Chereads / The Former Villain / Chapter 53 - Chapter 51

Chapter 53 - Chapter 51

"Anybody capable of love is capable of being saved."

...

Third Person's POV

"Hala!" gulat namang napatingin si Kitkat sa kanyang sarili nang makita ang reflection niya sa salamin. Nasa loob sila ngayon sa isa sa mga rooms sa hideout at kasama niya si Jax.

"Why?"

"Ganito ba ang itsura ko?" wala sa sarili nitong tanong. "Niyakap-yakap pa ako ni Jax kanina?"

Marami kasing dugo ang kanyang suot. May dugo pa ang kanyang mukha at madumi pa ang kanyang katawan.

Agad siyang pumasok sa loob ng banyo at nagmamadaling naligo. Pinahiram din kasi siya ni Violy ng extrang damit dito.

Pagkatapos niyang maligo ay nakita niya si Jax na nakaupo sa maliit na sofa na naka-crossed arms at nakapikit ang mata.

"Jax, maligo ka na para makapagpahinga ka na. Sasakit 'yong leeg mo 'pag matulog kang nakaganyan."

"Give me a minute. I'm tired."

"Parang kanina kapa yata namumutla. Okay ka lang ba talaga? May masakit ba sa 'yo? Ano palang nangyari kanina sa pagkikita n'yo kay Franz?"

"I just slept for a few hours that's why I'm tired."

"Okay sige. Sabihin mo sa 'kin kung kailangan mo ng tulong," nag-aalalang tanong nito.

Sumandal naman siya sa balikat ni Jax at pinabayaan naman siya nito. Hinawakan niya ang kamay ng binata tsaka mina-massage.

"Gusto mong humiga?"

Dahan-dahan namang dumilat si Jax tsaka tiningnan siya. "Can I?"

Tumango naman siya kaya inalalayan niyang humiga si Jax sa sofa at ginawang unan ang kanyang lap. Hinihimas niya naman ang buhok nito. "Sabihin mo kung gusto mo na maligo ah?"

"Why? You also wanted to assist me?"

Gulat naman siyang napatingin sa mukha nito at unti-unti pa itong ngumiti.

"Luh! Ayan ka na naman eh! Paano kung gusto ko nga?" balik na pang-aasar niya rito at inantay ang maging reaction ni Jax.

Natawa naman ang binata na parang may ini-imagine kaya bigla na lang kinabahan si Kitkat.

"Na! You'll just faint when seeing me naked," nakangisi pa nitong sabi. "I'm already imagining it. You really fainted!"

Dahil doon hinampas niya ito nang pabiro sa balikat. "Ang manyak mo!" nahihiya niyang sabi tsaka pilit na pinabangon si Jax at lumayo dito.

Napapailing naman si Jax at nginisihan pa muna siya bago naisipang pumasok sa banyo para maligo.

Napahawak naman siya sa kanyang dibdib at huminga nang malalim para pakalmahin ang sarili. Tiningnan niya pa nang kakaiba ang pinto ng banyo. "Sabi na nga ba ey! Tatahi-tahimik lang siya, manyak nga talaga!"

Humiga naman siya sa higaan habang inaantay si Jax. Tiningnan niya pa ang kanyang suot at biglang in-imagine kung mabilis bang mahubad ang kanyang damit. Nakahinga naman siya nang maluwag nang nakapajama siya, naka-t-shirt at naka-jacket pa.

"Mabuti ng sigurado! Baka manghuhubad na lang bigla 'yon!"

Napatingin siya sa reflection niya sa salamin na nasa gilid at nakitang nakangiti ang kanyang mga labi kaya agad niyang sinampal ang kanyang pisngi para matauhan.

"Anong nginingiti-ngiti mo diyan Kitkat!" pagsesermon niya sa kanyang sarili.

Humiga ulit siya nang maayos at muling inaalala ang nangyari kanina. Parang lahat ng detalye ay natatandaan pa niya. 'Yong feeling, 'yong atmosphere, lahat ng nangyari ay malinaw pa sa kanyang isipan.

Lalo na ang nangyari kay Clark. Kahit anong gawin niya, hindi nanawala ang itsura ni Clark na umuubo ng dugo at nasasaktan. First time niya kasing makitang mabaril ang taong kakilala niya. Isa pa, ex-boyfriend pa niya.

