(Warning: Mature Content🔞)
"Sigurado kaba na okay kana ineng?" nilingon n'ya si ali g edna na ngayon ay ina-ayos ang mga pinamiling gulay para sa lulutuin nitong ginataang kalabasa.
"Opo, Humupa na po ang lagnat ko."Tumayo si yssa mula sa pag kaka-upo sa kama at binuklat agad ang bag upang hanapin a g di-keypad na cellphone. Kailangan n'yang matawagan ang ina at siguruhin na ligtas lang ito.
"Hello po ma?"
"Anak, kamusta ka dyan?. ang lakas ng ulan. buti nalang at hindi ako nag tinda ngayong araw. umu-ulan din ba dyan?" tanong ng ina nito sa kabilang linya.
"Ayos naman po ako dito, suspended ang klase k-kaya nandito lang kami ni y-yumi sa boarding house" Sinulyapan naman ni yssa si aling edna paniguradong narinig sya nito.
"Gano'n ba... Mabuti naman. basta mag-iingat kayo dyan ah. kumain ka sa tamang oras." Napa ngiti naman si yssa na animo'y nakikita ito ng kan'yang ina.
"Opo. kayo rin po. inomin n'yo sa tamang oras ang gamot nyo. ingat po. i love you"
"I love you too anak. mag iingat ka" kapag kuwan ay binaba na niya ang tawag.
Sagpit syang napa titig sa cellphone at napa ngiti ulit. Ilang araw palang pero miss na n'ya ang kan'yang ina.
"Ineng, halikana dito. Malapit narin naman itong maluto kaya umupo kana" Agad naman na sumunod si yssa at umupo sa isang stool ng table bar.
"Mukhang masarap po 'yan. ako na po mag hahanda ng–"
Sabay na napalingon sina yssa sa pinto. "Maayos na pakiramdam mo?" yon agad ang bungad sakanya ni maui.
Lumapit ito sakanya at kinapa ang ulo katulad ng kanina. "Ayos na ang pakiramdam ko kaya pwede mo na akong ihatid." saad n'ya. seryoso lang ang mukha nya.
"Kumain na muna kayo" Inilapag ni manang edna ang niluto ay sya na mismo ang nag handa sa kubyertos.
Umupo narin si maui sa harap nito. "You don't need to be like this–"
" Ito na ang huling pagkikita natin" kahit ang matanda ay napahinto sa ginagawa nya.
"don't make it so complicated yssa. ang dami ko pang gustong i-explain"
"It's not complicated for me, in fact hindi ko naman dinamdam yung pag alis mo. Mas na realize ko nga na hindi dapat pagkatiwalaan ang mga taong nang-iiwan sa ere" may diin ang bawat pananalita n'ya.
Kinuha n'ya ang kutsara at kumain ng tahimik habang si maui naman ay tahimik lang na naka tingin sakanya. Sinikap n'ya na wag ipahalata ang pagkailang.
Hangga sa matapos sya ay hindi sya binitawan ng tingin ni maui. "Ihatid mo na ako pauwi. Hindi ko pa alam ang pasikot-sikot dito sa maynila e" inirapan n'ya si maui at tinignan si manang edna.
"Manang pag pasensyahan n'yo na po at maraming salamat po sa pag luluto at pag-aasikaso sakin" Naka ngiti n'yang saad.
"Ayos lang iyon hija." Kinuha ng matanda ang supot ng mga sando nito at ang unipormeng nalabhan na. Siguro ay Ni-dryer na nya ito kaya natuyo.
Naka sando pala sya ma brown at mini skirt. Ipinatong nalang n'ya ang coat ng uniporme at saka isinukbit ang bag. baduy na kung baduy.
"Let's go" anyaya n'ya kay maui na prente parin na naka upo.
"Ang sabi ko tara na" galit nyang asik dahil hindi talaga ito kumibo.
"Ano ba maui! gusto konang umuwi!" bwisit na nag papadyak pa sya.
"Umuwi ka" Tumayo si maui at nag tungo sa higaan.
"Manang you may go."tugon pa nya. Napa nganga naman si yssa.
