Chereads / The Former Villain / Chapter 48 - Chapter 46

Chapter 48 - Chapter 46

Third Person's POV

Pagkatapos nilang kumain, nagpaalam naman si Alfonso para mag-part time doon sa coffee shop. Hinawakan naman ni Jax ang kamay ni Kitkat tsaka palihim na tinanguan ang iba nilang kasama. Dinala niya si Kitkat sa veranda tsaka kinausap.

"Would you like to stay here tonight? You can use Alfonso's room. He'll sleep with me. You know... about what happened this morning..." pagtutukoy niya kay Clark.

"Ahm kasi... 'di ko pa nasubukang matulog sa ibang bahay. At bahay mo pa... hehehe baka may mangyaring iba..." nahihiya nitong sabi. Namumula pa.

Napangisi naman si Jax. "You're imagining something don't you?"

"H-ha? H-hindi ah! Kasi... alam mo na..." todong pagtanggi pa nito.

"I'll ask Violy to sleep with you tonight, is that fine with you?"

"Si ate Violy?"

Napaisip naman ang dalaga. Meron kasi siyang dapat sabihin kay Violy. May kailangan siya dito at isa ito sa ipinapagawa ni Exseven sa kanya. Hindi nga niya inakalang ma-meet niya agad ito nang gan'to kadali. Akala niya ay mahihirapan siyang hanapin ito.

Hinawakan naman ni Kitkat ang kamay ni Jax. "Eh wala akong gamit dito. Isang gabi lang naman ako matutulog dito, pwede bang umuwi muna ako? Kukuha ako ng gamit?"

Hindi naman talaga kailangang umuwi ng dalaga kasi may ekstrang gamit naman si Jax at pwede din siyang bumili na lang ng mga kailangan nito, pero may kailangan kasi silang pag-uusapan ng iba pang kasama ngayon.

"Yes you can. I'll come with you!"

"Hindi na, kaya ko naman na. May lagnat ka pa! Pa'no kung lumala 'yan?"

"It's fine! We don't have class tomorrow. It's saturday."

"Pero---"

"Just let me okay? I'll be anxious if I let you go home alone."

Nag-iisip naman ang dalaga tsaka huminga nang malalim. Wala na siyang magagawa kundi payagan ito. "Okay! Pasensya na, mabilis lang talaga tayo!"

"Stop worrying, I'm really okay with it."

Muli silang pumasok sa loob at nakaupo sina Kernel sa sala. "Kitty-katty! Makikitambay muna kami!"

Ngumiti naman si Kitkat at mas nakahinga nang maluwag nang malamang tatambay pa ang mga ito. Kinakabahan kasi siya tuwing naiisip niya kapag sila lang dalawa ni Jax dito mamayang gabi. First time niya itong gawin kaya nag-o overthink siya.

'Ano ba 'tong iniisip ko! Nagiging manyak na ako eh!' sa isip pa niya.

Sabay silang lumabas ng condo at bago sila sumakay sa elevator, nagpaalam si Jax sa kanya na maghintay muna kasi nakalimutan niyang hiramin ang susi ng sasakyan ni Kernel.

Nang makapasok si Jax, agad niyang binigay sa mga ito ang letter ni Exseven. 'Yong nauna at pangalawang letter.

"I will call later then tell me all the updates!" tsaka nagmamadali na niyang binalikan si Kitkat sa labas.

...

"I'll just wait here," sabi ni Jax tsaka tumango naman si Kitkat.

Nag-antay siya sa labas nang pumasok na ang dalaga sa loob at hindi na sinayang ang oras na tawagan si Kernel. Ni-loudspeak naman agad ito sa kabilang linya.

"May kakaiba sa ikalawang letter na natanggap mo. They were written not typed."

Kumunot naman ang noo ni Jax nang hindi niya naisip iyon. Dahil nadala na siya ng galit noon 'di na niya napansin pang nakasulat lang pala ito.

"It slipped in my mind damn!"

"Also, we found the house that they're staying! We found someone's letter there that's obviously pertaining to your girlfriend! We believe it's from Alfonso."

*Umuwi kang mag-isa mo! Mag-ingat ka! Maraming magtatangkang patayin ka at isa na ako don! BYE!*

Binasa naman iyon ni Angel.

"And his penmanship is the same with the 2nd letter you received from Exseven... Fake Exseven."

