Warning: this chapter has violent scenes. Readers 18yrs old and above only are allowed.
...
Third Person's POV
Habang naghihintay sina Kernel, Alfonso, at Violy sa isang convenience store malapit sa building ng condo ni Jax, 'di naman mapakali si Alfonso. Lalo pa't sinabi ni Exseven na hindi lang ang The Blues ang pupunta doon. Kundi may posibility na pupunta din ang The Unknown.
"Chillax dude!" nakangising sabi ni Kernel sa kanya tsaka inalok siya ng yosi. Umiling naman ang binata. "Hindi ako nagyoyosi!" pagtanggi nito na ikinagulat naman ni Kernel.
"Hmm very unexpected from the likes of you!"
Hindi naman na nagsalita ang binata at patuloy na lang sa pagbuntong-hininga.
'Kung gano'n, mayari pa kami nito! Anak ng! Ano bang tingin ni Exseven sa mga 'to? Makapangyarihan? Kami lang laban sa dami ng mga 'yon?'
Nang dumating na si Jax, itinapon naman ni Kernel ang yosi at inapakan ito tsaka excited na lumapit kay Jax na hindi man lang nag-abalang bumaba sa kanyang motorbike.
"Jaxie! What's up ma bro!"
Nagtataka namang napatingin si Alfonso kay Kernel dahil parang excited pa ito sa mangyayari. Eh siya naman ay sobrang kinakabahan na.
Tiningnan lang ni Jax si Kernel tsaka tinanguan si Violy na bumuntong-hiningang lumapit sa kanya.
"Are you really sure about this?"
"Please stay with her. Don't let her know that I am meeting Franz," sobrang seryoso nitong sabi. Masasabi talagang wala ito sa mood. Alam nilang lahat na hindi papayag si Jax na manatili na lang pagkatapos ng nangyari sa dalawa.
Wala namang nagawa si Violy at tumango na lang. Ayaw niya sanang papupuntahin ang binata doon at ipagpalipas na muna kaso alam niyang hindi niya ito mapipigilan. Kanina pa ito tahimik at wala sa mood. Mabuti na lang talaga at nandiyan si Kitkat na nagpapakalma sa binata kaya nagpapasalamat na lang din si Violy doon.
Bigla namang bumulong si Kernel kay Alfonso, "Can you feel that aura? Galit na galit 'yong Jaxie natin. That's because of what happened to the two of you!"
Nang umalis na si Violy, automatic namang napaiwas ng tingin si Alfonso nang tingnan siya ni Jax. Hindi naman siya sinamaan ng tingin. Natakot na lang siya bigla.
"Hindi na lang kaya tayo pupunta doon? Bukas pa naman 'yong deadline ni Franz," kinakabahang suggestion ni Alfonso.
Magaling siyang makipag-away pero natatakot pa rin siya lalo na't alam niyang hindi lang naman sina Franz ang makakaaway nila doon.
"Why bro? It's just Franz and his gangs!"
"Alam nating pareho na kasali sila sa The Blues. Posibleng nandoon din sila. Hindi lang gangs ang makakaaway natin d'on!"
"Don't worry pre! Veign and Clent are watching them. We won't interact if they won't join Franz but we'll join the fight if The Blues are going to involve..." Ngumisi naman si Kernel tsaka sumakay sa kanyang motorbike.
"The Blues lang naman... or sila lang nga ba?" dagdag pa nito dahilan ng pagkagulat ni Alfonso. "Baka mamaya may iba na namang haharang sa daan," makahulugan nitong sabi.
"Hop in!" sabi ni Jax sa kanya kaya hindi na niya tiningnan si Kernel.
'Anak ng! Manghuhula ba 'yang tangina? Kaya pala mas siya 'yong sinabi ni Exseven na mas iingatan namin!' sa isip niya nang sulyapan niya si Kernel na nauna nang umalis.
...
*Flashback:
"I am Exseven and she's going to be your partner."