"Ay sya. bahala na kayo dyan." mukhang pati ang matanda ay na bwiset narin sa kaartihan ng dalwa. Nang maka labas si manang ay galit na binalin ni yssa ang tingin kay maui.
"Bahala kananga dyan!" kasunod non ay ang pag-alis ni yssa sa unit.
tinungo n'ya ang elevator. ngayon palang sya makaka sakay sa ganito. nakikita nya lang kase ito sa mga palabas.
"Buti nalang alam ko kung ano ang pipindutin dito" saad nya at pinindot ang pang unang palapag.
"Ang laki na ng pinag bago ni maui. Nakaka-ilang na ang mga titig n'ya– pero actually gano'n naman sya noon e, pero ngayon talaga–"
"Ayst ka-bwiset. bakit ba kase nag kita kame!" Napa irap pa sya.
Nang bumukas na ang elevator ay mabilis n'yang nilisan ang elevetor. Sumalubonv sakanya ang mga empleyadong busy sa kani-kanilang ginagawa at ang ibang tao na ganon din ang ginagawa. bunggalo ang unang palapag at mukhang malaking gusali nga ito dahil sa taas ng chandelier.
May mga big screen din sa bawat dingding at iba't-ibang advertisement ang mga lumalabas doon.
Natanaw na nya ang Pinto palabas ay hindi na sya nag atubiling tumungo doon. May iilang mga guards ang naro'on.
Balabas na sya ng may humawak sa kamay n'ya. "Kayo po ba si yssa?" anang guard. Tumango naman sya at nakaramdam agad ng kaba.
"Hindi po kayo pwedeng lumabas." Mas natakot pa sya ng kunin ang bag nito. "U-uh s-sir w-wala naman po akong ginawang masama. Sinama lang po ako dito ng kaibigan ko." Hinalungkat nila ang kanyang bag at inisa-isang tanggalin ang gamit.
"S-sir, Ano po bang problema?"nangangatal na sya sa kaba. ewan ba nya, wala naman syang ginawang kasalanan pero kanda bulol sya sa pag sasalita.
"May nag report po kase saamin na wag kayong palabasin. Pero wag po kayong mag-alala wala naman pong nireport na kakaiba. mag stay nalang po muna kayo doon sa couch sa waiting area." Turo sakanya ng guard.
"Pero mamang guard nag mamadali na po kase ako."pag mamaka-awa nya.
"Nako ma'am e. sinusunod po kase namin dito ang mga may posisyon dito o dikaya ang mga may ari ng mga unit dito at hindi basta pinag bibigyan ang mga bisita o turista lang."
"Kung gusto n'yo naman po kausapin nyo ang kaibigan nyo na may unit dito upang tuluyan na kayong maka-alis."
"Pinapa-alis nanga nya ako kanina e. kabwisit naman. tapos ngayon. ikukulong ako dito sa gusaling ito!" kausap n'ya sa sarili.
"Boss—"
"It doesn't mean na pina paalis na kita" Lumapit sakanya ang matangkad na lalaki at tinitigan sya. Maski sya ay natulala. nakaka bwisit kase ang gwapo ng loko.
"Don't you get it?" Bumuntong hininga si yssa. "Ang kulit mo!" anas nya.
"malamang hindi ko maiintindihan kase baligtad sa sinabi mo na umiwi ako" asik ni yssa.
"Tara na. makaka istorbo kalang sa mga guards kung pagpipilitan mong umuwi. gayong hindi kanaman nila susundin"
Nang gagalaiting sumunod si yssa kay maui pero pigil nya. Hindi nya ito kinibo hangga sa makarating sa unit ni maui.
"Ano pabang kailangan mo?"
"ikaw. ikaw ang kailangan ko."napa-iwas naman ng tingin si yssa.
"Uuwi nako–"
"Hindi kita pauuwiin hangga hindi kita nakaka usap ng matino. wag monanga gawin yang pag susungit. hindi mo bagay." natawa sya sa isip pero hindi nya ipinahalata.
'Malamang obvious ka gaga, kilala ka ni maui– hindi na pala ngayon' sambit nya sa isip.
"10 minutes, tapos pauwiin mo naako" umupo sya sa pang-isahang sofa.
