A/N : Please don't hesitate to correct my grammatical errors and typos. Enjoy reading!
Warning : some part has violent scene.
...
Third Person's POV
Pagkatapos maihatid ni Jax ang gamit ni Mr. Espayo, naiinis naman niyang pinuntahan si Kernel sa ground floor kung saan ito nagwawalis sa mga patay na dahon. Nang makita nito si Jax, muli itong ngumisi nang nakakaloko.
"Hey! Lover boy!" pang-aasar nito nang makalapit na sa kanya si Jax, nagkukunwari pa ring nagwawalis.
"What are you doing here?"
"I told you, I am bored. I might as well stay here to observe the surroundings," sabi pa nito at pumikit tsaka itinaas ang dalawang kamay na parang fini-feel ang hangin.
"Anyway, I'm not aware that you and Kitty-katty were quite popular here..." dagdag ni Kernel tsaka tinangnan si Jax diretso sa mata. "Are you happy and satisfied of the result? That she's hurting because of you?" seryoso nitong tanong na ikinaiwas ng tingin ni Jax.
'Who would be happy seeing the person you cared for is hurting because of you?' sa isip ni Jax.
"I am doing this so that stalker will think I did not really care for her. So that she won't be used as my weakness..." mahinang sabi nito na hindi pa rin tumitingin sa gawi ni Kernel. "...but still they use her to threaten me!"
"Now you know what Exseven felt way back then..." nakangising sabi ni Kernel. Nakangisi ang mukha nito pero sobrang seryoso naman ng pagkakasabi ng binata.
Hindi ulit nakapagsalita si Jax. Hindi na niya kailangan magsalita kasi alam naman nilang pareho na tama si Kernel.
Mas lalong sumeryoso ang mukha ni Jax habang si Kernel naman ay unti-unting ngumisi nang may naramdaman sila pareho.
"Someone's watching us," sabay nilang sabi pero hindi sila lumingon sa kahit saan. Na parang nagpapanggap silang walang naramdamang nagmamasid.
"This is getting interesting! Now that we know that we have two groups of enemies were dealing, I might as well be prepared," nai-excite na sabi ni Kernel at humikab pa ito.
"So? Would you want me to catch that rat?" dagdag na nito tinutukoy ang taong nagmamasid sa kanila ngayon.
"Can you?"
"It depends! But I have this thought that it might be..."
Pareho silang nagkatinginan sa isa't-isa.
"Exseven," sabay nilang banggit.
Nang dahil sa pangalawang envelope na kanilang na-receive mula kay Exseven, pareho nilang naisip na baka bumalik na si Ex at hindi lang nagpapakita sa kanila sa kung ano mang dahilan. As what they know, Ex is still on the run.
"But we need to confirm it first. That bastard is sly yet dramatic!" komento ni Jax dahilan nang natawa silang pareho.
"But he's not that someone who will let anyone feel his presence. We're not sure yet."
Huminga nang malalim si Jax at tiningnan ang kanyang wrist watch. "By the way, where did you always get Exseven's envelope?"
"At my personal place that I'm staying. He always leave it in front of my door."
"And you didn't notice him? Or check the CCTV's vicinities?"
"Anong akala mo sa 'kin walang common sense? I already investigated the area, only to find out that random person always leave it there. Noong una matanda, pangalawa ay babae. I even look for them and ask them about it. Sabi ay napag-utusan lang daw."
"Tsk!"
"I put the envelope to your locker. We both know that Exseven's message is obviously pertaining to you. Later, let's come up another plan to investigate Noreen Forbes. And about The Blues, I already talked to Ethird. We'll discuss it at your coffee shop tonight! See yah!"
Aalis na sana ang binata nang muling nagsalita si Jax.
"If ever you caught that bastard who gave me the envelope with Kitkat's pictures, let him go as of now," seryosong sabi ni Jax.
Napakunot naman ang noo ni Kernel nang parang may kung anong emotion siyang nakita sa binata.
"Why?"
"He called me traitor. Same as those guys who raided in the hotel. He told me that I betrayed them. I'm guessing that they're part of Yumi back then. I know he will show himself to me someday."
Hindi alam ni Kernel kung anong sasabihin o anong dapat i-react kaya tumango na lang siya at muling nagpaalam.