'He's teaming up with me for you!'

Lalo na ang sinabi ni Aki. Muli niya ring naalala ang pagtulong nito sa kanila noong nasa labas sila ng bahay at dumating si Franz.

Kinuha niya ang kanyang cellphone at nakita niya na lang ang kanyang sarili na nakatitig sa number ni Clark. Matagal siyang nakatitig dito at hindi siya sigurado kung ito pa rin ang number ng binata.

"Call him... if you're that worried."

Napabalikwas naman siya nang biglang nagsalita si Jax sa kanyang likuran. Nasa likurang banda kasi 'yong banyo ng room nila. Para talaga itong private room ng isang hospital. Ganoon ang style nito.

"J-Jax..." nakokonsensya niyang tawag dito lalo pa't nakikita niya ang kakaibang emosyon sa mga mata nito. Alam niyang nasasaktan ang binata.

"It is fine! You are just worried about him being shot. Am I right?"

Mas lalo siyang nasaktan nang makitang pilit na ipinapakita sa kanya ng binata na okay lang kahit hindi naman. Mababasa sa mukha nitong nasasaktan.

Agad siyang lumapit kay Jax at mabilis na hinawakan ang kamay nito. "Jax... sorry! Hindi na dapat pa akong mag-aalala sa kanya kasi nagamot naman na siya ni ate Violy. Sorry 'di ko maiwasan!" nagtutubig ang kanyang mata nang humingi siya ng tawad dito.

Nakokonsensya siya rito. Nasasaktan siyang makitang nasasaktan ang kanyang boyfriend dahil sa kanya. Kahit pilit pa nitong itago na nagseselos ito, makikita naman sa mga mata nito.

Niyakap naman siya nito. "It's fine! You were just like that. Too kind to worry to everyone. Too kind to help someone."

Dahil doon naiyak na siya nang tuluyan at niyakap nang mahigit si Jax sa bewang nito.

"Ouch!" daing naman ng binata kaya natigilan si Kitkat at agad na tiningnan si Jax nang nagtataka. Naramdaman niyang iniiwas nito ang tagiliran sa pagyakap niya.

Sinubukan niya namang tingnan ang bewang nito pero pinigilan siya ni Jax. "I will just smoke. You can sleep here," sabi nito at lumabas ng kwarto.

"P-pero..."

Sinubukan niya namang sundan ito sa labas pero natigilan siya nang makitang nasa sala sina Kernel, Alfonso, at Clent. Nagtataka naman ang mga itong tiningnan siya at si Jax na lumabas nang tuluyan.

"What's wrong?"

"Nasaktan ba si Jax kanina?"

"Yes! Nabaril siya at nasaksak. Mabuti na lang at naagapan da---"

"Kaya pala napa-ouch siya! Kailangan ko siyang sundan!" naiiyak nitong sabi at agad na sinundan si Jax.

Naiwan namang nakanganga ang tatlo dahil sa kanilang narinig. Ilang segundo ay sabay silang nagkatinginan at bumuhakhak ng tawa.

"Ahhh! Si Jaxie natin napa-ouch!"

"HAHAHAHAHAHA!"

"What the heck was that dude? Hahahaha! Never thought my former leader will act like that! Thank God I'm still alive to witness that! Hahahahaha!" napapahampas pa sa pagtawa si Clent.

"HAHAHAHAHAA! His face while saying those! I suddenly imagine it! HAHAHAHAH!" napagulong pa sa pagtawa si Kernel.

"Pota! Hahahaha!" Nakipag-apir pa si Alfonso kay Clent at sabay na natawa.

Ilang sandali ay unti-unti naman siyang natahimik nang makaramdam siya ng kakaibang naramdaman.

Pero binalewala na lang niya ito dahil nandiri pa siya sa kanyang naisip... Na nagkagusto siya sa engot na 'yon at ayaw niya itong tanggapin.

...

"Jax!" tawag nito at nagmamadaling lumapit sa kanya. Palihim naman siyang napangiti at ibinalik ang yosi sa mamahalin nitong case.

"Why did you follow me here? You should sleep. It's already past midnight and we still have classes tomorrow." Nabigla na lang siya nang hinawakan ng dalaga ang laylayan ng kanyang t-shirt.

