Third Person's POV
"Violy! Are you alright?"
"Ate!"
"I am fine! My knees were just hurting! And it's part of being pregnant to suddenly feel like this. Don't worry, I'm a doctor myself!" sabi ni Violy tsaka pinipilit na tumayo.
"You need to be treated first! Sorry for troubling you even knowing that you're pregnant."
"You knew?"
"Xian told me."
"You met Xian?"
"He's helping me."
Matagal namang nakapagsalita si Violy dahil pino-process pa niya ang sinabi nito. Napagtanto na niya kung bakit ang hirap hulihin si Exseven at kung paano nito nagagawa ang mga bagay na mag-isa. Napagtanto na niya ngayon.
"How's your parents? How is master?" nag-aalalang tanong ni Violy.
Kahit hindi ipinakita ng binata ang kanyang lungkot at pag-aalala, alam nina Violy at Angel ang nararamdaman ng binata. Hindi naman alam ni Kitkat ang tungkol dito dahil wala pa namang sinabihan na iba si Exseven maliban sa mga taong tumutulong sa kanya.
"I bet you already know what happened. I lost contact to them."
"If it wasn't because of Angel, we wouldn't know. We just lost contact to the both of you until you called us before that you were on the run."
"It's too dangerous if I go back to the org without knowing our other enemies! I don't wanna involve someone. Those shits who were after me, they're minions of other mafias who wanted to get us down! Other organization formed together and planned to eliminate us! We were held captive by The Blues who were also part of that formed organizations!"
"Then how is it? Why don't you ask help from me and Hero?"
"Don't worry, Violy. Xian isn't just the one who's helping me, also Lavandeir's father and Mr. Taki. Five months since we escaped from their bullsht prison, Mr. Liander and Xian found me," sabi niya tsaka sinulyapan saglit si Angel.
"Di pa ako nakapagpasalamat sa 'yo. If it's not because of you, I can't get out there alive. Maraming salamat!"
Tumango naman ang binata. "You're welcome! I helped you 'cause I once saw you being with Kernel."
Napangiti na lang si Angel dahil sa sinabi nito at muling naalala si Kernel na hanggang ngayon ay galit pa rin sa kanya.
Muling humarap si Exseven kay Violy.
"We will someday contact Hero but not you 'cause we know you're having a baby. We couldn't afford to gamble our one of the best researchers."
"Thank you for the compliment! But I am just too curious, why are you fooling us? What about those letters and missions from you? Jax Blaine is still cursing you for involving his girlfriend."
Ngumisi naman si Exseven at sinulyapan si Kitkat na nagtataka. "If I didn't save her that time and let him witnessed how his girl were hurt, he'll go mad and insane again!"
Natawa naman ang dalawang babae maliban kay Kitkat na napasimangot na lang. "Wag niyo pong pagkaisahan si Jax!"
Napailing na lang ang dalawa at si Exseven naman ay hindi pa rin makapaniwalang may babae pang magtatanggol nang ganito kay Jax.
"And I know that coward will be persuaded and join The Blues, so I distract him for letting him think that his girlfriend were in danger. But it's true that there's someone using my name to give those missions to them! I don't want Wilder to be reminded by his past again, so I was confused why he's investigating Noreen Forbes! I only called the four of them and was about to give missions but yet, someone's already giving them using my name!"
"So that means whoever that person is, is after the USB? What about the USB?" pagtutukoy niya sa letter na natanggap noon ni Jax.
"I still don't know! Wilder has it. Alfonso copied the content of the envelope that was found in his locker and altered the address. I was the one who met him that night while her and Alfonso met Wilder. My hunches were really right, it was the leader of The Unknown, elder brother of Cath. He's using my name to fool all of you!"
"Paano na po si Aki? Nandoon din po ba siya kasama ng leader ng The Unknown?" nalilitong tanong ni Kitkat.
Isa sa dahilan bakit kailangan niyang makipag-close ulit kay Aki dahil 'yon ang utos ni Exseven. May kutob kasi si Exseven na may koneksyon si Aki o Kei Tamaki sa leader ng The Unknown. Lalo pa't kung paano pa ito nabuhay eh alam nilang namatay na si Kei three years ago.
"He's not there but I confirmed he's really a part of The Unknown... and your ex-boyfriend might be the one who did everything what Aki told him. Aki is killing the gang's members one by one."
