Chereads / PLAY ALONG / Chapter 10 - CHAPTER 11

Chapter 10 - CHAPTER 11

(Strong language ⚠)

"Ma'am clary, Pinag handa kona po kayo ng hapunan." nurse ni clary. nginitian n'ya lang ito at nag paiwan na. Sa silid lang nya sya kumakain ayaw n'yang makasabayan ang ina nya.

Pati sa pag kain ay para syang isang pasyente. 'puta! ano ito? soft diet? ano ako, matandang uugod-ugod na?' saad nya sa mahinang boses at sinuri ang kinakain.

Walang kalasa lasa ang soup na inihain sakanya. kaya naman mabilis nya itong na-ubos na animo'y uminom lang ng tubig.

Tinawag n'ya ang nurse upang ligpitin ang kinainan. "Sinong nag luto? walang kalasa-lasa. lumpo lang ako hindi bedridden! wag n'yo akong gawing tanga." pagalit na saad sa nurse.

"Sorry po ma'am, si señora sehny po ang nag luto n'yan." naka yuko ang nurse at kinuha ang trey sabay na lumabas.

nag kulubot nalang sya sa makapal nitong comforter "Bakit ako pa ang nalumpo!" nag patak ang luha sa kanyang pisngi.

miya-miya ay may narinig syang katok. dali dali nyang pinahid ang luha nya at umupo ng maayos.

"Anong kailangan mo?" walang emosyon n'yang ani sa ina. Seryoso lang rin ito. kita ang bahid ng lungkot sa mga mata.

"I'm sorry for what happen. mas maganda kung dito kanalang mag stay. mas mababantayan kita." lumapit ang ina nya at naupo sa tabi ng kama.

"You are my only princess, ikaw ang prayoridad ko." hinawakan pa sya sa pisngi ng kanyang ina.

"Don't be mad at me." Hindi n'ya maintindihan pero imbis na makumbinsi sa ina ay mas lalo lang itong nagagalit pag na-aalala nya ang nangyari.

"Matutulog na 'ko pwede kanang lumabas." humiga muli sya at ipinikit ang mata.

ilang segundo pa na naroroon ang ina at kalaunan ay nawala rin ang presensya nito. Naupo muli sya at sinubukan igalaw ang manhid na paa.

"Makaka lakad din ako" unti-unti n'yang nagagalaw ang paa at malapit na nya itong maibaba sa kama.

'Makaka lakad ako' ulit nya. sinubukan din nyang ibaluktot ang paa. Nahirapan sya ng una dahil hindi talaga nya maramdamang may paa sya pero ng mabaluktot na nya ito at ma-ayos na ang pagkaka-upos ay medyo naramdaman na nya ang binti.

'Ngayon ay tatayo kanaman' humawak sya sa side table at dahan dahang tumayo. animo'y lumlutang sya at walang maramdamang paa.

'lalakad ka sa direksyo na iyon clary' turo nya sa staircase sa may doorglass.

Unti-unti ay naramdaman nya ang pag lamig ng simento pero sobrang hirap sakanya dahil pinipilit nyang lumakad.

Laking tuwa n'ya ng makahakbang sya ng isang beses. 'Isa pa' pinilit nya maramdaman ang paa at ganon nalang ang tuwa n'ya ng maka lakad muli s'ya.

Tinuloy n'ya ang pag lakad kahit na mahirap. gusto nyang sanayin. Ito lang pala ang magagawa n'ya ang tatagan ang loob.

kahit na mabagal syang nakapag lakad ay naka punta sya sa paroroonan. 'Ang galing!' masayang ani nya sa isip at tiningala ang kalangitan. walang bituwin pero masarap ang simoy ng hangin.

"Kaya ko ito!" saad nya.

"Ma'am iinom napo kayo ng ga–" natulala ang nurse sa kanyang nakita.

"Ma'am nakapag l-lakad na po kayo" inilagay naman ni Clary ang ang hintuturo sa bibig upang sabihin na wag itong maingay. tumahimik naman ang nurse at lumapit sakanya.

"Ma'am–"

"Wag mong tatangkain ipa-alam kay mommy ang tungkol dito. gusto ko pa na tuluyang maka lakad." Tumango naman ang nurse ng naka ngiti.

"Masaya po ako ma'am. hindi na kayo mahihirapan." maluha-luhang ani ng nurse.

"Sige na iwan mona ako." tumingin muli sa kawalan si clary. naramdaman naman nya ang pag alis ng nurse at ang pag bukas sara ng pinto

ilang minuto rin syang nag hakbang hakbang upang masanay. nahihirapan pa talaga sya pero kakayanin nya. humawak sya sa railings at doon parin nag stay sa staircase.

pumikit pa sya at sinamyo ang sariwang hangin. minuto ang lumipas ng may maramdaman muli syang presensya sa kanyang harap. "Nurse, hindi ba sabi ko iwan mo muna ako." naka pikit parin sya.

Hindi umalis ang presensya sa kanyang harapan kaya naman nag mulat na sya.

Sobrang lapit! naka harap talaga sakanya. ang distansya lang sakanila ay ang railings na humaharang sa pagitan nila.

"S-sino ka?" napa singhap sya ng takpan nito ang kanyang bibig at parang ninja sa bilis na maka akyat sa railings at binuhat sya papasok ng naka takip parin ang kamay sa bibig.

hindi sya maka palag tanging kamay lang nya ang nag pupumiglas at tila ang paa ay namanhid ulit.