"Sabi ni Kernel ay nabaril ka daw!" Itinaas naman nito ang kanyang suot na t-shirt at napasinghap naman si Kitkat nang nay bandage 'yong bewang niya.

Kumunot ang noo ni Jax nang hindi na ito nagsalita o umimik at nakatitig lang sa kanyang sugat. Hinawakan niya ang pisngi nito tsaka ipinaharap ang mukha nito sa kanya. Kitang-kita sa mukha nitong guilty ito.

"Why? I'm already fine. Kernel already treated me."

Umiling lang ito at may luha nang tumulo sa mga mata nito. Hindi ito nagsalita at isinandal na lang ang ulo nito sa dibdib ni Jax.

"Sorry kung nag-aalala ako sa iba kesa sa 'yo. Sorry hindi ko alam na nabaril ka din. Hindi ko alam na nasaktan ka din!" naiiyak nitong sabi.

Huminga naman nang malalim si Jax at hinawakan ang buhok nito at hinimas. It's the first time Jax experience this from someone. He's overwhelmed!

"I'm not angry. Silly!"

"Galit ka o hindi, nasaktan pa din kita! At nasasaktan ako 'pag nasasaktan kita!"

Napangiti naman siya. "You always says something what's in your head. Idiot!"

Humiwalay naman si Kitkat tsaka kinuha ang cellphone niya sa kanyang bulsa at may ginawa doon. "Binura ko na 'yong number ni Clark. Maniwala ka, wala na talaga akong feelings kay Clark matagal na!"

Nginitian naman siya ni Jax, "Tss! You really don't have to, but very good!" natawa pa niyang sabi.

"Pasensya na, Jax! Sa susunod sabihin mo naman sa akin oh! Girlfriend mo naman ako diba?" nakanguso pa nitong sabi. Napapailing na lang ang binata habang napapangiti.

Inakbayan naman siya ni Jax at parehong nakatambay doon ng ilang minuto. Dinadama ang malamig na hangin at nag-uusap sa mga maliliit na bagay. As usual si Kitkat lang palaging nagsasalita at sumasagot naman ang binata.

Noong pumasok na sila sa loob, nakita nilang mag-isa si Alfonso sa sala at napatingin sa kanilang dalawa. Nakaakbay si Jax kay Kitkat habang sinusuri ang maging expression ni Alfonso.

"Gising ka pa pala?"

"Hindi siguro! Tulog na siguro ako! Engot!"

Alam naman ni Jax na parang may gustong sabihin si Alfonso dito. Alam niyang tungkol ito kay Exseven at sa nangyari. Pero hindi niya hinayaang makapag-usap ang dalawa kaya hinila na niya si Kitkat papasok sa loob ng kwarto nila.

"You can sleep on the bed."

"Ikaw na diyan! Sa sofa na ako kasi diba wala ka pang maayos na tulog?"

"No--"

"Nabaril ka at nasaksak! 'Yong mukha mo namumutla pa!" sabi nito tsaka hinila na si Jax sa higaan. Single bed lang kasi ito, 'yong bed na parang nasa hospital.

"Then if you want, you can sleep beside me..." Natigilan naman siya na ikinangiti ni Jax. "Just sleeping and nothing else."

Tumalikod naman siya agad nang hindi nagsasalita. "Hindi na! 'Yan din 'yong sinabi ko noon pero alam mo na..." namumula niyang bulong na ikinatawa naman ni Jax.

"Seems like you cherish that memory..."

"Luh! Hindi ah! Naalala ko lang! Naku, Jax! Wag kang ganyan! Wag kang lalapit sa 'kin!"

Agad siyang kumuha ng extra na kumot at unan sa kabinet at mabilis na humiga sa sofa at nagtalukbong ng kumot para hindi makikita ng binata ang namumula niyang mukha. Sobrang lakas pa ng kaba na nararamdaman niya.

Napailing na lang si Jax tsaka humiga na rin sa kama. "Good night, sweety!" sabi nito kaya nanlaki ang mata ni Kitkat dahil hindi niya iyon inasahan.

Napangiti naman siya at pinigilan ang sariling kiligin. Ilang minuto pa ang lumipas bago niya dahan-dahang silipin si Jax. Muli siyang nagulat nang magtama ang kanilang paningin. Nakaharap kasi si Jax sa kanya habang nakatagilid na nakahiga.

Seryoso ang mukha nito at hindi na ngumingiti.

