Kitkat's POV
"Jax, galit ka ba?" nalulungkot kong tanong sa kanya. Nakaupo siya sa sofa at nakapikit ang mata. Naka-crossed arms at naka-crossed legs din. Kunot na kunot ang kanyang noo at kanina pa niya ako hindi kinakausap. Parang 'tulad lang ng dati.
Pagkatapos niya akong yakapin at sabihin 'yong mga nakaka-touch niyang sinabi na nag-aalala lang siya, kumuha lang siya ng ice bag at binigay sa 'kin. Pagkatapos n'on hindi na niya ako iniimikan at ganito na siya.
"Nagdadasal ka ba, Jax?"
Narinig ko namang natawa sina Kernel at Clent na kakagaling lang sa room ni Jax kung nasaan si Alfonso at ate Violy. Wala naman dito si Angel nang dumating kami. Hindi ko alam kung bakit pero may kutob akong baka dahil 'yon sa nangyari noong nasa bahay kami.
Naikwento ko na rin sa kanila ang lahat ng nangyari pati na ang sinabi ni Franz kay Alfonso. Maliban lang sa tinulungan kami ni Clark. Hindi ko na siya binanggit pa.
Paano kung magselos si Jax kasi nandoon na naman si Clark? Mas lalo lang akong hindi papansinin nitong mahal ko.
"Nagtataka nga ako eh, sabi niya na pinatay mo daw ang isang member nila kahapon eh buong araw naman tayong magkasama diba?"
Hindi pa rin siya umimik kaya bumuntong hininga ako.
"I see! Someone must have been using his name," kumento ni Kernel nang maupo siya sa sofa sa harapan namin dala-dala ang mga baril. Sumunod naman sa kanya si Clent at inilapag ang dalawang patalim at ibang magazine na puno ng bala.
"Ibig sabihin, may gustong siraan si Jax?" tanong ko habang nakatuon ang aking mata sa mga baril sa mesa. Tumango naman siya.
"Bakit ang daming gustong siraan si Jax?" tanong ko nang mahina. Nakakalungkot isipin. Nakakatakot.
"Because he's famous," nakangiting sabi ni Clent at kinindatan pa ako. Tama nga si Kernel na babaero talaga talaga 'to. Nasanay na lang din kami sa kanya kasi kahit sino yatang babaeng kausap niya, kinikindatan niya. Sira siguro mata nito.
Napansin kong parang pamilyar sa 'kin ang ginagawa nila. 'Tulad ni Exseven noon na parang naghahanda sa labanan. Sinusuri nila ang mga baril, patalim, kung ano pang mga bagay na hindi ko alam.
Napansin ko ding iba na ang kanilang mga suot. Sinulyapan ko naman si Veign na kanina pa nakangiti sa veranda habang may katawagan. Iba na din ang suot nito. Naka-leather jacket, may black gloves pa sa mga kamay niya na makikita ang mga daliri, iyong parang tela.
"May pupuntahan ba kayo?" tanong ko at muling tiningnan sina Kernel.
"Isusuli namin 'to sa hideout. You wanna hold it?" tanong ni Clent at inaabot sa 'kin ang hawak niyang patalim na kakaiba ang style.
Umiling naman ako.
"You wanna just touch it?"
'You wanna touch it...'
Napalunok naman ako ng laway. Bakit ibang patalim 'yong naiisip ko!?
Mabilis naman akong napailing at iwinawagayway pa 'yong mga kamay ko. "Hehe hindi na!"
Nagkibit-balikat naman siya tsaka inilagay sa isang parang case ang patalim na iyon.
Napahawak naman ako sa braso ni Jax nang naglabas pa siya ng granada. "T-totoo ba 'yan?"
"Tsk! Why are you doing that here?" naiinis na sabi ni Jax tsaka sinamaan ng tingin sina Clent.
Agad ko naman siyang nilingon at mas hinigpitan ang paghawak sa braso niya para tingnan niya ako.
"Jax! Galit ka pa ba?" agad kong kinuha ang opportunity na kausapin siya. Baka mamaya, hindi na naman ako iimikan.