Kumunot naman ang noo ni Kitkat at hindi makapaniwala sa kanyang narinig.
"Si Aki? P-pero si Jax ang pinagbintangan nina Franz. Bakit niya naman pinapatay ang mga iyon? B-bakit... At si Clark..."
Naalala niya ang ilang beses na sinasabi ni Clark tungkol kay Aki. Na si Aki ang nagsabi sa kanya na masamang tao si Jax.
'Na-brainwash niya si Clark? Pero hindi naman gan'on kadaling maloko si Clark. Bakit?'
"We don't have enough time to talk about anything else! Violy, they are investigating and searching information about The Aeon because of the spray. Put it on hold and stop using it for the meantime.
I have a favor to the three of you, don't let Wilder and others know that I am really here! I will keep fooling you to fool the leader of The Unknown! To let him think that you're still following his orders! He still doesn't know yet that it was me he met that night.
While he's being distracted, Xian, Mr. Liander and Mr. Taki will make a move to save my parents! We'll be moving as secretly as possible so that The Formed Organization doesn't know we are already making a move... So the same happenings three years ago won't happen again! If ever someone will ask about me, tell them I'm still on the run!" nagmamadali niyang paliwanag sa tatlo.
"Reyes, tell the two of them about The Blues when you have time! Especially, why you need to stop your boyfriend to join their organization!"
Agad namang tumango si Kitkat. "Ay oo nga pala, 'yong spray!"
Kinuha niya ang spray sa loob ng first aid kit at agad na ibinigay kay Exseven. Bigla naman silang nakarinig ng tunog ng motorbike kaya agad silang napalingon doon.
"Kei Tamaki is here! He's the one who planted his minions to follow you! I killed the others before coming here!"
Sabay silang nagulat dahil sa sinabi nito. Agad namang isinuot ng binata ang mask at ibinaba ang black cap tsaka mahigpit na hinawakan ang kanyang baril. Hindi pa nakalapit ang motorbike ni Kei nang pinaulanan na ni Exseven ng bala kaya napatigil sa paglapit ang mga ito.
"Exseven, ako na bahala dito. Pwede ka nang umalis! Wala pang dapat nakakaalam na nandito ka diba? Kaya umalis ka na!"
Nagkatinginan naman sila at ayaw iwan ng binata ang tatlong babaeng nandito hanggat hindi pa sila ligtas, kahit pa alam niyang magaling sina Angel at Violy.
"We're fine here! You can go!" sabi ni Violy.
Huminga naman nang malalim si Exseven. "But you're pregnant!"
"I don't need to fight, I will just use my gun to kill them!"
Muli siyang bumuntong-hininga. "I won't leave until you're safe! I will back you up so you don't have to worry!"
"You are still hard-headed!" inis na sabi ni Violy tsaka tinanguan si Angel.
Agad na lumapit ang dalawa para salubungin sina Kei Tamaki at ang isa pa nitong kasama. Habang sina Kitkat at Exseven ay tahimik lang na nakatago sa likod ng motorbike. Mabuti na lang at gabi na. Kahit maliwanag ang buwan, hindi pa rin sila masyadong nakikita.
"About what you said earlier..." Napatingin naman si Kitkat kay Exseven nang bigla itong nagsalita. "You really think that Veign still love Lavandeir?"
"Ha? Hehe 'yon po kasi nakikita ko. P-pero baka mali lang po ako hehe. Huwag niyo na po i-mind iyon."
Hindi naman na sumagot si Exseven. Bigla namang may naalala si Kitkat. "Ay oo nga pala, may gagawin daw pong party sina ate Violy at a-attend daw si Lav! Pumunta ka doon para magkita na po kayo! Gagawa po kami nina ate ng paraan kung gusto niyo po."
Napaisip naman ang binata tsaka tumango. "They're doing the party for them to catch me using my girlfriend! Bastards!"
"S-sina Jax? Pa'no niyo po nasabi?"
"My hunches!"
"Oo nga po pala, nakita ni Jax ang envelope," sabi niya at ikweninto ang iba pang nangyari about kay Franz.
"It's fine! That envelope is meant to be found by him! Those are just warnings for him!"
Magtatanong pa sana siya kung anong warning pero pareho silang napatigil nang
nakarinig sila nang putok ng baril kaya muli silang napatingin kina Violy. Nakita nilang natumba ang isang kasama ni Kei at si Kei naman ay napapaatras habang pinaulanan din ng bala sina Angel. Napadapa naman ang dalawa at gumulong para hindi matamaan ng bala.
