Chereads / The Former Villain / Chapter 54 - Chapter 52

Chapter 54 - Chapter 52

Kitkat's POV

Dalawang linggo na ang nakalipas at sa mga araw na iyon, masaya akong kasama si Jax sa condo at sa campus. Kahit sobrang busy namin pareho, may time din naman kami sa isa't-isa. Sa guest room pa din ako tumutuloy habang si Alfonso at Jax naman ay magkasama sila sa isang room.

Bumabawi kasi ako sa pag-aaral kasi nakakahiya kay Jax. Busy din siya sa student council kaya hindi pa rin kami masiyadong nagkikita sa campus. Tuwing lunch break lang at uwian. Kung minsan hindi kami makasabay sa lunch ay dinadalhan niya ako ng pagkain at may cheesecake pa. Nakakakilig kasi ang sweet ni Jax, 'di halata sa mukha.

Pati mga estudyante at kaklase namin ay kinikilig sa amin. Unti-unti na kasi nilang natanggap na kami na talaga. Natanggap na rin nila pati ang bagong sistema.

Mapayapa ang mga araw na iyon. Nalaman na lang namin na nag-drop out ang lahat ng members ng tatlong gang at maraming nagulat nang pati sina Franz at Noreen ay nag-drop out din. Wala ding alam ang mga estudyante sa nangyari kung bakit nag-drop out ang mga ito. Pati na ako. Iniiwasan ni Jax ang topic na iyon at hindi ko na tinanong pa.

Wala na din akong balita kina Aki at Clark. Pero may isang beses na parang nakita ko si Aki doon sa rooftop na palagi naming tinatambayan, pero baka namamalikmata lang ako. Tiningnan ko kasi pero wala namang tao.

Hindi pa rin nag-message si Exseven sa amin ni Alfonso o kina Angel. Kaming apat lang nina ate Violy, Angel, Alfonso, at ako ang may alam sa mga nangyari sa field at sa sinabi ni Exseven noon. Alam din naming iniimbestigahan nina Kernel ang tungkol doon pero mukhang wala pa rin silang nakuhang impormasyon.

Dumadalaw din naman silang lahat minsan sa condo except kay Veign. Bumalik kasi siya sa city kasi binabantayan pala niya ang kapatid ng engot na 'yon. 'Di nga kami makapaniwala na inutos pala iyon ni Jax.

Sa campus naman, wala na ring nanggugulo na mga gangsters. Meron pa naman sila pero hindi na sila nanggugulo sa loob ng campus at sa labas na nila ginagawa ang kung ano mang ginagawa nila.

Maraming takot kay Jax, takot na kalabanin at suwayin ang rules niya pero nirerespeto siya ng karamihan. Masasabi kong halos lahat makikitang may respeto talaga sa kanya at hinahangaan siya.

Nakaka-proud! Hehe!

Ang mukha din ng head of committee na si Mr. Espayo ay makikita kung gaano siya ka-proud kay Jax. Siya 'yong pinakanatuwa sa pagbabago ng sistema. Basta kapag nakikita ko silang magkasama, palagi siyang nakangiti habang si Jax ay wala namang paki. 'Yong gan'on.

Pati 'yong student council ay mas nirespeto na rin ng lahat. 'Yong paaralan namin noon na may kakaibang hierarchy ay nabago na ngayon. Isang simple at normal na paaralan.

Isa lang talaga ang pinakaayaw ko sa two weeks na nagdaan. 'Yon ay mas marami pang time na magkasama sina Jax at Caryll. Ayoko mang magselos pero 'di ko talaga mapigilang makaramdam ng gan'on. Alam kong responsibilidad at trabaho lang nila iyon kaya dapat mas lagi silang magkasama. Normal din naman ang tingin sa iba sa kanila. Sadyang ako lang talaga ang may malisya.

Lalo pa't may times na tinatawag niya si Jax. 'Yong mga pagtingin niya sa boyfriend ko. May isang beses pang narinig kong inaasar silang dalawa ng mga members ng council at biglang tumahimik nang malamang nasa likuran nila ako kasama si Jax.