Muli na sana siyang aalis pero nagsalita ulit si Jax dahilan na naging sarcastic ang expression ng kanyang mukha.
"Alam kong ayaw mo talaga akong paalisin but don't worry Jaxie! I won't leave you like everyone does! I will love you with all..."
"A parting queries for you..." pagputol ni Jax sa mga nonsense ni Kernel. Kumunot naman ang noo nito nang biglang ngumisi si Jax. "I did not see you at the hideout that night, were you and Angel together?"
"What? No! Why would I? I am telling you I won't cooperate with her even if she'll seduce me for an info!"
Natatawa namang umalis si Jax dahil sa pag-hysterical ni Kernel.
"Kahit kailan ang pangit talagang kausap ng mga 'to!" pagmamaktol ni mais tsaka umalis na din.
Dumiritso naman si Jax sa kanyang locker para kunin ang envelope na nilagay ni Kernel. Muli niya itong tiningnan tsaka nakita ang markang X sa likod ng envelope. Kaso may bago ng nakasulat dito na ikinakunot ng noo ni Jax.
*To Jaxie, my loves. I made this letter more special by putting my emotions and sincere feelings towards you. Oops! Smile before you open! Xoxo!
Yours forever, Kernia!*
"Tsk! That's why he's being dumped!"
'I never imagine that I am being surrounded by weirds and idiots!' sa isip pa niya.
Itinago ni Jax ang envelope at naisipang sa student council office niya na lang ito babasahin dahil mas safe doon. Lunch time din kaya alam niyang walang tao doon.
Pero nang makarating siya sa hallway, nakita niya si Caryl sa labas na parang may hinihintay. Lumingon sa kanya ang dalaga tsaka agad na ngumiti at lumapit sa kanya.
"Pres, hinintay kita! Tara! Nauna na 'yong iba!" Hahawakan na sana siya nito sa braso nang agad itong iniwas ng binata.
Nagulat naman ang dalaga at nakaramdam ng pagkapahiya. Hindi naman big deal ni Jax ang kanyang ginawa dahil ayaw niya talagang hinahawakan siya. The cold hearted Jax Blaine. Hindi na iyon bago sa kanya kahit noong nasa Elites College University pa siya.
"Thank you but I am not hungry," magalang na pagtanggi niya rito tsaka pumasok na sa loob.
Huminga na lang nang malalim ang dalaga. Alam naman niyang ganoon talaga si Jax, 'di niya lang talaga napigilan ang excitement kanina.
Nang siya na lang mag-isa sa office, agad niyang kinuha ang envelope at sa tuwing makita niya ang sulat ni Kernel, naiinis siya bigla.
Kinuha niya ang papel sa loob at muling binasa ang message ni Exseven.
*I didn't know you already have someone you cared for, Jax. Sorry for giving you the mission. But I need you to continue investigating Noreen. Do whatever it takes to find out everything about her. I will contact you again if you already have the information I need. Also pay your attention to the new girl you cared for.*
'First of all, that bastard won't call me by my first name. Second, he'll never say sorry. Third, how will he know if we already have the info? As if he's watching our every moves. And fourth... it feels like it's not Exseven who gave this message.'
Kunot na kunot pa rin ang kanyang noo dahil sa letter ni Exseven. The words weren't wrote but were typed and printed that's why he cannot confirm the handwriting.
Hindi lang sinabi ni Jax kay Kernel na nawiwirduhan siya sa letter. Walang ibang nakakaalam sa treatment nila ni Exseven kaya siya lang ang makakapagsabing parang may mali sa letter.
He doubted that it's Exseven's letter...
Ang daming tanong sa kanyang isipan na hindi niya alam kung saan kukuha ng sagot. Pinikit niya ang kanyang mata at nag-crossed arms para makapag-isip nang maayos.
'Is the bastard already here and was just messing with us?'
'If it is true that he's on the run right now and being chase, why would he come back here knowing that he will just involve people he cared for?'
'Why he's after Noreen?'
'If this letter wasn't from Exseven, how the hell did he know about Kernel? Why did he gave the letter through Kernel and not give it to me directly?'
'Or perhaps, he passed it through Kernel to let us believe that he's Exseven?'
Muli niyang tiningnan ang envelope at ang marka na X sa likod nito.
