Mabilis na nag bihis si yssa at lumabas ng kanyang silid. Naka tira parin sila sa laguna pero hindi gaya ng dati na meron silang malaking tahanan ngayon ay maliit nalamang.
Naabutan nya ang ina naghahain ng almusal. meron hotdog sinangag na kanin at itlog. napa siningot nya ang bango ng kanin dahil binigyan iyon ng bawang na nag pabango sa kanin.
"Kain na anak para hindi ka ma-late sa klase." Agad na naupo si yssa kaharap ang ina at nag salin ng kanin sa plato kumuha rin sya ng hotdog.
"Sarap talaga ng sinangag ni mama"
"Naku, dapat matuto kanarin mag luto yssa, kahapon yung niluto mong itlog may eggshell pa" Napa ngiwi naman si yssa. ayaw na ayaw kase n'ya ang pagluluto at napilitan lang ito kahapon dahil wala ang ina. dinagdagan nya ang luto baka sakaling pag balik ng ina nya ay gutom sya.
Nagpatuloy nalang sya sa pagkain at nang matapos ay nag tungo sa sala para kunin ang mga gamit.
"Mama, alis na po ako!" sigaw nya sa ina. tumango naman ang ina n'ya sabay ngiti. "Mag-iingat ka!"
patakbo n'yang tinungo ang paaralan first year college na sya at para sakanya ay mahirap mag-aral dito sa laguna dahil probinsya ang kanilang bayan.
Buti naman at wala pa ang guro kaya umupo na agad sya sa bakanteng upuan. "pst!" napa lingon naman sya sa tumawag sakan'ya.
"Pahingi ako ng pulbos" napa irap nalang s'ya at kinuha sa bag ang pulbos. kahit kelan puro pag papaganda nalang ang inatupag ni Jaime.
"Salamat" ngumiti lang sya. Pumasok na ang guro at nag start na ang klase. business AD ang kinuha n'yang kurso dahil yon lang ang choice nya, dapat ay mag e-environmentalist o doctor sya ngunit dahil sa walang nag e-scholar sa probinsya nila dahil sa mababang ambag ng gobyerno sa kanilang paaralan nganga ang mga studyante.
Hangga sa natapos ang klase at puro kanya nag tatanong kung ano ang dapat na gawin sa proyektong ipinapagawa ng kanilang guro. Nag tungo na sya sa gate hindi na sya gumagala pag tapos na ang klase. diretso na s'ya pag-uwi.
"Yssa!" Nag palinga-linga sya ulit paniguradong si Jaime nanaman iyon at hihingi ng polbo.
Ngunit hindi si Jaime ang tumawag. May isang mistisang babae ang naka uniporme din ang tumawag sakanya.
"Y-yumi?" kumunot pa ang noo nya dahil sa sikat ng araw na tumatama sa dalagang kaharap.
Sinalubing s'ya ni yumi at niyakap.
"Namiss kita"ani ni yumi. kumalas ito sa pagkakayakap at tinignan sya. " K-kamusta?" malungkot ang tinig nito.
"Ayos naman ako yumi, pero hindi gaya ng dati na walang problema" Ayos naman talaga sya e, pero marami s'yang katanungan sa isipan kung bakit ang lungkot n'ya.
"Pwede ba kitang yayain kumain sa mini-mart? malapit lang dito iyon may gusto lang akong sabihin" tumango nalang sya bilang pag sang-ayon.
"Lalu kang gumanda yssa" pangunguna ni yumi.
"Wag kangang ganyan tignan mo itsura ko. Hindi na ako yung dating yssa na sosyal. mahirap na 'ko" ayaw man n'ya mag sungit ngunit hindi nya mapigilan. Nawala narin ang dating yssa na mas masigla at madaldal.
"O-okay" tipid na sagot ni yumi at sumimsim sa lemonade na ini-inom.
"Gusto ko sana mag-aral sa maynila" nakatingin sya sa labas na tila ipinarinig lang kay yssa ang sinabi.
Nanlaki agad ang mata ni yssa at tumutok kay yumi "S-seryoso ka? gusto morin mag aral don?" nag tataka naman na tumango si yumi pero agad ding nawala.
"morin? ibig bang sabihin gusto morin mag-aral do'n?" ngayon ay napa-iwas na ng tingin si yssa.