Kaso wala akong magagawa kundi sarilinin na lang iyon. May tiwala naman ako kay Jax at makikita talagang wala siyang pake doon. Sobrang busy niya kaya!

...

Excited naman akong tumakbo papunta sa office ng council nang maaga kaming iniwan ng aming prof. May 30 minutes pa bago matapos ang last class. Ito ang palaging eksena namin. Mag-aantay ako sa kanya pagkatapos ng last class dahil mas matagal silang matapos.

Sa office na din kasi sila nagse-self study at mag-quiz kung may quiz kami. May special privileges kasi sila.

Nag-text ako kay Jax na nasa labas na ako at hinihintay ko siyang matapos. Kinilig naman akong mabilis siyang nag-reply ng 'I'll be quick! You can wait for me at the cafeteria. Take care!'

*To Aking Jax:

Hindi na. Dito lang ako mahal ko! Love you!*

*From Aking Jax:

Where's the I?*

Ngiti-ngiti naman akong nagtipa para magre-reply na sana nang may biglang tumawag sa akin na isang unregistered number.

Napatingin naman ako sa paligid para tingnan kung may tao ba. Dahil nagbabakasakali akong si Exseven na ito, pumunta ako sa dulo ng hallway kung saan malapit sa stairway bago ko sinagot ang tawag.

"Hello?"

"Kitkat..."

Natigilan naman ako nang mabosesan ko ang caller.

"Clark?"

"Can you give me a chance to talk? For a closure... Please just this time... This will be the last..." sunod-sunod niyang sabi nang hindi ako nagsalita.

Bumuntong-hininga ako at sinilip ang pintuan ng student council. Tiningnan ko rin ang oras at may ilang minutes pa bago mag-out sina Jax.

"Saglit lang naman diba? Naghihintay kasi ako kay Jax! Mamaya lalabas na siya!"

Hindi siya sumagot ng ilang segundo pero narinig ko ang malalim niyang paghinga. "Yes! It will be quick, I promise! I'm already thankful even for a minute you'll spare for me."

"S-sige."

Pumayag na ako. Kahit hindi ko naman na kailangan, pinayagan ko na lang siya para hindi na niya ulit ako guluhin pa. At 'yong boses niya... masasabi kong malungkot siya at nakikiusap.

"Look at the ground."

Napatingin naman ako doon dahil sa sinabi niya at nagulat akong nasa baba pala siya at nakatingin sa 'kin. Kumaway siya kaya bumaba ako para lapitan siya.

Inantay niya ako at sabay kaming pumunta sa isang tambayan dito sa ground. Tahimik dito at kami lang dalawa.

"Anong sasabihin mo?" direkta kong tanong at sinulyapan ang oras sa phone. "Bilisan mo baka hanapin na ako ni Jax!"

Nag-type naman ako ng message para sabihin sana kay Jax na nandito ako kung sakaling hanapin niya ako at matagalan kami... kaso biglang hinawakan ni Clark ang kamay ko.

Nagulat ako nang tingnan siya. Nagtataka akong makita ang kanyang namumulang mata. Alam kong pinipigilan niyang maiyak nang mapasulyap ako sa kanyang nanginginig na labi.

"I... I don't know what to say... I..."

Dahan-dahan ko namang inalis ang pagkakahawak niya sa kamay ko at nagulat siya doon kaya kusa na niya itong binitawan. "Sorry!"

"Okay lang... Makikinig ako sa mga sasabihin mo, Clark. Kaya 'wag kang mag-aalala, papakinggan kita."

Nakikita ko kasing naging un-easy siya at 'di siya makatingin sa mga mata ko. Alam kong kinakabahan siya. Parang nakita ko dati ang Clark n'ong time na mag-on pa kami. Nagbago lang kasi siya n'ong iniwan niya ako.

Tiningnan ko ang kanyang kabuuan. Wala akong idea kung anong nangyari sa kanya sa mga nagdaang araw. Ngayon ko na lang kasi siya nakita ulit. At masasabi kong kulang siya ng tulog. Medyo pumayat din siya. 'Yong buhok niya ay naka-down lang, walang wax o ano na palagi niyang nilalagay noon. Parang wala siyang paki sa itsura niya ngayon.