Ilang segundo siyang hindi nakakilos dahil sa sinabi nito. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa lalaki at kay Kitkat.
"Partner? At teka nga..." Kinuha niya naman ang larawan na nakuha niya sa mansyon ni Jax. "...Ikaw 'to diba? So ibig sabihin, magkaibigan kayo ni Jax Blaine?"
Kinuha naman ni Exseven ang larawan. Larawan nilang apat nina Natasha, Jax, Reid, at siya. Nagulat pa siyang makita na meron pa palang larawan na ganito.
"Where did you get this?"
"Sa mismong kwarto ng gago! Sa mansyon ng kanyang ama!"
Natigilan naman si Exseven at napaisip. "If he's going there, Noreen Forbes might have already told him about his father and Cath."
"Kilala mo si Noreen?"
"I've been hiding and running away from the Forbes, just like Noreen and his brother, Franz. Elder brother of Cath is hunting them because they're one of his families."
"Tangna! Baliw na yata ang gagong 'yon! Sariling pamilya pinapatay? At ikaw bakit ka naman naging target?"
"What I told you about those guys who're following you and Jax Blaine? Those eye tattoos? Their leader is Cath's elder brother."
"ANO! Ang mga gagong 'yon! Diba sabi mo na naging target nila si Jax dahil 'yong ibang members nila ay galing sa Yumi at gustong maghiganti kay Jax? Pero bakit pati ikaw?"
"Cath was somehow connected to the two of us! That coward Jax Blaine is just unlucky! I am being targeted by the leader while he's being targeted by both leader and some members. It's his karma!" nakangising sabi ni Exseven.
Kumunot naman ang noo ni Alfonso dahil parang natutuwa pa itong mas madaming gustong patayin si Jax Blaine.
"Don't worry! Jax Blaine won't die easily! I already killed him once yet he's still well and alive."
Dahil doon napaatras naman si Alfonso at nakaramdam ng takot.
'Anong meron ang mga taong 'to?'
...
"They're already searching for the two of you and you already know what to do to fool Wilder. Minions of The Unknown were also observing you in your campus so be careful. If my hunches were right that it's their leader who's giving those missions to Jax Blaine pretending to be me, that coward will be trapped."
Sinabi sa kanila na hindi lang sina Jax ang maaaring magmamatyag sa kilos nilang dalawa. 'Yong ibang members ng The Unknown ay mga nagpapanggap na estudyante din sa paaralang pinapasukan nila.
They were already there even before Jax Blaine transferred. They found the siblings, Franz and Noreen, yet they cannot kill them because they're already members of The Blues. They know that The Blues were also part of the Formed Organization kaya hindi kayang basta labanan iyon ng kuya ni Cath.
Nang malaman nilang buhay pa si Jax Blaine, pinagmamatyagan na muna nila ito at doon naisipang gamitin si Jax Blaine para kalabanin ang magkapatid. Sa paraan na dapat makasali si Jax sa The Blues. Killing two birds in one stone...
Because there is a rule when joining The Blues. Once you join in, you cannot leave the org alive. That's why Jax received a mission to investigate Noreen because Noreen is connected to The Blues and Catherine.
"So ibig sabihin ay magpapanggap kaming engot at kunwari ay hindi ikaw 'yong nag-utos sa 'min pero parang ikaw talaga na hindi? Ha? Nakakalito!" tanong ni Kitkat habang kinakain ang mansanas na binalatan ni Alfonso.
"Hindi mo na kailangan magpanggap. Engot ka naman na talaga!"
Sinamaan naman ng tingin ni Kitkat si Alfonso pero binalewala lang ito ng binata.
"Be aware of Kernel. He's the smartest when it comes to deductions. He know how to let others speak their secrets effortlessly. He might as well show you pictures of me to confirm if it's really me. You need to act that you don't know me."
