Chereads / The Former Villain / Chapter 42 - Chapter 40

Chapter 42 - Chapter 40

Third Person's POV

Jax Blaine doesn't mind about anything for now. He quickly went to their 4th period classroom hoping to see her. Of course, secretly and vigilantly so that he can't get someone's attention. He doesn't want to mind those gangsters right now. For him, Kitkat is more important.

Napahinto siya nang makita si Kitkat na mag-isang nakaupo sa loob ng kanilang classroom. Gusto niyang lapitan agad ito pero kumunot ang kanyang noo nang ngumiti ito habang may tinitingnang envelope.

He was curious what is it that makes her smile like that. It's like it's been a while since he saw her smiling. Mabuti at walang mga estudyante sa labas ng hallway dahil nandoon ito sa booth sa baba dahil sa event. Doon din kasi nanggugulo ang mga gangsters at mostly ng mga students ay nakikinuod doon.

He felt that someone's looking at him right now but he didn't mind it. He's busy looking at her having her moment. But her smile fades away when she found him looking. Makikita ang pagkabigla ni Kitkat dahil kay Jax.

Dahil nakita naman din siya ng dalaga, wala na siyang choice kundi lapitan ito. In the first place he really wanted to see her. Even though he doesn't know what to talk to or how will he approach her. He's still guilty of what he did yesterday to her.

Sinundan naman ni Noreen si Jax mula nang makita niya itong paakyat sa building. Simula nang malaman niya ang tunay na pagkatao ni Jax, gusto niyang makausap ito. Matagal na niyang gustong makilala ang leader ng Elites noon. Pero nang bali-balitang namatay na ito, wala siyang pagkakataon makilala ito. Hindi pa kasi siya member ng kahit anong underground org noon. She was just a normal girl back then.

Hindi niya rin malapitan ito nitong nakaraang araw dahil mahigpit siyang binabantayan ni Franz. Ito lang ang chance niyang lapitan ito dahil busy pa sina Franz sa pag-eeskandalo sa baba. She needs his time even just a minute. Any time baka pupunta na dito ang mga gangsters kapag malaman nilang nandito si Jax.

May tinitigan ito sa loob ng classroom at dahil sa kanyang curiosity sinundan pa niya ito at pumasok sa room. Muling kumulo ang kanyang dugo nang makita ang babaeng kinaiinisan niya.

"Look who's here? I've been expecting you to show up in front of me to ask an apology these past few days, then now you suddenly appeared when this time I don't want you to show up?"

Pagmumukha pa lang ni Kitkat, kumukulo na bigla ang dugo niya. Ganyan niya ito kinamumuhian kaya matagal na niyang gustong patayin ito. Lalo pa't si Clark ay hindi pa naka-move on sa kanya at ngayon pati si Jax ay nakatuon na rin ang pansin dito.

Nang makita niya ang hawak nitong envelope, 'di siya nagdalawang-isip na hablutin ito dahil na rin sa inis.

"What's this awful thing? You wanted to give your stupid love letter to Jax? You're still obsess with him?"

Dahil sa tanong ni Noreen, medyo nabigla si Jax. 'So that is for me? I thought she hates me?' sa isip nito at nakaramdam pa siya ng tuwa nang nakita niya kanina na ngumingiti si Kitkat dahil sa envelope na 'yan.

He's somehow excited to receive it.

Namangha pa si Jax nang makitang hindi basta-basta nagpapatalo si Kitkat kay Noreen, makuha lang ang envelope. But then again, Noreen was able to slap Kitkat before Jax was able to stop her. Hihilahin na sana niya ito palayo kay Kitkat para ibalik ang sampal dito, nang biglang sinipa ni Kitkat ang binti ni Noreen.

Napanganga si Jax nang kunti dahil sa pagkamangha. Ilang beses na rin niya kasing nakitang binu-bully ni Noreen ang dalaga at ngayon lang ito lumaban.

'Because of that envelope... her letter for me...' sa isip ni Jax.

