A/N : Please correct any grammatical errors or typos. Enjoy reading and please vote.
...
Third Person's POV
He can feel that she's nervous and cannot look straight in his eyes. He's just staring at her and she keeps on avoiding. She's pouting and Jax know that she's currently confused yet sorry.
"I wonder who's your drinking buddy? Is that person the reason why you always go somewhere during lunch and always being late during 4th period?" he asked even though he already know the answer. He just wanted to confirm.
Noong hinahanap ni Jax si Kitkat pagkatapos ng 4th period, nakita siya ni Kernel na parang nagmamadali kaya tinanong nito kung anong problema. Tinulungan ni Kernel si Jax na hanapin ang dalaga lalo na't nakikita niya sa mukha nito ang sobrang pag-aalala.
They both know that there are many enemies who are after her.
Nakita ni Kernel ang isang lalaking naka-cap at naka-mask na nagmamadaling umalis sa isang rooftop ng building. Dahil pamilyar sa kanya ang postura nito, 'di na siya nagdalawang-isip na sabihan si Jax habang siya ay sinundan ang binata.
Ang way ng pananamit nito at ang tindig nito, alam ni Kernel na ito 'yong sumusunod kay Jax n'ong papunta ito sa bahay ni Noreen.
"Ibig sabihin hindi kayo nagkita?" inosenteng tanong ni Kitkat.
Bumuntong-hininga si Jax tsaka ipinakita sa dalaga na sinusuri niya ang mga bote ng alak. Kahit na tinitingnan na niya ito kanina pa. To let her know that he's analyzing what happened and so that she cannot deny what she did.
"These drinks are so expensive." kumento niya.
'This brand is one of my favorites. It means he was once belong to my close circles,' sa isip ni Jax.
Hindi na iyon pinansin ni Jax at gusto niya na lang maihatid ang dalaga sa kanila dahil gabi na rin. Meron din silang usapan na magkikita sila nina Kernel sa kanyang coffee shop. Marami silang dapat pag-usapan. Lalo na't sinabi ni Exseven sa kanyang letter na kailangan nilang malaman lahat ng information ni Noreen. At kasali na rin sa kanilang iimbestigahan ay ang The Blues.
He was about to tell her that he'll drive her home when suddenly, he felt someone's presence. Jax know they were being observed.
"Really testing me huh!"
Kinakabahan ang binata, hindi dahil sa hindi niya alam kung sinong nagmamasid sa kanila kundi dahil kay Kitkat.
Nang marinig niya ang footsteps ng taong nagmamasid sa kanila, at nang damang-dama niyang may nakatingin sa kanila mula sa madilim na parte ng rooftop, Jax know it is one of the gangsters. Skills pa lang nitong magtago, sablay na.
Palihim niyang kinuha ang maliit na earpiece at in-on ito. Tsaka inisang hakbang niyang lapitan ang dalaga para hawakan ang neckline ng damit nito. Kitang-kita niya ang labis na pagkagulat ni Kitkat pero kailangan niya itong gawin.
Alam niyang gagamitin na naman ulit ng gangsters si Kitkat laban sa kanya. At iyon ang isa sa pinakaayaw niyang mangyari.
"J-Jax! Baka n-nakalimutan mong babae ako! Hehe! 'D-di ka naman s-siguro pumapatol ng babae no?"
"You think so?" He grin to perfect his act. Palihim niya namang sinuot ang isang earpiece sa kanyang tenga. Narinig pa niya sa kabilang linya na kumakanta pa si Kernel.
Mas inilapit ni Jax ang kanyang mukha sa dalaga para bumulong. "Listen, I want you to act unconscious at the count of three! One! Two! Three!"
At namangha pa ang binata nang agad na sumunod si Kitkat sa kanyang sinabi. Pinakita niyang sinuntok ang dalaga at agad niyang sinalo nang mawalan ito nang malay.
Nang tingnan niya ang mukha ni Kitkat, kumunot ang kanyang noo nang ngingiti na sana ito. "Don't you dare smile, you idiot! You're unconscious! Damn it!" sobrang hina niyang bulong dito.