Hindi naman ipinakita ni Alfonso ang larawan nina Exseven at Jax dahil utos iyon ni Exseven. Tinanong naman ng binata kung bakit, ang sagot lang ni Exseven ay, "Because she's transparent and innocent. She easily trust, then easily doubt. It's better that she doesn't have evidence that Jax Blaine and I were really friends. One day she might suspect me if I am really the real Exseven. Because of her personality, Jax Blaine won't stayed still and will focus on finding me than joining The Blues."
*End of Flashback*
...
Nagpaiwan naman si Kernel sa labas ng bowling club kung saan ang lugar na sinasabi ni Franz. Away ito nina Jax kaya hinayaan na niya ang binatang harapin ito. May kutob si Kernel na may kakaiba pang mangyari dito dahil kanina pa niya nakikitang tumitingin si Alfonso sa cellphone na parang may hinihintay na mensahe.
N'ong ilang beses niyang sinundan ito, palaging dumadating ang mga kalaban, The Blues man o The Unknown. Malakas ang kutob niyang involve dito ang Exseven na sinasabi nila.
Pumalakpak naman si Franz nang makita sina Jax Blaine at Alfonso na pumasok sa loob. Sinabihan na din kasi siya ni Alfonso na dadating si Jax ngayon.
"Nandito na kami kaya 'wag mo nang guluhin ang kapatid ko!"
Tumango naman si Franz pero makikitang hindi ito sincere kaya naiinis si Alfonso. Nandoon nga ang tatlong gangsters maliban sa kulang ng ilang members ang Gold Snakes at wala ang leader ng Mysterious Knights. Wala si Clark.
Tiningnan niya rin ang paligid at wala ng iba ang nandoon. Walang The Blues at wala ang The Unknown kaya napahinga nang maluwag ang binata.
"Well, Jax Blaine! How does it feel seeing us with missing members? Look at us! You wanted to kill us don't you? Kill us here while we're facing each other, not on behind our backs!"
Hindi naman nagsalita si Jax at nananatiling nakatingin kay Franz. Pagod na siyang makipag-usap dito. Pagod na siyang magbigay pa ng warning.
"Sigurado ka bang si Jax Blaine ang pumapatay ha? Magkasama kami kahapon nang buong araw! Paano siya makakapatay? Bobo!"
"Excuses and reasons! Jax Blaine Wilder is like that! He loves killing members!"
Naglabas naman si Jax ng dalawang dagger mula sa bag na dala niya tsaka binitawan ang bag sa sahig. Dahil doon humanda na rin ang mga members ng gang. Makikita sa mga ito na kinakabahan silang harapin si Jax pero wala silang choice. Kung 'di nila mapapatay si Jax ngayon, sila ang mananagot.
Alam naman ni Jax na nanunuod lang sa kanila si Stanley kasi kanina pa niya naramdaman ang isang presensya na nakatingin sa kanya. Alam niya ring sinadya ni Stanley na ipaalam sa kanyang nanunuod lang siya sa kanila.
"What will you do now---"
Hindi naman natapos ni Franz ang kanyang sasabihin nang bigla na lang sumugod sa kanila si Jax nang walang sabi. Mabilis naman siyang napaatras kaya ang unang kinalaban ni Jax ay ang mga members nito. Kitang-kita niya ang galit sa mga mata ng binata sa bawat pag-atake nito.
Hindi naman makakakilos si Alfonso dahil parang nakalimutan yata siya ng mga ito na nandito pa siya. Lahat kasi naka-focus kay Jax.
Mabilis at puno ng panggigigil ang paraan ng pag-atake ni Jax kaya wala pang sampung minuto ay napatumba na niya ang ibang members. Pinagsasaksak niya ang mga ito nang maraming beses pero hindi pinatamaan ang mga vital points.
'Di niya nga pinapatay pero kung ako sa kanila mas gustuhin ko na lang mamatay sa isang bala ng baril! Ang brutal ng tangna!' sa isip ni Alfonso nang makita kung gaano nahihirapan at namimilipit ang mga members.