"That's enough babe! Don't be jealous, she knows about us!" pagtutukoy niya tungkol sa pagme-meet up at pag-making out nila noon. Pero hindi alam ni Noreen na ang sinabi ni Jax kay Kitkat na may relasyon sila. Ginawa niya rin ito para 'di na ito makaganti sa dalaga.

Gusto niyang matawa nang makita ang

cute na expression ni Kitkat. Na parang diring-diri itong makita siyang niyayakap si Noreen.

Nginitian niya ito at ipinakitang proud siya sa ginawa ni Kitkat. He doesn't mind if she will misunderstand him.

Nang makuha ni Kitkat ang envelope at nang makaalis na ito ng room, walang pagdadalawang-isip na itinulak niya nang malakas si Noreen mula sa yakap. Hindi pa nga ito nakapag-react ay muli niyang sinakal ang leeg nito at isinandal sa white board tsaka sinamaan ng tingin. Kung pwede lang sanang patayin ito ngayon, ginawa na niya.

"That was the last time that I'm letting you slap her! You were part of Stanley's plan to ambush us so don't be so sure that I'm letting you live freely! And I am very tired of warning all of you!" Jax said while gritting his teeth. He even grip her neck hard that made Noreen tap his hand to let go. She couldn't breath!

When Jax let go, Noreen glared at him as she's gasping for an air. She's coughing!

"So you're really in love with her? Don't you know that Stanley will gonna use her again against you?" Nanlilisik ang matang sabi nito.

Jax smirked because of that foolish threat. He's tired of listening to everyone! He didn't utter any words and just took his swiss knife. He was about to stab her stomach as a warning but she shout to stop him.

"Stop! Stop! Cath! Catherine Forbs!"

Alam ni Noreen na kahit labanan niya si Jax ay wala pa rin siyang kapala. Kahit na sinabi ni Stanley na hindi na dapat katakutan si Jax dahil naging mahina na ito at natalo sa laban noon sa Dakumasuta, she's not fool that cannot differentiate their skills. Kahit iwasan niya ang pagpapanaksak nito, alam niyang masasaksak talaga siya nito kung gugustuhin ni Jax.

Tiniklop muli ni Jax ang swiss knife at tiningnan si Noreen, kunot-noong inaantay ang susunod na sasabihin nito.

"What if I'll tell you that we have the right to get mad at you? That our family were being hunted because of you?" Ilang sandali ay namumuo ang luha ni Noreen habang nanlilisik ang kanyang mga matang nakatingin kay Jax.

Wala namang reaction ang binata at naghihintay ng susunod na sasabihin ng dalaga.

"We've been running for years because of Catherine's betrayal to her organization! You are the reason why she chose to betray them and got killed because of your motherf*cking ass!"

Puno ng hinagpis ang boses ni Noreen na parang hindi ito si Noreen na bitch na kilala ng lahat.

Si Jax naman ay nagulat at puno ng pagtataka dahil sa sinabi ng dalaga. Hindi niya napigilan ang sarili at hinawakan ang magkabilang balikat ni Noreen at sinamaan ng tingin.

"What do you mean? Why it's because of me? Tell me!"

Kinakabahan si Jax sa hindi malamang dahilan. Sobrang lakas ng tibok ng puso niya dahil sa kaba.

Natawa nang mapakla si Noreen at hindi makapaniwala sa inakto ni Jax.

"You didn't know? Your father personally hired Cath just to train you and put you in a higher position in Yumi? She received two missions! Yumi assigned her to spy the leader of Black Chili! She also was supposed to kill that leader including his friends. Yes! Including you!"

Unti-unting lumaki ang mata ni Jax dahil sa hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig. Ibang-iba ito sa sinabi ni Cath.

"But because you were her saviour's son, she chose to fool the Yumi! To fool Ms. Jackson! Your father hired her just to protect you! She did everything to let you be the leader of Elites! Instead of killing you, she made you one of the higher ranks! It's not Yumi who killed her! It's her own organization! In order to fool Ms. Jackson and get her trust, she told her some confidential information about her org!"

"My father?" walang pasensya niyang tanong kay Noreen. Kahit pinipigilan niya, nakikita ng dalaga ang pamumuong luha sa mga mata nito. Makikita rin ang iba't-ibang emotion na ngayon niya lang din nakita kay Jax.

