hindi na tumingin kay Jax. Kahit gustuhin kong lingunin siya, parang nanigas na 'yong leeg ko at may sarili na itong utak. Ayaw na niyang lumingon kay Jax!
Tiningnan ko ang asungot para sana humingi ng tulong pero kainis! Umiwas ba naman ng tingin!
Ilang beses na akong napalunok ng laway hanggang sa hindi ko na kayang lunukin pa ang mga ito! Bakit 'di ko malunok?!
Napasinghap naman ako nang may biglang humawak sa 'king magkabilang pisngi at ipinaharap sa kanya. Gulat na gulat kong sinalubong ang kanyang tingin. Ilang segundo pa, bigla niya akong hinila at niyakap...
NIYAKAP NIYA A--
"I'm damn worried!" bulong niya.
BULONG NIYA!
OMG! Si Jax ba 'to? Nananaginip pa rin ba ako? Niyakap niya ako sa harap ng karamihan? Sa harap nina Noreen? Kitang-kita ko ang inis niya. Si Caryll naman ay nakasimangot, dahilan na mas lalo kong napagtantong may gusto talaga siya kay Jax base sa kanyang malungkot na tingin.
Biglang humiwalay si Jax sa yakap at basta-basta na lang hinawakan ang aking kamay at kinaladkad palabas ng cafeteria.
Nananaginip pa ba ako?
...
'I'm damn worried! I'm damn worried! I'm damn worried!'
"I'm talking to you, are you okay?"
Nabalik ako sa realidad at muling napatingin kay Jax. Nandito kami sa field. Dito niya ako dinala.
"Ikaw ba talaga 'yan, Jax?"
"What are yo--"
Hindi ko inalis ang pagkakahawak namin ng kamay. Mas lalo ko pang hinigpitan ang paghawak sa kamay niya. "Eh kasi ito, nag-aalala ka na sa 'kin. Nangyayakap ka pa bigla. Sa harapan pa nang maraming tao..." Nakatingin lang ako sa kamay namim kasi ayokong makita niyang kinikilig ako. Nakakahiya kaya! Hihihi!
Muli ko siyang tiningala nang hindi siya nagsalita. Nakakunot ang kanyang noo pero may nakikita akong emosyon sa mga mata niya.
'Totoong nag-aalala siya?'
"I hurriedly go there to save you... only to find out you're not there anymore and everyone was already dead! Damn! I couldn't think straight after that, knowing that I don't have any idea where you are and how are you... I'm worried!"
'OMG!'
'Di ko mapigilang magulat at ma-touch sa sinabi niya. May kung anong bumabara sa lalamunan ko lalo pa't nakita ko ang sobrang pag-aalala sa kanyang mga mata.
Agad akong yumakap sa kanya at 'di mapigilang maiyak. Natutuwa ako! Sobrang saya ng aking nararamdaman sa mga oras na ito. Kasi kung para sa iba ay mababaw lang ang mga sinabi niya, sa 'kin hindi. Si Jax 'yan eh! Hindi 'yan basta-basta magsabi ng ganyan kaya natutuwa akong malaman na nag-aalala siya sa 'kin.
"Pasensya na huhuhu! 'Di ako nag-iingat kaya napahamak ako! At mapapahamak ka rin kung pumunta ka doon para iligtas ako. Ayokong mapahamak ka nang dahil sa akin, Jax!"
'Tama si Exseven! Pa'no kung pumunta nga si Jax doon at 'di siya dumating? Mapapahamak lang si Jax!
Kumalas ako sa yakap tsaka hinawakan ulit ang kanyang kamay at sinalubong ang kanyang tingin.
"Pero ligtas na ako! Okay lang talaga ako! Hindi mo na kelangang mag-aalala sa 'kin! Promise Jax, kakayanin kong hindi maging pabigat sa 'yo!" Itinaas ko ang kanang kamay ko para maniwala talaga siya. Ayoko nang maulit pa 'yon.
Ito lang ang maitutulong ko sa kanya! Tama si Exseven! Magiging sagabal lang ako kapag pag-aalahanin ko siya! Katulad n'ong may nakaaway siya n'ong galing kami kay Reid, sabi sa 'kin ni Exseven na naging defensive lang daw ang paglaban niya dahil sa 'kin.
Nakuha ko na ang ipinupunto ni Exseven sa 'kin. Na-realize ko na. May something kasi sa kanya na lahat ng sasabihin niya ayย maniniwala ka kaagad. Ganyan siya ka cool! Matigas nga 'yong ulo ni Alfonso pero kusa na lang din itong sumusunod sa kanya.
"Why are you saying that?" kunot-noong tanong niya tsaka pinahiran ang mga luha sa aking pisngi.
