Chereads / PLAY ALONG / Chapter 2 - CHAPTER 3

Chapter 2 - CHAPTER 3

Nauna nang umuwi sina yssa at clary dahil sa mag hahating gabi na at paniguradong pinag hahanap na sila. Samantala nanatili naman na nag lalakad si maui mas gusto nyang maglakad ng sagayo'y maiwasan ang ina

habang tinatahak ang daan pa-uwi ay nadaanan nya ang mga batang lalaki na nag kakara krus gamit ang tig pipiso. Mga kaedaran lang nya ang mga ito.

napa iling nalang sya at nagpatuloy sa pag lalakad hangga sa mapadaan sya sa isang tindahan na may tambay na mga kalalakihan nag-iinom at nag sisindi meron panga e mga menorde-edad.

Itinatak ni maui sa kan'yang isip na kahit kelan ay hindi nya gustong matulad o mapariwara ang buhay nya kagaya nalamang ng mga ito.

"Hoy bata, anong tinitingin-tingin mo d'yan" saad ng matandang lalaki na may bigote, mukhang lasing na ito.

"gusto morin bang tumagay maui" anang dugyot. dugyot kasi ito, halos hindi na maligo at dinaig pa ang baboy sa sobrang putik ng paa.

"hindi ako nag-iinom dugyot" sambit nya. akma na syang lalakad ng magsalita muli ang matandang may bigote. "balita ko iniwan na sila ng ama nyan–"

"Anong iniwan? ang sabihin mo namatay na...e yun ang sabi ng mistisang ina nyan"

"Wala na kasing maipakain ang ama nila sakanila at ang sabi pa... nahuli daw ng mister na may kahalikan ang ina nya aba'y maganda naman kasi si tessa kaya ayun namemera ng bumbay" nagsibtawanan naman ang mga ito. hindi mapigilan ni maui ang pag kuyom ng kamao.

Nag martsa sya palayo sa mga pangit na nilalang at sinawalang bahala ang narinig. Alam nya'ng hindi naging maganda ang pakikitungo ng ina nya sakanya pero gayun paman ay ina nya parin ito, mahal nya ang kanyang ina.

"Saan ka galing? bakit ginabi ka? siguro nag lakwatsa ka narin ano? natulad kanarin sa ama mo? bakit? dahil ba sa mukha akong pera? masama ugali ko? tapos ano iiwan mo rin ako?" 'yan ang bungad sakanya ng ina. nasa lamesa ito habang may hawak na bote ng alak, namumula narin ito dahil sa kalasingan.

"Nay, lasing na po kayo. mag pahinga na kayo" mahinahon nitong sambit. tinungga naman ng kanyang ina ang natitirang alak sa bote at tumayo ng pasuray.

ilalapag palang ni maui ang bag sa upuan ng biglang matumba ang ina nya buti nalang at sa sofa ito bumagsak. napa-iling nalang si maui at lumapit sa ina upang ayusin ang pagkakahiga.

pagkatapos nyang magpalit ng damit at nilinis nya ang mga naka kalat na bote sya narin ang nag saing tinignan nya ang nakatakip na na ulam kung ano iyon.

tuyo at sawsawan lang na kamatis. sanay sya na ganito ang madadatnan sa bahay. hindi naman kase sila mayaman para mag inarte. kumain nalamang sya at napangiti ng maisip ang eksena kanina sa ferris wheel.

"mag tatapos ako para makahanap ng desenteng trabaho" saad nya sa isip. tinignan nya ang ina na mahimbing na natutulog. siguro kaya nag kakaganito ang ina nya ay dahil sya nalang ang inaasahan ni maui.

"nasaan kana papa" mahinang bulong ni maui.

•••••

Sa kabilang dako naman ay naka yuko si yssa habang sinesermonan ni don apollo.

"Sige nga manang lolet mag paliwanag ka. bakit ka nag desisyon na isama yan sa plaza? hindi naman kayo nakita ng mga tauhan ko" singhal ni don apollo sa matandang si lolet.