Nang makita nilang nagmamadaling umalis si Kei Tamaki ay agad na lumapit sina Exseven at Kitkat sa kanila. Hinawi naman ni Angel ang takip sa mukha ng kasama ni Kei.
Napasigaw sa gulat si Kitkat nang makitang nauubo ng dugo ang binatang nasa harapan niya. Natamaan kasi ito sa may tiyan. "Clark!"
Dahil doon napatingin si Clark sa kanya at nagulat din nang makita siya. "K-kitkat! Why ah! Why are you here!?"
"You can leave! Kami na bahala rito!" utos ni Violy kaya tumango naman si Exseven "I will contact the three of you again before your party!" sabi ng binata at nagmamadali na itong umalis.
"Clark!"
Agad namang inalalayan ni Kitkat ang binata nang maubo itong muli.
"I didn't know he's him. Pasensya na," paghinging tawad ni Angel at umiling lang si Kitkat. "Hindi mo naman kasalanan. Kasalan niya ito!" sagot ng dalaga na tinutukoy ang nanghihinang si Clark.
"Ate, a-anong gagawin natin sa kanya? Mamamatay ba siya? Papatayin niyo ba siya?"
"No! Get the first aid kit! I'm gonna take the bullet and treat him for the meantime! But if he still wanted to fight us then we might end his life!"
"Ako na kukuha!" presenta ni Angel.
Naiiyak naman si Kitkat. Kahit galit pa rin siya rito, kahit wala na siyang feelings dito, nag-aalala pa rin siya sa binata at ayaw niya pa rin itong mamatay.
Umabot ng isang oras at kalahati nang makuha ni Violy ang bala at matahi ang sugat nito. Ilang sandali, biglang naging alerto ang dalawa nang maramdamang may papalapit sa kanilang tunog ng motorbike. Bumaba naman doon si Kei at nagulat nang makitang ginagamot ni Violy si Clark.
"Get your hands off him or I'll shoot!"
"Aki!"
Agad na itinaas ang dalawang kamay ni Violy tsaka dahan-dahang lumayo kay Clark. Sinamaan naman ng tingin ni Kitkat si Aki. "Ikaw ang may kasalanan nito! Dinamay mo siya dito!"
Natawa namang lumapit si Aki sa kanila. "It's me? You're delusional! He's teaming up with me for you! Now, get your hands off him!" sabi nito at tinutukan ng baril si Kitkat kaya natakot naman itong napaatras.
Hinila naman ni Angel si Kitkat tsaka hinayaang tulungan ang nanghihinang si Clark ni Kei. Pagkatapos n'on ay umalis na ang mga ito.
Ilang minuto pagkatapos makaalis nina Kei, bigla namang nanghina si Violy kaya agad na tinulungan nina Angel at alalayan itong makatayo.
"Ate, okay ka pa ba? Kaya mo pa ba?" natatarantang tanong nito. "Ate, may nararamdamam ka bang kakaiba sa baby mo? Okay ba siya?"
Natawa na lang na tumango si Violy kahit nanghihina ito. Dahil na rin siguro sa pagod ay nakaramdam siya nang pag-blur ng paningin.
Halos mag-isang oras silang nagpahinga dahil hindi pa kayang mag-drive ni Violy ng motor. Si Kitkat naman ay tinulungan na gamutin ang mga maliliit na sugat nila habang malalim ang iniisip.
Ilang sandali pa nakarinig sila ng maraming tunog ng sasakyan at motorbike. Nakita din nila ang mga ilaw nito.
"Bwiset! Ba't ang dami bang nakaalam ng lugar na 'to? May nag-a-announce bang may live show dito?" reklamo ni Angel at muling hinanda ang sarili at ang baril.
"Hoy! Kitkat, I think you need to learn shooting this time!"
Kinakabahan naman si Kitkat nang abutan siya ng baril ni Angel. "Kayanin mo kung gusto mong mabuhay pa tayong tatlo dito!"
Bigla namang napaupo si Violy kaya sabay silang napalapit dito. "Ate! Ate naman 'wag ka munang mamamatay!" naiiyak na sabi ni Kitkat na ikinakunot ng noo ni Angel.
"Seriously?"