"I'm... I'm transferring to another school. This will be the last time that we'll be talking like this! Kitkat I... I am so sorry for the things that I've done to you..." Muling nagtutubig ang kanyang mata at nakikita kong nasasaktan siya ngayon. "I know this is already nonsense since it's already too late but I am very sorry for hurting you like that!"

Lumapit pa siya sa 'kin at subukang hawakan ang aking kamay pero umatras ako at iniwas ito.

"Sobrang late na nga! Kung sana noon mo ito ginawa... Noong time na kailangan kita at kailangan ko ang sorry mo, iba pa siguro ang magiging resulta. Pero Clark, wala na talaga akong nararamdaman sa 'yo! At hindi na rin ako galit sa 'yo... Tanging nararamdaman ko na lang habang kaharap kita ngayon... ay awa!"

Napatitig siya sa aking mata. At ang kaninang pinipigilan niyang luha ay tuluyan nang nagsibagsakan ang mga ito. Umiwas ako ng tingin dahil mas lalo akong nakaramdam ng awa sa kanya.

Isa pa, first time ko siyang makitang ganito.

"At isa pa Clark, may Noreen ka na. Kahit gano'n 'yon, alam kong mahal ka n'on! Huwag mo nang sayangin ang mga oras mo sa 'kin!" mahinahon kong sabi.

"I didn't expect that this will be the outcome! That I will be feeling this! I only fought for your safety that I forgot to fight for your feelings! Hurting you is still hurting me! It doubles the pain seeing you suffered from what I did! You suffered from my choices!"

"I only did those to protect you, for the thought that if you won't be involved in my mess, you won't be killed! I was so scared and too late to realize that I was just being coward. That I thought I can protect you if I did that way...

But the process of doing those, I really made a huge mistake! I know that you don't need to know about this but I feel like you have the right to know... I'm sorry for that night that I let you wait outside my house! I'm sorry for letting you wait there whole night while..."

Ginulo niya ang kanyang buhok sa inis na parang inaalala ang gabing iyon. Mas lalo siyang naluha at nakita ko kung gaano siya na-guilty dahil doon. Unti-unti ko namang naalala kung anong tinutukoy niya.

"... while I'm with Noreen that time and something happened between us!"

Napaluhod siya nang aminin niya iyon at ako naman ay hindi nakapagsalita. Hindi ko alam kung anong dapat i-react! Bigla na lang akong nakaramdam ng awa sa aking sarili.

So simula pala n'ong gabing 'yon?

"If I could just turn back the time, I should have just avoided her! Since that night, I felt so guilty towards you that I decided to hurt you more for you to leave me. Noreen threaten me that she'll kill you if I won't do it!"

Ilang segundo akong nakatitig sa kanya habang lumuluhang nakaluhod sa harapan ko. Nakayuko ang kanyang ulo at hindi siya makatingin sa akin. Ngayon ko lang nalaman ang lahat ng ito.

Simula kasi n'ong time na iyon parang naging cold siya bigla sa 'kin. Na alam ko talagang may nagbago sa kanya.

Napahinga ako nang malalim. "M-mabuti na lang at ngayon mo lang sinabi ang mga 'yan! Na ngayon mo lang sinabi na naka-move on na talaga ako at wala na akong feelings para sa 'yo. Dahil kung noon pa, baka 'di ko na kakayanin pa! Kasi monthsary natin 'yong gabing iyon..."

Mas lalo siyang napaiyak sa sinabi ko. 'Yong naririnig ko na talaga ang nasasaktan niyang boses na pinipigilan niyang maiyak sa harapan ko pero kusa na lang itong lumalabas.

Dahil sa nakikita ko, napagtanto kong mahal pa talaga niya ako. Dahil hindi naman siya masasaktan nang ganito kung hindi. Naaawa ako sa kanya.