"I'm pretty sure that they were being ordered by the person behind it. We cannot underestimate this bastard!" naiinis na sabi ni Jax.

"About what you said, sigurado tayong may kailangan sa 'kin ang kung sino mang gumawa nito. Knowing that Kitkat has something to do with me," sabi ni Violy.

"You can listen to it and tell us what is it! Malalagot tayo ni Kuya Hero nito!"

"Earlier, we witnessed how my girlfriend disassemble the gun! Damn it!"

Pareho silang nagmamdali dahil ilang minuto lang silang pwedeng mag-usap dahil baka bumalik na si Kitkat.

"We don't really know the reason why that Fake Exseven taught her that but at that time, we realized that it's useful. It's to prevent using the gun!" may puntong sabi ni Kernel.

"I don't have any reports! I've been following Alfonso's sister as well as watching Lavandeir but I didn't see any odd. But isn't it harsh to use Lavandeir to bait that fake Exseven?" matutunogan ang hindi pagsang-ayon ni Veign sa plano nina Kernel at Jax.

"It's not a dangerous bait! So what's the best time she can come here?" naiinis ulit na tanong ni Jax.

"You know Lava! Mas mag-iingat pa tayo sa kanya kesa hulihin ang fake Exseven na 'yan. We know she easily detect if we do something extraordinary! Paano maniniwala 'yon na si Jax mismo ang nag-invite sa kanya para sa pa-party kuno? Alam naman nating ilang beses na silang nagpatayan noon!" sarcastic na sabi ni Kernel.

"Well, let's just tell her we're celebrating for my baby," suggestion naman ni Violy na agad namang sinang-ayonan ng lahat.

"And what if she'll suspect us that we choose this place as a venue?"

Natahimik naman sila at nag-isip saglit. "We'll go to the city instead. You can trust me this one! Party-party yeah!" excited na sabi ni Clent.

"We'll invite everyone! When Alfonso and your girlfriend know about it, their master will know it too! If he's the fake Exseven then he'll focus on you Jaxie, not Lava!"

"I'll observe Al---" hindi natuloy ang sasabihin sana ni Jax nang tingnan niya ang kwarto ng dalaga at hindi pa niya nakitang bumukas ang ilaw nito.

Dali-dali niya namang pinuntuhan ito dahil kakaiba ang kanyang kutob. Nang pihitin niya ang doorknob, may nakita siyang parang pinilit sirain ito pero hindi masyadong mapapansin.

"What is it? Hey?" nag-aalalang tanong ng mga kasama niya sa kabilang linya.

Hindi na sumagot si Jax at pinatay na ang tawag tsaka agad pumasok sa loob. Madilim pa rin ang bahay kaya nagmamadali niyang pinuntahan ang kwarto ng dalaga nang may pag-iingat.

Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto ng kwarto at parang mamamatay siya sa kanyang nakita. Nakatali ang mga kamay nito pati na ang mga binti nito. May takip din ang bibig nito.

Lalapitan na sana niya ito nang magtama ang kanilang paningin at umiiling si Kitkat tsaka tumingin sa likod ng pinto.

Hindi naman nagdalawang-isip si Jax at buong lakas niyang tinadyakan ang pinto para maipit ang taong nagtatago sa likod nito. Nang natamaan ito, agad niya itong hinarap at mabilis na sinuntok sa mukha habang nawalan pa ito ng focus dahil sa pagsipa ni Jax sa pinto.

Agad niyang inagaw ang baril na hawak nito at agad na tinutukan. Galit na galit ang binata. Mahigpit niyang hinawakan ang baril at gusto na niyang paulanan ito ng bala pero pinipigilan niya ang kanyang sarili dahil kasama niya sa loob si Kitkat.

Ilang segundo lang ay natanggal na ni Jax ang magazine ng baril at inis na inis na pinagtatanggal ang mga piraso nito tsaka tinapon sa sahig. Agad niya itong sinuntok sa abdomen at sa leeg nang malakas dahilan na nawalan agad ito ng malay. Tiningnan naman ni Jax ang dibdib nito pero wala siyang nakitang eye tattoo. Dahil 'don alam niya kung sino ang nasa likod nito.

'The Blues!'

Mas lalo namang naiyak ang dalaga nang lapitan siya ni Jax at tinanggal ang takip sa bibig at ang mga tali nito.

