Chereads / PLAY ALONG / Chapter 11 - CHAPTER 12

Chapter 11 - CHAPTER 12

(WARNING⚠🔞)

Nasa Harap na ng university si yssa ng mapa tingala sa kalangitan.

'Kagabi pa ito hangga ngayon ay madilim parin. hindi naman umulan kagabi' saad nya sa isip.

"Hindi naman nag pa kansela ng klase ang pamahalaan ng maynila kaya naman nag pasya silang pumasok ni yumi at isa pa ay bago lang sila dito baka akalain pa ng mga ito ay pala absent sila.

" Yssa, pasok na 'ko sa room baka kase umulan kung mag tambay pa tayo dito" Sumang-ayon naman si yssa at nag tungo narin sa silid aralan.

Nag patuloy ang kanilang klase ngunit makulimlim parin tila may nag babadyang bagyo dahil malakas ang hangin.

"Tangina, hindi talaga pina kansela ang klase tignan mo mukhang may bagyo" kausap sakanya ng kaklasing si Lara.

"e mukhang hindi naman babagsak ang ulan. cloudy day lang ngayon." tugon nya.

"Class" sabay sabay na naglingunan ang mga estudyante sa guro.

"Kinansela na ni Gov. Namo ang klase. dahil may paparating na bagyo. maswerte tayo at hindi pa bumabagsak ang ulan kaya naman mag madali nalang kayong maka uwi. Keepsafe!"

"Nasayang pamasahe ko!" Untag pa ng katabi. Mabilis nagsikilos ang mga estudyante paunahan sa pag labas sa unibersidad upang siguro hindi maubusan ng masasakyan.

Nag tungo naman sya sa Building na pinapasukan ni yumi ganon din ang mga estudyante balisa sa pag labas. dahil sa dami ng estudyante ay hindi nya mahagilap si yumi.

"Miss, classmate mo si yumi?" tanong nito sa maliit na babae. tumango ang babae. "Yes, pero hindi ko sya napansin kanina e" Napa kunot noo nalang sya at nag pasalamat sa babae.

'Ang impakta may balak hata na gantihan ako.' lumabas na sya ng unibersidad. kakaunti nalang ang mga nag aabang doon at ang mga jeep ay kaunti nalang din ngunit walang jeep na patungo sa kanilang lugar.

'Wag pa sanang umulan. wag pa sanang umulan' pag dadasal nya. palingon lingon sya hangga sa hindi na nya namalayan na naubos na ang tao saunibersidad.

Sinubokan nyang tawagan si yumi ngunit cannot be reached ito. Siguro ay ginantihan nga sya nito pero bakit kelangan sa maling oras pa mukhang masama ang panahon!

Unti-unti ng pumatak ang ulan at maya maya pa ay lumakas na ito. Nag hanap sya ng masisilungan ngunit bigo na ito. naka lock narin ang gate ng university.

Tila basang sisiw syang naka tayo sa may gilid ng unibersidad. hindi naman kase nya alam ang pasikot sikot kung sakali na mag lakad sya pauwi.

'Wow grabe sobrang swerte ng araw kong ito!' saad nya sa isip halos naka yakap na sya sa sarili dahil sa lamig.

Naupo nalang sya habang akap parin ang sarili nanginginig na sya sa lamig. May pag kulog pa kaya naman mas tumindi ang takot nya.

'Mama' saad nya sa isip. Ang kanyang labi ay nanginginig narin. wala na talagang nadaan na pampasaherong sasakyan tanging mga.

Nag landas na ang luha sa kanyang pisngi. Malakas ang hampas ng hangin at mas tumindi ang pag kulog na may kasamang kidlat.

Napa yuko na sya sa matinding takot at doon humagulgol. Ang akala nya ay madaling makipag sapalaran sa maynila ngunit taliwas. Kung sa pag byahe palang ay pahirapan na pano pa kaya sa ibang bagay.

Sa kabilang dako naman ay may humintong sasakyan sa kanyang harap at lumapit sakanya upang payungan.

"Bakit kailangan mo pa kasing lumuwas dito gayong mahirap makipag sapalaran dito sa maynila" Hindi kumibo ang dalaga nanatili itong naka yuko.