"Sir pag pasensyahan nyo napo, gusto kolang naman po na ipasyal ang alaga ko dahil naiinip sya." paliwanag nito. nag sinungaling ang matanda na sa bayan lang nila sila nag tungo sa plaza. Hayst siguro ay ipagbabalat nalang ni yssa si manang ng santol kapalit ang pag sagip nya ng sermon dto.

"Sa susunod na umuwi payan ng gabi, hindi ako mag dadalwang isip na ipag home study ka—"

"Apollo grabe ka naman sa bata para yun lang. alam ko naman na pinoprotektahan mo lang ang anak natin, pero hindi naman ata tama na mag home study sya. magiging mailap si yssa sa mga tao pag lumaki sya, dahil sa hindi ito sanay maki salimuha sa maraming tao" mahabang litanya ng ginang. ang ina ni yssa.

Hindi na nag salita si don apollo at umakyat na sa ikalawang palapag. "Anak, umakyat kana sa kwarto mo" tumango naman si yssa at niyakap muna ang ina.

Hayst. nakaka boring na talaga sa bahay nila. bakit ba kase napaka over protective ng ama nya.

Lumipas ang araw balik sa normal hindi sila nakakapag bonding mag kakaibigan dahil sa maraming proyekto sa paaralan.

mas naging tutok sila sa pag-aaral at sa tuwing break time lang sila nag uusap. Tuwing sabado at linggo naman ay hapon lang sila nag kikita kita sa puno ng saresa.

"Yssa, clary, anong gusto nyo maging pag laki?" tanong ni maui busy sila sa pag gawa ng santan na korona na pinitas lang sa tabi ng bahay nila maui.

"Gusto kong maging model katulad nung mga napapanood ko sa TV, gusto ko kasing mag suot ng takong." sabay hagikhik ni clary.

lumingon naman si maui kay yssa. " Ikaw ba yssa, anong gusto mo maging kalaki?" napa-isip pa si yssa.

"G-gusto ko maging Doktora" ngumiti sya at tumingin sa kawalan. "Gusto ko na maging doktor para lahat ng mga magsasaka at trabahador dto sa hacienda namin ay libri kong magagamot." tungkulin ng isang doktor ang gumamot ng may sakit at magligtas ng buhay kaya naman gusto nyang gampanan ang gano'ng trabaho.

tumingin si clary kay maui. "ikaw maui, anong pangarap mo?" tangong nya.

Napa yuko si maui " Gusto kong mangarera"

"ano? manga...rera? ng alin? kabayo? kalabaw? dito sa hacienda?" napa halakhak naman ang lalaki sa tanong ni yssa.

"Sasakyan. gusto kong maging car racer pero wala naman maidudulot iyon ang sabi ni inay kaya isasantabi ko nalang iyon. gusto ko maging kapitan ng barko."

naka titig lang ang dalwa kay maui na animo'y nahihiwagaan sa sinasabi nito. "magkakaroon din ako ng sarili kong barko yung pinaka malaki" tugon pa nya.

"Hoy maui, bigyan mo muna ng effort ang pag-aaral mo" si clary. napa taas kilay nalang si maui. kahit kelan kontra bida itong si clary.

••••

Nag daan pa ang ilang araw at mga linggo na gano'n parin ang sitwasyon ng mag kakaibigan. laging binabangayan ng ina ni maui ang anak. Si clary naman ay parating pinapaalahanan ng ina na pag-aaral ang atupagin at si yssa naman ay gano'n din.

___

sa kabilang dako naman ay nag paplano na pala ang ginang kung paano ma tatalo at mapapabagsak ang hacienda ni apollo.

"pumapayag kana ba?" tanong nito sa isang ginang na kailangan na kailangan ng pera upang mabayaran lahat ng utang nito sa pagsusugal.

"Oo. payag na 'ko, basta mangako ka na hindi ako madadawit kung man na malaman nila na ikaw ang mastermind sa krimen na gagawin ko." takot at may pagaka desperada nitong saad.

Napa ngisi naman ang ginang. "Sa tingin moba na may makaka laman nito?" lumapit ito sakanya at pinan lisikan ng mata. "Walang makukulong, walang madadawit kung mananahimik ka at hindi ka sasablay sa i-uutos ko sayo" ngayon ay kumalma ang mukha nito.