"Anong gagawin na 'tin? Nakapikit na si ate! Kailangan na ba siyang i-CPR? Angel, anong gagawin?" natatarantang tanong ni Kitkat.
Nagpalipat-lipat naman ang tingin ni Angel sa mga paparating na mga kalaban, kay Violy, at kay Kitkat.
"Anong CPR sinasabi mo diyan? She's still breathing!"
"Ay! Oo nga!"
"Put yourself together Kitkat kung ayaw mong ikaw ang gawin kong paen sa mga kalaban! Wala akong pake kung patayin ako ng Jax Blaine mo!"
"Huhu! Paano na si ate? Paano na si baby?Paano na tayo?"
"Hindi ko din alam! Wala akong alam sa medicine!"
"Shut up the two of you!" naiinis na sabi ni Violy habang nakapikit pa rin ang mata. "Nahilo lang ako!"
"Shit! Malapit na sila! Kitkat! 'Yong baril!" sigaw ni Angel kaya natarantang humarap si Kitkat habang mahigpit na hinawakan ang baril at itinutok sa mga ito.
"Sasabihin ko sa 'yo kung babari---"
"AHHHHHHHHHHHH!" nakapikit pang sigaw nito at walang tigil na pagkasa ng baril at pagkalabit ng gatilyo sa kung saan hanggang sa maubos 'yong mga bala.
Naging tahimik naman ang paligid kaya idinilat niya ang kanyang mata.
"N-nawala na! Nawala na sila! Namatay na sila? Ha?" napatingin siya kay Angel na nakanganga ang bibig at 'di makapaniwalang nakatingin sa kanya. 'Di kalauna'y napaupo si Kitkat dahil nanghina siya sa kanyang ginawa.
"Kitkat!"
"Violy!"
"Angel! Ate Violy!"
Pareho silang napatingin nang makitang nagmamadaling tumakbo sa kinaroroonan nila sina Jax, Veign, Kernel, Clent, Alfonso, at kasama pa nila si Hero. Sila 'yong inakala nilang kalaban.
"Violy! Violy! How are you!" nag-aalalang tanong ni Hero sa kanyang asawa.
"Jax! Si ate Violy!"
"Damn it! What the fuck happened?"
"Let's get out of here first, let's talk after!" suggestion ni Kernel.
...
Nakaangkas naman si Kitkat sa motorbike ni Jax at mahigpit na napakayap sa bewang nito. Nag-aalala siyang baka magalit na naman sa kanya si Jax dahil sa nangyari.
Gulong-gulo din ang kanyang isipan dahil sa nangyari. Lalo pa't dahil kay Clark. Hindi siya makapaniwala sa nangyari. Ayaw man niyang mag-aalala sa binata pero hindi niya maiwasan.
Nag-aalala din siya kay Jax, kina Exseven at kay Violy at sa baby nito sa tiyan. Kung panaginip lang ito, gusto niya na lang gumising. Parang napagod siya kahit hindi naman siya sumali sa pakikipag-away.
Hindi nga niya namalayang hindi pala sila papunta sa condo. Nakapikit lang siya at tahimik na nakayakap sa bewang ni Jax. Ilang sandali, huminto sila sa isang convenience store.
Nagtataka naman siya nang bumaba si Jax. Tiningnan niya sina Kernel at nauna na ang mga ito.
"Stay here!"
Tumango lang siya habang nakayuko. Iniiwasan niyang tingnan si Jax. Nag-aalala siyang baka galit na naman ito sa kanya. Nakokonsensya din siyang mas iniisip niya si Clark ngayon. Hindi pa rin siya makapaniwalang hahantong sa ganito si Clark.
Lalo pa sa sinabi ni Aki na ginawa iyon ni Clark dahil sa kanya.
Pagkatapos bumili ni Jax, hindi na muna siya lumabas ng store at nakatitig lang sa kanyang girlfriend na malalim ang iniisip. Nakayuko pa ito at ilang beses bumuntong-hininga.
Lumabas siya ng store tsaka muli nilapitan ang girlfriend niya. Sinulyapan niya ito pero hindi siya nito tiningnan.
"Let's go!" sabi niya tsaka hinawakan ang dalawang braso ni Kitkat at iniyakap sa kanyang bewang.
Pumunta sila sa park, 'yong park na pinuntahan nila noong ibibigay sana niya ang USB. Pinakiramdaman niya rin ang paligid at mabuti na lang ay walang nakasunod sa kanila.