Tinulungan ko siyang tumayo. "Hindi na ako galit sa 'yo. Di ko pa man nakakalimutan ang mga nagawa mo pero hindi na ako nasasaktan sa mga iyon..."

Muli akong bumuntong-hininga. Total ito na din naman ang huli naming pagkikita, kailangan ko ring sabihin ito sa kanya.

"Pinapatawad na kita!"

Nakita kong 'di siya makapaniwalang nasabi ko iyon pero 'yong mga mata niya ay nasasaktan at malungkot pa rin ang mga ito.

Dahan-dahan siyang lumapit sa 'kin. Aatras na sana ako nang bigla niya akong niyakap. Itutulak ko na sana siya palayo pero mas lalo kong naramdaman ang pag-iyak niya, kahit pinipigilan niya.

"Just let me hug you for one last time..." Hindi ako nakagalaw at hinayaan siya. Nakakaawa na kasi ang itsura niya. Parang naramdaman ko rin ang sakit na nararamdaman niya.

"I'm hurting so much thinking that this will be the last moment for us... It hurts so much that I have to let you go! I still love you, even if those times that were not together. I still think of you. My feelings weren't gone. I'm sorry for being the bad person!"

Naluluha din ako dahil sa mga sinasabi niya. Nakakalungkot na makita siyang ganito pero wala na talaga akong magagawa pa. At kahit ulitin man ang nangyari, mas gusto ko pa rin ito. Na si Jax na ang mahal ko at mas mamahalin ko pa.

Huminga ako nang malalim at niyakap siya pabalik. Ito na lang ang maibigay ko sa kanya. Pasasalamat na din noong time na tinulungan niya kami ni Alfonso kontra kina Franz.

"Hindi man tayo para sa isa't-isa, naging parte naman tayo sa buhay ng bawat isa. Makakalimutan mo rin ako balang araw, Clark!"

Niyakap niya pa ako nang mahigpit bago ako bitawan. Tinitigan niya ang aking mga mata at hindi ko masasabi kung anong emotion ang nakikita ko sa mga matang iyon.

"It's really hard! I'm sorry!"

At nagulat na lang ako nang bigla niya akong hinalikan.

"Hmm! Ano ba!"

Hinawakan niya nang mahigpit ang aking mukha at mas lalong idiniin ang kanyang halik. Hinawakan ko naman ang mga kamay niya para alisin ito dahil nasasaktan ako sa higpit niyang paghawak sa mukha ko.

Nanggigigil siya na parang takot siyang itigil ang halik namin. Sinabunutan ko naman ang kanyang buhok at mahigpit na hinila ito palayo sa akin para mailayo ang mukha niya nang bigla akong nakarinig na pumalakpak.

"What a nice show!"

Natigilan ako nang makilala ang boses na iyon. Lahat ng takot sa aking katawan, biglang umakyat sa aking dibdib dahilan na bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba.

Mabilis na bumitaw si Clark at parang natauhan sa kanyang ginawa. Hindi ko siya pinansin at naluluha lang na nakatingin kay Jax.

Pumalakpak siyang lumapit sa 'min. Nakakatakot ang klase ng kanyang tingin. Isang iglap lang, tumilapon palayo sa akin si Clark.

"J-Jax! M-magpapaliwanag ako! H-Hindi gan---"

Hindi ko natuloy ang aking sasabihin nang pinahiran niya ang aking labi gamit ang thumb niya. Nanginginig ang kamay niya sa galit. Pagkatapos no'n ay bigla niya akong siniil ng halik.

Pinanggigilan niya ang labi ko at muntik na akong kapusin ng hininga. Kinagat niya ang ibabang labi ko at nalasahan ko ang dugo nito. Pero hindi ko man lang maramdaman ang sakit dahil mas nangingibabaw ang takot na nararamdaman ko ngayon.

Nang humiwalay siya ay tiningnan niya ako nang napakalamig na tingin.

"Have fun hugging and kissing with your real lover!"

Tinalikuran niya ako at nagsimulang lumakad palayo. Agad ko naman siyang hinabol. "Jax! Nagkakamali ka! Hindi iyon ang nangyari!"