'Yong usap-usapan nila noon sa loob ng Yumi na hindi basta-basta si Wilder at walang pusong makipaglaban. 'Yong Wilder na kinatatakutan nilang mga trainee noon bilang parte ng Yumi, natuklasan na ni Alfonso iyon ngayon.
'Siya nga talaga ang gagong 'yan!'
Pati si Noreen ay hindi alam ang gagawin. Kung noon ay namamangha pa siya sa binata, ngayon naman ay natatakot na siya rito. Mas lalo siyang kinabahan lalo pa't wala dito si Clark at ngayon niya lang nalaman ang kalagayan niya.
Hindi nakakabuti ang away na ito para kay Noreen kaso wala siyang choice. Nanunuod sa kanila si Stanley. Binigyan sila ng huling chance, ang patayin si Jax o ang dakpin ito para piliting pasalihin sa kanila.
Nang matumba na lahat ng members, mabilis na nakalapit si Jax sa dalaga at handa na sana siyang saksakin ng patalim nang napasigaw siya sa takot. "I'm pregnant! D-Don't hurt me and my baby!" naiiyak nitong sabi na ikinagulat niya lalong-lalo na si Franz.
"Are you out of your mind? Why you let it happen! You really love Clark?" galit na tanong ni Franz kaya mas lalong napaiyak si Noreen.
"Please Jax! Don't hurt me! For my baby please! Please!" Wala siyang choice, kahit alam niyang nanunuod si Stanley sa kanila, bigla na lang siyang lumuhod at humingi ng pakiusap kay Jax. Dahil kung hindi, mamamatay siya ngayon mismo.
Kung alam niya lang na ganito ang mangyayari. Kung nakilala lang sana niya ang binata na ito pala si Wilder, hindi na sana nila ginulo pa. Ilang beses na silang binigyan ng warning pero hindi sila nakinig.
Hindi naman nagsalita si Jax at binalingan na lang si Franz. Agad niya itong inatake pero nakailag ito.
"You will also experience the feeling of being the reason why your members will die! But I'll doubt you will feel guilty!" galit at seryosong sabi ni Jax kay Franz tsaka niya sinipa ang binata sa tyan nang napakalakas.
Inihagis niya ang dagger nang malakas kay Franz nang matumba ito. Hindi naman siya pumalya at napasigaw na lang ang binata nang bumaon ang dagger sa tiyan nito. Mabilis na nakalapit si Jax sa kanya at mas idiniin pa ang patalim at ginagalaw ito dahilan na napaubo ng maraming dugo si Franz. Hindi na siya nagsayang ng oras pa at mabilis na ibinaon sa leeg ang isa pa niyang hawak na dagger.
"K-Kuya! Kuya!" naiiyak na tawag ni Noreen.
"You shouldn't have touch her! I always told you to leave me and the people around me alone!"
"Anak ng! Jax!" sigaw ni Alfonso para sana balaan ang binata pero huli na nang makarinig sila ng putok ng baril.
Napahawak naman si Jax sa kanyang likod malapit sa bewang nang makaramdam siya nang matinding sakit sa bandang roon. Nang makita niya ang daming dugo, agad niyang nilingon ang kinaroroonan ng bala.
"Stanley!" galit niyang sabi.
Nakita niyang natawa ito habang nilalaruan ang kanyang baril.
Bigla naman silang nakarinig na barilan sa labas kaya pareho silang natigilan. Palihim namang tumakas si Noreen habang naalis sa kanya ang atensyon ng lahat.
Agad naman sinugod ni Jax si Stanley dahil ilang beses na niyang in-imagine kung paano niya ito papatayin, simula pa lang noong pinasabog nito ang sasakyan at nasa loob ang kanyang girlfriend.
