Chereads / PLAY ALONG / Chapter 7 - CHAPTER 8

Chapter 7 - CHAPTER 8

"Pag pasensyahan mo ako anak, wala akong naibigay na pera para sayo. sigurado kaba na kasya ang ibinigay ng papa mo?" nagyon ay nasa bintana si yssa habang naka tingin sa mga bituwin na nag kikinangan.

"Mama, ayos lang tsaka sobra pa itong binigay ni papa pwede pang dalwang buwan. hindi naman po ako magastos" pinalaki si yssa na hindi ma suhol sa pera marunong din itong mag tipid.

"osya, mag-iingat ka dyan kumain sa tamang oras" habilin ng ina.

"opo ma" kapag kuwan ay pinatay na n'ya ang tawag at bumalik sa kamang tinutulugan.

"Yumi, hindi mo ba kakamustahin pamilya mo?" humarap si yumi sakanya patagilid. mag katabi lng kase ang kama nila.

"Wala akong load." tipid n'yang saad. napansin ni yssa na tila malungkot ito.

"May problema ba? gusto mo bang makitawag sakin?" akma na kukunin ni yssa ang cellphone ng umupo si yumi.

"Kung hindi siguro nangyari yung trahedya 8 years ago siguro magkaka sama pa tayo nila clary, kamusta na kaya sila? galit kaya sakin si caloy?" walong taon na pero yon parin ang bumabagabag kay yumi. Siguro ay galit si caloy sa pamilya n'ya pero bakit? sila ba ang sumunog sa hacienda?

"Nang dahil sa trahedyang 'yon nag hirap kayo yssa." tumitig si yumi sa mga mata nito.

"Hindi ko masasabing ayos lang dahil maraming pamilya ang nasira." ani ni yssa.

"Thankyou, yumi" nagtataka naman syang tinignan ni yumi. "aba'y para saan?"

"Kase hindi ka nag tampo sakin. Nabanggit mo sakin dati na gusto mo si caloy, nung araw na hindi na natin sya mahagilap. Nasan nakaya s'ya?" namula naman ang pisngi ni yumi.

Nasabi n'ya pala iyon? nang masunog ang hacienda ay nagkita-kita panaman silang magkaka-ibigan, nandoon din si henry,maui at clary. nang isugod sa ospital ang ama ni caloy. ngunit sa hindi ina-asahan ay dumating si yumi. galit na galit si caloy na lumapit dito at pinag salitaan ng masakit na salita.

"Ang totoo wala lang iyon, g-galit narin ako kay caloy" nag-iwas ito ng tingin. ngumiti si yssa at hinanda ang sarili upang mahiga.

"Goodnight nalang, yumi baka may balak ka palang saksakin ako pag natutulog, wag naman mahal ko pa ang pamilya ko" biro ni yssa. Na-iiling nalang rin na humiga si yumi.

"goodnight, bukas ang unang apak natin sa unibersidad" pag kasabi non ay pinatay na nya ang lamp shade na nasa pagitan nila. Hangga sa binalot narin ng antok si yssa.

Sorry yssa, gusto ko talagang balikan ang nakaraan.

•••••

"Ma'am clary?" gulat ang katulong ng makita si clary sa labas ng pinto sa kanilang mansion. naka wheelchair pa ito na suportado ng isang katulong slash nurse nya.

"Where's mom?" mataray nitong tanong habang patuloy sa pag pasok.

"n-nasa office nya sa pangal—"

"Thankyou" ngumiti pa ito ng peke.

"Mom, I'm back!" binulabog nya ang ina na halos lumawlaw ang mata sa gulat.

"A-anak, Hindi ko alam na uuwi ka"

"Yes, hindi ko talaga pina-alam" sambit nya sa pabalang na boses.

"M-mabuti, namiss kita anak" lumapit ang ina n'ya at nakipag beso.

"Gusto ko na dito nalang mag-aral at magpagamot walang kwenta ang mga doctor doon"

tila naging balisa naman ang ina nito sa sinabi ng anak. Nag isip pa ito Na animo'y hindi sang-ayon.

"Gano'n ba, mabuti para m-mabantayan kita."

"Ikaw dapat bantayan ko" Mas lalong nabwiset ang mukha ng ginang.

"HAHAHAHAHA charot lang" kita sa mukha ni clary ang pambi-bwiset sa ina.

"Okay. i have to sleep medyo pagod ako sa byahe. let's go– wait wala tayong elevator? hindi ba marami kanang pera dapat pinagawan mo na ako ng elevator. ikaw naman mommy, parang hindi mo 'ko anak" ngumuso pa ito.

"Bukas na bukas papagawan kita yung uma-abot hangga langit." naka ngiting saad ng ina.

"Tapos yung sayo pababa, uma-abot hangga impyerno" ngumiti ito at sinenyasan ang PN na magtungo nalang sa isang kwarto sa baba dahil hindi naman ito makaka-akyat.

Nang maka pasok sa loob ay ka-agad n'yang pina-alis ang Personal Nurse nya. Lungkot ang namutawi sa buong silid. Mag papanggap sya na maldita pero ang totoo eto sya luhaan. Nang mabalitaan n'yang nag kanya-kanya ang mga kaibigan ay agad syang nag pa book. Sa mag kakaibigan sya ang unang lumisan sya ang unang nang-iwan dahil ang gusto n'ya ay mapagamot na agad sya.

Nang-araw na sya ay papa-alis ay may isang tao na hindi nya ina-asahang pupunta ang alam n'ya kase ay ayaw sakanya neto dahil sa pakikitungo ng kanyang ina sa ina neto.

Naninilbihan bilang kasambahay ang ina ni henry sa mansion nila at kung minsan ay doon ito pinapatulog kapag wala ang ina ni clary dahil sa wala silang pagkain sa bahay at ang ama naman ni henry ay lasinggero.

Hindi sila nag-uusap dahil suplado at masungit si henry habang si clary naman ay maldita at masungit din. Masasabing naging pakitang tao rin ito sa mga kaibigan pero ang pag mamahal ni clary sa mga kaibigan ay totoo kahit na minsan ay nakaka ramdam sya ng inggit kay yssa.

Lahat ng pangyayari ay bumalik sa isipan ni clary, hangga sa lukubin sya ng dilim at maka tulog.

Kina-umagahan ay ma-aga s'yang nagising upang lumabas at lumanghap ng sariwang hangin. 8 years na pero gano'n parin ang probinsya. maaliwalas.

at dahil may glass door palabas sa kwarto nya ay gusto nya sanang mag tungo ro'n kaya naman tinawag n'ya ang PN nya upang ilagay sya sa wheelchair gusto nyang lumabas.

mabilis naman na kumilos ang PN nito at dinala sya sa labas. meron parang staircase ang labas kaya doon lang sya ini-hinto ng nurse at iniwan na sya. Sa likod iyon ng mansion. maraming halaman at bulaklak ang naro'n mukhang may maliit na sila na fountain.

Sayang at hindi pa sya nakaka paglakad. Bumuntong hininga sya at ginamit ang kamay upang matakpan ng araw ang mukha nya.

"I want to be happy" bulong n'ya. Sa kabila ng pag-iisa n'ya ay hindi n'ya alam na may matang nag mamasid sa malayong parte.

"You will, just wait me" bulong din nito na animo'y maririnig ng dalaga.

tila tanga si clary na nag palinga linga bigla syang kinabahan ng may maramdamang kakaibang presensya.

"Nurse loren, ipasok n'yo na po ako" sigaw nya. at luminga ulit sa paligid.