"Jax, sorry! Hindi ako nag-iingat! Sorry!"

"No! Don't say that! It's not your fault. It's mine that I let you get inside alone." Niyakap niya naman nang mahigpit ang dalaga. Galit na galit siya at parang gusto niya na lang magwala at patayin ang lalaking nakalaban niya.

Napamura naman siya nang makita ang marka ng mga lubid sa braso nito at sa binti. Hinawakan niya ang mukha nito tsaka pinahiran ang mga luha ni Kitkat.

"Sinabi ko nang hindi ko ipapahamak ang sarili ko pero gan'to ang nangyari! Jax sorry!"

"It's not your fault! Trust me, no one blamed you!"

"No hindi! Tama nga siya! Mapapahamak ka kung ipapahamak ko ang sarili ko! Tama nga talaga siya!" naiiyak pa nitong sabi.

"Who? Who said that?"

Nakita naman ni Jax kung pa'no nataranta ang expression ng dalaga. Mabilis naman niyang hinalikan ito sa labi tsaka muling tiningnan ang mga mata ng kanyang girlfriend.

"It doesn't matter. It's now okay! Let's go?"

"Hindi pa ako nakakuha ng damit."

"You don't need to! I must have offer you earlier to buy you things you need. It's my mistake to let you get here. I have extra clothes for you."

"Pero Jax isang gabi lang naman eh! Sayang kung bibili p---"

"So you're thinking I will let you go home here? After what happened?"

Nanlaki naman ang mata ng dalaga. "I-ibig sabihin... doon mo ako patitirahin sa condo mo?"

"Indeed!"

"P-pero---"

"I won't go near you if that's what you're worrying. Nothing will happen okay? Wait! Were you imagining having se---"

Mabilis namang tinakpan ni Kitkat ang bibig nito. "Wag mong banggitin 'yan! Anong imagine ka diyan! Luh!"

"Okay take your time. Let me handle this bastard!"

Nang matapos nang mag-impake ng hindi karamihang gamit ang dalaga, napatingin siya sa mga pictures ni Jax at nag-iisip kung dadalhin niya ba ito o hindi. Ilang sandali ay dumating naman sina Kernel at Angel.

"What happened?" tanong agad ni Kernel. Itinuro naman ni Jax ang lalaking walang malay.

Lumapit naman si Angel ni Kitkat tsaka hinila niya ito palayo sa dalawa nang palihim. Nag-uusap kasi ang mga ito.

"Is Exseven helping you?"

Hindi naman maitago ang pagkagulat ng dalaga.

"Is he the real Exseven or not?"

Kumunot naman ang noo ni Kitkat. "A-anong real or not?"

"You see... my bestfriend got kidnapped and murdered too! When I was investigating some dangerous organization, nahuli nila ako at ikinulong ng ilang buwan. I was freed by the help of Exseven but he was still being targeted right now! His parents were still there and it's a matter of time that they will be killed!"

"Ano?"

"So tell me is he really---"

"What the hell are you talking about?!"

Nagulat silang dalawa nang may magsalita sa kanilang likuran. Napatingin sila kina Kernel at Jax na nakakunot ang noong nakatingin sa kanila.

"H-how did you---"

Itinuro naman ni Kernel ang kanyang likurang neckline dahilan nang napahawak siya rito. Nang may mahawakan siyang isang bagay... "So that's why you hugged me earlier? To plant this on me?!" naiinis na tanong ng dalaga habang ipinakita ang maliit na listening device.

"I was being suspicious of you babe! So tell me! How did our master end up being held up?"

"Master?" nagtatakang tanong ni Angel.

"Exseven's father is our master! No one can beat him that easily!"

"No! He's with his wife and he won't leave her! May sakit si ate Jessica! Until now I'm still guilty leaving them behind!"

Bigla namang humarap si Angel kay Kitkat na may matalim na tingin. Nabigla naman ang dalaga nang hawakan siya sa mga kamay nito. "Tell me! Is Exseven really helping you?"

Napalunok naman si Kitkat at makikitang kinakabahan itong masyado at hindi alam kung anong sasabihin.

Tumikhim naman si Jax kay Kernel kaya hinila ni Kernel si Angel. "You two can go first! Ako na bahala dito, pati na sa lalaking 'to!"

Tumango naman si Jax tsaka hinawakan ang kamay ni Kitkat at hinila na ito palabas tsaka sumakay na sa kotse.