"Alam ko na ang lahat! Kung bakit mo ako palaging itinutulak palayo sa'yo. Ginawa mo 'yon para hindi ako mapahamak dahil delikado ang pinaggagawa mo. Alam ko ring muntik na akong bawian ng buhay pero naagapan mong iligtas ako! Nong dalawang araw akong walang malay, alam ko ring itinago mo ako dahil ipinaghahanap ako nina Noreen."
"Alam ko rin kung bakit mo nilalapitan si Noreen. Naiintindihan kita kaya hindi mo na kailangang mag-aalala pa sa 'kin!"
"H-how did you know all of this? Who told you? Who... Who really saved you?"
"Si E--"
'Patay!'
"Si... Si ano..." Agad akong umiwas ng tingin dahil baka mahalata niya ako. "Hindi ko kilala Jax eh! Hehe may takip kasi 'yong mukha niya? Oo, 'di ko kilala! Nagising na lang ako nasa amin na ako!"
Kinagat ko ang labi ko kasi nanginginig ito. Kinakabahan ako! Mabuti na lang nakalusot ako!
Huminga siya nang malalim at nawala ang pagkakakunot ng kanyang noo. "I should thank him no matter who he is."
"Ako din gusto kong magpasalamat sa kanya. Pero 'di na importante 'yon Jax!"
'Sana 'di na siya magtatanong pa tungkol doon! Hindi ako magaling magsinungaling!'
"Yes. It's more important that you're fine."
"Pasensya na sa mga sinabi ko sa 'yo n'ong mga nakaraang araw. Nadala lang talaga ako sa galit nang sabihin ni Clark sa 'kin 'yon."
Bigla niyang binitawan ang kamay ko pero muli niya itong hinawakan, in-intertwined niya ang mga ito. Pinigilan ko naman ang aking kilig. 'Di ko alam na marunong pala siya sa gan'to? Eh kasi dati kung dumada-moves siya ay pang-aakit lang ginagawa. Nanununggab ng halik, sa lips at sa hehe leeg tsaka nanghahawak ng legs! Magaling siya doon eh! Ang mang-akit!
'Yiieehhh!
"So it was really him who told you about the CCTV? 'How come after our argument, you were kidnapped?"
"Ha?" 'di ko kasi narinig ang huli niyang sinabi.
"Nothing."
"Lalayuan na talaga sana kita n'on eh! Pero nang malaman ko lahat ng ginawa mo para sa 'kin, nakonsensya ako. Jax ikaw pa rin. Mahal pa rin kita! Katulad niya gagawin ko din ang lahat para sa 'yo!"
Kumunot naman ang kanyang noo. "I know! I already believed your feelings."
Napangiti naman ako sa sobrang seryoso ng pagkasabi niya. OMG! Ba't nakakakilig lahat ng sinabi niya? Bumabawi ba siya sa 'kin? May feelings na din ba siya sa 'kin?
Nakangiti akong hinintay ang susunod niyang sasabihin. Kinakabahan pero excited sa sasabihin niya!
Pero imbes na magsalita, seryoso lang siyang nakatitig sa 'kin. Na parang may iba siyang iniisip? 'Di ko alam.
Napalunok naman ako nang dahan-dahan niyang inalapit ang mukha niya sa 'kin. Lalo pang nagwala ang puso ko nang tumingin siya sa labi ko! Sa labi ko! OMG! Hahalikan niya ba ako?
Nararamdaman ko na ang kanyang hininga! Mababaliw yata ako! Gusto ko nang mabaliw! Gusto ko nang mabaliw sa mga nangyayari ngayon!
"Kung hahalikan mo ako, tayo na! Girlfriend mo na ako at boyfriend na kita!" Ayoko nang sayangin pa ang oras! Pa'no na lang kung may mangyari sa aming dalawa? Lalo pa't may mission pa kami ni Alfonso. Grab the chance sabi nga nila!
Bigla siyang natawa na ikinagulat ko.
"Idiot! I should be the one courting you!" natatawa niya pang sabi. Tumatawa siya! Si Jax tumatawa!
"Alam kong busy ka! President ka ng student council at busy ka pa sa ano. Kaya ako na bahalang manligaw!"
Muli siyang natawa! Ginulo pa niya ang buhok ko!
"Ikaw ba talaga 'yan, Jax?"
Bigla niyang ipinulupot ang braso niya sa bewang ko at hinila papalapit sa kanya.
"It's me! Still remember that we kissed outside Alfonso's room?" nakangisi niyang tanong. 'Yong ngising palagi niyang binabato sa mga tao tuwing nang-aasar siya. 'Yong Jax na mang-aakit! Na-miss ko ito! Kasi ilang araw din kaming hindi nagpapansinan! Last time 'yong nasa hotel pa kami!
Agad akong napasulyap sa labi niya at napalunok. Nag-iinit 'yong mukha ko. Naiinitan ako bigla. 'Yong puso ko napakaingay sa lakas ng pagtibok!