Hangga sa itoy tuluyang napa higa. Nagulat naman si Maui dahil sa walang malay ang dalagita. agad nya itong binuhat at naiwan sa lapag ang payong dahilan upang mabasa narin sya.

Kita nya ang pagka putla ni yssa at ang labi nito na nawala sa pagiging pink lips. Dali dali syang nag tungo sa sasakyan at inilagay sa passenger sit si yssa. umikot naman sya sa kabila at sumakay rin.

Inalis nya ang leather jacket at ipinang takip sa nanginginig na katawan ni yssa.

Mabilis syang nagmaneho at nakarating sa isa sa mga condo nila. binuhat nya uli si yssa at pumasok sa building nagtataka ang mga empleyadong naka tingin lang sakanila.

"Sir, may maitutulong po ba ako?" isa sa manager ng building.

"Tawagan mo sa 5th floor si dra. Lopez, papuntahin mo sa unit ko." pagkasabi non ay nagmadaling umakyat sa elevator si maui.

Tinitigan nyang muli si yssa wala parin itong malay at nanginginig. Napa ngiwi nalang sya dahil sa bwiset.

Nang maka tungtong sa unit at pumasok ay kaagad nyang inilapag si yssa sa kama. dumating narin ang doktorang kanyang ipiniatawag.

"What happen to the patient" lumapit ang doctor at agad na sinuri si yssa.

Matapos suriin ng doctor ay kalmado na ulit si yssa ngunit nilalagnat na ito.

"Cold and flu are common illness that is found in rain and this is usually due to fluctuation in the temperature." saad ng doktor.

"don't worry maui, magiging ayos lang pasyente mag bibigay ako ng medicine na pwede nyang mainom para kaagad na gumaling." Nag bigay naman ng gamot ang doctor.

Kalaunan ay umalis narin ang doktora. Naiwan si maui na nag-aalala. kahit na sabihin na lagnat lang ito ay nag-aalala parin sya lalu na na payat si yssa.

Well hindi naman payat sakto lang at may kurba parin ang katawan. Maputi si yssa na medyo pinkish ang balat.

"I miss you" bulong ni maui at umupo sa tabi ng kama. kinuha nya ang mainit na palad ni yssa at pinag siklop. Tinitigan nya si yssa.

Ganon parin ito. maganda at parang hindi napapa bayaan ang kutis. makinis parin ito.

Tumingin sya sa bintana, ganon parin ang panahon tila hindi hihinto ang pag buhos ng ulan.

"For the past 8 years. Hindi parin nag babago ang pag tingin ko sayo" He kissed her back hand.

"I'm sorry kung pinaghintay kita" pumikit pa sya habang naka halik parin sa kamay ni yssa.

"M-maui" ungol ni yssa. pupungay pungay ang mata nya.

Sa kabilang dako naman ay Masakit at tila sinisilaban si yssa sa sobrang init ng nararamdaman masakit din ang talukap ng mata.

May naaninagan syang tao sa kanyang tabi at hawak ang kanyang kamay.

'Maui?' ulit nya sa utak nya. Hindi sya nagkakamali dahil si maui talaga ang kaharap nya.

"M-maui?" ungol nya sa pangalan nito. Napalingon sakanya ang binata at maaliwalas ang matang hinarap sya.

"Yssa, you're awake" sambit nito sa malambing na tono.

"M-maui" ulit nya sa pangalan nito. Hindi sya makapaniwala. kaharap nya si maui.

"Yes, it's me. I miss you" he said in a sweet tone. Ngumiti rin si yssa.

"A-ako rin n-namiss k-kita" ramdam ni yssa na mainit ang kanyang hininga. masakit din ang buo nyang katawan at tila walang lakas.

"Manang edna, pag gawa n'yo po muna ng soup si yssa" utos nito sa kung sino man.

Napa lingap naman sa buong bahay si yssa. Malaki ito ngunit tila inisahan lang ang mga area. sa side kase nya ay parang malawak na sala at sa may pandang dulo ay may isang pinto at sa gilid non ay kusina meron din isang pinto sa isang gilid na para bang iyon ang daan palabas.

"N-nasaan tayo?" garalgal ang boses nya dahil sa sakit.

"In my place. Nakita kitang walang malay sa labas ng University. Hindi ko naman alam kung saan ang bahay nyo kaya dito kita dinala." pagsisinungaling ni maui.