"Akala ko natutulog ka na?"

Hindi nagsalita ang binata at nanatiling nakatitig sa kanya.  Kumurap naman siya at napaiwas ng tingin. Biglang uminit ang kanyang mukha. "H-hindi ba tayo pag-iisipan nang masama nina ate Violy? Na nasa iisang kwarto tayo natulog?"

"We're all open minded here."

"Ahh haha! Oo nga pala, napansin ko ding may mga sitwasyon na walang malisya sa inyo kumpara sa iba."

"Like?"

"Yong kahit hate na hate niyo ang isa't-isa, nagkikita pa rin kayo. Katulad ninyo ni Veign, nag-aaway pero nag-uusap pa rin. Kayo naman ni Exseven, sinisiraan ang bawat isa pero masasabi kong pinapahalagahan din ninyo ang pagkakaibigan. At may iba pang bagay na mapapaisip na lang ako na sobrang matured ninyo mag-isip."

"You were like that sometimes. You weren't just aware because you always downgraded yourself."

At ilang minuto silang natahimik at nagkatinginan lang. Nawala din ang pagkailang ni Kitkat. Masaya siya sa simpleng bagay na ito.

"Anong iniisip mo?"

"I'm just organizing my thoughts."

"About saan?"

"You, Exseven, Clark, and about what happened," direktang sabi nito.

Ilang segundo namang tahimik ang dalaga at nanatili lang na nakatingin kay Jax na nakatingin din sa kanya.

"May tiwala ka ba sa akin?" seryoso niyang tanong. Her intension isn't bad or something. She just wanted to ask him that.

"I trust you but not them."

"May dahilan kung bakit ayaw naming sabihin ang nangyari. Iniiwasan lang namin na mangyari ang nangyari noon, 'yong away ninyo ng dalawang org. Marami na akong nalaman tungkol sa mundo mo, Jax..."

Bumangon naman siya at nilapitan ang binata. Umupo siya tabi nito at hinihimas ang buhok ni Jax.

"Alam ko kung gaano ka-delikado ang mundo mo at choice ko ito. Alam kong natatakot ka para sa akin. Natatakot kang mapahamak ako. Pero magtiwala ka sa 'kin. Sabi nga ni Exseven, maliligtas kita kung ligtas ako. Kaya uunahin ko ang sarili kong kaligtasan bago ikaw. Gets mo?"

"I didn't know that you know what I'm feeling. I'm surprised. Your words were really something... Since then 'till now."

"Matulog ka na. Hindi ako aalis sa tabi mo."

...

Kitkat's POV

Kinabukasan, naramdaman ko na lang na may mabigat na nakayakap sa aking bewang. Dahan-dahan akong dumilat at nagulat ako nang makitang nakayakap pala si Jax mula sa 'king likuran. Inilibot ko ang aking tingin at nakita kong umaga na pala. Medyo madilim pa rito sa room dahil sa blinds pero masasabi kong umaga na.

Teka, kailan naman ako napunta dito? Huling naalala ko ay pinapatulog ko siya habang pinaglalaruan ang kanyang malambot at mabangong buhok. Inamoy ko kasi ito kagabi! Hehe!

Gusto ko nang bumangon pero parang ayaw yata ng katawan ko. Napakakomportable kasi sa feeling. 'Yong init ng katawan ni Jax, 'yong paghinga niya, 'yong lambot ng kama, lahat.

Dahan-dahan kong inalis ang kanyang braso na nakayakap sa akin. Babangon na sana ako para tingnan kung anong oras na pero bigla na lang akong nahila pabalik sa kanya.

"Good morning, sweety!" bulong niya pa sa nakaka-inlove na boses.

Bumilis na naman ulit ang tibok ng puso ko at may kung ano akong naramdaman sa king tiyan.

"J-Jax, nagising ba kita?"

"Hmm... Extend 10 minutes please!" at isiniksik pa niya ang mukha niya sa leeg ko kaya mas lalo akong nakaramdam ng kaba. Kaba o kilig, hindi ko alam! OMG!

Hindi ako nagsalita dahil mahahalata niyang kinakabahan ako na kinikilig na ewan. Baka mautal lang ako. Para akong estatwa sa tabi niya, pinipigilan kong gumalaw... kasi nakikiliti ako nang sobra sa tuwing humihinga siya at tumatama iyon sa aking leeg.