"And you think agad mo rin na mapapaniwalaan ang explanations ko in just a minuite?" Umiling si yssa.
"Hindi. kase kahit ubusin mo pa ang sampong minuto na ginugol mo sa pag explain. hindi ko 'yon paniniwalaan dahil wala na akong pake." prangka nyang paliwanag.
"Caloy is right" Malamig ang mata ni maui na naka tingin kay yssa. hopeless.
"Wala kang pinag kaiba sa ama mo. parehas kayong mataas tumingin sa sarili—" isang malutong na sampal ang iginawad ni yssa.
"Wag mong dinadamay si papa dito!" dinuro n'ya pa si maui.
"Ikaw ang nang-iwan maui!"isang butil ng luha agad ang pumatak sakanya.
"That time! kailangan ko kayo! walang wala ako non. Mama is in the hospital, papa is in the jail! i feel poor. i feel pity for myself!" humahagulhol nitong saad.
"Na bully ako sa school wala kayo! walang nag tatanggol sakin. Gusto ko na may makausap at mayakap pero wala kayo. Nasan na yung pangako mo sakin na kahit ano man ang mangyari hindi mo 'ko iiwan. Hindi tayo mag kakawatak-watak?"
"Ano pang silbi ng pag explain mo kung yung taong kaharap mo. wala ng tiwala sayo."May bahid ng sakit ang bawat salita na binitawan ni yssa.
"I'm sorry–"
"Okay na kase ako ngayon. kaya kung pwede wag na tayong mag kita?– aalis na 'ko" And with that, she left.
Salamat naman at sa pangalwang pagkaka taon ay diretso na syang naka labas ng gusali. Yun nga lang hindi n'ya alam ang sasakyan pauwi.
"Excuse me" Sa likod nya ay may tumapik. nilingon nya ito. isang lalaki na naka ngiti sakanya.
"Bakit?"tanong nya.
"I think same university tayo?" doon lang nya napansin na parehas ng uniporme nya ang sa lalaki.
"Ah–siguro nga"napa kamot pa sya sa ulo. yung coat lang kase ng ng unifo nya ang suot nya at skirt tas sa loob ay sando.
"Mag gagabi na, aalis kapa ng condo?" tanong lalaki.
"–Ay hindi. hindi naman ako naka tira dito. uuwi na ako e"
"Ganon ba– btw, I'm kevin." inilahad pa n'ya ang kamay.
"Yssa" tipid na ngiti lang ang ibinigay nya.
"May tanong ako" lakas loob na syang mag ta-tanong.
"Go ahead"
"Alam mo ba kung saan sasakay papuntang pilar?"
"Wait– taga pilar ka?— Same. don ako nauwi for now. Gusto mo sabay na tayo?"Nag liwanag naman ang mukha ni yssa at tumango tango.
May dumaan na kulay dilaw na jeep at may naka lagay nga na del pilar doon. suguro ay doon nga ito patungo. madali lang naman kay yssa mag kabisado ng direksyon pauwi or papunta ngunit dahil sa dami ng pasikot-sikot dito sa maynila ay hirap sya.
"Anong year mo na?" pangunguna ni kevin.
"First year college."
"Im sure hindi ka talaga taga dito." sambit pa nito.
"Obvious naman Haha, nag aadjust pa kase ng friend kong si yumi." kumuha sya ng beynte sa pitaka at inabot ang bayad ganon din ang lalaki.
"Masasanay din kayo dito. although mahirap sa pangsasakyan. madali naman maka kuha ng part time job. it depends on you kung kailangan mo ng extra income." Na-alala tuloy nya na kailangan pala nya ng part time job para may maipadala sa ina.
"Meron kabang alam na pwedeng mapasukan?" may hinugot ang lalaki sa pitaka.
"Ayan. Magandang mag trabaho dyan malaki ang kita. Hindi yan scam– Nag tatrabaho ako dyan. sakto nag hahanap sila ng new employer"
"S-sa mga yate?– teka diba nag lalayag ito?" tumango ulit si kevin.
"Oo. pero mga private yachts. nag iikot-ikot ikot lang yan sa manila bey. pulos mayayaman lahat ang sakay at pulos party ang ganap"
"Ibig sabihin isang crew sa yate?" napa kamot sa batok si kevin.