Tumango tango naman si yssa at nginitian ito. "Salamat" napansin din ni yssa na hindi pa naka hiwalay ang naka siklop nilang mga kamay.

"Maui, K-kamusta ka?" matamlay na tanong ni yssa. balita sa kanilang baryo na naka pangasawa ng mayaman ang ina ni maui.

"I'm fine. pero hindi nawala ang guilty ko. may iniwan kase akong isang tao na pinangakuan kong hindi ko iiwan." Batid ni yssa na ang taong tinutukoy ni maui ay sya ngunit ayaw nalang nito isipin pa iyon.

"Sir, ito napo ang soup dinalhan konarin po ng tubig" bumungad ang babae na nasa mid-fifties

"Salamat po" pag papasalamat ni yssa. ngumiti naman ang matanda.

"Kagandang bata naman. Ang amo pa ng mukha. osya maiwan kona kayo. bibilhan pa kita ng damit. pinabibili pala ako ni sir" napa tingin naman si yssa. sa damit hindi na pala naka suot ng uniperme.

Pinalitan sya ni manang edna kanina habang wala pa ang doctor upang hindi na lalong lumala ang sakit.

Mahabang puting T-shirt ang suot nya at wala rin panloob. naka tabon lang sakanya ang makapal na kumot.

Kaagad naman n'yang tinakpan ng kumot ang dibdib nya. "Malakas pa po ang ulan sa labas" saad ni yssa.

"Nako dyan lang sa ilalim sa unang palapag nitong gusali"

"gusali?" yanong ni yssa.

"Yes, nasa condo unit ko, tayo" ngumiti si maui. Kaya pala iba ang ayos ng bahay dahil hindi ito bahay kundi unit.

"Sige baba na muna ako" kalaunan ay umalis na ang matanda at naiwan silang dalwa.

"Kumain kana muna para may laman ang tyan mo pag-uminom ka ng gamot." kinuha ni maui ang soup sa trey at sya na mismo ang nag pakain kay yssa.

"A-ako na. kaya ko naman"

"No. ako nalang." tanggi ni maui at pinasubuan pa sya. Medyo nakaramdam sya ng awkwardness.

Nang matapos syang pakainin ay pina-inom sya ng gamot. "Magaling narin naman ako. Uuwi narin ako mamaya. baka dumating na ang mama mo" nahihiya talaga si yssa sa ina ni maui.

Napa ngisi si maui. "Condo ko ito. Hindi pumupunta dito si mama." nag tataka nyang tinignan si maui pero hindi sya nito sinagot.

"Saan kana pala nag-aaral? siguro sa mamahaling paaralan ka nag-aral" sambit ni yssa.

"Home schooled ako, kami nila henry at caloy." inilagay ni maui ang trey sa side table.

"kasama mo si henry at caloy?" tanong ni yssa. Ibig sabihin ba neto na pati sila ay inampon narin ng ina ni maui.

"We're trained by Mr. Namo, he is the one who adapted us. Hindi ako humingi sa sarili kong ina." seryoso nitong sabi.

"May kumupkop sainyo?" napa kunot ang noo ni yssa parang narinig na nya ang apelyidong iyon.

"Yes. he changed me and my friends. malaki ang naibigay na tulong samin ni Mr. Namo" Kaya pala ibig sabihin ay Nakapag tapos nga sila ng pag-aaral. home schooled ngalang.

"Ibang-iba kana ngayon maui." ngumiti pa si yssa kay maui. malaki na ang pangangatawan nito at tila babad din sa pag wo-work-out. tumikas na ang braso nito at mas lalong gumwapo.

"Ang laki mo na yssa" naka titig lang ito sa mata nya. "Mas lalo kang gumanda." tugon pa nito.

Panigurado na namumula na ang pisngi ni yssa. "Tsaka mas lalo kang kuminis, ang sarap mong hawakan" Tila may dumaloy naman na kung anong koryente patungo sa kaibuturan ni yssa at bigla nalang kumirot ang puson.

Nakaka paso ang titig na ibinigay ni maui sakanya. Nag iwas sya ng tingin. Nakaka rupok kaya.

"Nasan na sina caloy at henry?" pag-iiba nya. hindi talaga maganda ang ganong presensya ni maui. kakaiba.