"Jax, ano 'yong sinasabi ni Angel? Bakit niya ako tinatanong ng gano'n?" puno nang pag-aalalang tanong ni Kitkat. Kinakabahan din ito dahil hindi niya inakalang malalaman iyon ng kung sino. Na si Exseven ang tumulong sa kanya.

Hindi naman nagsalita si Jax at nanatili lang nakahawak sa manubela at nakatingin sa daan habang nagda-drive.

'Alam na din kaya ni Jax na si Exseven ang tumulong sa 'kin? Nilang lahat? Kung gan'on kailangan ko itong i-report sa kanya!'

"You really don't know who saved you that time?" biglang tanong ni Jax na ikinabigla ng dalaga.

"H-hindi eh. D-diba sabi ko sa 'yo na n-naka-mask siya?" pagsisinungaling niya na ikina-guilty niya naman.

'Pasensya na! Ayoko talagang magsinungaling sa 'yo!'

Nagtaka naman siya nang biglang inihinto ni Jax ang sasakyan. Tiningnan niya ito at nakakunot lang ang noo nito at parang malalim ang iniisip.

"J-Jax bakit?"

"You can always tell me anything. You can always trust me. Trust 'no one' but me," sobrang seryoso nitong pagkasabi.

Hindi naman alam ni Kitkat kung anong sasabihin kaya hindi siya makapagsalita. Umiwas siya ng tingin at tumingin lang sa labas ng bintana. Baka kasi may masabi pa siyang iba. 'Yong kaba niya ay hindi maipaliwanag. Gusto niya na lang iwasan ang pag-uusap na ito.

"Who taught you how to disassemble a gun? Why are you learning it?"

Tiningnan niya ulit si Jax at 'yong kaba niya ay napalitan ng takot nang magkasalubong ang kanilang tingin. Para kasi itong galit. 'Yong boses nito ay napakalamig.

"T-tinuruan ako ni Alfonso. Gusto kong matuto Jax kaya k-kinulit ko s-siya..."

Nang makita ni Jax na namumutla ang dalaga at kinakabahan. Alam niyang nagsisinungaling pa rin ito. Huminga siya nang malalim at hindi na ulit nagtanong pa. Ayaw na niyang i-pressure ang dalaga. Nakaramdam siya ng guilt nang makita ang itsura nito.

Tumango siya at hindi na nagsalita pa. Pero 'yong inis at galit ay hindi nawawala sa kanya. Galit siya sa lalaking nagpapanggap na Exseven. Naiinis siya kung bakit mas pinagkakatiwalaan pa ito ng kanyang girlfriend kumpara sa kanya.

Nang makauwi sila sa condo, nadatnan nila ang nag-aalalang tingin ng mga kasama.

"Kernel will explain you everything about what really happened to Exseven and his father! You can now go!"

Pumasok na si Jax sa kanyang kwarto nang walang lingon-lingon sa kanila tsaka isinara ang pinto. Naiwan namang napayuko si Kitkat sa labas ng room nito.

Nagkatinginan naman silang lahat. Tumayo si Violy at nilapitan ang dalaga. "I don't know what happened but you can talk to him later. I'm here okay?"

"A-ate may sasabihin sana ako sa 'yo..." nag-aalalang sabi ni Kitkat.

Tumango naman si Violy at nagtungo sila sa loob ng room ni Alfonso. 'Yong iba naman nilang kasama ay umalis na doon para makipagkita kay Kernel.

"May pinapasabi si---" nag-gesture naman si Violy na manahimik tsaka may itinuro sa kung saan na hindi naman nakuha ni Kitkat.

Kinuha nito ang phone tsaka may itinipa rito at ipinakita kay Kitkat.

*Maririnig ni Jax ang lahat ng pag-uusapan natin. May listening device dito.*

Napanganga naman si Kitkat at agad na napatakip sa bibig. Ilang segundo ay kinuha niya ang kanyang phone tsaka may itinipa rito.

*Wag niyo pong sabihin sa iba na si Exseven ang nagligtas sakin ate. Delikado kasi. May ipinapasabi siya sayo. Gusto niyang humingi ng spray daw. diko alam kung ano. alam niyo daw po iyon. ibibigay ko po yon sa kanya kapag nakuha ko na mula sa yo.*

Mas lalong kumunot ang noo ni Violy. 'So he's also after that spray? How did he know about it? He shouldn't be underestimated!' sa isip nito.