'Huhu! Jax naman!'

Bigla niya namang hinimas ang aking tiyan papunta sa bewang at pinipisil-pisil niya iyon. "Haha! I always love your reaction!"

Bumangon naman siya at tiningnan ang aking mukha. Parang sinuri pa niya ito at may nakakaasar na ngiti. "You look so tensed..." At mas lalong nanlaki ang aking mata nang inilapit niya ang mukha niya sa kin.

Mabilis ko naman siyang tinulak palayo. "M-mamaligo ka na, Jax! M-may pasok pa tayo!"

"Wanna take a bath together?"

"HA?"

"Hahahaha! Just kidding! It's been forever that I slept that long... Tsk! I'm going to crave for this!" bulong pa niya bago tumayo at umalis sa harapan ko.

Nang makapasok na siya sa banyo, napahawak naman ako sa aking dibdib at tinuruan ang sarili kung paano huminga nang tama.

'OMG! OMG! Iiwasan ko na 'yong mga gantong moment namin! Ang galing mang-akit ng lalaking 'yon! Eh ako naman napakadaling akitin kapag siya ang nang-aakit!'

Sinamaan ko naman ng tingin ang pinto ng banyo. "Expert ka nga talaga!"

Good mood na good mood po siya! Huhu! Kapag gan'on, palagi niya akong inaasar sa mga kamanyakan niyang salita!

Nang matapos siyang maligo, agad naman akong umiwas ng tingin at kunwari tinitingnan ang aking kuko. Kinakabahan na ako nang maamoy ko ang bango ng sabon na ginagamit niya.

Pero!

Huhu bakit naman tumayo siya sa harapan ko at una kong nakita ang hubad niyang katawan at tanging puting towel lang na nakatapis sa kanyang pang ibaba.

Mas lalo kong tingnan ang aking kuko at yumuko nang kunti pero nasusulyapan ko pa rin ang maputi niyang katawan! Ang kanyang six pack abs na basang-basa dahil sa tubig! Ang porma ng kanyang katawan...

At lalo pa 'yong malaking umbok sa ibabang banda! Maliwanag kasi kaya kitang-kita ko ito!

"Why are you looking at it so intensely? You wanna tou---"

"Maliligo na ako!" pagputol ko sa pang-aasar niya at itinulak ko siya palayo.

Pero 'di pa ako nakaalis nang hawakan niya ang kamay ko. Hindi naman ako makatingin sa kanyang mukha kaya harap-harapan kong natitigan ang kanyang katawan! Bigla niyang kinuha ang aking kamay at ipinahawak sa kanyang abs dahilan na napatingin ako sa kanya.

'Gan'to pala katigas ang abs? Gusto kong sundutin!'

"You're blushing!"

Sinamaan ko naman siya ng tingin nang makitang pinipigilan niyang matawa. Inagaw ko ang aking kamay at ini-snob siya. "Wag mo nga akong asarin!" at nagmamadali na akong pumasok sa banyo.

Narinig ko na lang siyang tumawa nang malakas.

"Wow Jax! Ikinakasaya  mo 'yan no?" sigaw ko pa at mas lalo lang siyang natawa.

Ilang beses ko namang ini-lock ang pinto tsaka hawak-hawak ang aking mukha at tumingin sa salamin.

'Huhu! Kung alam ko lang na ganito siya ka mapang-asar, hindi ko na sana sinimulan pa!'

"At bakit ka naman nakangiti diyan!" Sinamaan ko ng tingin ang aking repleksyon sa salamin. "In love na in love ka no? Tss! Idiot!"

...

Pagkatapos kong maligo, nakahinga ako nang maluwag nang wala na siya sa room. Lumabas naman ako pagkatapos kong mag-ayos tsaka nakita ko siyang inaasar ni Kernel sa sala.

"Ah! Hehe! Nasabi ko pala 'yon?"

Inaasar kasi siya tungkol sa napa-ouch daw siya kagabi. Hindi pa rin tumitigil sa kakatawa si Kernel. Di ko alam kung saan banda siya natatawa.

Pumunta naman si Jax sa kusina para kumuha ng pagkain naming dalawa. Nagluto daw kanina si ate Violy. Tumabi ako kay Kernel na kumakain ngayon ng popcorn sa sofa.