"You will gonna kill me? Do you know what will happen if you kill one of the higher ups in our organization?" nakangisi nitong tanong tsaka pinaulanan ng bala si Jax kaya walang nagawa si Jax kundi ang magtago sa likod ng isang haligi.
"Jax!" tawag sa kanya ni Alfonso na mabilis na tumabi sa kanya at ibinigay nito ang kanyang bag. Agad din naman niya itong kinuha.
Nang makuha niya ang baril na nasa bag, mabilis niyang pinutukan si Stanley pero magaling din ito at hindi basta-bastang natatamaan.
Mahigpit niyang hinawakan ang isang dagger sa kabilang kamay at sa kabila ay ang kanyang baril. Huminga siya nang malalim at pinagmumura sa kanyang isipan si Stanley.
Marami pa itong sinasabi sa kanya pero hindi siya nakinig dahil busy siya sa paggawa ng paraan paano patahimikin ito.
Hindi na nga niya napansing madami ng dugo ang umaagos sa kanyang likuran kung saan siya nabaril.
"What abou it Jax Blaine? What will you do if your girlfriend will---"
"Hoy! Manahimik ka tanda! Ang dami mong satsat!" sigaw naman ni Alfonso. "Wag mong damayin ang babaeng 'yon dito!"
Kumunot naman ang noo ni Jax.
"I heard that you like his girlfriend! Franz told me!" natatawang sabi ni Stanley kay Alfonso.
Mabilis namang nagkatinginan sina Alfonso at Jax. At base sa naging reaction ni Alfonso, alam ng binata na totoo ang sinabi ni Stanley.
"Pinagsasabi mo diyan! Chismoso ka ring matanda ka!"
Huminga nang malalim si Jax at lumabas sa kanyang pinagtataguan. Hindi na siya nagdalawang-isip na barilin ang kamay nitong may hawak na baril. Nabitawan naman nito ang baril kaya tumakbo si Jax palapit sa kanya nang subukan nitong abutin ang baril. Sinipa naman ito ni Jax palayo.
"You were affected, aren't you?" natatawang tanong ni Stanley habang nakangising nakaharap kay Jax. Hawak-hawak pa nito ang kamay.
Pinutukan naman ni Jax ang binti ni Stanley kaya namimilipit itong napahawak sa binti.
"You won't kill me if I were you. I know where is Exseven and his father! They were held captive!"
Hindi nakinig si Jax at muling ikinasa ang baril tsaka itinutok ito kay Stanley at muling binaril. Binaril niya isa pang binti nito dahilan na napasigaw na ito sa sakit.
"You think that I came alone? It doesn't matter if I will die here, kid! Our org won't forgive you for killing me. You cannot live peacefully after this! You cannot be with your girlfriend after this! They won't stop 'till you surrender!"
Natigilan naman si Jax dahil sa sinabi nito. Ngumisi naman si Stanley dahil sa naging reaction ni Jax.
"Do you want to involve her in this? She's innocent! D'you really want her to suffer!" sabi nito tsaka pilit na tumayo at lumapit kay Jax.
"Wag kang makinig sa matandang 'yan, Jax! Natatakot lang 'yang mamatay!" sigaw naman ni Alfonso pero hindi naman nila pinansin ito.
Sinamaan ng tingin ni Jax si Stanley nang lumapit pa ito sa kanya. "How many days she's been absent in the class? Her peaceful student life were ruined by you the moment she got involve! If you will kill me, our organization will hunt you including her! She'll run for the rest of her lives!"
Unti-unti namang nabitiwan ni Jax ang baril nang mag-sink in ang mga sinabi ni Stanley sa kanya.
Bigla namang nakaramdam si Jax nang matinding sakit sa tagiliran at napatingin sa may bewang niya. Nakita niyang may nakabaon na doong patalim na isinaksak sa kanya ni Stanley. Parehong pwesto kung saan siya nabaril kanina.
Napaubo naman siya ng dugo at napaluhod sa sobrang sakit na kanyang nararamdaman. Lalo pa't diniinan pa nito ang pagsaksak.