"Your father once save Cath from death that's why she owes him her life!" naiiyak na sabi ni Noreen. Huminga ito nang malalim at pinahiran ang kanyang luha.

Ilang segundo ay natawa nang mapakla si Noreen.

"I know you hate her because she hurts you. It's true that she doesn't have feelings for you but you're still important to her because of your father.

Even though she fell in love with the leader of Black Chili, she chose to protect you over everything: her life, her family, her mission, her reputation, and me her best friend that she cannot even tell me who's that two guys she needs to protect!.. Just because she owes your father her life and you happen to be his son!

They both died the day her org found out about her betrayal. Before they died, they even cut off their traces to you so that Yumi and her organization cannot find out the truth. Yumi only know she betrayed because she fell in love with the leader of Black Chilli and her org know she betrayed because of your father, not you. Since Ms. Jackson found out some info of their organization, they change their system and business. Its members were scattered everywhere and no one is able to know what or who they are! We call them 'The Unknown!'

She knows that if some agent like her betray her org, all of that agent's family tree will be killed! We've been running away from them... since then 'till now!

We don't know how to live this kind of life. We're just normal who happily lives our life like any other human! But we have to join any organization, train ourselves and be wise just to live! We're already doing our best to live and we won't stop finding a way to survive!"

Nanghihina namang lumayo si Jax sa dalaga at nahihirapang huminga dahil sa kanyang mga nalaman. Buong akala niya ay si Cath ay isang secret agent ng Yumi.

"Many years had pass already so people like that bitch Catherine doesn't need to be pitied! Because of her, we're still suffering! I will hate her to death!"

Hindi nakagalaw ng ilang segundo si Jax kahit na nag-walk out si Noreen. Napahawak siya sa kanyang ulo dahil ang hirap i-absorb lahat ng nalaman niya. Ang dalawang taong pinakaiinisan niya, ang kanyang ama at si Cath. Ngayon lang niya nalaman ang tungkol dito.

'So is this the reason why Exseven want me to investigate her?'

Kahit na litong-lito siya kung si Exseven ba talaga ang tao sa likod ng nagpapadala ng sulat sa kanila. Kusa na lang iyong pumasok sa kanyang isipan na baka ito ang dahilan kung bakit sa kanya ipinaimbestiga si Noreen.

'The Unknown?' Lalo pang lumakas ang kanyang hinala nang maalala ang sinabi ni Noreen.

(Note : If you already forgot some details, you can read the Lavandeir's Revenge chapter 64 - What Really Happened. Lavandeir's flashback about Jax and Cath.)

Nang makababa si Jax sa building, walang gana niyang tiningnan sina Franz na naghihintay lang pala sa kanya sa may hagdan. Kumpleto ang tatlong gangsters maliban kay Noreen. Nakatayo din si Clark sa likod ni Franz kasama si Neil at sobrang sama ng mga tingin nito sa kanya.

Tiningnan niya ang mga ito pati na ang ibang estudyante sa paligid, bago niya muling tiningnan si Franz.

Kahit naguguluhan siya sa nalaman niya mula kay Noreen kanina, hindi pa rin mawala ang kanyang galit sa mga taong nasa harapan niya na kabilang sa planong pag-ambush nila noon. Pero sa ngayon, wala siyang balak pumasok sa gulo. Wala siyang gana sa ibang bagay. Gusto niya lang hanapin si Kitkat para tingnan kung saan na ito pumunta.

"Totoo ba talagang siya raw ang leader ng isang grupo na kabilang sa Yumi noon?" bulong ng isang estudyante.

"Yan daw ang usap-usapan. Diba sabi nila na patay na raw iyon?"

"Impossible! Ibig sabihin siya 'yong may-ari ng Elites College University na isang sikat na University noon? Diba usap-usapan ng mga gangsters noon na ang may-ari ng University ay leader din ng mafia?"

"Oo nga narinig ko din 'yan! No'ng biglaan na lang pinasara ang skwelahan na iyon mag-three years na yata!"