"Nasaan pala 'yong iba? Nasaan si Angel?"

"It's already past 2pm, milady!" Nagulat naman akong malaman na afternoon na pala.

"Alfonso's attending class, kuya Hero is accompanying ate Violy about her check up. Veign go back to the city for his mission that was ordered by our Jaxie, I don't know where Clent is... and that woman is still sleeping! Tsk!"

"Kung gan'on, absent na pala kami nito?"

"Ngayon ko lang yata nakitang gano'n kahaba ang tulog ng ating Jaxie, at dahil 'yon sa 'yo! There's one time that you were still unconscious and he stayed with you in your room para bantayan ka! Ang sweet ng Jaxie na 'tin! Yiieeeeehh!"

Nagtaka ako na may halong pagkagulat ng sinabi niya iyon. Nang bumalik si Jax sa sala, tinanong ko naman sa kanya iyon at hindi naman siya tumanggi.

'Kaya pala parang alam niyang nasa loob ng kwarto ko ang banyo!'

Pagkatapos naming kumain, biglang lumabas ng room si Angel at bihis na bihis ito. Nagkatinginan naman sila ni Kernel at nag-iwasan ng tingin. Pinansin niya kami ni Jax pero hindi niya kinausap si Kernel.

"May pupuntahan ka?" tanong ko at tumango naman siya. "Hindi ka ba kakain muna?"

"Na! I have a date! Doon na lang ako kakain! Anyway, call me if... you know..." sabi niya at tumango naman ako nang makuha kong tinutukoy niya ay kapag mag-message ulit si Exseven.

"Mag-iingat ka!" sabi ko at iwinawagayway na lang niya ang kanyang kamay.

"Ang chix talaga ni Angel! Ang astig pa makipaglaban!"

"Tss! Chicken ka mo!" kumento ni Kernel.

"Hindi na talaga kayo magbabati?" Hindi  naman sumagot si Kernel at kalmado lang na kinakain ang kanyang popcorn. Si Jax naman ay parang walang pake. "Sayang naman. Sobrang lungkot niya kagabi dahil galit ka daw sa kanya."

Nagulat naman ko nang mabilis siyang napalingon sa akin.

"Ahh hehe! Nag-uusap kasi kaming tatlo nina ate Violy habang nagpapahinga doon sa field! At sinabi naman ni ate na pabayaan ka na muna daw. Nalaman ko pang mag-ex pala kayo!"

"And? What's her reaction?"

Nagulat naman ako nang nagtanong si Jax. First time yatang naki-chismis siya.

"Hindi naman siya nag-react. Pero n'ong sinabi kong magmo-move on na lang siya at hahanap ng iba, sumang-ayon siya."

Bigla namang tumawa nang malakas si Jax. "Very good! Very good!" kumento pa niya. Pero hindi ako makatawa nang hinampas ni Kernel ang mesa at padabog na pinatong ang popcorn doon.

"Iligpit mo nga 'yang girlfriend mo, Jax Blaine!"

Tumawa naman si Jax at hinawakan ang aking kamay at pumunta sa kusina. Nang matapos na naming iligpit ang pinagkainan namin at nakapag-ayos ulit, nakita namin si Kernel na papaalis din. Nakasuot kasi 'yong helmet sa kanyang ulo kahit nasa sala palang kami.

"Don't push her to the level where she no longer cares! Yeah right! That's what you told me before! I'm just giving it back to you!"

Binuksan niya naman ang harapan na takip sa helmet at nilapitan si Jax. Maarte pa niyang hinampas ito at umaktong parang babae. "Jaxie! You're hurting me already! Ouch!" pang-aasar nito at agad na lumabas.

Natawa naman ako kay Kernel. Bagay na bagay talaga niya mag-ganon. Nakakatawa pa kasi may helmet sa ulo niya!

'Yon pala 'yon kaya tawang-tawa siya! Nakakatawa nga!

"Tsk! You're enjoying that?"

"Napa-ouch ka naman talaga kagabi!"

"Kitkat!" banta niya kaya mas lalo akong natawa.

"Jax! Naalala ko tuloy sa 'yo 'yong tatay ko! Gumaganyan siya! Hahaha! Pakilala kita balang araw!"

"W-what?"

"Ba't gulat na gulat ka? Takot ka ring harapin ang tatay ko?"