"W-wala namang nangyari sa 'kin eh! Si Alfonso lang naman ginulpi nila! Hindi naman ako napahamak kasi pinoprotektahan niya ako!" kinakabahan kong paliwanag sa kanya kahit na naikwento ko na 'to kanina. Ewan ko lang kung nakinig siya.
Alam ko kasing galit pa rin siya kasi lumabas kami at ganito ang nangyari sa amin.
"You were slapped! That bastard won't show mercy to you! We don't know what he can do even if you're a woman!"
"Pero dumating naman si Clark! Iniligtas niya ako at tinulungan kaming maka-alis!"
Ayoko mang banggitin pa si Clark kaso kailangan. Hindi yata mapapanatag 'yong loob niya eh.
"What? So he's there?" hindi makapaniwala niyang tanong. Simula kanina, ngayon niya lang ulit ako tiningnan sa mata, pero galit pa kaya nabitawan ko na lang ang kanyang braso.
"Bigla na lang siyang dumating at tinulungan kaming makaalis..." nakayuko kong sabi. 'Yon naman ang totoo eh.
"He's still visiting you there," sabi niya sa walang ganang tono. Huminga siya nang malalim at tumayo.
Susundan ko na sana siya nang bigla akong tinawag ni Kernel. "You want me to teach you how to disassemble this?" tanong niya at ipinakita ang baril na may silencer.
'Alam ko ang baril na 'yan! Nakalimutan ko lang ang pangalan.'
Nag-pout naman ako nang makitang pinihit na ni Jax ang doorknob ng room niya. Hindi ko na lang siya sinundan at muling umupo sa sofa.
"Wah! Ang galing mo naman! Ilang segundo lang natanggal mo na lahat ng parts?" 'di makapaniwala kong tanong. Bigla niya kasing dinis-assemble 'yong baril na hawak niya. "Pwede mo ba akong turuan? Nahihirapan pa rin kasi ako."
"Of course! I'll be your master! Hahahaha!"
"Ito din, paturo paano. Mas nahihirapan ako diyan eh!" sabi ko at itinuro pa ang isa pang baril na nakalimutan ko rin kung anong pangalan.
Natigilan naman siya saglit. "You've seen this gun before?"
"Tinuruan ako ni Exseven sa iba't-ibang klase ng baril. Sumasakit nga 'yong mga kamay ko n'on eh kasi wala akong ginawa kundi tutunan ang mga 'yan. Sabi niya kasi, makakatulong daw ako kahit hindi ako marunong bumaril. Makakatulong daw 'yan sa kaligtasan ko."
"Hmm... He really said that?"
"Hehe iyon ang sabi niya. Sabi pa niya, mailigtas ko lang si Jax kung mailigtas ko ang sarili ko. Kilala niya raw ugali ni Jax. Haha! Ang galing no? Nakakatuwang malaman na may ganyang kaibigan si Jax!"
Sinabi ko na kasi sa kanila na si Exseven talaga ang nagligtas sa 'kin. Sinabi ko ring may dahilan si Exseven bakit hindi pa niya pinapasabi sa kanila na siya ang tumulong sa 'kin. Nakapagtataka lang ay 'di man lang sila nag-react masyado. Parang 'di sila naniniwala. Wala na rin naman silang tinanong pa na iba sa akin.
Inaasahan ko pa namang magugulat sila at magv-violent reaction.
'Yong about sa envelope naman, tinanong ko kay Jax kung anong laman n'on pero dahil hindi nga niya ako iniimikan, hindi niya sinabi kung ano.
"So he's just teaching 'you how to disassemble guns and nothing else?" nakangiti niyang tanong tsaka muling ipinakita sa akin nang dahan-dahan ang pag-disassemble ng baril.
"Hehe oo at tagalagay ng envelope," nakangiti kong sabi. "Sabi niya messenger daw niya kami."
"Hahahah the so dramatic Exseven!" Nagtawanan naman sila ni Clent. "Why don't he show himself to us? I'm expecting a surprise!" sabi niya at ipinagpatuloy ang kanyang ginagawa.
"Hindi pa kasi ngayon ang tamang panahon. May dapat pa muna siyang gawin."
"Oh sige ikwento mo na lahat! 'Wag ka nang mahiya pa!"