May itinipa ulit si Kitkat at muling ipinakita sa kanya. Nang mabasa niya ito ay 'di niya mapigilang magulat.

*Pwde po kayong sumama sakin pag ibibigay ko na sa kanya ate. bsta po walang nakakaalam na iba. tulungan niyo po ako nang hindi tayo mahahalata.*

Hinawakan naman ni Violy ang kamay ni Kitkat. Tinanguan niya ito para ipaalam na naiintindihan niya ito.

"Salamat po," sabi ng dalaga dito nang walang tunog at ngumiti lang si Violy.

"Ate, alam ko pong may dapat kayong pag-usapan nina Kernel. Hindi ni'yo na po ako kailangang samahan dito."

"Are you okay with it? It seems that Jax is angry."

Huminga naman nang malalim si Kitkat. "Kasalanan ko naman na nagsinungaling ako sa kanya," malungkot na sabi nito. "Marami kasing mapapahamak kung hindi ko 'to gagawin... Hala!"

Napatakip siya ng bibig nang maalalang baka marinig ni Jax 'yong mga sinasabi niya.

'Naku naman Kitkat! Kahit kailan talaga 'yang bibig mo!' naiinis niya naman ginulo ang kanyang buhok.

Nginitian naman siya ni Violy. "You're not doing something wrong, okay? He cannot resist you. He's just angry for now but later he'll talk to you."

"Sana nga gano'n. At ate pwede po bang magpaturo ako sa'yo sa medicine at paano gumamot, kahit 'yong sa mga sugat o hiwa ng patalim o tama ng baril? Kapag may extra time po ta 'yo?"

"Sure!"

...

Tahimik na ang buong condo nang umalis na ang ibang mga kasama. Tapos na ring maligo ang dalaga at ayusin ang mga gamit niya sa room ni Alfonso. Nailabas niya na rin ang mga gamit ng binata sa sala. Sa mga oras na ginawa niya iyon, hindi niya maiwasang mag-alala.

'Galit pa kaya siya? Galit ba siya? Alam niya ba kaninang nagsisinungaling ako? Mukha kasi siyang galit!'

Hindi siya mapakaling naka-upo sa sofa habang nakatingin sa room ni Jax na hanggang ngayon ay nakasara pa rin ang pinto. Inaantay niya din si Alfonso na makauwi para mawala ang kaba niya at uutusan niyang kausapin si Jax.

Pero pasado na alas dose ay hindi pa rin ito nakauwi.

"Saan ba kasi 'yong engot na 'yon!"

Huminga siya nang malalim at muling kumuna ng tubig sa ref habang 'yong mga mata niya ay 'di maalis sa pinto ng kwarto ni Jax.

Ilang beses siyang napalunok tsaka nagdesisyong lapitan ang room nito. Nang nasa harapan na siya, bigla siyang napatigil.

'Eh anong sasabihin ko? Anong gagawin ko? Baka galit pa siya?'

Muli siyang naglakad palayo at hindi na naman alam ang gagawin.

"Bukas ko na lang kaya siya kakausapin? Hays! Kasi naman eh!" naiinis niyang bulong.

Muli siyang kumuha ng tubig at uminom. 'Anong gagawin ko kung magkaharap na kami? Effective kaya kung magpapa-cute ako? Huhu naman eh!'

'At pa'no naman 'yong lagnat niya? OMG!'

Mabilis niyang itinapon ang plastic bottle nang maubos niya ang tubig na laman nito. Napangiti siya nang magkaroon siya ng idea.

"Buti na lang may lagnat siya hehehe!"

Excited niyang kinuha ang iniwan ni Violy na first aid kit. Naghanda na rin siya ng towel at inilagay sa maliit na planggana.

'At least may rason na akong lapitan siya.'

Kakatok na sana siya sa pinto pero naisip niya ay baka tulog na si Jax dahil anong oras na din. Muli siyang napahinto at napaisip.

'Pa'no kung tulog na siya?'

"Ay bukas na nga lang!.. Ay hindi ngayon na!"

Ilang minuto pa siyang nakatayo sa harap ng kwarto ng binata. Huminga siya nang malalim at dahan-dahang hinawakan ang doorknob. Nagulat pa siyang hindi ito naka-lock.