"Ka rin? So you were also planning to introduce your ex to your father before?"

Nagdududa naman niya akong tiningnan kaya iniwas ko ang aking tingin at hinawakan ang kanyang braso. "Pupunta ba tayo ngayon sa paaralan, mahal ko?"

Nagulat naman ako nang mapansin ko ang kanyang leeg. "Hala! Nakalimutan ko nang ginawa mo palang pendant ang paperclip na binigay ko sa 'yo n'on! Ngayon ko lang ulit kasi nakitang suot mo!" pagtutukoy ko kwentas niya.

Hindi siya nagsalita at parang nahiya pa. Hinawakan niya ang aking kamay at lumabas na kami. "Let's just absent today since there's not enough time left! You wanna go somewhere with me?"

Sumakay naman ako sa motorbike niya at tinulungan akong suotin ang helmet. "Sure ka pres? Ang dami ko ng absent. Baka bigyan mo na ako ng mabigat na punishment niyan!"

"Let's not talk about it for now! But surely you'll receive a punishment. I'll just give some excuses to Caryll and Mr. Espayo to lessen your punishment. You're already behind but I'm willing to tutor you."

"Talaga? Tuturuan mo ako? Ang tagal ko pa naman matuto!"

"I know... that's why let's just date today to chill! 'Cause we'll be super busy starting tomorrow."

Pabiro ko naman siyang hinampas nang sumakay na siya sa motor bike. "Sumang-ayon ka talaga na matagal akong matuto?"

"I'm just stating the fact."

"Oo na! So Jax... gaano na kayo ka close ni Vice Pres?"

"Caryll?"

"Oo, 'yong palagi mong kasama!"

"We're not close! What makes you think  that?"

"Wala lang!"

...

Pumunta muna kami sa condo para makapagbihis nang maayos. Tanging jogging pants at t-shirt lang kasi ang suot namin. Ito lang extra doon sa hideout nila. Buti si Jax, may hoodie pa.

Tinulungan ko na rin siyang linisin ang sugat niya sa bewang at palitan ito ng bandage. Nakakamangha pa rin na maalam din siya sa ganito.

Magpapaturo na talaga ako kay ate Violy sa paggagamot.

Nagbyahe kami ng ilang oras, papunta yata kami sa main city. 'Di niya kasi sinabi kung saan talaga kami tutungo... Pero nakakatuwa ang araw na ito dahil masaya akong kasama siya ngayon. Nawala nga sa isip kong absent kami.

Hindi na rin kami nag-usap tungkol sa nangyari kagabi. Hindi na siya nagtanong kaya hindi ako nabahala. Hindi ko pa kasi alam kung anong sasabihin. Pati ako ay 'di na nagtanong tungkol sa nangyari nila kina Franz. Kung paano niya nakuha ang sugat na iyon. Itatanong ko na lang kay Alfonso kapag may time.

Pareho siguro kaming ayaw naming pag-usapan iyon para hindi masira ang moment na ito.

"Elites College Universi--- ECU? Nandito tayo sa paaralan mo noon, Jax?" 'di makapaniwala kong tanong nang makita ang napakalaking signage sa ibabaw ng magarang gate.

Makikitang napabayaan na ang paaralang ito dahil inaalikabok na at kinakalawang ang ibang parte ng gate, pero masasabi ko pa ring magara.

Mabilis naman kaming nakapasok sa loob nang dumaan kami sa kabila, hindi sa main gate.

"The back area of this university was bombarded by the organization, my enemy before, Dakumasuta."

Napahanga ako sa laki ng paaralan nang i-tour niya ako sa loob. Walang-wala ang paaralan namin ngayon sa laki at gara ng paaralang ito. Kahit na medyo naging haunted na tingnan, masasabi ko pa ring napakaganda at classy. Syempre ito ang pinakasikat at pinakamahal na paaralan noon. Kahit sino ay pinangarap na makapasok dito.

Kapag isang estudyante nga ng ECU na bumisita sa aming paaralan, pinagkakaguluhan na. Ibang klase kasi 'yong mga estudyante dito, bigatin.

Pero mas ibang klase 'yong boyfriend ko! Siya ba naman 'yong may-ari!

"Jax, naiisip ko na lang bigla na 'di ako worth it maging girlfriend mo! Ang yaman mo pala! Ang talino pa! Napakamamahalin!"