Napatingin ako kay Alfonso na paika-ikang lumabas sa room. Nagulat pa ako nang nasa pintuan pa pala si Jax at nakasandal habang nakatingin sa 'kin. Bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa hindi ko maipaliwanag niyang tingin na 'yan.
"Argh!"
Tumayo naman ako at agad nilapitan ang engot nang paika-ikang lumapit siya sa 'min. Sinasamaan pa niya ako ng tingin kaya nag-pout na lang ako.
"Okay ka na?" sabi ko at tiningnan ang kanyang mukha at sinuri ang kanyang katawan.
Nanlaki naman ang kanyang mata nang hawakan ko ang braso niya kung saan may bandage at agad na lumayo sa 'kin. "Lumayo ka nga!"
"Luh! OA nito! Hindi ko naman hahawakan mga sugat mo!"
Umupo naman siya sa sofa kaya napaupo ulit ako. Pareho kaming napatingin kina Clent at Kernel nang muli nilang binuo ang baril nang mabilis. Mangha-mangha naman ako sa nakita.
"Hala ang galing! 'Di ko alam pa'no mag-assemble. 'Yong pagtatanggal lang 'yong alam ko!"
"Engot! Dapat alam mo na 'yon! Commonsense nga!"
Sinulyapan ko si Jax at ganoon pa rin ang tingin niya. Mas lalo lang kumunot ang kanyang noo sa hindi ko malamang dahilan. Nag-pout naman ako at nag-iwas ng tingin. Bigla na lang akong hindi mapakali. Bakit nakatitig pa siya sa 'kin?
Binigay naman ni Kernel 'yong isa pang baril sa 'kin kaya napatuon ang tingin ko rito. Kinuha ko ito at sinubukan tanggalin. Medyo may alam naman na ako rito.
"Mag-ingat ka! Muntik mo pa akong mapatay diyan!"
"Manahimik ka nga!"
At isa pa, pa'no ako makapag-focus kung ramdam ko ang titig ni Jax?
"Ito nga 'yong una!" naiinis na sabi ni Alfonso tsaka hinawakan ang kamay ko at tinuruan ako. "Dahan-dahan!"
Nagulat naman kami nang biglang may umagaw sa baril. Napatingin kami kay Jax na inis na inis na pinagtatanggal ang baril.
"Tsk!"
Umupo naman siya sa pagitan namin ni Alfonso tsaka sinamaan ako ng tingin.
"Ouch! Tangna!" namimilipit na sabi ni Alfonso. Si Jax kasi, basta-basta na lang tinulak si Alfonso sa gilid.
Narinig ko pang natatawa sina Kernel at Clent at nagsi-alisan. "Yiiieeh! Nagseselos 'yong Jaxie natin!" sabi pa niya tsaka kinaladkad si Alfonso paalis.
Naiwan naman kaming dalawa ni Jax at sinamaan pa rin niya ako ng tingin.
"B-bakit?"
"I never expected you were that close with that idiot already! If you wanted to learn that, ask me! I can teach you better than them!"
"Hambog!" kumento ni Veign na kakapasok lang galing sa veranda. Sinamaan naman siya ng tingin ni Jax.
"Jax, may girlfriend ba 'yan si Veign?" bulong ko sa kanya.
"Why?" tanong niya nang sinundan niya ng masamang tingin si Veign na umupo sa harapan namin. Sa pwesto nina Kernel kanina.
"Eh kasi kanina ko pa siya nakitang nakikipagtawagan. Nakangiti pa at good mood. Nakapagtataka lang kasi hindi naman palasalita si Veign," chismis ko sa kanya. Paraan ko na din ito para makalimutan ni Jax na galit siya sa 'kin.
"He's calling Lavandeir..."
Nagulat naman ako. "Ano? Si Lav?" bulong ko ulit.
"He's wasting too much time to that loser even if he knows he cannot get her." sabi ni Jax. Parang pinaparinig pa niya nang sadya kay Veign.
Kumunot naman ang noo ni Veign at parang nagalit.
"M-may gusto siya kay Lav?"
'Hindi ito pwede! Paano na si Exseven?'
"Yes! He love her first before Exseven and Lavandeir meet. But too sad she doesn't love him back like he did!"