Umabot ng isang minuto bago niya tuluyang mabuksan ang pinto dahil sa pag-iingat para hindi makagawa ng ingay.

Nakahinga siya nang malalim nang makitang natutulog si Jax. At umabot ulit ng isa pang minuto nang isara niya ang pinto.

Nag-iingat siyang lapitan ito habang dala-dala ang maliit na planggana na may tubig at towel.

'Ang gwapo pa rin ng mahal ko!'

Sinubukan niyang hawakan ang leeg at noo nito tsaka sumimangot. 'May lagnat pa talaga siya!'

Napatingin naman siya sa mukha nito nang mapagtanto niya kung gaano siya kalapit. Napangiti niyang tiningnan ang buong mukha ng binata.

Dahan-dahan niyang hinawakan ang matangos na ilong nito. Sa mga kilay, sa mata, sa pisngi at sa labi.

Pinipigilan niya naman ang kilig at kinumbinsi ang sarili na magtino ito.

"Matulog ka lang diyang mahal ko, ako bahala sa 'yo hihihi!" excited na bulong niya tsaka maingat na kinuha ang towel at piniga ito.

"Pagod na pagod ka siguro, di ka nagising eh! Pero 'buti na lang tulog ka. Malaya kitang pagnanasa-- titigan!" sabi nito habang nakatingin sa mukha ni Jax pagkatapos niyang punasan ang mukha,leeg at mga braso nito.

"Yiieeh gwapong-gwapo ka sa pajama mong silk!" pigil na bulong niya dahil baka magising ito.

Ilang segundo ay hinawakan niya ang buhok nito at hinimas. Na parang batang hinihimas ang ulo kapag tulog. "Ang lambot ng buhok mo, Jax. Ikaw na talaga!"

Ilang minuto niyang tinitigan ang kanyang boyfriend at 'di niya namalayang nakatulog na pala siya.

"Tsk! You really love doing this!" sabi ni Jax tsaka bumangon at binuhat ang dalaga pabalik sa kwarto nito.

Nang ihiga niya ang dalaga sa higaan, pareho silang nagulat nang magkatinginan sila. Nagising kasi si Kitkat at gulat na gulat siyang nasa harapan niya si Jax. Para pa itong nakayakap sa kanya.

"Jax? Nagising ba kita?"

"I wasn't asleep. Sorry for waking you up instead."

"Galit ka ba?"

Ilang segundo siyang tiningnan ni Jax tsaka umiling. "I am but not to you. You can sleep. Don't worry about me okay?"

Nag-pout naman si Kitkat. Kahit madilim, nakikita naman ni Jax ito kaya napangiti na lang siya. "I'm sorry for acting that. I made you worry. But I'm not angry with you. Idiot!"

Nang umalis si Jax sa kanyang harapan, bigla niya namang hinawakan ang kamay nito. "Gusto mong matulog dito?" dahilan nang matigilan ang binata.

"M-matutulog lang naman..."

"Are you okay with that? Aren't you afraid?"

"Ha? M-matutulog lang naman..." sabi nito pero sobrang lakas na ng tibok ng kanyang puso. 'Yong antok niya ay bigla na lang nawala.

Tumango naman si Jax tsaka napangiti.

"Anong klaseng ngiti 'yan? W-wag na lang pala!"

"Hahaha! Why?"

"Eh kasi..."

"You and your imagination. Silly," pinitik niya nang mahina ang noo ng dalaga tsaka tumayo para i-lock ang pinto.

"B-bakit ka nangla-lock?"

"I hate being disturbed."

"D-disturbed s-sa?"

Hindi nagsalita si Jax tsaka mabilis lang na tumabi sa dalaga at niyakap ito nang mahigpit. "This! I want to sleep with you beside me!"

Parang binagyo ang kanyang puso sa sobrang bilis at lakas ng pagtibok nito. Napakagat siya sa labi para pigilan ang pagngisi niya.

"Ehh Jax naman! Parang hindi ikaw 'yan! Saan mo natutunan iyang mga salitang 'yan? 'Yong mga kilos mong gan'to? Saan mo 'to natutunan?"

"I'm an expert!"

"Luh?"

At natawa naman silang dalawa doon. Ilang segundo silang natahimik at parehong malalakas ang tibok ng kanilang puso. Dinaramdam ang isa't-isa. Nag-aantay kung may magsalita ba.