Hindi natuloy ang pagngiti nito at nanatiling nakabuka nang kunti ang bibig nito. Pinipigilan naman ni Jax na matawa dahil sa itsura ng dalaga.
'Though she looks cute, how did she able to make this weird face?'
Kahit hindi gaanong convincing ang pag-acting na walang malay nito, it's still useful.
Narinig niyang pumalakpak nang mabagal si Kernel sa kabilang linya. "Wow! Bravo! Best couple award goes to JaxKi!"
Hindi ito pinansin ni Jax lalo na't damang-dama niya ang tingin ng nagmamasid sa kanya. Nakita niya ring naka-open na ang pinto ng rooftop na mas lalong ikinaseryoso ng kanyang mukha.
Nang makarating sila sa ground floor, naramdaman niyang hindi lang isa o dalawa ang nagmamasid sa kanya. Mas lalong binilisan ni Jax ang paglalakad.
"Jax, hindi mo naman siguro ako papatayin no? Kahit papatayin mo ako, mahal pa rin kita," biglang sabi ng dalaga dahilan nang saglit na napatigil si Jax.
Muling nagpatuloy ang binata at kumunot ang kanyang noo nang biglang tumawa nang malakas si Kernel mula sa earpiece.
"Kaya pala natagalan ang kamahalan, lumalandi pa pala!" kumento pa nito.
"Pero sana 'wag mo akong patayin para mamahalin kita nang matagal," dagdag pa ni Kitkat.
"Sanaol! So hindi ka kikiligin niyan?" muling kumento ni Kernel na binaliwala lang niya.
Jax forced himself to stay serious and act as if he's in bad mood, knowing that they're still being observe. He glance at her face. Nakapikit pa rin ito at naka-open nang kunti ang bibig nito.
Napasulyap siya sa mapupulang labi ng dalaga at muling naalala ang aksidenteng naglapat ang kanilang mga labi kanina. Pati na ang paghalik niya rito.
"I'm waiting outside the front gate. Isama mo si Kitty-katty dahil alam nating hindi pa siya ligtas na iwan mag-isa sa kanila ngayon," muling sabi ni Kernel na nagpabalik ni Jax sa realidad.
Nang makasakay na sila sa kotse ni Kernel, binati ni Jax si Kernel ng masamang tingin at ginantihan naman nito ng mapang-asar na tingin.
"Ohhh! Sweet lover boy! Is she the girl you cared for Mr. Wild... Mr. Connor? Pft!"
"Someone's following us. Just drive!" Mabilis namang pinaandar ni Kernel ang kotse.
Nagpakilala naman si Kernel kay Kitkat at nag-uusap ang mga ito habang si Jax naman ay ipinikit ang kanyang mata para makapag-isip nang maayos.
Pero nang banggitin ng dalaga ang pangalang Aki, muli niyang idinilat ang kanyang mata at nagkatinginan sila ni Kernel sa front view mirror.
Narinig na niyang binanggit ito ni Kitkat kanina. Ngayon, mas lalo niyang napagtantong kilala nga siya n'ong nagngangalalang Aki.
'I only have Elite's members as my close circle. They're already gone except Clent.'
"When did you meet him? Why he didn't tell me anything?" seryosong tanong ni Jax.
"Five days ago. N'ong first time akong ma-late. Susurpresahin ka niya sana kaso hays... 'Di pa ba kayo nagkita kanina sa rooftop?"
"I see... I told you to trust no one!"
"Siya kaya unang lumapit sa 'kin. Mabait din naman siya. Palagi nga niya akong nililibre ng lunch."
Bigla namang na-guilty si Jax. Until now, hindi niya pa rin nabigyan si Kitkat ng cheesecake. At 'di niya alam kung kailan ang susunod na pagkakataon.
...
Sa kabilang banda naman, ikinuyom ni Clark ang kanyang kamao nang makitang buhat-buhat ni Jax ang walang malay na dalaga. Gusto niyang lapitan pa ito pero hindi niya magawa dahil nandiyan ang iba niyang mga kasama.