Nang makababa si Jax, hinawakan niya ang bewang ng dalaga tsaka binuhat para makababa. Doon lang natauhan si Kitkat nasa park sila.
"Bakit tayo nandito?"
Nginitian niya naman ito tsaka hinawakan ang kamay. "To date." At ipinakita niya ang binili niyang ice cream in cup at cheesecake.
Hinila niya ito papunta sa swing tsaka pinaupo ni si Kitkat doon habang siya ay nakaupo sa harapan nito para magkapantay ang kanilang height.
"Here, eat this. It's your favorite."
Gulat naman siyang tiningnan nito na may halong pagtataka. Tiningnan niya muna si Jax bago kunin ito.
"Bakit mo alam na gusto ko 'yong chocolate ice cream?"
"I always saw you before, eating that while crying alone or when you're troubled. You look ugly yet funny when you're torturing the ice cream!"
"Jax naman..." naiiyak niyang sabi. "Akala ko galit ka pa sa 'kin eh!"
"I still am, but it doesn't matter when seeing you so troubled about something... You can share it to me like you always does. I will listen this time."
"Sabi na eh, 'di ka talaga nakikinig noon!"
"You were annoying that time. Now here, I will let you annoy me," nakangiti niyang pang-aasar dahilan na hinampas siya nito nang pabiro sa braso.
Natahimik sila at muling sumeryoso si Jax na hinihintay ang sasabihin niya. Hinawakan pa niya ang kamay nito para i-assure na makikinig siya.
Huminga naman nang malalim si Kitkat. "Magagalit ka ba kung tungkol ito kay... kay Clark?"
Kumunot saglit ang noo ni Jax nang marinig ang pangalang iyon pero agad siyang umiling para i-assure sa dalaga na okay lang sa kanya. Deep inside, kinakabahan siya sa 'di malamang dahilan. Kahapon pa siya naiinis sa lalaking iyon. Lalo pa't pinipilit at nasaktan nito si Kitkat noong nasa bahay sila ng dalaga.
"What about him?"
"Nandoon siya... kasama ni Aki. Nabaril siya ni Angel kasi 'di namin alam na siya iyon! Pati ako nagulat nang makita ko siya doon! Mabuti na lang ginamot siya ni ate Violy."
Nanglaki naman ang kanyang mata nang hindi nagsalita si Jax at nakatingin lang sa kanya. "Pero promise, wala na akong nararamdaman sa kanya. Matagal na akong naka-move on. 'Di ko lang talaga maiwasang magtaka kung bakit ginawa niya iyon. 'Di ko maiwasang mag-alala kasi---"
"I know, I understand so you don't have to explain. I trust you... But if you'll worry 'bout him like this again, always tell me."
Tumango naman ang dalaga. "Galit ka pa ba sa 'kin?"
"I told you, I still am. Especially, what happened tonight. I wanted to know what really happened but not for now. Let's just date."
"Maganda mag-date dito sa park... sa gabi. Nakakatakot kasi parang may multo yata dito, Jax. Pero nandiyan ka naman hehe!"
Nakahinga naman siya nang maluwag nang ngumiti si Jax sa kanya. Tumayo siya sa swing tsaka kinain ang ice cream. Hinila niya si Jax at ito ang ipinaupo sa swing na inuupan niya kanina. Sinubuan niya rin ito ng ice cream na agad naman nitong kinain.
"Kumusta naman 'yong pagkikita mo kina Franz?"
"You knew?"
"Oo, nag-text si Alfonso. Kung alam mo lang, labis akong nag-aalala sa 'yo. Okay ka lang? 'Di ka napagod? May mga sugat ka?"
"You wanna sit on my lap?"
Natigilan naman ang dalaga.
"Ayan ka na naman! Anong konek niyan sa mga tanong ko? Oh!" Muli niya itong sinubuan ng ice cream na agad din nitong kinain.
Hinila naman siya ni Jax at niyakap ang kanyang bewang. "You're always making me worry!"
"Sorry."
Ganoon lang ang posisyon nila hanggang sa maubos ng dalaga ang ice cream. Pareho nilang gusto ang sitwasyong ito, na silang dalawa lang sa ilalim ng malamig na gabi. Nakayakap ang binata sa kanya at hinahayaan niyang ganito sila kalapit.
Kung may makakakita mang iba, mapagkakamalan silang multo dahil wala ng ibang tao dito maliban sa kanila.