'Why does we believe that this X was Exseven? I must confirm if that bastard is already in the country or not. Because if he isn't, who the hell is messing up with us?'
...
Pumunta na si Jax sa 4th period bago pa matapos ang lunch. Hanggang ngayon ay hindi pa rin humuhupa ang kanilang issue ni Kitkat. Nasa kanya pa rin ang attention ng lahat sa tuwing siya ay dadaan.
Maraming natuwa nang siya na ang naging student council dahil first time na walang gulo na naganap sa loob ng isang linggo. Walang mga gangsters. Pero mas marami pa rin ang may ayaw sa kanya.
Most of the students who were fan of the three gangs, weren't happy with Jax's new rules. Lalong-lalo na ang mga gangsters na hindi kabilang sa rank three.
Marami pa ring nahuhuli ang student council na mga lumalabag sa rules. Mga maliliit na away at may iba pang nahuhuli dahil sa pagyoyosi sa loob ng paaralan.
...
Pang-ilang beses na siyang tumingin sa kanyang wrist watch nang 20 minutes na ay hindi pa rin dumating ang dalaga. Ito ang pinakamahabang late nito.
Mabuti na lang at wala masyadong diniscuss ang professor nila pero hinanap pa rin nito si Kitkat tsaka minarkahang absent nang mag-30 minutes nang hindi pa rin ito dumating.
...
Sa kabilang banda naman, kunwaring nagpaalam si Aki sa dalaga na bibili siya ng snacks nang makitang inaantok na ang mukha nito.
Nakangisi siyang umalis sa rooftop at doon lang naghintay ng ilang minuto sa likod ng pinto. Ilang minuto ang lumipas ay sinilip niya ang dalaga at napangisi siya ulit nang makitang nakatulog na ito.
Muli niya itong nilapitan tsaka tiningnan ang oras.
"Let's see if Jax Blaine will find her here."
Isang bote lang ng hard alcoholic drinks ang pinainom sa dalaga pero nilagyan niya ng drugs para mas effective agad. In that way, mapagkamalan lang na nalasing lang ito.
He's not sure about what time will Jax Blaine arrive. But he's sure that Jax will be suspicious enough when knowing that Kitkat didn't attend the class.
Aki knew that the reason Jax has been attending the 4th period is because of her. Whatever he may act in front of her or to anyone, Aki knew that Jax really cared for Kitkat.
'He cannot convince me by hurting her himself! It's fun to test him and see his reaction.'
Nagsindi siya ng sigarilyo pagkatapos niyang ubusin ang isa pang bote ng alak. Pinuntahan niya ang isang member ng Mysterious Knights na si Fourth. Tinitigan niya ang walang malay nitong katawan.
Three months ago since he infiltrated in the campus, he always witnessed how the these gangs bullied Kitkat. He's always there observing them.
Ilang beses na rin niyang nakita kung paano hindi tulungan ni Jax ang dalaga sa tuwing binu-bully ito ng mga members ng Mysterious Knights. He was convinced that Jax doesn't really care about Kitkat.
But when that time that he helped her, he change his mind. Lalo na ngayong sigurado na siyang may gusto talaga ito sa dalaga.
He exhale the smoke of the cigarette while it's still in his mouth. He took his dagger and come closer to Fourth's body.
"Thank me for doing this, leader," sabi ni Aki na tinutukoy si Jax tsaka 'di nagdalawang-isip na patayin ang walang malay na si Fourth.
He immediately left the place and transfer to another building to wait for Jax's arrival.
...
He's in the other buildings' rooftop with his binocular, looking at the rooftop where Kitkat is sleeping. When Jax finally arrived, he couldn't help but grin. He saw the frustrated reaction of Jax when seeing Kitkat's situation and Fourth's dead body.
Until this time, he's still full of hatred thinking that his former leader is having a new life and happily living with it. He touch the scar of his upper back near to his shoulder as he remember what he had been through for the past years. And he had no one to blame but Jax Blaine.
They all die because of their selfish leader's betrayal.
"Gotcha!"
Natigilan si Aki nang may biglang nagsalita sa kanyang likuran. Mahigpit niyang inayos ang black mask at ang black cap niya at hindi nilingon ang kung sino mang nagsalita sa kanyang likuran.