Nang makita nila ang patay na katawan ni Fourth malapit sa pinaglamayan ng isang member ni Neil, mas lalo silang nagalit at alam nilang si Jax ang may gawa n'on.
Balak sana nilang sugurin si Jax katulad ng kanilang plano pero hindi nila inaasahang makita nila itong kasama ang dalaga. Si Clark ang nagsabing hindi nila dapat damayin si Kitkat kaya mas lalong nainis si Noreen na nasa kanyang tabi lang.
Kanina pa nila hinahanap kung nasaan si Jax, nang malaman nilang nasa rooftop ito, agad na pumunta roon si Franz. At 'di niya inasahang makita niyang sinuntok nito si Kitkat. Hindi niya alam kung anong balak gawin ni Jax dito, pero malakas ang kutob niyang napansin sila ng binata.
"Bullshit!"
Nang makaalis ang mga ito, agad na tumawag si Franz kay Stanley Summit.
...
"Why the fuck are you all here? You're disturbing my peaceful life!" naiinis na sabi ni Jax. Aside sa kailangan niya sabihin ito para hindi maghinala sa kanila si Lavandeir, hindi niya talaga gustong makita ang dalaga.
Lalo na't ibinilin sa kanila na hindi dapat malaman ni Lavandeir ang inutos ni Exseven sa kanila. Isa pa, alam nilang lahat kung gaano katalas ang pakiramdam nito.
"It's been a long time, Jax."
Napatingin si Jax kay Clent. Hindi niya alam kung anong dapat maramdaman. Ang matuwa nang makita ang dati niyang member o ang pagdudahan ito.
Hindi niya maiwasang hindi magduda rito. Dahil kung motibo lang ang pagbabasehan sa stalker na iyon, naisip ni Jax na gumaganti ito dahil siya rin ang dahilan kung bakit namatay si Kim, girlfriend ni Clent.
"Yes, how are you?"
"I'm now fine. I'm thankful we both survive. Glad to see you again."
"Hot tea and iced choco for the two princesses. Who wants popcorn?" pagsulpot ni Kernel. Muli silang natahimik at nagpatuloy lang sa pag-inom ng drinks.
Plano sana nilang pag-usapan ang mga bagay-bagay kaso hindi nila magawa dahil nandiyan si Lavandeir. Kaya hanggang ngayon, sinasamaan ni Jax ng tingin si Veign kung bakit nito hinayaang makapunta rito. Timing pa kung kelan sila planong mag-meeting.
Palihim namang nagkatinginan ang mga lalaki nang biglang inaya ni Lavandeir si Kitkat na magkwentuhan sa kabilang table na malayo sa kanila.
"Looks like she sense something from us," bulong ni Veign na casual lang na umiinom ng kanyang drink.
"And it's your fault for letting her come here! Tsk," naiinis na sabat ni Jax.
Nagbatuhan sila nang masasamang tingin sa isa't-isa at napapailing na lang si Clent tsaka sumandal sa kanyang inuupuan. Nakadekwatro pa ito 'tulad kay Veign.
Dumating naman si Kernel na nakasuot pa rin ng apron tsaka may dalang sliced cakes at ang kanyang Iced mocha latte.
"Mm! May favorite tiramisu and blueberry cheesecake! Libre mo 'to ha, Jaxie my loves!"
Nalipat naman sa kanya ang masamang tingin ni Jax at 'di kalauna'y bumuntong hininga na lang siya habang tiningnan ang mga kasama niya.
"I never imagine seeing us four together in a mission," nawawalang ganang banggit ni Jax.
"Thank ate Violy and Exseven for saving your life. You experience teaming up with the greatest Kendrick. Hahahaha! Agree Veign? Agree?"
As usual hindi umimik si Veign at umiinom lang ng kape na parang nasanay na sa ugali ni Kernel.
"So when can you transfer to their school?" pag-iiba ni Kernel na tinatanong sina Veign at Clent.
"Since I'm in my last year, I have to submit a project first then maybe give me two weeks or three," sagot ni Clent.
