Chereads / PLAY ALONG / Chapter 9 - CHAPTER 10

Chapter 9 - CHAPTER 10

(Strong language🔞⚠)

Mabilis na natapos ang klase ni yumi. Naiirita sya dahil mukhang napahiya sya kanina. Hindi pala Business AD ang kinuha n'yang kurso kundi culinary. Pumapasok panaman sya sa room ni yssa.

dahil sa pag iisip sa naganap kanina ay hindi na nya namalayan na may lumapit sakanya.

"Hi?" isang magandang babae ang naka harap sakanya mukha itong modelo pero simple lang ang suot.

"Hello" ngumiti sya dito. mukhang dito rin ito nag-aaral. "Classmate moko. I'm Kendra." inilahad n'ya ang kamay kay yumi.

Napa titig si yumi sa kamay nito. "Nice to meet you. I'm yumi" sabay abot nya sa kamay.

"Since bago kalang gusto kitang e treat. may malapit na kainan dyan. i want you to be my friend" naka ngiti ito na parang anghel.

Hindi na sya naka tanggi mukhang mabait naman ito at mapagkaka tiwalaan. Nag tungo sila sa pinaka malapit na kainan. Japanese food.

"Nako, mahal dito" sabi ni yumi. napa ngisi naman si kendra. "Akong bahala marami akong chika tungkol sa school HEHE" Ganon nanga ang nangyari.

mukhang madaldal ito at pulos kalokohan ang sinasabi, kesyo ayaw daw makipag friends ng mga classmates nila sakanya. may pagka maarte rin ang mga salita nya pero masarap kausap. Nasabi din nito na politician ang amahin nya kaya naman medyo nagka interes si yumi sa kasama..

"Maraming salamat sa pag libre. bawi ako next time" ngumiti naman si kendra.

"Ano ba, you don't need, tsaka from now on friends na tayo." Ang weird din nitong si kendra dahil habang kumakain sila ay mas gusto daw n'yang sawsawan ng takoyaki ay suka. napapa ngiwi nalang sya sa mga bagay na kabaligtaran ang gusto ni kendra.

Bumalik ulit sila sa university dahil doon daa naka park ang sasakyan ni kendra. balak pa syang ihatid pauwi ngunit naalala nya si yssa.

"Sure kaba na ayaw mo maki ride. i have a helmet pa here" napa kunot noo naman si yumi sa sinabi nito at tinignan si kendra sa loob ng kotse na naka suot ng helmet?

"May hinihintay pa kase ako. sorry" Hayst! kaya naman pala ayaw makipag kaibigan sakanya e.

tumango nalang si kendra at nag maneho ng sasakyan. "Maganda nga mukhang may sayad naman" napa iling nalang sya.

Nabalik sya sa realidad ng maisip si yssa. Ang ipakta baka maligaw. dali-dali syang pumasok sa university at nag tungo sa room ni yssa. Bigo syang makita si yssa dahil wala ng tao doon. wala ng tao sa university at tanging mga guro nalang ang naroroon.

lumabas muli sya at tinawagan si yssa. "Yssa. nasan ka?" tanong nya sa kabilang linya.

"Naka-uwi na. dapat ako mag tanong n'yan. Sa'n ka?" Bumuntong hininga sya.

"Buti naman dika naligaw. Andito pako sa labas ng university. niyaya kase ako ng classmate ko na kumain sa labas. libre nya kaya ayon game ako." pag mamalaki ni yumi.

"Osya umuwi kana yumi. Mag luto kana dito, gutom nako"

"Ano? bakit, hindi kaba marunong mag luto?"

"Hate ko ang pag luluto kaya buti naman at may kaibigan ako na marunong mag luto." napa ngiti ng hindi oras si yumi. "Sige, Sige." pagka baba ay nag tungo sya sa waiting area ng masasakyan. Pagabi narin at mukhang wala ng nadaan na jeep.

"Bwisit naman" asik nya ng kagat kagatin na sya ng lamok. nag papadyak pa sya.

Minuto pa ang lumipas ngunit wala na talagang nadaan na sasakyan. at ang tanging sasakyan nalang na nandoon ay ang itim na tesla medyo may kalayuan sakanya. naka bukas ang ilaw sa unahan kaya naman sakanya ito tumatama.

