Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

PLAY ALONG

🇵🇭KrizzyLaxa22
--
chs / week
--
NOT RATINGS
61.8k
Views
Synopsis
She's imperfect, but she tries. –Yumi He is good, but he lies. –henry He is hard on himself, he is broken and won't ask for help. –caloy She is messy, but she's kind. –clary He is lonely most of the time. –maui She's strong, but she's not brave. –yssa (Warning:MATURE CONTENT R-18)
VIEW MORE

Chapter 1 - CHAPTER 2

"Hindi ka pinayagan?" tanong ni maui. ngayon ay magkakasama silang tatlo sa pa-aralan. Wala pang guro at kapapasok palamang nila. "Oo, baka daw biglang magkaroon ng gulo kung mamamasyal kami sa plaza."malungkot na sambit ni yssa.

"Sayang naman, ang daming mga pamilihan doon"tugon ni clary at itinukod ang kamay sa baba.

"Bakit hindi nalamang tayong tatlo ang pumunta at mamasyal?"biglang singit ni maui sa kalungkutan ng dalwa. Nabigla naman si yssa sa sinabi nito.

"A-ano? alam mo naman na sinusundo ako ni manang lolet tuwing uwian." Sa tuwing uuwi ito galing pa-aralan ay dapat kasama nya si manang lolet ang taga alaga nya.

"Edi mag pasama tayo sa kanya, pero dapat hindi ito makarating sa mga magulang mo" naka ngiwing saad ni maui. Tama dapat hindi ito makarating sa mga magulang nya dahil kung hindi, pagagalitan sya ni don apollo. Tumango tango nalang si Clary bilang pag sang-ayon.

"Good morning class" Masayang bati ni gurong pia. Ang magugulo at maiingay na tao sa klase ay biglang natahimik at nagsibalik sa kani-kanilang upuan.

"Nagawa n'yo ba ang inyong mga proyekto" Tila mapagmalaki na ngumiti si clary at nagmadaling inilabas ang gawang recycled na globo. Nilingon din nya si maui na ngayon ay inilalabas ang walang ka-effort effort na proyekto ngunit gano'n paman ay mataas parin ang grado nito.

"Yssa, nagawa moba ang sayo?" Tanong nya kay yssa na mukhang kabado. Dahan dahan syang tumango at biglang ngumiti ng malawak.

"Oo naman, ako pa" sabay halakhak nito at nilabas ang pinag hirapan at pinag puyatang globo. kagabi lang nya kase ito ginawa. Natahimik nalang si clary at itinuon ang atensyon sa guro.

"Ipasa na lahat ng inyong proyekto sakin." naka ngiting saad ng guro at sabay sabay naman nilang ipinasa ang mga proyekto. kanya-kanya rin sa pag balik sa upuan habang ang guro ay ino-obserbahan ang gawa nila.

"Wow, yssa, ang ganda ng proyekto mo. sigurado kabang ikaw ang gumawa nito?" agad na napa tayo si yssa at maamong nginitian ang guro.

"Opo, kagabi ko lamang po ito nagawa"sambit nya at saka umupong muli. "Very good! mana ka talaga kina don apollo may talento" pag pupuri ng guro. Subalit sa papuring natanggap ni yssa, s'ya naman na ikinalungkot ni clary. napa sandal nalang si clary sa upuan.

Pag katapos ay nag tuloy-toloy na ang klase hangga sa mag-uwian na. "Baka pagalitan ako pag nalaman nila na pupunta tayo sa kabilang baryo." sabi ni yssa. Ayos lang naman kung magpa-alam muna sila dahil baka gabihin nanaman sila at sermonan na sya ng ama kung madatnan ang mansyon na wala pa ang unika hija nya.

"Wag nalang Maui natatakot talaga ako na mapagalitan" kabadong saad ni yssa na animo'y kinakapos sa pag hinga.

"Yssa, huminahon ka. hindi ka naman siguro palalayasin sa inyo kung suwayin mo sila." si clary. habang naka pameywang. Nilingon naman ni maui si clary. "Eh ikaw alam ba ng mama mo na sasama ka? baka naman tumakas kalang din?" napangiwi si clary at umiling kay maui.

"Bakit pa 'ko mag papa-alam eh kayo lang naman kasama ko." bumuntong hininga pa ito. "Wag n'yo nalang isipin ang sinasabi ni mama. ulit-ulit nalang sya"ngumuso pa ito at nag kunot noo.

"Ineng, sige ako na ang bahala mag palusot. mukhang mag eenjoy naman kayo doon sa kabilang baryo dahil may perya." Nagalak si yssa sa narinig. ayan ang gusto nya, ang maka sakay sa mga rides tuwing may perya ang kaso ngalang ay hindi sya pinapayagan na maka labas ng hasyenda.

"Minsan lang ito yssa, sumama kana" pamimilit ni maui at hinawakan sya sa kamay. mas lalong bumilis ang tibok ng puso ni yssa dahil sa pag dampi ng kamay ni maui sa kamay nya. tila may kung anong koryente ang dumaloy doon diretso sa puso nya.

Ilang segundo rin silang nag titigan at animo'y nag-uusap ang kanilang mata bago tumango si yssa. Nahipnotismo ata sya ni maui at bigla nalang nawala ang takot. ngumiti ng malapad si yssa at nilingon si manang lolet na naka tingin pala sakanila akala mo'y nanonood ng nobela.