"Hoy Jax naman! Masasaktan 'yong tao!" bulong ko ulit.
"He got friend zone! I don't know about them why they love that loser! She's not even that beautiful!"
"Maganda kaya si Lav!" sabi ko naman. Maganda naman talaga siya at medyo cute. Kahit simple siya tignan ay maa-attract ka talaga sa kanya.
"Do you want me to tell your girlfriend that the reason you hate Vanvan is because she looks like your---"
"I am holding a fully loaded gun, Veign Hue!" pagbabanta ni Jax. Napatingin naman ako sa kamay niya at nagulat nang makitang na-assemble na niya 'yong kaninang pinagtatanggal niya.
Biglang ngumisi si Veign na mas lalo kong ikinataka. Napapailing pa siya. Hindi ba siya natatakot? Ginagawa na lang yata nilang laruan 'yong mga baril eh!
"Anong sinasabi niya, Jax?"
"Nothing."
"Was it really nothing?" Tumayo si Veign at nginisihan ako. First time ko yatang makita ang mukha niyang ganyan. Palagi kasi siyang walang pake sa paligid. "Ask me sometime if you're curious," sabi niya sa 'kin at tumayo tsaka umalis.
Pagkatapos n'on ay nagpaalam din si Jax na maliligo daw muna siya. Umalis naman sina Kernel kasi may bibilhin daw sila sa convenience store. Silang lahat kaya ako na lang mag-isang naiwan dito.
Ilang minuto pa ang lumipas ay hindi pa sila bumalik. Bumukas naman ang pinto ng room ni Jax kaya agad akong lumapit sa kanya. Bihis na bihis din siya at may dala pang maliit na bag.
"Pupunta ka din ba sa hideout niyo? Hindi ka makikipagkita kay Franz?"
Hinawakan niya ang mukha ko at tiningnan ang aking pisngi. Bumuntong-hininga siya tsaka umiling. "No, we'll just visit the hideout."
Nawala naman ang pag-aalala ko. "Mag-aantay ako sa 'yo."
"You don't have to. It's too far from here and we cannot get back early. I already asked Violy to sleep with you here tonight. I will be back by dawn."
Niyakap ko naman siya. "Mag-iingat kayo doon, Jax."
Nalungkot naman ako nang hindi man lang niya ako niyakap pabalik. Nakatayo lang siya.
"Galit ka pa rin ba sa 'kin?"
Hindi siya sumagot kaya bumuntong hininga na lang ako. "Mag-iingat ka. Aantayin kita."
Humilaway ako sa yakap tsaka tumalikod sa kanya. Nakakaiyak naman 'yong pagiging ganito niya. Kinakausap niya nga ako nang maayos pero alam kong galit pa rin siya eh.
Bigla niya namang hinawakan ang braso ko tsaka hinila sa kanya at agad na niyakap. "I'm still mad! Don't do something like this again for me. I'm going crazy thinking that you teamed up with that bastard Exseven just for my sake! I'm damned worried!" mahina at seryoso niyang sabi sa 'kin.
Hindi pa ako naka-react ay humiwalay siya sa yakap at agad umalis. Naiwan naman akong nakatayo.
"Jax naman..."
Ilang minuto akong nakaupo sa sofa at hindi alam ang gagawin nang ako na lang mag-isa dito. Bigla namang tumunog ang cellphone ko at si Alfonso ang nag-text.
*From Alfonso Engot:
Hoy! aalis na kmi! wag mong kalimutan ang dapat mong gawin. engot kapa naman!Mag-iingat kyo ni Ms violy!*
"Hala! Nakalimutan ko nga!"
Agad akong napatayo at hindi alam ang gagawin. 'So hindi nga sila pupunta sa hideout at makikipagkita nga si Jax kay Franz?'
Kinabahan naman ako para kay Jax, kahit alam kong ito plano ito ni Exseven. Hindi kasi basta-basta ang The Blues na kinabibilangan ni Franz ngayon!
Ilang sandali pa ay bumalik na si ate Violy. Sinalubong ko naman siya kahit kakasara pa lang niya ng pinto. Agad kong ipinabasa sa kanya ang message ni Exseven kagabi.
...