"Akala ko talaga galit ka sa 'kin."

"Hmm let's not talk about it."

Humiwalay naman sa yakap si Kitkat at tiningnan ang nakapikit na mga mata ng binata. Hinawakan niya rin ang pisngi nito.

"Kahit 'yong pisngi mo may maliit na sugat.  Alam kong 'di mo maiwasang makipaglaban, pero ingatan mo 'yong mukha mo. Sayang kung magkasugat-sugat."

"You do only love my face, don't you?"

"Magagalit ka kung oo?" pigil na tawa na tanong ng dalaga.

"Tss! Idiot!"

"Iyan na talaga endearment mo sa 'kin? Unfair naman! Alam mo ba kung anong gusto kong itawag sa 'yo?"

"I know. You already called me that before."

"Ha? Kelan naman?"

"Already twice. You cannot recall it."

"Weh? Eh anong tinawag ko sa 'yo?"

"Mahal ko."

"Yiieeeh! Ang lambing ng boses mo! Pakiulit nga!"

"Sweety!"

Nakapikit pa rin si Jax pero nakangiti na ito. Si Kitkat naman ay nangisay sa kilig. Hinampas pa niya nang pabiro si Jax. 

"Jax naman eh! Bakit sweety? Ang corny! Hahaha! Sa'n ka natuto ng ganyan?"

"It taste sweet when eating kitkat chocolate, so sweety..." tumingin naman si Jax sa kanya at sinalubong ang kanyang tingin. Ngumisi pa ito nang kakaiba. "...but I'm curious to know what will your taste be!"

Mabilis namang napabangon si Kitkat at pinaghahampas ang binata at natatawa lang ito.

"Ito na nga 'yong sinasabi ko eh! May lagnat ka pa, Jax! 'Wag kang ano diyan! Bumalik ka na nga sa kwarto mo dali!"

"No need! You'll just follow me there and drool over me while I'm asleep. Already experienced it twice!"

Hinampas naman ulit ng dalaga si Jax at tumakbo sa CR sa loob lang din ng room.

"Nakakahiya! Hindi na kaya ako lalabas? Huhu! Mama ang landi na ng anak mo!"

Nang nasa loob si Kitkat, bigla namang umilaw ang cellphone niya na nasa side table. Napatingin dito si Jax at nakakunot ang noong tinitigan ito. Nacu-curious siya kung sinong nag-text sa ganitong oras.

Sinulyapan niya muna ang CR tsaka mabilis na tiningnan ang cellphone ng dalaga. May password ito pero nakikita niya na unknown number ang nag-text.

*From 090000000000:

Good! Place the 2nd envelope. Get it...*

Hindi na niya mabasa ang iba dahil sa notification lang niya ito nakita. Napapikit siya sa inis at inilapag ulit ang cellphone. Kinabisado niya ang number nito tsaka mabilis na bumalik sa kanyang room para kunin ang kanyang phone.

Agad niyang tinawagan ang number at nag-ring ito ng dalawang beses tsaka sinagot ng kabilang linya.

"Who are you?" galit na tanong ni Jax sa mahinang boses. Narinig niya lang na huminga ito nang malalim tsaka pinatayan siya ng tawag.

"Bullsht!"

Napapikit siya sa inis tsaka itinext niya kay Kernel ang number at sinabing ipa-trace ito. Pagkatapos n'on ay binalikan niya ang dalaga.

Pero nakita niya itong natatarantang may ginawa sa phone nang makita siya.

"J-Jax! S-saan ka galing?"

Sinulyapan niya naman ng tingin ang cellphone na hawak nito. Dahil doon agad na inilagay ni Kitkat ang cellphone niya sa table tsaka hinila na si Jax sa kama.

"G-gabi na. Matulog na tayo hmm?" paglalambing niya dito.

Pero nag-vibrate naman ulit ito dahilan na sabay silang napatingin dito. Dahil sa taranta ni Kitkat na baka tingnan ito ni Jax, mabilis siyang pumatong sa kama para maabot ang mukha ni Jax at siniil ito ng halik.

'She even do this to distract me? Why she's so loyal to that motherfcker?'

Hinawakan niya ang bewang ni Kitkat tsaka mabilis na inihiga sa kama at pinatulan ang halik nito.

"Wrong move!"

...

Itutuloy...