Habang nag lalakad sa napakaraming tao sa pamilihan o kung tawagin ay tyangge ay hindi na namalayan ni maui at yssa na magkahawak na sila ng kamay. mababakas naman sa mukha ni clary ang tingin na tila naiinggit pero ipinilig nalang ang ulo. hindi dapat sya makaramdam ng inggit gayong alam nya na magkakaibigan sila at walang ibang ibig sabihin ang pag hawak kamay nila ni maui at yssa.

"Tignan mo clary, napaka ganda naman ng bracelet na 'to, gusto ko sana na bumili tayo nito upang tayo ay magkapareha" Naka ngiti saad. Hindi naman sya tumanggi at tumango. " Sige" tumingin naman sya kay maui at ngumiti. "maui, bibili rin ako ng ganito at tayo dalwa naman din ang magkapareha, k-kung gusto mo" bagya pang humina ang tinig nya sa huli nitong sinabi.

Natawa nalang si maui sa kagustuhan ng dalawa. "Bakit hindi nalang tatlong magkakapareha ang bilhin natin, para isang bracelet nalang ang naka suot sa ating kamay?" Tama nga naman bakit hindi nalang tatlong magkaka parehang bracelet ang kanilang bilhin.

Nagtawanan nalang si clary at yssa. nang matapos nilang bilhin ang prunseras ay nag tungo naman sila sa bilihan ng palamig. naiwan si manang lolet sa isa sa mga kakilala nito sa plaza upang makipag chismisan. doon nalang daw sila mag kikita ni yssa pag uuwi na.

"tatlo nga po na buko" sambit ni maui sa tindera. agad naman na kumilos ang tindera at ini-abot ang tig-iisang baso kina maui. "sarap mamasyal dito" maginhawang saad ni yssa.

Pag katapos bayaran ang biniling buko ay nag yayaan na sila sa Ferris wheel. "hindi ba 'ko masusuka dito? nakaka lula kase e" tanong ni yssa.

"nako hindi ka yssa, tsaka ang liit lang ng ferris wheel, 'di hamak na mas malaki parin ang mga nasa mall" sabad ni clary.

"Mall?" tanong n'yang muli. napa tango naman si clary "oo. hindi kapaba naka punta ng mall? ang yaman nyo tapos kahit minsan hindi kaman lang nakapag mall?" litanya ni clary.

"clary, masyadong strikto ang parents ni yssa." tumingin naman si maui kay yssa. "dadalhin kita sa mall pag kumikita na 'ko ng pera" naka ngiti nitong saad.

Tama si clary kahit na mayaman sina yssa ay hindi man lang ito naka tungtong sa mall o kahit sa'n mang lugar na maraming tao bukod sa school at hacienda nila lang sya namamalagi.

"tara na sakay na tayo" napa buntong hininga nalang si yssa at sumakay. dahil sa payat lang sina yssa at clary ay siksikan nalang silang tatlo sa upuan, iginitna nila si yssa dahil hindi ito sanay at baka mahulog.

"AHHHHHHH!" malakas na tili ang maririnig sa ibabaw ng ere dahil sa sigaw ni yssa. "kalma kalang yssa, hahawakan kita, tsaka wag kang pumikit." nag mulat naman si yssa at agad na sumalubong sakanya ang mukha ni maui.

kay gandang binata nito paglaki, panigurado. maraming mag hahabol na babae at maraming papaiyakin na babae. sana mag kakasama pa silang tatlo hangga sa lumaki.

gumaan ang pakiramdam ni yssa at ang kaninang takot ay napalitan ng tuwa. naging masaya ang tatlo sa ferris wheel hangga sa tuluyan na itong tumigil at sila naman ay bumaba.

"ang saya, ito siguro ang pinaka masayang araw ko na kasama kayong dalwa" naka ngiting saad ni yssa.

"pag lumaki na tayo gusto ko sa mall naman tayo mag bonding" naka ngiti rin na saad ni clary. Nag libot-libot pa ang tatlo at sumakay pa sa iba't-ibang mga rides, kumain at nag laro sa perya.

ganito pala ang pakiramdam ng isang teenager kahit na sila ay sampung taon palang samantalang si maui ay trese na.

"sana araw-araw nalang tayong ganito... sana hindi magkaka-away ang mga pamilya natin" seryosong sambit ng binata.

"nako... ikaw ha marunong kana mag drama" tukso ni yssa, tumango naman si clary habang mapanuksong tinitignan si maui.

"kasi naman... tayo masayang mag kakasama samantala yung pamilya natin parati tayong pinag hihiwalay-hiwalay. anong magagawa nila e masaya tayo na mag kakasama" ngumuso pa ito.

nagka tinginan naman si yssa at clary at nilapitan si maui. " HUG TIME" nag yakapan ang tatlo habang may ngiti sa labi.

"bakla ka siguro maui, marunong kana kase mag drama" ngumiti lang si maui. eto talagang si yssa. babae lang ba ang pwedeng mag drama.

"Uwi na tayo baka nag sabong na mga pamilya natin, magagalitin panaman nanay ni clary, baka sunugin yung hacienda nila yssa" pag bibiro ni maui. agad naman nanulis ang tingin ni clary dito at sinuntok ng mahina ang braso ni maui, humagalpak lang sina yssa at maui.

A/N: sorry, slow update. please support this story. (^o^)