"This wasn't in our plan, but if this is what he wants, then be it."
"Ano pong plano ate?"
"We know that you and Alfonso were in danger for trusting Exseven! But you didn't even know that person, if he's really him or not! I told them about Exseven's message that he's after the spray!" sigaw niya para marinig ko.
Nakaangkas kasi ako sa motorbike ni ate Violy. Ang cool nga niya tingnan kasi naka-leather jacket na black at naka black pants. Naka-boots pa ito at ang angas niya talaga tingnan.
Sinabi ko rin sa kanya ang nangyari kay Alfonso tungkol sa pag-kidnap sa kanya ng members ni Franz at si Exseven ang tumulong sa kanya. Pati na rin ang planong ito. Kaya naman papunta na kami ngayon sa address na sinabi ni Exseven.
"Alam po nina Jax ang tungkol sa pagkikita natin kay Exseven para sa spray?" pagsisigurado ko.
"Yes but the problem is, we planned to meet Exseven a day before my party! I will act that I will help you meeting him! But I didn't know he wanted to meet us this early!"
"Wag po kayong mag-aalala ate! Si Exseven po talaga 'yong tumulong sa 'kin!"
"How can you know he's really him when in the first place you don't know his face? He suddenly show up and tell you he's Exseven right?"
Agad akong natigilan dahil sa kanyang sinabi. Hindi ako makasagot at bigla na lang nakaramdam ng kaba.
'Oo nga! First time ko lang siyang nakita n'ong pumunta siya sa bahay ko at ipinaabot sa akin ang envelope kay Jax!'
"We're still investigating about his issue! The way he killed your kidnappers, he isn't as cruel as that! On how he manipulated us ang the other organization, it's impossible that he did it alone especially that he's still on the run!" dagdag niya at 'di ko na alam ang sasabihin pa.
Mahigpit kong hinawakan ang first aid kit nang mas lalong binilisan ni ate ang pagpapatakbo ng motor. Nandito kasi 'yong spray sa loob. Pinaliwanag na niya sa 'kin kung anong spray ito. Nakakagulat mang malaman na may ganito pala talaga.
Wala siyang dalang spray dahil nga biglaan itong pagkikita namin kay Exseven. Mabuti na lang at nakita niyang may natira pa si Jax na binigay niya. Isang maliit na bote na lang ito na nasa 10ml.
Hindi din sana niya dadalhin ang first aid kit kaso sinabi ko na baka kailangan namin ito dahil tuwing umuuwi kasi si Exseven doon sa pinag-stayhan namin, palagi kong nakikitang sugatan siya.
Bumuntong-hininga ako para tanggalin ang kaba sa aking dibdib. Binabagabag kasi ako sa sinabi ni Ate Violy.
"Ate, kinakabahan po ako! Hindi na lang kaya tayo tutuloy?"
"We have to since we don't have other time! And I also wanted to catch that bastard! If he's really him or if he's just someone pretending to be him!"
"Buntis po kasi kayo! Natatakot ako baka mapahamak po kayo!"
"Don't worry! I can still fight!"
"Nakakatakot naman po kayo ate!"
"Besides, someone is following us since the moment we left from the condo!" sigaw niya at napapikit na lang ako nang lumiko siya. Feeling ko matutumba na yata kami sa sobrang pagliko niya.
'Huhu!'
Nang tumuwid na 'yong daan, nakahinga ako nang maluwag. Nilingon ko naman ang likuran at tama nga siya, meron ngang nakasunod sa amin na naka-motor din.
Ilang minuto pa ay huminto si ate sa isang napakalawak na lupain. Walang ibang tao, walang ibang bahay, at wala yatang makakatunton ng lugar na ito.

"Nandito na po ba tayo?"
"Yes so always stay alert!"
"O-opo!"
Tiningnan ko ang paligid. Kahit medyo madilim ay nakikita ko pa rin ang mukha ni ate dahil maliwanag ang buwan. Seryosong-seryoso siyang nakatanaw sa dinaanan namin kaya tumingin na din ako doon.
May nakita akong ilaw na papalapit nang papalapit hanggang sa mapagtanto kong isa 'yong motorbike. Huminto ito nang makalapit sa 'min. Akala ko si Exseven na pero parang babae ito dahil sa porma ng katawan.