"So it's you that's been messing around with Jax Blaine. I bet you already know me. I am Kendrick the handsome leader of Red Chili."
Mas lalong sumeryoso ang kanyang mukha nang malamang si Kendrick ito, isa sa dahilan kung bakit hindi niya masyadong maimbestigahan nang maayos si Jax.
"I can always catch you, but I am just letting you because of Jax's request."
Hindi sya nagsalita at nanatiling nakatalikod dito para hindi makita ang kanyang mukha. Dahan-dahan niyang inilabas ang kanyang dagger at humandang harapin si Kendrick.
Pero ilang segundo na ang lumipas nang hindi na ulit ito nagsalita. Hindi rin siya nito nilapitan, at wala man lang ginawa.
Dahan-dahan siyang humarap sa gawi ni Kendrick pero gulat at pagkataka lang ang kanyang nararamdaman nang hindi na niya ito makita. Maigi at dahan-dahan niyang tiningnan ang paligid ng rooftop pero wala na talaga ito.
'Bweset!' sa kanyang isipan tsaka kinontak ang iba niyang mga kasama.
Tiningnan niyang muli ang gawi ni Jax pero nakatingin na rin ito sa kanyang gawi. Kitang-kita niya ang galit na expression nito.
"We will meet face to face someday, Jax!"
naiinis niyang sabi at agad na umalis sa lugar na iyon.
...
Kinuyom naman ni Jax ang kanyang kamao nang umalis na ang lalaki sa kabilang rooftop na iyon. Muli niyang binalingan ang dalaga tsaka ito nilapitan. Umupo siya sa arm chair na nasa harapan ng dalaga tsaka nag-crossed arms.
Galit na galit ang kanyang nararamdaman nang makitang lasing na lasing ito. Lalo na't alam niyang kagagawan ito ng lalaking iyon.
Nang dumating si Kernel sa rooftop, hindi ito pinansin ni Jax o binalingan man lang ng tingin.
"I confirmed, he's the one that's been stalking you here. He's also the one who followed you that night you gave Noreen the USB. As what you instructed, I let him go." Naalala kasi ni Kernel ang porma ng stalker noong gabing 'yon.
Tumango lang si Jax habang hindi inalis ang tingin sa dalaga. Bumuntong-hininga naman si Kernel tsaka niligpit ang patay na katawan ni Fourth.
"Feeling ko talaga, ako na lang palagi ang tagalinis ng mga kalat! Tangina! Bakit ba kasi dito pa pinatay n'ong gagong 'yon ang isang 'to?" pagrereklamo ni Kernel tsaka tinawagan si Veign na i-meet up siya sa labas ng campus.
Natatakot naman si Jax nang maisip niya kung na-witnessed ba ni Kitkat ang pagkamatay ni Fourth dito. Kung ano-ano na lang ang pumasok sa kanyang isipan na mas lalong ikinagalit ng kanyang damdamin.
'So she's with him during lunch time? And he's the reason she's always late? Bullshit!'
Naisipan niyang samahan ang dalaga hanggang sa magising ito. Ayaw niyang may makakitang iba na umiinom ito at lumalabag ito sa rules. Hindi na niya gustong dagdagan pa ang punishment ng dalaga.
This is also the only time he can be with her without minding her reaction. He don't want to give her hint that he cared.
Dahil nasa gawing gilid ng rooftop sila, hindi sila natatamaan ng sinag ng araw.
Huminga nang malalim si Jax tsaka tumayo para lapitan pa ito. Hinawi niya ang buhok nito na humaharang sa pisngi ng dalaga. Nakapatong kasi ang ulo nito sa arm chair at nakatagilid 'yong mukha niya.
Sinuri niya rin ang braso nito at mga binti baka sakaling may nangyaring masama kay Kitkat. Jax sighed in relief when knowing nothing else happen to her aside being drank.
Dahan-dahang hinawakan ng binata ang pisngi ni Kitkat. He even tried to cup her cheek.
Bigla naman siyang kinabahan nang biglang sumimangot ang dalaga kahit nakapikit ito. "Parang umiikot ang mundo... Aki." bulong nito na mas lalong nakapagpakunot ng noo ni Jax.
'Aki?'
"Now, you're dreaming of him? Tsk!"