"Punyeta. Wala naba talaga akong choice? mag lalakad talaga ako?" Wala na syang nagawa nag lakad na sya.

Sa direksyon na kanyang tinatahak ay madadaanan nya ang sasakyan na tesla. 'Sosyal naman ng sasakyan. bakit dto ni-park? kapangit ng pwesto' ani ng kanyang isip.

Nasa harap na sya ng sasakyan ng biglang mamatay ang ilaw non dahilan para dumilim sa parteng iyon.

Bumigat ang paghinga nya at medyo kinabahan pero nagpatuloy parin sya sa paglalakad.

Hangga sa bumukas narin mismo ang pinto ng sasakyan dahilan upang maharangan sya. "Ah! wag po" Napa upo ng hindi sa oras ang dalagita at ginamit panangga ang kamay sa kung ano man ang pwedeng mangyari.

Hindi na n'ya namalayan na nag sara na ang pinto pero may bulto na naka tayo sa kanyang harapan. tinignan nya ang sapatos na mukhang mamahalin din. panlalaki.

"It's dangerous here. bakit nag-iisa kalang?" isang baritonong boses ang nagpa tingala sa kanya.

Sa porma nito na long sleeve na maroon at naka tupi hangga siko at naka jeans na kulay itim meron din itong relo na Rolex.

Tila hiniplotismo sya at napa tayo habang naka tingin sa mga mata nito.

"C-caloy?" Hindi sya maka paniwala. tila tanga syang naka nganga dito.

"Caloy, ikaw nga?" lumapit pa ito ng bahagya.

"K-kamusta?" utal parin nitong tanong. Naka tingin lang si caloy sa kanya habang walang emosyon.

"Get in the car." utos lang nito at pumasok na.

Napa tanga naman sya pero kalaunan ay sumakay narin. "Kamusta kana?" ulit nya habang nag lalagay ng sit belt si caloy.

"I'm fine." kasabay non ang pag lapit ni caloy sakanya. halos magka dikit na ang mukha nila at rinig ang pag singhap ng isa't-isa.

Napapikit si yumi sa panlalaking pabango ni caloy. mukhang pati ang pabango nito ay mamahalin.

Mas lalo syang napa singhap ng dumapo ang kamag nito sa kanyang tagiliran. 'B-balak n'ya ba akong halikan?' tanong n'ya sa isip.

ilang segundo ang lumipas ng may marinig syang nav click. Napa mulat sya at ayon nasa pwesto na uli si caloy.

'Sh*t, sinuot lang pala ang seat belt ko' iniwaksi nya ang nasa isipan ng mag maneho na ito.

pasulyap sulyap sya kay caloy. Hindi na sya ang dating caloy na nambibwisit sakanya sa palengke. hindi na ito kargador ng gulay kundi kargador ng mga barbels dahil sa matayog nitong braso.

"M-mukhang big time kana ngayon caloy. yayamanin kana. libre naman dyan." hindi sya pinansin ni caloy ni lumingon ay hindi nito ginawa.

'Awkward ah'

"Nako, hindi ko pala nasabi kung anong adress ko. Sa pilar compound ako ngayon. kasama ko si yssa. actually kakalipat lang namin kahapon. Nag transfer kami dito dahil may scolar." pansin nya ang pag higpit ng hawak sa manubela ni caloy.

"I-ikaw ba? bentedos kana hindi ba? nakapag tapos kana?" huminto ang sinasakyan nila na ipinag taka ni yumi.

"You see? nag di-drive ako. ang ingay mo" humalukipkip naman paatras si yumi na animo'y isang makahiya at bigla nalang yumuko.

"P-pasensya, gusto ko lang naman na kamustahin ka at mag sorry ng mag sorry." Tila may nag babadya na luha sa mata nito.

"This is not the right time to rewind our past" Nag maneho na ulit ito na hindi talaga sya tinatapunan ng tingin.

Tinuro nalang ni yumi ang daan hangga sa eskenita. hindi naman kase makaka pasok ang sasakyan doon.

"Salamat sa pag hatid" ngumiti sya ng tipid. akma na syang aalis ng hawakan nito ang kamay ni yumi.

"Bigyan moko ng dahilan kung bakit dapat pa tayong mag kita." naka titig ito ng diretso sa mata nya.

"G-gusto kong humingi ng tawad... G-gusto kong bumawi" nag karoon ng kislap sa mata ni caloy.