"Oo, pero wala akong pang-aral at pamasahe. do'n kase may chance na makakuha ako ng scolar at baka maka pasok pa sa sikat na unibersidad." Saglit na nag-isip si yumi.
"pwede tayong mag tungo sa munisipyo upang humingi ng copy sa mga unibersidad sa maynila na nag bibigay scolar"
"kung sakali ba na pupunta ka do'n ay sagot nang magulang mo ang pag-aaral?" tanong ni yssa. umiling si yumi. "payag sina mama pero gusto nila na kumuha ako ng scolar para hindi na sila gumastos ng malaki."
Ini-isip din ni yssa na kung makakuha naman sya ng scolar at maka pasok sa unibersidad ay tiyak naman na may babayaran parin sya.
"ini-isip moba na kung papano ka kukuha ng pera sa pang boarding house at pangkain sa araw-araw? wag kang mag-alala maraming opportunity sa maynila pwede kang mag part time job para may maipang gastos sa araw-araw kaya kung ako sayo wag kana mag dalwang-isip." tila hinihila si yssa sa sinabi ni yumi.
"Mag kita ulit tayo bukas. kailangan kong makumbinsi si mama" napa palakpak naman si yumi.
"good. sa wakas may kasama na'ko"
"yumi" itinaas naman ni yumi ang dalwang kilay.
"ikaw na mag bayad sa lemonade. pamasahe ko nalang ito" naka ngiwi si yssa.
••••
"Ano kaba yssa, delikado sa mayna. Hindi basta basta ang pakikipag sapalaran do'n baka kung mapano kapa" may pag-aalala sa tinig ng ginang.
"Mama kasama ko si yumi na tutungo ro'n at panigurado na agad kaming makaka kuha ng matuyuluyan. please... pumayag kana mama" yumakap pa si yumi kay mira.
"Hindi kita pinag babawalan. ang papa mo hindi n'ya alam na paroroon ka. bumusita ka bukas sakanya at sabihin yan. Basta sinasabi ko sayo na kapag nahirapan ka do'n umuwi kanalang" napa kalas sa pagkakayakap si yssa.
"ibig sabihin po ba na pumapayag nakayo?" Nanlalaki na matang tanong ni yssa.
"Wala akong magagawa kung para yan sa pangarap mo. basta tandaan mo lang na may limitasyon ang lahat." tumango si yssa.
"Pangako mama, hindi ko kayo bibiguin" Kailangan lang ng tyaga at diskarte.
•••••
"Napa dalaw ka?" walang buhay na tanong ni apollo. wala itong pinag bago sa ugali, Mapag mataas parin ito kahit nasa selda na.
"kamusta na po kayo? kumakain po ba kayo ng maayos?" maluha-luhang tanong ng anak.
"kung iiyak kalang dito umuwi kana. mag-aral ka nalang ng maayos—"
"Mag-aaral ako sa maynila" putol nya sa pag sasalita ng ama. Nagulat naman ang amain.
"Stop this nonsense yssa! mapapa hamak kalang do'n!" galit na sambit ng ama.
"Papa, gusto kong makapag tapos ng naaayon sa kurso na gusto ko." hinawakan ni yssa ang kamay ng amain.
"Papa, ako naman po ang susustento sa sarili ko, magsisikap po ako"
"kukuha po ako ng magaling na abogado upang makalabas ka d'yan papa" sunod-sunod na iling ang ginawa ni apollo.
"Wala kang magagawa yssa. Walong taon na 'ko dito. nawalan narin ng pake sakin ang mga tao na dati tinitingala ako." Ayaw ni apollo ang nag mumukhang kawawa sa paningin ng anak, ayaw n'yang isipin pa s'ya ng anak n'ya ang gusto nalang ngayo. ni apollo ay malagay sa mabuti si yssa.
"Papa, pangarap ko naman ang naka salalay sa pakikipag sapalaran ko. Pangako mag-iingat po ako, pumayag na po kayo" bumuntong hininga si apollo.
"Mahirap ako mapaki-usapan yssa. pero dahil sincere ka. pumapayag na 'ko" may kinuha sa bulsa si apollo at ini-abot kay yssa.
"gamitin mo iyan sa pag luwas mo" tinignan ni yssa ang tag-iisang libo na ibinigay ni apollo.
"Papa san galing 'to?" nagtatakang tanong nya.