Hinawakan ko naman ang braso niya pero agad niya itong inalis sa hawak ko at sinamaan ako ng tingin. "Don't fucking hold me!" sigaw niya dahilan na natigilan ako.

'Kinamumuhian niya ako!'

Nagmamadali siyang umalis kaya agad ko siyang hinabol. Nang makarating ako sa may waiting shed papuntang parking area, natigilan akong makita si Caryll.

Hinarangan niya ako at pinigilang sundan si Jax. "S-sorry! Tinanong niya kasi kung nasaan ka at sinabi ko lang na nakita kitang papunta dito kasama si Clark!"

Napatitig ako sa kanya. "H-hindi mo naman kasalanan!" sabi ko at agad na hinabol si Jax.

Nanlalabo ang aking paningin nang magsibagsakan ang aking mga luha. Pero wala akong pake! Importanteng makausap ko siya ngayon at makapagpaliwanag!

Nakita ko siyang pumunta sa parking lot at sumakay sa kanyang motorbike. Hindi pa ako nakalapit nang nakaalis na agad siya.

Natataranta ko naman siyang hinabol, wala akong paki kahit pinagtitinginan na ako ng ibang tao. Gusto ko lang mahabol siya.

Pero nanghina ako nang mawala na siya sa aking paningin. Nang may dumaan na taxi, agad ko itong pinara at mabilis na umalis. Hindi ko alam kung saan siya pumunta at nagbabakasakali na lang ako na pumunta siya sa condo.

Nabuhayan naman ako nang loob nang makita ko ang motorbike niya sa parking area ng condo kaya hindi na ako nagsayang ng oras at tumakbo papunta sa condo niya. Nang makapasok ako sa loob agad ko siyang tinawag at narinig ko na lang na ni-lock niya ang kanyang room.

"Jax magpapaliwanag ako! Please pakinggan mo ako!"

Ilang beses akong sumigaw at tinatawag siya. Pinilit ko ring buksan ang pinto kahit naka-lock naman ang doorknob. Umiyak ako nang umiyak doon nang walang tigil pero hindi niya ako pinagbuksan.

Ilang oras na akong gan'on pero hindi niya talaga ako pinagbuksan. Naalala ko namang may listening device dito kaya agad akong nabuhayan ng loob. Hindi ko alam kung maririnig ba niya o hindi. Di ko kasi alam kung paano gagana ang listening device. Pero nagbabakasakali pa rin ako.

"Pinilit niya akong halikan! Pumayag akong makipagkita sa kanya kasi humingi siya ng closure! Lilipat na siya sa ibang paaralan! Humingi siya ng tawad! Hindi  ko alam na gagawin niya iyon sa akin! Niyakap ko lang siya kasi naaawa ako sa kanya! Hindi talaga promise pa! Hindi ko alam na gagawin niya iyon! Jax please! Pakiusap!"

Hindi ko na alam kung ilang oras na akong gan'on, nang namalayan ko na lang na dumating na si Alfonso. Alas dose na siguro.

"Hoy! Eng--- Anong nangyari?"

"Alfonso, si Jax! Kasalanan ko ang lahat! Alfonso!" naiiyak kong sabi na hindi ko man lang alam kung anong pinagsasabi  ko. Gusto kong humingi ng tulong sa kanya.

"Bakit? Kumalma ka muna! Anong nangyari?"

"Nakita niya kami ni Clark na... kasalanan ko ang lahat! Kung hindi na lang sana ako naawa pa! Kung hindi ko na lang sana siya binigyan ng closure. Kung---" at muli na akong napahagulhol nang maalala ko ang tingin ni Jax sa akin kanina. Ang galit niyang mukha. "Kinamumuhian niya ko, Alfonso!"

Napatitig naman siya sa 'kin ng ilang segundo. Huminga siya nang malalim tsaka sinubukang buksan ang pinto ng room ni Jax pero katulad ko ay hindi niya rin ito mabuksan.

Hinawakan niya naman ang braso ko at hihilahin na sana paalis pero pinigilan ko siya. "Mag-aantay lang ako sa kanya dito!"