"Don't even think that!"

"Compliment 'yon, Jax!"

"Tss!" Hinawakan niya naman ang kamay ko at hinila papunta sa kung saan. "I will let you see our hideout before."

Excited naman akong tumango pero natigilan ako nang makita ang pamilyar na mukha sa isang poster na may red na ikis at may naka-vandalize na 'loser.'

"Diba si Lav 'yan?"

Mabilis siyang napalingon sa itinuro ko at nakita kong nanlaki ang kanyang mata at iniharang ang katawan niya sa harapan ko.

"Uh..Haha! Let's go!" May ibinulong pa siya pero 'di ko na narinig pa.

Namangha naman ako nang makapasok kami sa hideout nila. Napakaganda pa rin kahit na sobrang dami na ng alikabok. Ibang klase talaga kapag mayaman! May hideout pang nalalaman sa loob ng paaralan.

"This place has so much memory than I expected! The only gift from my biological father. I once even call it home, funny isn't it?"

"Nalulungkot ka ba na nawala na ito?"

"I didn't feel sad anymore that's why I decided to visit it before I will let go of this place. There were lots of memories but most of them weren't good and just barely awful. Memories of my past mistakes. It's already been three years and this is the only time I have the courage to visit here. Thank you for coming with me."

Hindi naman ako nakapagsalita at nakatingin lang sa kanya. Inilibot niya pa ng tingin ang buong lugar.

"Masaya akong natanggap at natutunan mo ang kung ano mang pagkakamaling iyon, Jax. Hindi ko alam kung anong mga nararamdaman mo noong mga panahon na iyon, alam ko lang ang kwento. Nabanggit kasi ni ate Violy na sobra ka daw na-depress."

Napatingin naman siya sa akin at hindi ko maipaliwanag ang emosyong pinapakita niya sa 'kin.

"May nabasa ako noon, anybody capable of love is capable of being saved. Hindi ko alam ang meaning n'on, Jax. Pero feeling ko para sa 'yo ang quote na 'yon," sobrang seryoso kong sabi.

'Di ko alam, naiiyak na lang ako. Nakaramdam lang ako bigla ng awa sa kanya. Ang dami niya sigurong pinagdaanan emotionally.

"Silly... But thank you for that quote."

At napaiyak na lang ako ng wala sa oras. Ang hirap talaga alamin ang pinagdaanan at totoong nararamdaman ng tao. 'Di ko akalaing makilala ko siya nang ganito. First impression ko kasi sa kanya ay mabait pero tinatago sa pagiging masungit, masipag, walang pake sa paligid, napaka-cool at malakas. Ngayon masasabi kong tao pa rin pala siya at may nararamdaman.

"Why? Is there something wrong?" nag-aalala niyang tanong at hinawakan ang aking magkabilang pisngi. Pinahiran niya ang mga luha sa aking mata.

'Oh! Sino bang mag-aakalang ganito siya ka sweet? Wala sigurong maniniwala kung ipagsasabi ko ang ganitong ugali niya sa iba.'

"Wala... Nakaka-touch lang na nag-open up ka na sa 'kin tungkol sa past mo! Ayokong makinig kapag iba ang nagsasabi tungkol sa past mo. Kahit sinabi ni Exseven na pwede ko siyang tanungin kung ano ka talaga at kung sino ka, hindi ako nagtanong. Masaya akong unti-unti ka nang naka-move on, Jax. At ako pa talaga sa lahat ng babae? Sino lang naman ako?"

"You're so silly! You just didn't give up on me 'till I fall too hard! But I won't let it just like that. I also wanted to court you 'till you say yes to me."

"Mahal na mahal kita, Jax!"

Pinahid niya naman ang mga luha sa aking mata at pisngi. "My heart also belongs to you, Kitkat!"

Sinulyapan niya ang aking labi at tiningnan saglit ang aking mata. Nang tingnan niya muli ang labi ko, ibinuka ko iyon nang kunti at ipinikit ang aking mata. Ilang segundo lang ay naramdaman ko na lang ang labi niya sa labi  ko.

'Sana palagi na lang ganito...'

Pero may mga pagkakataon talagang 'yong mga hiling mo ay ipinagkait sa 'yo. Pinaka-worst pa ay kasalanan ko...

...

Itutuloy...