"Sabihin mo lang na gusto mo akong makita. Agad paroroon ako" matapang at desidido nyang saad.

Napa ngisi naman ang binata sa sinabi nito. "Talaga?" tanong nya na may naglalaro sa isipan. sunod sunod na pag tango ang ginawa ni yumi.

"Kung ganon. amina ang cellphone mo" inilahad ni caloy ang kamay. nag tataka man ay inabot nya ito.

"I'll save my number here. kung sakali man na gusto kitang maka-usap." Nag tipa si caloy at inabot muli ang cellphone kay yumi.

"Makaka-asa ka." ngumiti pa sya kay caloy.

"Si yssa... Nag hirap naba sila?"

"Nag titinda sila ng gulay sa palengke. naiwan ang ina nya sa probinsya habang ang ama ay n-naka kulong."

"He deserves it. pabaya sya. palibhasa pera ang priority at taas"

"Lahat naman tayo ay nagkakamali. Sige una nako." sa pangatlong beses ay nginitian nya ito at tuluyan ng bumaba.

Walang lingon lingon syang nag tungo papasok sa eskinita at nilamon ng dilim. wala kaseng ilaw doon.

"And i think this is wrong" saad ni caloy habang naka tingin parin sa eskenita.

•••••

"Nakaka-inis ka, gutom nako. sa'n kaba galing?" bungad ni yssa kay yumi.

"A-ako? nako, traffic e sorry. sige sasarapan ko nalang ang luto ko para hindi kana mag tampo." Napa kunot noo nalang si yssa habang si yumi ay pumnta sa kusina. Buti dito ay libre ang GAS dahil ang may ari ng boarding house ay may shop ng GAS 'GAS gas' ang pangalan ng tangke.

Inayos naman ni yssa ang mga gamit dahil kakatapos lang nyang gumawa ng assignment buti at may pumasok pa sa utak nya kahit na gutom na gutom na sya.

ilang minuto pa ay tapos na sa pagluluto si yumi at tinawag sya upang kumain.

" wow, tortang talong"siningot pa nya ang luto nito. "Bango" untag nya.

"Syempre. pero kung sosyal mga pagkain natin mas masarap maluluto ko dyan." subo lang ng subo si yssa habang si yumi ay tutok na sa cellphone nito at seryosong seryoso.

"Hoy!"

"Ay talong ni sehun!" muntik pa netong mabato ang cellphone.

"Bakit ba!?" galit na tanong ni yumi. "Ka bago-bago natin sa school nag paligaw kana ka-agad. sabihin mo nga saakin. niyaya ka ng date kanina no?"

"H-hindi no. sabi ko naman na classmate ko yung kasama ko–"

"Na lalake?"

"Babae yon, si kendra. teka– iww na ci-cringe ako sayo. you look like a jealous boyfriend" naka ngiwing saad ni yumi.

"Gaga. Anong jealous ka dyan e nagiging protective friend lang ako sa FRIEND KO!" Madiin na sabi ni yssa.

"Ay ewan ko. maliligo nako. ikaw na mag hugas ng pinggan mo." kalaunan ay pumasok na ito sa silid.

"May sikreto agad." napa-iling nalang si yssa.

'Kamusta na kaya si maui. siguro hindi na 'ko naaalala non.'

"Pst" may sumitsit sakanya sa bintana dahil sya ay naka harap doon. kakatapos lang mag hugas ng pinggan at ang ibang boardmates ay nasa kanya kanyang kwarto na. ang iba ay nightshift.

Nag palinga-linga sya sa paligid dahil sa malayo ang posteng sa harap ng bahay nila ay konting ilaw lang ang nasisinag sa bahay.

Wala naman tao kaya dumukwang s'ya kalangitan. nag babadya na ulan panigurado dahil walang ka-star star.

"katulad ng bituwin ang pangako mo maui. nawala dahil may nag babadyang ulan at sa kaso na ito. Nagkaroon ng dilim ang atin kaya nawala ito na parang bula." tumingin ulit sya sa paligid at namataan ang isang bulto sa posteng nag bibigay ng ilaw sa lugar.

"i'll make sure that the wall between us will disappear. the clouds will give us the best view and we will see the brighter star." saad ng bulto habang naka tingin sa babaeng naka titig din sa kanyang direksyon.