"Okay sabi mo may kasalanan ka kaya galit si Jax ngayon. Papalamigin mo muna ang ulo niya at subukan mo ulit bukas. Baka bukas pwede mo na siyang makausap..."

"Pero..."

"Gusto mo bigyan kita ng salamin para makita mo kung gaano kapangit ang mukha mo ngayon? Tumahan ka na! Tutulungan kitang makausap siya bukas!"

"Sigurado ka?"

"Ako pa? Isa pa, kumain ka na ba ha? Baka mamaya hihimatayin ka at 'di kana makapagsalita! Pa'no ka na makapagpaliwanag sa perpekto mong boyfriend niyan?"

"Natatakot ako... Baka hiwalayan niya ako. Baka bukas hihiwalayan na niya ako!"

"Hindi niya magagawa 'yan! Galit lang siya ngayon kaya tumahan ka muna diyan. Alas dose na at wala ka pang kain! 'Yong mukha mo mas lalong naging engot!"

Dahan-dahan niya naman akong hinila papunta sa kwarto ko. Binigyan niya pa ako ng tinapay galing sa coffee shop. Tinanggap ko iyon pero hindi ko rin kinain.

Nang isara na niya ang pinto, muli akong napaiyak at napaupo sa gilid pintuan. Hindi ko kakayaning magkahiwalay kami. Hindi ko kasi inakalang ganito ang mangyayari.

'Yong itsura ni Jax nang makita kami, nasasaktan akong makita siyang masaktan. Akala niya sigurong niloloko ko siya!

...

Nagising ako bigla at napahawak sa aking ulo nang sumasakit ito. Mabilis naman akong napabangon nang makitang nasa higaan na ako. Hindi ko na rin suot ang sapatos ko at nakita ko itong nakaayos sa lalagyan.

Nabuhayan ako nang loob na baka si Jax ang may gawa n'on at siya ang nagbuhat sa akin. Hindi ko kasi maalalang umakyat ako sa higaan kagabi.

Mabilis akong lumabas ng room pero natigilan akong makita si Alfonso na nilalagyan ng ointment ang kanyang tiyan. Mabilis niya namang tinakpan ito nang makita ako.

"Anong nangyari sa 'yo?" nag-aalala kong tanong lalo pa't nakita kong may sugat din ang kanyang labi. Parang sinuntok siya sa mukha.

"Wala! Kumain ka na't sabay na tayong papasok!"

Napatingin naman ako sa pinto ng kwarto ni Jax nang may naalala ako.

"Umalis na 'yong boyfriend mong perpekto kaya 'wag mo nang hanapin! Tangna ang lakas manuntok ng gago!" naiinis niyang sabi kaya kinunotan ko siya ng noo.

"Nag-usap ba kayo ni Jax? May sinabi ba siya tungkol sa akin?"

"Binanggit ko lang pangalan mo, sinuntok na ako ng gago! Next time gagawa ako ng poster ng mukha mo at isabit sa dingding ng kwarto para mas lalong ma-bwesit! Pero 'wag kang mag-aalala, tutulungan pa rin kitang kausapin siya! Bwesitin natin hanggang bumigay! Papatulong pa tayo kay Kernel dahil professional 'yon sa pangbebwesit!"

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi niya o ano.

Tumayo naman siya at akmang aalis sa sala nang pigilan ko siya. "Ikaw ba 'yong bumuhat sa akin sa kama?"

"At bakit naman ako papasok sa kwarto mo--- ahh kagabi ba? Haha! Oo! Mukha ka kasing lantang gulay!" sabi nito at nagmamadaling umalis. "Hihintayin kita sa labas! Bilisan mo dahil mali-late na tayo!"

Nakaramdam naman ako ng lungkot nang malamang siya pala ang bumuhat sa akin at hindi si Jax. Aalis na sana ako sa sala nang makita ko ang isang bagay sa mesa.

"Listening device 'yan! Nakita ko sa basurahan kanina! Tinanggal niya siguro!"

"Ha?"

Hindi na niya ako sinagot pa at lumabas na siya.

...

Itutuloy...