Agad namang gumalaw si Kitkat kaya mabilis na umalalay si Jax. Umayos ito ng pagkakaupo at sumandal sa sandalan na inuupan nitong armchair. Nakapikit pa rin ang mga mata nito habang nakakunot ang noo. Ilang segundo pa ay hindi na ito gumalaw at mahimbing na natutulog. Nakaawang pa ang bibig nito.
"What would happen if I'm not here? Idiot!"
Kinuha niya ang kanyang panyo tsaka umupo sa mismong desk ng arm chair na inuupan ng dalaga. Maingat niyang dinampi ang panyo sa mukha nito dahil pinagpapawisan ito.
Itinukod ni Jax ang isang braso sa sinasandalan ni Kitkat at mas lalong inilapit ang mukha niya sa dalaga. Seryoso pa rin siya sa pagdampi ng panyo sa mukha nito.
Habang tinitingnan niya ang features ng mukha ni Kitkat, napapangiti na lang siya sa hindi maipaliwanag na dahilan. Parang nawala lahat ang bumabagabag sa kanyang isipan. Naging mapayapa ang kanyang damdamin. As always, staring at her makes Jax feel at peace.
Muli niyang tinago ang panyo tsaka nakatingin lang sa dalaga. Iba ang kanyang pakiramdam, parang natutuwa siya na hindi niya ma-explain kung bakit. Na-eexcite katulad nang nararamdaman niya noon tuwing titingnan niya si Cath.
He knew he is really falling for her. He forgot that loving someone is not that bad after all.
Pinaglaruan niya ang buhok ng dalaga na inaalon ng hangin. Hanggang sa ilang oras na ang lumipas.
Dahil hapon na, 'yong sinag ng araw ay lumipat sa may likuran ng binata. At dahil nakaupo siya sa desk, hindi natatamaan ng sinag ng araw si Kitkat dahil natatakpan ito ng kanyang anino.
Muling inilabas ni Jax ang kanyang panyo nang may namumuo na namang pawis sa mukha ni Kitkat. He leaned closer again to wipe her face properly then suddenly, tumayo si Kitkat na ikinagulat ni Jax.
Nanglaki ang kanyang mata nang magdampi saglit ang kanilang mga labi. Pero agad namang nakakilos si Jax at hinawakan ang bewang nang dalaga nang matutumba na ito.
Nakapikit pa rin ang mga mata ng dalaga at nakikita niyang kumukunot ang noo nito.
He held her waist tightly and pulled her closer to properly kiss her. He didn't move, afraid she'll wake up but his heart is beating like crazy.
The feeling of touching her soft lips with his lips.
He wanted to kiss her deeply again. He wanted to move his lips but he didn't. Inilayo niya agad ang kanyang mukha nang dahan-dahang dumilat nang kunti ang mata ng dalaga. He can see she's half-sleeping.
"Jax, mahal ko i-ikaw ba 'yan? Ba't naging d-dalawa ka?" lasing ang tonong pagkakatanong nito. Pagtakapos ay bigla itong matutumba kaya agad na inalalayan ni Jax ang katawan nito na maupo ulit.
He heaved a sigh. A sigh in relief when seeing she's still sleeping deeply. Parang sasabog ang kanyang puso dahil sa sobrang bilis ng pagkabog nito. Natutuwa na kinakabahan na ewan.
In other term, kinikilig siya sa pagtatanong nito, at sa pagdampi ng kanilang mga labi.
'Damn it!'
Lumayo siya sa pwesto at kinuha ang mamahaling case ng sigarlyo at lighter tsaka nagsindi para pakalmahin ang sarili.
Pagkatapos no'n ay bumalik siya sa isang upuan na nasa harapan ng dalaga. Ilang oras na ang lumipas at dumilim na ang paligid. Gabi na nang gumising ang ito.
Napakunot ang kanyang noo nang makitang gulat na gulat pa itong makita siya.
"J-Jax? A-anong ginagawa mo rito?"
"That's what I wanted to ask! Explain every foolish thing you did here, Ms. Reyes!"
Muling bumalik ang kanyang inis nang maalalang 'yong lalaking nagngangalang Aki ang palagi niyang kasama dito.
Lalo na't basta-basta na lang ito nagtitiwala sa 'di kilalang tao.
...
Itutuloy...
Lame update. Pasensya na. Please vote po. Thank you for reading!