"You still think of him?"
"Hmm?"
"Your Clark."
"Jax naman! Ex ko naman na 'yon eh! Hindi ko na naisip pa 'yon. Nakalimutan ko bigla."
"It's his fault why he was shot. No matter what the situation is, it's his fault so no need to worry about him."
"Nagseselos ka ba?" 'di makapaniwalang tanong ng dalaga at pilit na hinarap si Jax.
"I am."
"Gusto mo din bang mabaril para mag-aalala ako sa 'yo?" natatawa niyang tanong. "Hehe promise, iyon lang talaga. Isa pa, hindi lang din naman siya. Nag-aalala ako pati kay ate Violy at sa baby niya. Kay Angel, kay Exseven---"
"You don't need to worry about him. He won't die."
Napangiti naman siya at hinampas nang pabiro si Jax sa balikat. Hinawakan niya ang mukha nito tsaka hinalikan ang labi ng mabilis.
"Oh ayan. Magseselos ka pa!"
"Even if your kiss can melt my jealousy, you're not allowed to worry other guys. You're too kind and the way you act like that can make a guy interested in you."
Hindi naman naintindihan ng dalaga ang gusto nitong ipahiwatig.
"Si Exseven ba tinutukoy mo?"
"No way in hell he'll be interested in you. He's too in love with the loser."
"Si Clark?"
"And some other guy I know."
"Ha?"
"Nothing."
Hinawakan naman ni Kitkat ang buhok ni Jax at pinaglaruan ito. "Jax, masaya akong naging tayo na. Ngayon ko lang alam na seloso ka pala! Na ganito ka ka-clingy! Yiieeh! "
"Out of nowhere?"
"Hahaha! Naalala ko kasing 'di ka namamansin noon. Ngayon, nalalapitan na kita ng ganito nang hindi ka nagagalit. Nayayakap, nahahalikan. Hahaha! Alam mo ba na noon palang gusto ko nang paglaruan ang buhok mo? Mukha kasing malambot! Minsan nai-imagine ko tuwing naglalagay ka ng wax sa buhok, gusto ko ako naglalagay. 'Yong mga ganon? 'Di ko akalaing magugulo ko ang buhok mo! Hahaha"
Tahimik namang nakikinig ang binata. Dinaramdam ang bawat salita nito. Dinaramdam ang sarili niyang damdamin sa mga oras na ito na kasama ang dalaga.
"At hindi pa rin kasi ako makapaniwala... Na nangyayari talaga ang mga ito. Na kakaiba ang trabaho mo at napakainosente ko sa bagay na palagi mong ginagawa. Pati na kanina, di ako makapaniwalang natuklasan ko ang nangyaring labanan at patayan. Kung paano gagawin ng bawat-isa para lang maka-survive. Pati ang paghawak ng baril... Ang pagpapaputok nito."
"Kahit masangkot ako sa gulo mo, masaya pa rin ako. Napakadelikado... Na parang any moment ay may mangyayari. Nakakatakot pero nakaka-thrill! 'Yong parang unti-unti ko kayong nakilala, unti-unti ko ring naiintindihan ang mga rason ninyo kung bakit niyo ito ginawa..." Sinalubong niya naman ang tingin ni Jax.
"...Nang makilala ko ang tunay na ikaw, mas lalo lang akong nahulog sa 'yo. Gusto ko ring gawin ang lahat para sa 'yo! Delikado man o buwis buhay... Dahil mahal kita."
Niyakap naman siya nang mahigpit ni Jax. Nakaupo pa rin ito sa swing habang siya ay nakatayo sa harapan ng binata sa pagitan ng legs nito.
"Don't you dare die for me because I'll be the one who'll do that for you."
"Hehe! Ang galing mong magpakilig no? 'Di halata sa mukha mo."
"I told you, I'm an expert."
Humiwalay naman si Kitkat sa yakap tsaka lumayo ng kunti sa kay Jax at hinawakan ang kamay nito.
"Ba't bigla mo na lang akong dinala dito at naisipang manlibre ng ice cream? Hahaha pagkatapos pa talaga sa matinding nangyari kanina no?"
"Because you look troubled. Let's go! They might be waiting for us."
"Jax, salamat dahil gumaan ang pakiramdam ko ngayong nasabi ko ang mga iyon sa 'yo!"
"We're both thankful!"
...
Itutuloy...