Mabilis akong napapikit ng mata nang mas inilapit pa niya 'yong mukha niya sa 'kin.
'Ito na! Ito na! OMG!'
"Pres!"
Napadilat ako at agad napalayo kay Jax tsaka tiningnan si Vice President Caryll! Nakasimangot ko siyang tiningnan nang magkasalubong ang aming tingin.
'Bakit nandito siya? Bakit ngayon pa?'
"May kailangan kaming ipapa-approve sa 'yo!" sigaw niya habang papalapit sa 'min.
Hindi ko alam! Bigla na lang akong nakaramdam ng inis. Bakit sa lahat ng oras ngayon pa? Ito lang ang time na makausap ko nang maayos si Jax dahil after nito, magiging busy na 'din ako.
Huminga nang malalim si Jax at tumingin sa 'kin. Na parang nanghihingi siya ng permisyon sa 'kin na aalis siya? Dahil doon 'yong inis ko biglang nawala at napalitan ng kilig.
'Si Jax? Humihingi ng permission sa akin?'
"Okay lang. Mukhang importante naman. Sa susunod ulit ha, Jax? Hindi mo pa ako sinasagot," nagpapa-cute kong sabi. Kinikilig ako eh! Si Jax 'yan eh na isang cold-hearted person. Hihihi!
"You can come with us."
"Ha?"
"Come with us."
Tiningnan ko si Caryll pero ang talim ng tingin niya sa 'min. Parang bad mood. Sure na talaga ako! May gusto talaga ito kay Jax!
"Hindi na! May ibang oras pa naman eh!"
Syempre kung magiging kami na ni Jax, ayokong pagbawalan siya sa mga importanteng bagay. Baka 'tulad ni Clark masabihan pa akong nakakasakal na!
Eh kay Noreen lang naman ako nagseselos sa kanya noon. Pinagbawalan ko lang namang gumagala sila kapag nandiyan si Noreen. Alam ko namang mabait 'yan si Caryll. At wala pa akong karapatan.
'Excited na akong magkaroon ng karapatan!'
"You're grinning like an idiot, what are you thinking?"
"Ay nandiyan ka pa pala, Jax? Sige na, kailangan ka na ng members mo. Magkikita pa naman ta 'yo eh!"
Hiniram niya naman sa 'kin ang phone ko tsaka may itinipa doon.
"Call me if anything will happen! See you!"
"Yiiieeh! Jax naman eh! Ikaw ba talaga 'yan?"
"Tss!"
At umalis na silang dalawa habang ako naman nangisay sa kilig. Agad kong tiningnan ang number niya at nakita kong naka-rename na iyon ng 'Jax'. Nakangiti ko namang ni-rename 'yon ng 'Aking Jax!' Yiiieeeeeh!
*To Aking Jax:
Mahal ko, ako 'to ang babaeng mahal na mahal ka! Mwah! ๐๐๐*
Excited ko iyong isinend kaso... huhuhu wala pala akong load!
Bigla namang nag-pop up ang message ni Alfonso kaya agad ko itong tiningnan.
*From Alfonso Engot:
Oi! tapos na ako sa locker ni jax!*
"Hala ang bilis naman!"
Agad kong itinago ang cellphone tsaka tinginan 'yong bag ko at nakita ang envelope galing kay Exseven. 'Di ko alam kung anong laman nito. Bawal kasi naming buksan. Ngayon naman ay pupuntahan ko ang office ni Mr. Espayo para mailagay ko ang envelope.
'Kaya ko 'to!'
...
Third Person's POV
Pagkatapos ng meeting nila sa student council at matapos na niyang mapirmahan ang approval letter tungkol sa outside activity nila, pumunta muna siya sa kanyang locker para ilagay ang iba niyang gamit doon. Nang buksan niya ang locker, may biglang nahulog na isang envelope.
Nagulat siya nang may markang X ang likod ng envelope kaya napatingin siya sa paligid. Nang walang ibang tao sa paligid, agad niya itong binuksan at binasa.
*Jax, I know you already have the info about Noreen. What she told you about your father and Catherine, tell me all about it. And can you please give me the USB you got from your father's house along with Catherine's letter? This can save us.
Bring it tonight at exactly 12mn at this address. You have to be alone so that they can't trace our movements! Thank you in advance!*
Agad na ikinuyom ni Jax ang kanyang kamao dahil sa kanyang nabasa.
'I never heard Exseven called Cath with her full name! He'll never say thank you easily!Whoever this asshole pretending to be Exseven! I'll hunt him down!'
Katulad n'ong naunang letter na natanggap niya. Nagdududa na siya ritong hindi ito si Exseven.
'The fact that he knew that Noreen told me everything, this coward is observing me closely!'
Agad niyang tinawagan si Kernel at itinago ang ang envelope.
...
Itutuloy...
...