"Kaya pala wala siyang takot kumalaban sa Mysterious Knights?"

"Naka-witness daw 'yong klasmet natin sa Business Ad sa ginawa niya doon sa recruitment! Nakakatakot daw!"

"Pero kahit na, mag-isa lang siya laban sa tatlong gangsters, usap-usapan nga na may back-up pa lang underground organization ang mga ito. Wala pa rin siyang laban."

"Diba si Franz kabilang 'yan sa Yumi? Kaya nga kinatatakutan din siya. Pa'no na lang kaya kung si Connor na mismong leader ng rank 1?

"Pero kahit na! Boto pa rin ako kina Franz pare! Si Connor mag-isa na lang 'yan! Kaya nga siguro napadpad 'yan dito kasi mag-isa na lang!"

Narinig na niya ang mga bulong-bulongan tungkol dito simula nang pumasok siya sa campus. At ngayon ito pa rin ang pinag-uusapan ng lahat. At wala din siyang pake kung sino ang nagpakalat ng impormasyong ito. Wala siyang pake sa kahit anong bagay!

"Why do I feel that it's already been awhile, Mr. Wilder?" nakangising tanong ni Franz.

Tiningnan lang siya ni Jax tsaka nagpatuloy na umalis. Kaso hinarangan siya ng dalawang members ni Franz. Hahawakan na sana siya ng mga ito, nang walang pagdadalawang-isip na sinuntok niya sa mukha ang isa nang napakabilis at sobrang lakas pa. Natumba naman ito at napahawak sa ulo habang nangisay sa sakit. Napasinghap at napasigaw ang mga estudyanteng nakakita. Ilang segundo ay muling natahimik ang lahat.

Makikitang pikon na pikon si Jax at parang wala ito sa mood. Nakakunot ang noo nito at magkaslubong ang kilay. Gusto na kasi niyang makita si Kitkat at tingnan kung ligtas lang ba ito o baka may gumugulo na naman dito.

Itinulak naman ni Jax ang isa pa para makadaan siya nang maayos. Kusa namang nagsitabihan ang ibang estudyante nang dumaan siya.

"Mga Inutil!" sigaw ni Franz sa iba pang members ng tatlong gangsters nang hindi kumilos ang mga ito kahit na inutos niyang pigilan at harangan si Jax.

Of course, the members already witnessed how Jax easily killed someone in the club.

...

Naisipan niyang pumunta sa booth at sa cafeteria para hanapin si Kitkat. Nakita niya pa ang dalawang estudyanteng umiiyak na at duguan. Ito 'yong binu-bully ng mga gangsters kanina.

Kahit saan siya makapunta, nakukuha niya ang attention ng mga estudyante. Hindi lang dahil sa issue. 'Yong iba rin ay natutuwang bumalik na siya para pigilan ang paghari-harian ng mga gangsters.

Nag-aalala siya nang hindi niya rin makita ang dalaga doon. Bigla naman siyang tinawag ni Caryll. Kasama nito ang mga members ng council.

Makikita sa mga mukha nito na nabuhayan sila ng loob nang makita si Jax, maliban kay Caryll. Nilapitan niyang mag-isa si Jax at nagpaiwan naman ang ibang members medyo malayo sa kanila.

"Kung hinahanap mo siya, nakita ko siyang lumabas ng campus. Umiiyak," malungkot na sabi nito na tinutukoy si Kitkat.

Tiningnan naman siya ni Jax, "Thank you," maikling sabi nito at katulad kanina ay umalis agad ito.

Nagtataka naman ang ibang members ng council kung bakit umalis lang ng ganon ang kanilang president. Nagpalusot naman si Caryll na may importanteng gagawin si Jax.

...

Nang makitang umuwi ang dalaga sa bahay nito, he sighed out of relief. Naisipan niya ring bisitahin ang Head of Committee na si Mr. Espayo para tingnan ang lagay ng professor.

Kung may makakakitang iba kay Jax, masasabi siguro nitong sobrang busy niya. Pero ang totoo, sobrang gulo na ng kanyang isipan at hindi alam kung anong dapat gawin. Malaking epekto kasi ang mga nalaman niya mula kay Noreen.