"Ewan ko sa mga yon" dinapo ni maui ang kamay sa ulo ni yssa. "Mainit kapa. humiga ka muna para makapag pahinga." tumayo ito na dala-dala ang trey at tumalikod upang mag tungo sa kusina.

Pinag masdan lang ni yssa si maui na nasa kusina habang hinuhugasan ang kinainan hangga sa dumapo ulit ang antok sakanya. ang bigat kase talaga ng talukap nya.

Nagising muli sya ng maramdaman na parang may gumagalaw sakanya. Nagulat sya ng makitang binibihisan sya ni manang edna.

"N-nako. ako nalang po ang mag bibihis." kinuha nya ang damit pero naka hubad na pala sakanya ang T-shirt na kaninang suot at kitang kita ng matandang babae ang dibdib.

"birhen na birhen. Wag kang mag-alala ineng binihisan narin naman kita kanina e" sumulyap sa paligid si yssa.

"Nasa banyo si sir naliligo." isinuot ni yssa ang biniling panloob sakanya buti nalang ay tama lang ang sukat non sakanya. Isinuot din nya ang damit na sando. kulay brown ito may tag price pa mukhang puro sando ang ibinili ng ginang.

"Nako ineng. mas maganda kung ganyan ang isuot mo para hindi makulob ang pawis mo. mukhang hindi kapa nahuhupaan ng lagnat." litanya ni manang edna.

Sakto naman na paglabas ni maui sa cr naka black T-shirt ito at grey na pants. Lumapit ito sakanya at umakyat sa kama.

"Nilalagnat kapa?" kinapa nya ang noo ni yssa. "Ayos narin ako. mas maganda kung ihatid mo nalang ako pauwi." Luminga ito sa katabing bintana.

"Hindi pa tumitila ang ulan. Signal number 2 dito sa maynila kaya panigurado kanselado ang klase bukas" saad ni maui.

"Dito kana mag palipas ng gabi."

"Baka hinahanap na 'ko ni yumi. hindi ko sya ma-contact kanina. Nasan ang bag ko?" panigurado na nabasa lahat ng gamit nya.

"ipina ayos ko kay manang. Ito nga pala yung wallet" kaagad n'yang tinignan ang laman non baka nabasa pati pera nya.

Salamat naman ay waterproof ang wallet at hindi nabasa ang nandoon. "Sige na sir. punta na po ako sa maids quarter. naayos kona po ang mga gamit nyo." nginitian pa sya ng matanda at iniwan na sila.

"Kumain ka ulit. may prutas akong binili para may resistensya ka." Kinuha ni maui ang supot na nasa lamesa at hinugasan ang mga prutas at inisang lagay sa malaking mangkok nag timpla din sya ng maiinom na gatas ni yssa.

"eat" utos ni maui. Tinignan pa nya si maui. "M-maui." bumuntong hininga sya.

"Hindi mo naman kailangan gawin ito. Salamat sa pag-aalala. babayaran ko nalang itong mga binili mo sakin." seryosong saad ni yssa.

"I'm sorry yssa. I left without a word–"

"Hindi mo kailangan humingi ng tawad. Ginawa mo naman yon dahil may dahilan ka. nirerespeto ko iyon." ngumiti sya ng tipid kay maui. kinain nya ang ubas na unang nakapa habang naka tingin parin kay maui.

"It's not easy." he said.

"Alam ko. Sino ba ako para magalit? promises are meant to be broken." tumingin sa kawalan si yssa.

"Meron talagang mga tao na nangangako pero hindi kayang tumupad sa pinangakuan." tumingin muli sya kay maui.

"And you think, I'm one of them?" saglit silang nag titigan at tumango tango si maui.

"I get it. It's okay, you can be mad at me. it's my fault. i left you I broked my own promises" ngumiti ng tipid si maui

mababakas ang lungkot sa mga mata nito.

"Ayoko na. busog na 'ko" kahit na konti lang ang nakain na prutas ay nawalan sya ng gana tila nakaramdam sya ng guilt.

Narinig niya ang pag alis nito sa kama at nag tungo sa lababo kapagkuwan ay lumabas din ito sa unit.

P/S: NOT EDITED (WRONG TYPOS AHEAD!