"Angel?" gulat kong tanong nang tanggalin niya ang helmet. "B-bakit ka nandito?"
"It's really you! So why are you here?" tanong ni ate Violy.
"Alam kong makikipagkita kayo ni Exseven ngayon. Gusto ko ring malaman kung siya nga ba talaga! Please let me," sabi niya nang nakayuko.
"I'm not angry with you. Please understand Kernel and others. They're just disappointed that you didn't tell us about our master."
Nagpalipat-lipat naman ang tingin ko sa kanilang dalawa. Magre-react na sana ako nang sabay silang naging alerto nang may mga ilaw ng motor ang nagsidatingan.
"Shit! Are we being trapped?"
"I don't know! It's not just you that's been following us!" sabi ni ate Violy. "I tried losing them but they still catch us!"
Nagulat naman ako. 'Ibig sabihin kanina pa niya alam na may sumusunod sa 'min? Paano?'
Sabay silang dalawa na naglabas ng baril at ako naman ay hindi alam ang gagawin.
"Stay here!" sabi ni ate Violy pero pinigilan din siya ni Angel.
"No, just please stay with her too! I know you're pregnant. Hindi po maganda sa buntis ang makipag-away! Ako na bahala dito!"
"But---"
"Sisigaw na lang ako kung kelangan ko po ng tulong mo! Please let me..."
Ilang segundo pa bago tumango si ate tsaka hinila niya ako palayo kay Angel. Wala pa namang pwedeng pagtaguan dito kaya lumayo na lang kami. 'Buti na lang at gabi na.
Huminto naman ang mga kalaban at nagsibabaan. Natatakot naman ako at pilit na pinapalakas ang aking loob. Ako ang nagdala sa kanila dito kaya mas lalo akong nag-aalala. Lalo pa't ngayon, parang nagdududa na ako. Sana talaga si Exseven nga ang dumating.
"Here!" nagtataka naman akong napatingin sa baril na inabot sa akin ni ate. "In case if something will happen."
"P-pero---"
"That's just for protection. I'll teach you."
Tinuruan niya ako kung paano ang tamang paghawak ng baril. Paano itutok nang maayos at ang kailan pwedeng ipaputok. Mabilis niya iyong tinuro sa 'kin. Hindi ako nakaimik at nanginginig lang na hinawakan ang mabigat na baril.
Parang nag-blanko saglit ang utak ko.
Napatakip naman ako ng tenga nang makarinig ng ilang beses na pagputok na baril. Napaupo ako at parang nahirapang huminga dahil sa takot.
"I'm here! Look at Angel, she's the one who's killing them so don't worry. She's okay!"
Dahan-dahan kong tiningnan sila at napanganga na lang ako nang si Angel nga ang nagpaputok ng mga iyon. Unti-unti akong napanganga sa pagkamangha dahil sa galing niya makipaglaban.
"Hala!"
"Stay here! I'll back her up!"
Hindi ko naman siya mapigilan pa nang mabilis siyang tumakbo palayo sa 'kin at tinulungan si Angel.
Sobrang dami ng kalaban versus silang dalawa lang at puro pa babae. Hindi naman ako makagalaw at nanatiling nakatingin sa kanila. Ngayon ko lang sila nakitang makipaglaban pero hindi ko alam na ganito sila kagaling.
Naka-on kasi ang mga lights ng motorbike ng sasakyan ng mga kalaban kaya kitang-kita ko ang mga nangyari.
Nanglaki ang aking mata nang makitang wala ng bala si Angel at itinapon na lang nito ang baril at buong lakas na nakikipagsuntukan at sipaan. Kahit ganoon, ang galing niya pa rin.
Nagtatago kasi ako sa likod ng motor ni ate Violy at hindi ako masyadong makita rito dahil nasa kanila naka-focus ang lights ng motor. Nanginginig kong binuksan ang upuan ng motor. Nakita ko kasing naglagay dito si ate ng isang baril kanina bago kami umalis.
Mabilis kong kinuha ang baril at napapatakip pa rin ng tenga kapag nagpuputukan sila.