Narinig niya namang ikinasa ni Alfonso ang baril nito kaya muli niyang pinigilan ang binata. "Get out of here, idiot!" nahihirapang sabi ni Jax pero hindi nakinig si Alfonso.
Buong lakas niya namang hinawakan ang patalim na nakabaon sa kanyang bewang tsaka binunot at agad na isinaksak sa leeg ni Stanley. Dahil sa bilis ng pangyayari, hindi nakakilos si Stanley at namimilipit na nakahawak sa leeg. Umaagos ang dugo rito pati na sa kanyang bibig.
Agad namang tinulungan ni Alfonso si Jax na makatayo. Bago sila umalis, kinuha ni Jax ang baril niya tsaka itinutok ito sa noo ni Stanley.
"Higher ups? You were just a mere recruiter!" sabi ng binata tsaka kinalabit ang gatilyo ng ilang beses hanggang sa maubos ang bala nito.
"Anak ng!" takot na sabi ni Alfonso.
...
Nang makalabas sila sa bowling club, nagulat si Alfonso na ang daming nakahilerang patay na katawan. Nakita na lang nilang busy sa pakikipaglaban sina Kernel, Veign at Clent at marami pang iba na hindi nila kilala. Kunti na lang ang mga kalaban ng mga ito kaya mas lalong hindi makapaniwala si Alfonso.
Ang daming tao na nag-aaway. Hindi na nga matukoy ni Alfonso kung sino ang mga kaaway at kakampi. Ang tanging kilala lang niya ay 'yong tatlo.
"You can help them!" nahihirapang sabi ni Jax tsaka tumulong na rin sa pagbaril sa kalaban kahit nanghihina.
Walang nagawa si Alfonso kaya nakipag-away na rin nang pati sila ay sugurin ng ibang kalaban.
Lagpas kalahating oras bago sila matapos. Agad nilang inalalayan si Jax at tinanong naman nila kung anong nangyari. Si Alfonso na mismo ang nagkwento.
"Sino ang mga taong 'yon?"
"My members. Red Chilli's members. Of course, I anticipated this fight and I'm right! May haharang nga sa daan!" pagtutukoy ni Kernel sa mga The Unknown na biglang sumulpot at sa iba pang The Blues.
Umiwas naman ng tingin si Alfonso at tinulungan na lang si Jax.
Si Veign naman ang gumamit sa motorbike ni Jax at si Jax ay nakasakay sa sasakyan ni Clent. Dumiretso naman sila sa hideout kung saan tumutuloy si Violy.
Agad na tinulungan nina Kernel na gamutin si Jax. Tinanggal na rin niya ang bala sa may bewang nito. Dahil doon, muling nagulat si Alfonso.
"Easy pessy! Mas dapat mo ring alam kung paano gumamot ng sariling sugat dude!" sabi pa ni Clent sa nagugulat na mukha ni Alfonso. "But that's fine! Hindi ko rin naman alam pa'no 'yan gawin. Natutunan ko lang mula nang makasama ko ang mga ito!" dagdag pa niya.
"Of course! We're the best!" pagmamalaki naman ni Kernel.
Ilang oras pa ang lumipas nang makapagpahinga sila. Ayaw din kasi nilang pumunta sa condo ni Jax at makita ng dalaga ang kalagayan ng boyfriend kaya nananatili pa sila dito.
Ginamot na rin nila ang mga maliliit na sugat at nagpahinga na rin. Ilang sandali pa ay dumating si Hero na ikinagulat nila.
"Where is Violy?"
"Kuya, bakit?" tanong agad ni Kernel nang makita ang nag-aalalang mukha ni Hero.
"I've been calling her, she won't answer! Where is she?"
"She's in my condo with my girlfriend," agad na sagot ni Jax at pilit na bumangon.