Maraming tanong, maraming senaryo, maraming plano ang pumapasok sa kanyang isipan at ni-isa ay wala siyang alam saan magsimula.

Sa loob ng dalawang araw, sabado't lingo ay tatlong lugar lang ang kanyang pinuntahan. Sa labas ng bahay ni Kitkat, sa hospital kung saan naka-confine si Mr. Espayo, at ang puntod ni Reid.

It's monday at naisipan niyang puntahan si Mr. Espayo dahil makakalabas na ito ng hospital. He was told by the doctor that the professor only needs proper rest and he needs to take care of him. Mag-isa na lang din kasi ito kaya walang choice si Jax at siya na lang ang sumundo rito.

Sabay silang pumasok sa paaralan kaya nakuha na naman nila ang tingin ng lahat ng estudyanteng madadaanan nila.

"May pinagdadaanan ka ba, Mr. Connor?" biglang tanong ni Mr. Espayo kay Jax habang papunta sila sa office nito.

Ngayon niya lang din ito natanong kay Jax. Sa tuwing bumisita si Jax sa kanya sa hospital, palagi itong malalim ang iniisip na parang may isang mabigat na problemang dinadala.

As usual hindi umimik si Jax at kumunot lang ang noo nito.

"Alam kong wala akong maitutulong sa kung ano mang problema mo ngayon. Pagtitiwala lang ang maibigay ko sa 'yo. Salamat at sinubukan mong baguhin ang system at kalabanin ang mga gangsters na iyon. At alam kong kaya mo sila. May nakikita akong potential sa 'yo," nakangiti pa nitong sabi na parang walang nangyari sa kanya.

Napapanatag kasi ang loob ng matanda kapag kausap niya si Jax Blaine. Naalala niya kasi ang kanyang anak.

"Tsk! You're just being emotional! Take care!"

Iniwan na ni Jax si Mr. Espayo nang maihatid na niya ito sa office nito. Balak niyang hindi pumasok ngayon dahil alam naman niyang hindi pumasok si Kitkat. Nang makarating siya sa ground floor at naglalakad siya patungo sa parking lot kung saan naka-park ang kanyang motor, may dalawang estudyanteng tumawag sa kanya.

Nang lingunin niya ang mga ito, bigla itong napayuko at makikitang natatakot itong lapitan siya.

"P-pinapapunta po kayo sa basketball court nina F-Franz. Kung hindi raw a-ay... ay..." pag-uutal na sabi ng isa.

"ay... sasaktan nila ang kaibigan mo r-raw," pagtapos ng isa pa at agad na nagsitakbuhan ang mga ito palayo.

Kumunot ang kanyang noo dahil sa sinabi nitong kaibigan. Alam naman niyang wala siyang kaibigan kahit isa.

Pumunta nga doon si Jax pero sa ibang daan siya pumasok para hindi makuha ang atensyon ng karamihan. Sa daan na siya lang ang may kayang dumaan doon.

Malawak ang basketball court at 'yong bleachers nito ay nasa 2nd floor para kitang-kita talaga ng mga manunuod ng game kapag may maglalalaro.

Maraming tao sa loob ng court dahil na naman sa pasimuno ng mga gangsters. Kompleto doon ang lahat ng members ng gang. Nandoon din ang ibang gangsters na hindi kasali sa rank 3, at ibang mga estudyante. Pati na rin ang Student councils para sana pigilan ang mga ito pero wala ding nagawa dahil sa takot.

"Ahhhh! Mga gago kayo! H-Hoy boss! 'Wag naman sanang gan'to!" sigaw ulit ni Alfonso na nakatali sa basketball ring. Siya ang tinutukoy nilang kaibigan ni Jax.

"Hindi ko alam! Wala akong alam sa pinagsasabi ninyo! Bakit naman magiging si Mr. Wilder ang gagong Jax na 'yon! Wala akong ide! Ano ba! Ibaba ni'yo ako!"

"Wag kanang magkunwari pa! Alam naming kasabwat ka niya!" sagot ni Lance. Palagi na din kasi nilang nakikita na pumupunta si Alfonso sa Student council room noon.