'Kaya ko to! Bakit kasi wala akong silbi dito eh!'
Nanginginig naman akong lumapit sa kanila dala-dala ang dalawang baril para ibigay kay Angel.
Ilang hakbang pa lang nagawa ko ay muli akong napaupo dahil tumilapon sa harapan ko ang isang lalaki. Nagkatitigan pa kami! Para akong isang daga na hindi makagalaw nang makita ng isang pusa.
"Close your eyes!" sigaw ni ate Violy kaya napatingin ako sa kanya at napapikit na lang nang makita nakatutok na sa lalaki ang kanyang baril.
Narinig kong pumutok ang baril niya at naramdaman ko ang malagkit na likido sa aking mukha at braso. Pagtingin ko, agad akong napaatras nang sa akin tumalsik ang dugo nito.
"Kitkat! Why are you here?" sigaw ni Angel at sinamaan ako ng tingin. "Just hide!"
"Ito po!" at nanginginig kong itinaas ang mga baril kaya napahinga siya nang malalim. Inihagis ko naman iyon sa kanya na mabilis lang niyang sinalo.
"Thank you! Now get away from here!"
Hindi na ako makasagot dahil busy na ulit siya sa pakikipaglaban. Ako naman nag-aalalang nakatingin kay ate Violy.
Biglang may tumilapon sa akin na isang baril kaya napatingin ako sa lalaking kaaway na papalapit sa akin. Kukunin na niya sana ang baril niya nang inunahan siyang barilin ni ate Violy.
Gusto ko nang mahimatay sa takot!
Kinuha ko ang baril na iyon at nanginginig na tinanggal ang magazine at pinagtatapon ang mga bala nito.
"You're good!" sigaw ni ate Violy at nakita ko siyang ngumisi! May inihagis siya sa 'king isang baril at muling nakipagsuntokan doon sa isa pang kalaban.
Kahit marami na silang napapatumba, marami pa rin silang kalaban. Para silang nasa pelikula na sobrang galing makipagbarilan at suntukan. Habang ako, busy sa pagtanggal ng mga magazine na hinahagis nila sa pwesto ko.
"Here!"
Ngayon ko lang nakuha, pwede palang magazine lang tanggalin at 'di na kailangan tanggalin lahat ng parte! Ba't ngayon ko lang 'to nalaman? Or nakalimutan ko lang?
"Argh!"
Pareho kaming napatingin ni Angel nang tumilapon si ate Violy. Parang may sariling utak ang aking mga paa at nagmamadaling lapitan siya. Ang lakas ng tibok ng puso ko sa kaba at pag-aalala!
"Ate!"
"Kitkat! Stay away!" sabay na sigaw nila.
Hindi ako nakinig at naiiyak na nilapitan si ate lalo pa't dumura siya ng dugo. Pilit siyang bumangon kaya agad ko siyang tinulungan.
"Kasalanan ko 'to!" naiiyak kong sabi tsaka buong lakas kong itinayo si ate.
Agad namang humarang si Angel sa harapan namin tsaka itinaas ang kanyang dalawang kamay na parang sumusuko na siya. "Susuko na kami! Anong kailangan ninyo sa amin?"
"Ate!"
Namimilipit kasi siya habang nakahawak sa kanyang tiyan. Mas lalo akong naiyak. May sugat din siya sa binti at braso.
Walang nagsalita sa kanila at wala ding gumalaw. Naiiyak naman ako nang palibutan nila kaming tatlo.
"Sabing suko na kami! Sino kayo?"
"They're members of The Unknown! I saw their tattoo!" bulong ni ate Violy sa amin. Nagkukumpulan na kaming tatlo dito. Kung alam ko lang paano makipaglaban. Kung marunong lang sana akong makipag-away!
Natatakot pa rin ako pero hindi katulad kanina. Mas nag-aalala ako sa kalagayan ni ate Violy. Kasalanan ko kung may mangyari sa kanya at sa baby niya. Hindi ko yata mai-imagine kung mangyari man iyon.
Lumapit naman 'yong isang lalaki sa 'min at agad na sinuntok sa tiyan si Angel. Napaluhod naman siya tsaka tiningnan nang masama ang lalaki. Agad ko naman siyang hinawakan para alalayan.