"I was given another mission by this asshole so I don't have to transfer. For all I know, he just don't want to include me in this mission."
Naguguluhan naman sina Kernel dahil sa sinabi ni Veign. Nagpalipat-lipat ang tingin ng dalawa kina Veign at Jax.
Nag-shrug lang si Jax at uminom ng kanyang latte.
"Connor asked me to protect Alfonso's sister. When I found out the details about her, she's working part time just near our school. Well, it's fine...I find her interesting..." biglang ngumisi si Veign tsaka kinuha ang kanyang maiinom.
Nagkatinginan naman sina Clent at Kernel dahil sa inakto ng binata.
"Isn't she the girl you're talking about? That she thought you're a pervert?" natatawang sabi tanong ni Clent na ikinatawa rin ni Kernel.
"Ohh! What a great encounter!"
"That's not just your mission! Have you forgot that it's also your part to keep an eye on Lavandeir?" naiinis na bulong ni Jax sa kanya.
"Don't worry, I didn't! I haven't even see Exseven's shadow! We're not even sure if he's really in the country!"
Isa kasi sa dahilan kung bakit nila kailangan matyagan ang dalaga, dahil alam nilang hahanap si Ex ng paraan para makalapit sa girlfriend.
"Well aside from that problem, we also have another enemies that we need to face," pagsisimula ni Kernel tsaka sinabi niya ang lahat kina Clent at Veign tungkol sa nadiskobre nilang The Blues at pati na rin ang pag-iimbestiga nila kay Noreen.
"Thanks for the effort of Ethird. He told me that The Blues is one of the richest underground organization. Their intel is very confidential but Ethird was able to find out that they have the biggest amount of donation in an underground fight. Remember the arena where Yumi and Dakumasuta fought almost three years ago? They donate billions of that underground fight," explain ni Kernel sa mahinang boses. Pero kung titingnan sila para lang silang tropa na nag-uusap. Na parang hindi importanteng impormasyon ang kanilang pinag-uusapan.
"I clearly remember that! When Yumi planned to ambush us! I was hit by a bullet of their minions. Who forgot Elites? The coward once!" pagiging sarcastic na sabi ni Veign habang sinulyapan ang dalawang members ng Elites noon na si Jax at Clent.
"Here we go again... Dude, you really hold that grudge towards us?" natatawang tanong ni Clent. Dahil naging close na rin ang dalawa, ilang beses na nitong marinig si Veign na ganito.
"I am enjoying," nakangising bigkas ni Veign sa tanong ni Clent.
"Tungkol naman sa mga Summit, they are just recruiters but we cannot underestimate them. Especially Stanley. Mas magaling 'yong pumili ng mga individual na magagaling at mahusay din ang gagong 'yon na bumasa ng skills. Kaya may possibility na mas marami siyang kilala sa underground org."
"So that's why he knows me that much,' komento ni Jax. "He must had search an info about me before when I'm still in Yumi."
Huminga nang malalim si Jax at saglit na sinulyapan ang dalaga na sobrang seryosong makigpag kwentuhan kay Lavandeir.
Nagkatinginan silang tatlo nang muling bumuntong-hininga si Jax. Nakikita nilang kalmado ang mukha nito pero napapansin nilang hindi ito napapakali. Dahil kilala na nila si Jax, hindi pa rin sila makapaniwala sa kanilang nakikita. Lalo na si Clent na under ni Jax dati.
"Those unknown individuals with eye tattoo, one of them is closely observing me. He even tried getting closer to Kitkat. I suspected that they are part of Yumi back then." Tumingin si Jax kay Clent na ngayon ay seryoso na ring nakikinig sa kanya.
"Now that they know I am alive and teaming up with Dakumasuta, they call me traitors and they want me dead. I can understand if that's their motive on messing with me these past few days. I am willing to face them. I'm just afraid that they'll involve her..."
Palihim ulit na sinulyapan ni Jax ang dalaga. Dahil alam na ng tatlo na si Kitkat ang tinutukoy nito, hindi na nila ito nilingon pa para mas safe.