"Ganon nanga." Tumingin sa harapan si kevin. "Para po" Sakto din ito sa paradahan ng tricycle nila yssa kaya naman pati sya ay bumaba narin.
"Payag ako mag trabaho dito. pase sa card. nightshift naman ang kailangan." iwinagayway pa ni yssa ang card.
"Bukas na bukas din. Sabay na tayong mag tungo doon. pag kalabas ng school hintayin kita sa gate." nginitian pa sya ni kevin bago mag kahiwalay ng sinasakyang tricycle. alam narin naman nya ang daan dahil sa pilar na ang lugar.
Nang maka pasok sya sa loob ay naabutan nya sa sala ang ibang boardmates. nginitian nya ang mga ito at lumakad na patungo sa silid.
"Yumi– Asan na 'yon?" wala ito sa kwarto nila kaya naman napag pasyahan nyang mag tungo sa sala.
"Excuse me"Agaw atensyon nya sa mga nag kukwentuhan na boardmates.
"Umuwi naba si yumi?— yung Ka roomate ko?" Yanong n'ya.
"Hindi pa sis. Kanina pa kame nandito e. akala ko magkasama kayo"anang lovely.
"Ganon ba—Di bale. salamat" Nahiga na muna si yssa dahil sa pag-iisip.
Mas maganda narin na makapag trabaho sya kaagad lalo na maraming gastusin at kailangan nya rin makapag padala sa mama nya.
Kinuha nya ang pitaka at binilang ang iilang libo na binigay ng kanyang amahin. Iniintindi parin sya ng ama nya kahit na naka kulong ito. Kaya naman pag sisikapan nyang mag-aral para maka bawi sya sa magulang.
Ibinalik nya ang bag sa side table at nahiga. Hindi na n'ya namalayan na naka tulog na pala sya.
•••••
"Kumain ka ng marami." Andito kame sa isa sa mga fast food chain dito sa building na tinutuluyan ni caloy.
"Dapat hindi mo na ako dinala dito. Wala akong pambayad. Hindi pa naman nagpapadala sakin si papa." mahina n'yang bulong.
Hindi sya kinibo ni caloy marahil siguro sa pag banggit nito sa ama. Malaki nga siguro ang galit ni caloy sa pamilya nya.
'Kung tinulungan ni papa ang papa mo sigurado na dalwa tayong nangungulila.' Kausap nya sa sarili habang naka titig kay caloy.
"Staring is rude. come on, it up" Nginitian nya si caloy at sumubo ng pagkain.
"Ano nga palang pinagkaka abalahan mo ngayon caloy?" tanong n'ya. Uminom muna si caloy ng tubig at tinignan sya.
"Right now, I run this building. I own it. including other fast food chains in various malls owned by Mr. Namo." propesyonal na ani ni caloy.
"T-talaga? Diba gobernador ng maynila si Mr. Namo? Pano mo s'ya nakilala... Kamag-anak mo sya?" tuloy tuloy na tanong ni yumj.
"Yes, yes. Hindi lang naman ako. Maui and henry are also his adopted child. ampon kami ni Mr. Namo." Tinanggal pa ni caloy ang isang botones sa long sleeve nya.
"Paano nangyari yon? T-thats—"
"Hindi naman madali ang pinag daanan namin kahit na sabihin mong ampon kami ng isang mayaman. in almost 6 years na training namin Natutunan namin kung pa-ano mag patakbo ng business. at the young age puro pang business books ang binabasa at pinag-aaralan namin. strikto lahat ng mga naka salimuha namin. professionals kaya dapat walang mali sa mga ginagawa namin. sa gabi naman nag te-training kame gumamit ng armas. Until now." Mahabang lintayan nito.
"Pa-ano mo naman naisingit ang pag babasa mo ng novels?" Kung ganong overtime pala sila sa pag ta-trabaho.
"It's simple. We're trained to be a professionals" Nakaka hanga naman pero at the same time ay na-awa si yumi. she know how hard to work hard just to pursued dreams, Pero sina caloy. Nag bunga naman ang pag hihirap nila..