"Nasaan si Exseven!?" galit na sigaw ng lalaki.
"Tanga ka ba? Kaya nga pumunta kami rito para mahanap siya, at hahanapin mo pa sa amin! Fuc--"
"Angel!" nag-aalala kong sabi nang muli siyang sinuntok si Angel sa tiyan at muli siyang napayuko.
"Alam naming nakikipagkita siya sa isa sa inyo! May tumutulong sa kanya!"
"So he's not with him?" bulong ni ate kaya napatingin ako sa kanya.
Bigla naman akong hinablot ng lalaki at mas ipinaharap sa kanya tsaka sinamaan ako ng tingin. Nanginginig naman ako sa takot at mas lalong napaiyak.
"Nasaan ang walangyang iyon!?"
"H-hindi n-namin alam!"
Tinitigan niya naman ang mukha ko na parang sinusuri. At napaupo na lang din ako sa sakit nang suntikin niya ako sa tiyan. Sa sobrang sakit, parang bigla akong nakaramdam ng pagkahilo.
Agad naman akong inalalayan ni ate Violy! Kung hindi lang sana buntis si ate, matagal na niyang napatay ang mga ito! Marami din silang napatumba kahit mga babae sila.
"Wala nga silang alam! Patayin ang mga 'to! Bwisit! Naisahan na naman tayo ng gagong 'yon!"
"Pero mga babae sila! Sayang naman kung hindi na 'tin pagkatuwa---"
Nagulat kaming lahat nang biglang itong namatay nang tamaan ng baril sa ulo. Napatakip pa ako ng mata dahil nakakatakot makita ang mukha niya. Nakaka-trauma!
Naging alerto naman sila at agad napatingin sa likuran kung saan kami dumaan kanina. Nabuhayan ako nang loob nang makita ang isang lalaking mabilis pinagbabaril ang mga kalaban nang walang pagdalawang-isip. Hindi pa nga siya nakalapit sa amin ay ilang kaaway na ang napatumba niya. Katulad noon, puro sapul sa ulo.
"Exseven!" sabi ko nang ma-realize kong siya ito.
Hindi naman nagsayang ng panahon si Angel at muling nakipaglaban. Habang ako naman, ay sinamahan si ate Violy na lumayo sa kanila.
Napatingin ako kay ate nang napahinto siya. Nakatingin siya kay Exseven at kunot na kunot ang kanyang noo.
"Ayan po si Exseven ate!" nagagalak kong sabi.
"It doesn't look like him... That's not how he fight..." parang wala sa sarili niyang bulong habang nakatingin pa rin dito.
Ilang minuto pa ang nakalipas nang makita naming wala ng isang kalaban na nakatayo. Agad kaming lumapit sa kanila. Si Angel naman ay kinakapos ang hininga habang nakatingin kay Exseven.
"Exseven!" tawag ko.
Nang makalapit na kami, tinanggal niya naman ang black mask na nakatakip sa kanyang ilong at bibig. Inayos niya ang kanyang black cap tsaka sinalubong ang tingin ni ate Violy.
"I was fooled for believing that you're not him... How are you, Exseven?"
"I am fine, Violy! Sorry I'm late!"
Kunot na kunot ang noo ni ate Violy at parang hindi makapaniwala sa kanyang nakita. Sinuri pa niya ang kabuuan nito.
Napatingin naman sa 'kin si Exseven tsaka tinanguan. "Good job!"
"Kinabahan po ako, na baka naloko na naman ako. Baka hindi talaga ikaw si Exseven!"
"Lavandeir miss you so much. Y-you should see her sometime."
"Oo nga po! At kanina ko lang nalaman may gusto pala si Veign kay Lav! Nagtatawagan kasi sila ng isang oras!"
'Yong kaninang seryoso niyang mukha, mas lalo pang naging seryoso. Nagkasalubong pa ang kilay niya at sobrang sama ng tingin niya sa 'kin. "For an hour?"
"O-opo kanina..."
'Luh? Bakit parang nagalit yata siya?'
"D-Diba ate? Ate!"
Mabilis naman kaming napahawak sa kanya dahil bigla siyang napaluhod.
...
Itutuloy...