Muling tumingin si Jax kay Clent. Sinadya niyang ipakita na nagdududa siya sa binata.
"That stalker knows me too well. He even knew my favorite drinks that only members of Elites know about."
Dahil sa sinabi ni Jax, bumuntong hininga si Clent. Tinapik naman ni Kernel si Veign at nagpaalam na kukuha ng popcorn na ini-stock niya pa sa crew room. Si Veign naman tahimik na itinuloy ang pag-iinum niya ng inumin.
"Since it's only two of us left, I understand that you're suspecting me. But I assure you it's not me, dude. I don't have time. You can confirm it from Veign and Kevin," buong pasensyang pagpapaliwanag ni Clent.
"He's been with us all the time. If I am not around, he's with Kevin. You two are the same. You're both suicidal that's why we need to accompany you even if we do not want to," walang ganang pag-explain ni Veign na ngayo'y busy sa kanyang cellphone. Napapangiti pa itong inii-stalk 'yong kapatid ni Alfonso.
"Wow dude! Thank you so much for the company!" sarcastic na react ni Clent.
"Shh! I'm doing my mission," sabi naman ni Veign.
Simula nang maging magkaibigan ang dalawa, na-impluwensya na rin si Veign sa ugali ni Clent. Naging palasalita na ito. Lalo na't nandiyan si Kernel, unti-unti na rin itong natutuwa sa mga babae.
"I won't believe that you don't have grudges on me! It's also my fault that... that your girlfriend died," pagtutukoy ni Jax kay Kim. Alam niyang mabo-bothered si Clent sa sinabi niya pero kailangan niyang sabihin iyon.
Nakita niyang ngumiti lang si Clent na ikinagulat ni Jax.
"I already moved on and forgave myself. I already acknowledged her choices why Kim did that back then. But I did not forget our memories. Cringe isn't it?" Nag-smirk naman si Clent nang sabihin niya iyon.
Sabay naman silang napalingon nang napagalitan si Kernel ni Lavandeir dahil sa pagiging chismoso nito. Natatawa naman itong bumalik sa kanilang table.
"So? What about Aki?" tanong ni Kernel nang maalala ang sinabi ni Kitkat n'ong nasa sasakyan sila.
"Aki?"
"That stalker! He introduced himself as Aki! I don't remember that name before," paliwanag ni Jax.
Bigla namang nakaramdam ng kaba si Clent nang may mag-sink in sa kanyang isipan dahil sa pangalang Aki.
'Impossible!'
Minaigi niyang itago ang kanyang pagkabigla at inilihim muna sa mga kasama ang ideyang iyon dahil napaka-imposible nito.
Umupo naman si Kernel sa tabi ni Jax tsaka inilagay sa table ang bowl na puno ng popcorn. Nang tumingin si Clent sa binata at magtama ang kanilang paningin, muli siyang kinabahan nang ngumisi nang kakaiba si Kernel sa kanya.
'Did he caught my expression?' sa isip ni Clent. Nakahinga naman siya nang malalim nang umiwas na ito ng tingin.
"We're done right? Now, what are we going to do with them?" excited na tanong ni Kernel na tinutukoy ang mga taong kanina pa nagmamasid sa kanila sa labas ng coffee shop.
Kanina pa nila nalaman na pinagmamasdan sila. Binalewala lang nila ito dahil sinuri ito ni Kernel kanina at nalamang ang mga gangsters lang ito.
"Ako na bahala sa kanila! Who wants to join team Kendrick?"
"Vanvan might have already sensed them too! I will just accompany her and send her home then just come up a reason." Tumayo naman si Veign pagkatapos niyang sabihin iyon at pumunta sa counter para bumili ng bottled water.
"I'll go with you, dude! I miss having fun! You know, good student here!" sabi ni Clent kay Kernel.
"Mabuti dahil mayroon tayong dapat pag-usapan. Hindi ba kamahalan?" nakangising reply ng binata na ikinagulat ni Clent.