"Ano namang kinalaman ko dito kung si Jax Blaine pala kailangan n'yo? Hoy! Wala 'yong puso at hindi 'yon pupunta kung ako aray! P*tangna mo! Ang lakas mong pumalo gago! Pabababain mo ako't mag- one on one ta-- aray! Masakit sabi!" Pinapalo kasi siya ng isa dahil sa ingay nito.

Ginawa ni Franz ito para komprontahin si Jax at ipakita sa mga estudyante kung sino talaga ang may kapangyarihan sa campus. Habang si Clark ay tahimik lang. Galit siya kay Jax at galit din siya sa The Blues sa ginawa nilang pagpasabog sa kotse kung saan nakasakay si Kitkat. Hindi siya sinabihan tungkol doon.

Habang napaisip naman si Noreen sa gilid. 'Kung hindi lang sana nila pinansin si Jax noon, hindi sana ganito ka gulo.'

"Where is he?" bulong ni Franz kina Neil na tinatanong kung nasaan na si Jax.

Hinahanap na rin ng lahat ang binata. 'Yong ibang estudyante ay nakahanda pa ang kanilang mga cellphone para mag-record.

Ang hindi nila alam, nakatayo lang si Jax sa pinakalikod ng bleacher malapit sa fire exit sa 2nd floor. Naka-crossed arms at nakatingin sa kanilang lahat na nasa ibaba.

Aalis na sana siya nang makita ang kalagayan ni Alfonso at okay lang ito sa paningin niya, kaso biglang sumigaw ito.

"HOY! HOY JAX BLAINE!" tawag nito kaya napatingin ang lahat ng tao kung nasaan si Jax.

Hindi mapigilan ang pagkagulat ng karamihan, lalo na sina Franz nang malamang kanina pa pala dumating si Jax.

"This idiot!" gigil na bulong ni Jax tsaka bumuntong-hininga at nilingon ang mga ito.

"MAGPALIWANAG KA! ANONG PINAGSASABI NILANG IKAW DAW SI MR. WILDER? HOY! MGA GAGO KAYO!" patuloy na pagsigaw ni Alfonso kahit pulang-pula na ang mukha nito dahil nakabitin ito patiwarik.

Tumahimik ang paligid at nakatingala lang na nakatingin kay Jax habang nakapamulsa siyang bumababa papunta sa ground. Nagsitabihan naman ang mga estudyante para makadaan si Jax.

"I don't want to cause trouble. Let him go!"

walang ganang sabi ni Jax. Pero mayabang na ang dating nito sa kanila.

Clark can't help it and smirk while Franz just grin.

"Why? You're now scared that you're just alone now? Of course, your members all died because of you!" nakangising pang-iinsulto ni Franz dahilan nang magsimulang magbulong-bulongan ang mga estudyante.

Sina Caryll naman ay 'di makapaniwala sa kanilang narinig kahit wala silang idea kung ano talaga ang nangyari kay Jax. Mas lalong sumeryoso ang mukha ni Jax dahil sa pagbanggit ni Franz sa kanyang members.

"Admit it! You were once like us way back then. A troublemaker! Why you're acting now as a good guy?"

Huminga nang malalim si Jax tsaka sinulyapan ang nakabitin na si Alfonso, na ngayo'y nakakunot na ang noo at natahimik na rin. Napagtanto kasi ng binata na baka totoo nga ang sinabi nina Franz na si Jax nga ang leader ng Elites noon. Para pa itong uod na na-trap ng isang gagamba at sobrang pula ng mukha.

In-examine naman ni Jax ang lubid na nakatali kay Alfonso at inisip kung pa'no pakawalan ang binata. Tsaka niya binalik ang tingin kay Franz.

"Do whatever you want. I won't bother!" sabi ni Jax tsaka dahan-dahang lumapit sa mga gangsters. Nakatutok naman ang mga nanunuod at nakahanda ang cellphone para mag-video.