Dahil doon, muling naalala ni Alfonso ang misyon kaya agad niyang tiningnan ng kanyang cellphone. Wala siyang na-receive kahit isang message mula kay Kitkat at kay Exseven.
"Something's odd! She won't missed my calls even if she's busy! She texted me to call her tonight!" Nagtaka pa itong makita ang kalagayan nila. "...And what happened to all of you?"
Agad namang tinawagan ni Alfonso si Kitkat at palihim na lumayo sa mga ito. Pero kumunot ang kanyang noo nang pati ang dalaga ay hindi sumagot.
"You can't call her?"
Gulat naman siyang napalingon kay Kernel na nasa likuran niya pala. Doon niya lang nalamang nakatingin na pala ang lahat sa kanya.
"U-umuwi na tayo!"
...
Nang makarating sila sa condo ni Jax, agad nilang nalaman na wala ang dalawa sa condo kaya mas lalo silang kinabahan. Lalo pa't galit na galit si Hero dahil buntis pa naman ang kanyang asawa.
"I see! So that's why those unknown assholes are also there to distract us! Are they meeting Exseven?" seryosong tanong ni Kernel kay Alfonso kaya hindi niya alam ang gagawin lalo pa't pati si Kernel ay mukhang galit na rin.
"Here! I saw it in the kitchen!"
Napalingon naman sila kay Veign na may hawak na cellphone. Phone 'yon ni Violy. Agad namang kinuha ni iyon ni Hero tsaka in-open ang phone dahil alam niya naman ang password nito.
Nakita nila sa home screen na may isang sticky notes.
*If we cant get back by midnight. Come here at this place ***.*
...
Nagmamadali silang bumaba sa kanilang mga sasakyan nang makita ang maraming mga patay na katawan sa lupa. Isang tingin pa lang ay alam na nilang may naganap na labanan.
"What the heck happened here?"
"Just like before! Look! They were being headshot!" komento ni Kernel kaya nagkatinginan sila ni Jax Blaine. Tinutukoy nito ang nangyari noong na-kidnap si Kitkat.
"Same things happened!"
"Wait!" sabi ni Hero tsaka pinatahimik silang lahat at dahan-dahang lumapit sa unahan pa.
"Shut up the two of you!" Nabuhayan sila ng loob nang marinig ang boses ni Violy kaya agad silang lumapit doon, medyo malayo sa tinatayuan nila.
"Shit! Malapit na sila! Kitkat! 'Yong baril!"
"What the! Angel?" 'di makapaniwalang tanong ni Kernel nang marinig ang boses na iyon.
Nagmamadali naman silang pumunta doon nang biglang sumigaw si Kitkat at basta-basta na lang silang pinagbabaril kaya mabilis silang napadapa sa lupa para hindi matamaan.
"What the heck?" sabay nilang sabi.
"Nawala na! Nawala na sila! Namatay na sila? Ha?"
Nang makabawi na sila, agad silang lumapit sa tatlo. Nang makita nila ang itsura ng tatlong babae, mas lalo silang nalito. Parang galing sa gyera ang mga ito.
...
Nang umalis ang dalawa sa plaza, kinagat naman ni Jax ang kanyang labi nang mahigpit na nakayakap sa kanyang bewang si Kitkat. Nakaangkas kasi ito sa kanyang motor at papunta sila ngayon sa hideout dahil nandoon ang lahat.
Tinitiis niya ang sakit para hindi malaman ni Kitkat na nabaril siya. Ayaw niya itong pag-aaalahanin.
"Anong lugar to, Jax?" tanong nito at napatingin sa paligid nang makarating na sila sa hideout.
"One of our hideouts."
Hinawakan niya naman sa kamay ang dalaga tsaka pumasok na sa loob. Pero napaatras naman si Kitkat at nagtago sa likod niya nang lahat ng mga lalaki ay serysosong napatingin sa dalaga.
Nakayukong nakaupo si Angel sa sofa habang ang mga lalaki ay nasa harapan nito at inaantay ang paliwanag.