"I'll take her away from them." Tatayo na sana si Jax para lapitan si Kitkat nang bigla siyang hinawakan ni Clent sa kanyang braso.
"Have you already visited Reid?"
Hindi naman nakasagot si Jax. Nakaramdam agad siya ng guilt dahil ni isang beses ay hindi niya ito dinalaw. Wala siyang mukhang maiharap kay Reid. Parang natatakot siyang harapin ito.
"You should visit him, at least once."
Hindi tumango si Jax at umalis sa kanyang harapan. Kahit gano'n ang naging reaction niya, alam ni Clent ang nararamdaman ng binata. Alam nilang lahat na si Reid ang pinaka-close ni Jax sa lahat.
Napapalingo na lang siya nang tingnan ang kanyang dating leader habang hinila palabas ang babaeng importante rito.
'He's changing for good.'
...
Habang nagd-drive si Jax, nagtataka naman siya nang parang bumalik na sa normal 'yong dalaga. Hindi man lang ito nakaramdam nang pananakit ng ulo o kahit anong hangover. Alam ni Jax kung gaano ka hard ang alak na iyon kaya alam niya ang epekto nito. Sa dami ng naubos nila kanina...
Muli na namang naiinis ang binata nang maisip ang nangyari kanina. Lalo ngayon, hindi niya matukoy kung sino ang Aki na iyon.
"Galit ka pa rin ba sa 'kin? Bawal pa rin ba akong lumapit sa 'yo?"
"Pero Jax, susundin pa rin kita. Kung gusto mong lumayo ako sa 'yo, lalayo ako basta okay ka lang. Kahit ano pang rason mo, tatanggapin ko."
Muling nawala ang kanyang pagkainis nang magsalita ang dalaga. Parang bumalik ito sa dati na hindi maitikom ang bibig. Kung anu-ano na lang ang maisipang sabihin.
He find it annoying before, but he wants it now. He needs it to ease his mind, for him to know that she's okay and she's still naive about the happenings.
"Sa'yo ba talaga ang coffee shop na 'yon? Parang mga mayayaman lang maka-afford n'on. Nakita ko pa ang menu, sobrang mahal. Ang yaman mo siguro."
He never said anything. He never utter any words. But he likes this feeling. It calms his mind yet it races his heartbeat.
"Jax alam mo ba? Para kang isang bituin sa ibang universe. Ang hirap mong lapitan, hirap mong kausapin..." Unti-unting kumunot ang noo ni Jax dahil sa napaka-random ng sinabi nito. "...Ang hirap mong intindihin at ang hirap mong abutin. Ba't ba kasi naging pangarap kita?"
Sinamaan niya ito ng tingin para mapigilan ang kanyang pagngiti. Knowing Kitkat, she'll pester him forever when she see him smiling because of it.
"Don't test me while I'm still composed, you idiot!"
Pero nang umiwas ng tingin ang dalaga sa kanya, he open his mouth slightly as he smile then lick his lips.
'Damn her and her stupid remarks!'
...
Nang makarating sila sa labas ng private cemetery, nilingon niya ang dalaga at mahimbing itong natutulog sa passenger's seat. Pinatay niya ang makina tsaka inayos ang upuan nito at ang ulo ng dalaga para hindi magka-stiffed neck.
Tinawagan niya naman si Violy at nang sumagot ito, agad niyang tinanong ang condition ng dalaga.
"I think she's drugged."
"So she was unconscious and drank?"
"Yes. Keep your eyes on her. Call me if anything happens."
Nang masagot na ang kanyang katanungan, lumabas si Jax ng kotse tsaka doon naglabas ng galit. Naghinayang siyang pakawalan ang Aki na iyon. Gusto niyang balikan ito at gulpihin na lang mismo, whatever his identity is!
Nang magising ang dalaga, agad silang nagtungo sa puntod ni Reid. Pero nang nasa harapan na ito ni Jax, biglang naging blanko ang kanyang isipan. 'Tulad ng inaasahan, wala siyang masabi na salita. Hindi niya alam kung saan mag-uumpisa o anong sasabihin sa kaibigan.
...
Itutuloy.