"Your gangs aren't really what I need to dispose! It's the organization that's backing you. So I don't wanna waste my time on you... 'for now'. 'Remember? You were part of Stanley's plan to ambush us and use Kitkat to threaten me!'" bulong niya sa huli niyang sinabi at sinulyapan ang nakakunot-noong si Clark.

Kinabahan naman ang ibang members ng gangsters. Sobrang layo naman talaga ng skills nila kumpara kay Jax. At alam ni Jax na hindi sila ang totoo niyang kalaban. Isa pa, ayaw niyang labanan ang mga ito sa loob ng campus. It's for the reputation of the school and for the Head of Committee.

"And you..." sabi niya kay Franz. Lahat ng sinabi niya ay sila lang mga gangsters ang nakarinig. Nasa malayo kasi ang ibang estudyante.

"It's only a matter of time that I'll be able to find out your relationship with her." Tsaka niya sinulyapan si Noreen na ikinalaki ng mata ng dalaga. Hindi naman ipinahalata ni Franz ang kaba.

"And you are right... I'm just pretending to be good! So always watch your back!" dagdag ni Jax at 'di niya mapigilang ngumisi nang makita ang takot at kaba sa mga members ng gangsters pati si Neil.

May kutob naman na talaga si Jax tungkol sa kanila ni Noreen at Franz dahil sa sinabi ni Noreen doon sa room. Lalo pa't nakita na niya ang dalawa sa isang bahay n'ong sinundan niya si Noreen noon.

Napasinghap ang lahat ng estudyante pati sina Caryll nang biglang naglabas ng swiss knife si Jax. Naging alerto naman ang tatlong leaders ng gang.

Pero mabilis lang na pinutol ni Jax ang lubid na nakatali kay Alfonso. Napasigaw pa ito nang mahulog ito sa sahig.

"Aray! Tang..." napatikom nang bibig si Alfonso nang magtama ang kanilang tingin ni Jax. Naalala niyang ito pala si Mr. Wilder na hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala. "Hehehe! Tenkyu!"

Agad naman siyang nilapitan ni Jax kaya mabilis siyang umatras habang naka-cross pa ang mga braso sa harapan ng kanyang mukha bilang shield.

"B-bakit? Anong gagawin mo gag... gege!" Kahit ang murahin si Jax, pinag-iisipan na rin niya.

"Tsk!" Naiinis namang hinablot ni Jax ang t-shirt na suot ni Alfonso tsaka itinayo. "Come with me!"

Tatayo na sana nang maayos si Jax nang bigla siyang inatake ni Lance mula sa likod. At akala nila ay matatamaan na niya si Jax pero mabilis nitong inunahan ng saksak gamit ang kanyang swiss knife.

Napasigaw ang mga nakakita. Napanganga si Lance at parang nakalimutang huminga.

Dahan-dahang umatras si Jax habang natawa dahil sa reaction ng lahat. Parang Jax Blaine noong leader pa ito ng Elites. Iyong tawa na nakakainis at nakakinsulto.

Ipinakita niya sa lahat ang naka-fold na swiss knife kaya hindi niya talaga nasaksak si Lance. Naiwan naman napaupo si Lance dahil sa gulat na akala niya ay masasaksak na talaga siya.

Umalis na siya sa campus at awkward namang sumunod sa kanya si Alfonso.

"H-hoy! Totoo ba talagang ikaw si Mr.Wilder?" tanong nito nang saluin niya ang helmet na ibinigay ni Jax. Nandito na kasi sila sa parking lot kung saan naka-park ang motor ni Jax.

"Tsk!"

Habang isinusuot ni Jax ang kanyang helmet, bigla namang natigilan si Alfonso nang maalala ang nangyari n'ong time na nasa hotel sila.

"Ibig sabihin... 'Nong tinanong mo kung kilala ko si Mr. Wilder... Y'ong papel... Buhay pa si Mr. Wilder... I-ikaw..."

Agad na tumalikod si Alfonso para tumakas nang hablutin siya ni Jax sa likod na neckline at hinila pabalik.

"Tsk! You have to tell me what you learn about Franz. But first, let's go to my house!"

At pumunta nga sila sa bahay kung saan lumaki si Jax. Ang tahanan ng kanyang yumaong ama.

...