"Ipon ko 'yan simula nung nakulong ako. nagtitinda kami ng pastillas dito sa selda." Hindi maipinta ang reaksyon ni yssa.
"Pero– baka wala na po kayong pera– wag na po"
"No, you need it. I'm sorry yssa. dapat ngayon ay nasa mabuti kayong kalagayan kung hindi ako naging pabaya." Pala-isipan parin kay yssa kung bakit nagkaroon ng sunog at sanhi daw ay dahil sa gas na natapon. Pero sa pagkaka-alam ni yssa ay malayo ang kubong pinag kuhanan nila ng gas ng kanyang ina at wala ng galon doon. dahil silang mag kakaibigan ang huling nag tungo doon. isa pa ay sa taniman nag umpisa at mga puno na matatayog.
"Nag dala po ako ng bulalo papa. ipinaluto ko kay mama." ibinigay n'ya sa ama ang dalang supot.
"Salamat anak. Mag-ingat ka sa maynila. wag mo muna atupagin ang mga lalaki" Naka ngiting ani ni apollo. Wala naman syang interes na mag boyfriend dahil bata pa sya at pag-aaral muna ang iintindihin.
•••••
"Na-ayos mo na ang resume mo? pina hahabilin ni konsehal na dapat mapirmahan yan ng ma-aga para agad tayong maka pasok sa MCU (manila college university)" Tumango tango sya. Nandito sila sa terminal upang mag hintay ng bus.
"Andyan naba ang toothbrush mo? yung vitamins mo anak? umuwi agad galing school. mahal ka namin ng papa mo. mag iingat ka" Biglang sumagi sa isip ni yssa ang mga sinabi ng ina.
"Hayst!" Napa lingon naman sakanya si yumi. "black out kana agad?" tanong ni yumi.
"Hindi. kinakabahan lang ako." Totoo yon lalu na hindi sya expose sa kung ano man ang ganap sa paligid.
"Basta yssa kasama mo naman ako. ako rin, kinakabahan pero fighting lang." ngumiti sya dito.
Nang makasakay sa bus ay diretso na ang alis nila. naka tulog lang sya sa byahe dahil sa kaba.
Tila sandali lang ang oras dahil eto sila sa naglalakihang mga gusali.
"Toxic dito dahil maraming nadaan na umuusok na sasakyan" saad ni yumi.
"Tara sakay na tayong tricycle, mukhang kabisado mo ang maynila yumi." lumingon sakanya ang kaibigan at may inilahad na cellphone.
"google map yssa, uso yan ngayon" nanlaki naman ang mata ni yssa.
"Nako, nag dala panaman ako ng mapa kung sakali man na maligaw tayo—" Natigilan si yssa nang biglang humagalpak ng tawa si yumi.
"Ayan tayo yssa. hindi ka kasi tutok sa paligid kaya hindi mo alam kung ano na ang mga uso at bago ngayon." Napa kamot sa batok si yssa.
"Wala naman kase akong panahon upang isipin pa ang ibang bagay." tumango nalang si yumi.
"Manong dyan lang po sa kanto." turo ni yumi at nang huminto ang tricycle ay bumaba na sila.
Napa tingin si yumi sa modern na bahay mukhang pang sina-una pero matibay ang itsura.
"Yan ang magiging boarding house natin although may kasama tayo dyan keri naman diba?" Tumango si yssa. Ang mahalaga ay may matutuluyan agad sila.
"may selpon kaba?" tanong ni yumi. tumango sya ulit at inilabas ang di-keypad na cellphone.
"Meron din si nanay kung sakali man na gusto nya akong kamustahin." saad nya.
"Sa susunod bili ka yung Smart phone, hindi ka makakapag search dyan para sa pag-aaral" napa kunot noo si yssa.
"Hayst, matalino ka e yssa, kayalang wala kang masyadong alam sa technology"
Pumasok sila ng boarding house at itinuro ng householder kung saan sila matutulog. "Ayan ang magiging kwarto n'yo. Maswerte ang mga tenant dito dahil sa isang kwarto dalwa lang ang natutulog. osya basta kung may kailangan kayo nasa baba ako. bawal ang bisita dito at No boys allowed" napangiwi silang pareho at nag tinginan.
Nang maka-alis na ay mabilis nilang nilinis ang dorm at magkasunod na naligo upang makapag pahinga na.