"Sana matupad ko rin ang pangarap ko na makapag tapos" naka ngiti nyang saad at sumubo ng pagkain.
May kung anong kislap sa mga mata ni caloy at sa uri ng titig nito. Malagkit. parang magnet na tatangayin pati buong pag katao mo.
"I'm sure you can finish your studies. tinitignan mo ang bawat hakbang mo." makahulugan n'yang saad.
"Baka mahulog ka sa patibong" Ini-angat nya ang kopita na may lamang alak at sumimsim.
May kung ano ang bumagabag kay yumi ngunit isinawalang bahala n'ya ito. ayaw n'yang mag isip ng negatibo. Tumingin sya sa paligid.
"Caloy, Gabi na. kailangan ko na umuwi" Tumango tango naman si caloy.
"Okay." Kapag kuwan ay tumayo na sila at nilisan ang lugar. Nakaka bilib dahil hinayaan la g sila ng mga crew ng restaurant. Siguro ay dahil si caloy ang may-ari at pwede ito kumain dito ng libre.
Si caloy na mismo ang nag bukas ng passenger sit at pinapasok si yumi at sumunot nama. ito na lumiko upang mag tungo sa drivers sit.
Tahimik ang kanilang byahe walang nag tangka mag salita kaya naman mabilis din silang nakarating sa pilar kahit na medyo awkward ang byahe.
"Salamat sa pag hatid." ngumiti sya dito at kinalas ang belt. "Pati pala sa pag libre sakin."Tugon pa nya.
Naka titig lang sakanya ang lalaki na tila nag hahalungkat pa ng sasabihin. "Let's meet tomorrow." Natigilan naman si yumi.
"Pero may klase ako. buti nga at hindi na umu-ulan ngayon"
"Nah, Susunduin kita after ng klase mo" hinaltak ni caloy ang kamay ni yumi dahilan para mapalapit ito sakanya.
"C-caloy hindi naman pwedeng ganito... baka ma-apektuhan ang pag-aaral ko." yumuko sya ng akma syang hahalikan ni caloy.
"Hindi ko pa nalalakad yung papel namin para ipa-pirma kay Gov. Namo. Mag papa scolar kase kami sakanya e" Napa kunot noo naman si caloy.
"Mr. Namo is out of town. Nasa hongkong sya for business trip."
"Kailan ang balik n'ya?" Nag kibit balikat lang si caloy.
"Mr. namo is a very busy person. Hindi namin alam kung kelan ulit sya babalik." He kissed her head down to her ears that gives shiver through her nape.
Sinapo ni caloy ang kanyang pisngi upang ipaharap sakanya at doon ay naglapat muli ang kanilang labi.
He kissed her harshly and he deepend it. "S-stop" bahagya na itinulak ni yumi si caloy.
"i'll fetch you tomorrow. No buts" he kissed her again but this time smack lang.
Tumango tango nalang sya at lumabas ng sasakyan at katulad ng dati walang lingon lingon nyang tinahak ang eskinita.
Nang makarating sa boardhouse ay sumalubong ang nag nagtatawanang mga boardmates nila.
"Hi" malawak ang ngiting iginawad nya. kailangan din nilang makisama sa mga tao dito lalo na baguhan sila.
"hello—nga pala hinahanap ka ni yssa. nasa kwarto na sya. ginabi rin sya—pero mas gabi ka" naka ngiti ito habang naka peace sign.
"S-sige pasok na 'ko sa silid." nang maka talikod sya ay nag umpisa ulit silang mag kwentuhan.
"Well masungit naman talaga si henry e, but sis! he's wild in bed. halos mapilay ako, nangawit din balakang ko."pag kukwento ni cindy.
kibit balikat nyang tinungo ang silid at ng maka pasok ay naka patay ang ilaw at mukhang tulog na si yssa.
Nag tungo sya sa side table upang buksan ang ilaw ng may ma-apakan ito pero dahil madilim ay kailangan nya muna buksan ang ilaw.
"Bakit may naka kalat na gamot—Yssa" Nanlalaki ang matang naka tingin sya kay yssa.
P/S:NOT EDITED/WRONG TYPOS