Nang maidala sya sa kama ay napahiga na sya habang naka patong ang estranghero na naka black hoodie at itim na sumbrero.

'Sino ito! ayoko pang mamatay!' saad nya sa isip. Hindi gumalaw ang estranghero. pinag hahampas na ni clary ang dibdib nito naramdaman pa nyang bumukas ang butones ng kanyang pantulog sa itaas pero hindi nya pinansi. hindi talaga ito gumagalaw.

Sya na ang sumuko sa pag hampas sa dibdib neto at mas lalong lumalim ang pag hinga.

Nang hindi na sya gumalaw at titig na titig lang ito sa mata na hindi masilayan dahil sa buhok ay lumuwag ang pagkaka takip sa bibig nya. sakto lang para hindi parin sya makapag salita.

"Shhh..." naamoy ni clary ang bango ng hininga nito parang isang galon na mouthwash ang pinag mumog.

Kumalma naman si clary. hindi nya alam pero wala syang balak na sumigaw. gusto nyang malaman kung anong susunod na gagawin nito.

Kumalas na sa pagkaka takip ang kamay nito pero naka patong parin at titig na titig sa dalaga.

"S-sino ka?" hangin lang ang lumabas na salita sa bibig ni clary sakto lang para marinig ng kaharap.

"How are you?" the man's voice was husky. Pamilyar sya. 'Kilala ko ito' pinroseso pa ng kanyang isip hangga sa makita nya ang maliit na nunal nito sa may bandang itaas ng ilong.

"H-henry?" bulong nya. Tinanggal ni henry ang pagkakasukbit ng hoddie nya at sumbrero.

"P-pano ka naka pasok?" Mag tataka talaga sya dahil sa taas ng gate at bakod ay nakuha parin nitong maka pasok.

"It doesn't matter. How are you?" ulit na tanong nito. Na realize naman ni clary ang pagkaka posisyon nila kaya tinulak nya ito. dumistansya naman si henry pero nasa ganoon paring pwesto.

"Bakit ka nandito?" walang gana nyang saad pero ang totoo ay nate-tensed lang sya.

"I'm visiting you." napa kunot noo naman si clary.

"Kelan kapa natutong mag ingles?" sinuri nya ito. para itong holdaper sa porma pero astig at bagay sakanya.

Napangisi lang si henry "Nakaka lakad kana?" tinignan naman ni henry ang paa ni clary, namumula ang talampakan nito.

"N-ngayon palang. s-sinubukan kong mag lakad." nag iwas ng tingin si clary. may namumuong tensyon sa dibdib nya. ibang-iba kase si henry ngayon kahit na dati palang ay malakas na ang presensya sakanya nito pero ngayon ay mas tumindi.

umupo si henry sa may dulo ng kama at kinuha ang manhid na paa ni clary. Hinilot nya ito ng may pag-iingat. "A-ano bang ginagawa mo!?" naiirita na sya.

"You look skinny, clary" dumapo narin ang kamay nya patungo sa binti na animo'y kinakapa kung may laman paba sya.

Nag taasan ang balahibo nya pataas sa batok n'ya. hindi sya maka sagot dito, tila nawala ang dila nya.

Tuloy lang sya sa pag hilot sa paa at binti nito. ramdam nya ang mainit na palad kahit na sabihing manhid ang binti nya.

"K-kamusta na si maui?" Hindi nya alam kung anong sasabihin kaya naman yon ang lumabas sa kanyang bibig.

Nahinto naman ito sa ginagawa at tinignan sya ng matalim. 'Why?' saad nya sa isip.

Tumayo ito at isinuot muli ang hoodie mabilis na lumabas sa glassdoor.

"Sandali!" tawag nya dito pero naka talon na ito sa railings at nawala na.

"Nag tanong lang. tsk!" nahiga nalang ito. Naka tulog sya ng may pag tataka sa isip. ngunit naramdaman parin nyang may naka masid.

•••••

Maaga syang nagising at umupo. Sakto na pag upo nya ay ang pag bukas ng pinto at iniluwa no'n ang nurse.

"Ma'am good morning po. ako po ang nag luto ng makakain n'yo ngayon wala po si ma'am sehny." naka ngiti ito. ngimiti lang sya ay nag unat-unat.

Mabilis naman kumilos ang nurse upang ayusin ang higaan nya ng mapansin ang itim na sumbrero. "Ma'am. sainyo po ba ito?" tanong ng nurse. Nanlaki ang mata nya.

"A-akin nga. akin na" hindi man kumbinsido ay inabot ng nurse ang sumbrero. dali dali nya iyon itinago sa ilalim ng kama.

"I-ilagay mo na ako sa wheelchair" Inalalayan naman sya na maupo sa wheel chair.

sya na ang nag pa-andar ng wheelchair. "Wait lang maam" tinignan naman nya ang nurse na papalapit sa glassdoor. "Nako, naka limutan po ninyong isara ito kagabi no" napatungo nalang sya at itinuloy ang pagpa-andar sa wheelchair.

"Wait lang ma'am" nairita na sya dito kaya tinitigan nya ng masama. "Diba po pag binibihisan ko kayo ayaw nyong may isang butones ang hindi naka suot." lumapit ito sakanya at inayos ang butones.

"Naka bukas po" naka ngiting saad ng nurse. Naiilang sya na minadali ang pag andar ng wheelchair. Sanay itong magpa-andar non kaya madali lang sakanya iyon.

'bwisit talaga' untag nya sa sarili.

P/S: NOT EDITED (ALL CHAPTERS ACTUALLY)