"Your girlfriend wasn't exempted, Jax Blaine!" mautoridad na sabi ni Hero.
Naramdaman naman ni Jax ang panlalamig ng kamay ng dalaga kaya bumuntong-hininga siya at hinila na lang ito para paupuin katabi ni Angel.
Nag-crossed arms naman si Jax at tiningnan si Kitkat kaya napasimangot na lang ang dalaga dahil alam niyang hindi siya kakampihan ni Jax ngayon. Kasalanan niya naman.
"Wag na wag kang magsasalita!" bulong sa kanya ni Angel kaya tumango ito sa kanya. "Wag kang tatango! Wag kang iiling!" dagdag pa nito.
"Nasaan si ate Violy? Okay na ba siya?" bulong ni Kitkat kay Angel.
"Tsk! Nagpapanggap ba namang tulog para makaligtas dito!"
"Anong pinag-uusapan niyo diyan?"
Napaupo naman sila nang maayos dahil sa tanong ni Kernel. Siniko naman ni Kitkat si Angel para ito na ang magpalusot.
"Si... Si Ms. Violy na ang magpapaliwanag!"
"O-Oo nga! Siya na! Bawal po kaming magsalita!" segunda ni Kitkat kay Angel.
Nakarinig naman sila ng pagkasa ng baril kaya napatingin silang lahat kay Hero. Nagulat ang lahat nang itinutok nito ang baril kay Jax.
"I will kill your boyfriend if you won't tell us what happened! Did Exseven really show up there?"
Agad namang tinakpan ni Angel ang bibig ni Kitkat dahil magsasalita na ito sa takot na baka barilin si Jax.
"Hindi 'yan kayang barilin si Jax! Tinatakot ka lang! Kaya 'wag kang umamin! Gusto mong mapalpak ang plano ni Exseven ha?"
Napatingin naman si Kitkat kay Jax at wala man lang itong reaction. Hindi man lang ito natakot. Taas-noo pa itong nakatingin sa kanya.
"Stop it, Hero!" biglang sulpot ni Violy tsaka dahan-dahang tumabi sa dalawang babae. "Wag mong takutin ang mga bata!"
"You should rest Violy if you don't want me to go mad!" pagbabanta nito dahilan na hindi makagawa ng ingay ang iba dahil sa takot.
"I said stop it or I will break up with you!"
Nanglaki naman ang mata ni Hero pati ng iba. Kahit si Jax, Kernel at Veign ay nagulat.
"Do you want me to be stressed when I'm pregnant with your baby? I'm a doctor and pregnant woman can't be stressed! Don't pressure me!"
Napalunok naman ng laway si Kernel. First time niyang makitang mag-away ang mga ito nang ganito. Gusto niyang tumawa nang makitang namumula sa galit si Hero. Hindi niya inaasahang ma-witness ito. Pareho kasing matured ang dalawa at professional kaya hindi pa rin siya makapaniwala.
Walang nagawa si Hero kundi ang ibaba ang baril. Hindi siya nakaimik sa asawa pero galit niya itong tiningnan.
"Boys! Let's go!" sabi ni Hero at tumalikod na sa kanila.
"Where are you going?" tanong ni Violy.
"We'll go raid that organization to save master and to find out what's going on!"
"NO!"
"Wag!
"No!"
Sabay-sabay na sigaw ng tatlong babae dahilan na napalingon silang lahat sa mga ito. Kumunot ang kanilang mga noo at nagtataka sa kanilang reaction.
"J-Jax! Magpahinga na tayo!" Agad na tumayo si Kitkat tsaka hinila si Jax. "Saan ba tayo matutulog? Hmm?"
"Calm down, Hero! We'll talk later! I feel like vomiting! My head's aching!"
Dahil doon wala nang nagawa ang iba.
'Damn you, Exseven!' sa isip nina Jax, Kernel, at Hero.
...
Itutuloy...