Kina-umagahan araw ng linggo maagang nagising si yssa dahil kailangan nilang mag simba ng kan'yang ina.
namili na sya ng kanyang susuotin. isang dark blue na dress ang sinuot nya pinaresan ng sandals at nag suot ng headband na kakulay din ng kanyang dress. humarap sya sa salamin at ngumiti.
"Ang ganda mo talaga yssa" saad nya sa sarili at umalis na sa silid upang bumaba.
"Ang ganda naman ng anak ko, ang galing mo talaga mag-ayos" naka ngiti ang ina nito na lumapit sa kanya.
"Syempre po, kayo po ang nag turo sakin mag ayos" Napa halakhak nalang ang mag ina.
"Tara na at baka nag sisimula na ang misa. yaya lolet, mag sisimba na muna kame. wag hu kayong magpapa-pasok ng kung sino man ng walang pahintulot ko" sunod-sunod naman ang naging pag tango nito at nginitian si yssa.
"Nay naririto na pala ang mga tauhan?" tumango naman ang ina.
kailangan kumilos ng mabilisan ng mga trabahador ay mag sasaka sa hacienda dahil mamayang gabi na ito idedeliver sa maynila. buti nalang at sinasako nalang ang kilo-kilong mga piña.
Nang makarating sa harap ng simbahan ay may mga nagtitinda ng mga tingi na kendi at iba pa pero mas kadalasan dito ay ang mga nag titinda ng sampaguita.
"Magandang umaga po. Bili na po kayo ng sampaguita sampung piso lang po" saad ng isang batang lalaki.
"Sige bilhin kona lahat yan toto" Nanlaki naman ang mata ng bata mukhang natuwa.
"Talaga po?" tumango ang ginang "magkano ba lahat yan?" tanong naman ng ginang habang nag hahalungkat sa bag.
"200 po lahat bente piraso po kasi lahat ng ito" ibinigay ng bata ang sampaguita at kapalit naman na ibinigay ng ginang ay limang daan.
"Tara na anak?" ngumiti naman si yssa sa bata. "Teka lang po yung sukli n'yo po" habol nito, huminto naman kaagad ang ginang.
"Tanggapin mona ang sukli. wala kanarin naman paninda, mag simba ka muna at magpasalamat sa diyos" inakbayan pa sila ng ginang na parang mga anak neto at pumasok sa simbahan.
"H-hi" agaw atensyon ng batang lalaki pero sa mahinang boses. Nilingon naman sya ni yssa.
"Hello"hindi man lang sya nailang sa lalaki dahil mukha naman itong mabait. " lagi kaba sa simbahan?" tanong ni yssa. napakamot sa batok ang batang lalaki at tumango.
"Anong pangalan mo?" tanong muli ni yssa. natigilan naman ang batang lalaki mukhang komportable ang batang babae kung makipag-usap akala nya kase kanina masungit ito at hindi nakikipag-usap sa kagaya n'ya.
"H-henry" seryoso nyang saad habang titig na titig sya kay yssa.
"Ako naman si yssa, mukhang nag dadalwang isip kapa kung tatanongin mo pangalan ko" halos bulungan lang iyon kaya naman mas inilapit nalang ni yssa ang mukha.
Nailang lang lalo ang batang lalaki ng magtitigan nalang sila ay sya na ang nag-iwas ng tingin.
Hindi na sila nag kibuan hangga sa matapos ang misa. Nang nasa labas na sila ay hinarap sya ng ginang.
"hijo, paalam na ha? siguro naman ay mag kikita pa kayo ni yssa. mukha naman na mabait ka at tsaka gusto ko na maging malapit ang anak ko sa mga bata na kagaya mo" mahabang litanya ng ginang.
"O yssa, mag paalam kana sa bago mong kaibigan." si yssa naman ngayon ang tinignan ng lalaki kaya ngumiti ito.
"Masaya akong makakilala ng b-bagong kaibigan, h-henry" nakangiti nitong sambit.
"Masaya rin ako, yssa at maraming salamat po pala at pinakyaw nyo ang tinda ko binigyan nyo pa po ng tip" tumango tango ang ginang.
Naiwan na si henry sa labas ng simbahan na may malawak na ngiti.
Habang tinatahak ang daan pauwi ay naka salubong nya ang batang lalaki na mukhang kakabili lang sa tindahan.
"henry, mukhang mabilis naubos ang paninda mo" tumigil sya sa paglalakad at hinintay na magkasabay sila.
"Oo. meron mag ina na pinakyaw ang sampaguita, mukhang mayaman" pagmamalaki nya.
"Tapos meron syang madaldal na anak mukhang maldita ang itsura pero madaldal" napangisi na sya.
"ikaw? kelan ka magtitinda ng sampaguita? talaga bang hindi ka titigil sa pag-aaral para man lang tulungan ang ina mo?" napa seryoso ang batang lalaki.
"Wala akong balak huminto, tignan mo nga trese na ako pero nasa grade 6 palang ako" iiling-iling nyang saad.
"Ayst, pano pag nag middle school ka?" mas lalong napa kamot ulo ang batang lalaki.
"Ewan. edi mag titinda nalang din ng sampaguita, tayo nila caloy" napa halakhak sya. "pero ipag papatuloy ko ang pag-aaral."
napa buntong hininga si henry "Maui, bakit hindi nalang tayo pumasok sa hacienda" Natigilan sa paglalakad si maui at lumingon sakanya.
"balita ko malaki naman daw ang sweldo ng magsasaka doon, kasya sa pangkain isang araw" Niminsan ay hindi yan naisip ni maui kahit na hindi sya nagtatrabaho ay alam nya sa pagdating ng panahon ay may maitutulong sya sa ina.
"Ewan" tipid nyang saad. si maui, henry at caloy ay magkakaibigan pwera kay yssa at clary may kaibigan naman itong mga lalaki. Nagkakaintindihan ang mga ito at kung tutuusin ay mature sila mag isip dahil sa hirap ng buhay at problema sa kani kanilang pamilya.
"doon tayo sa dating pwesto mamaya, tayo nila caloy" anyaya ni henry tumango lang ito at nag tungo na sa tahanan.
••••
"clary, seryoso kaba na aalis kayo sa susunod na linggo?" Nabalin ang tingin ni clary sa kaibigan. anak ng head teacher sa kanilang pa-aralan.
"oo yumi, ewan ko kay nanay ayaw konga na umalis e, pero wala akong pag pipilian si nanay ang nasusunod." humarap muli sya sa salamin at sinuklay ang buhok.
"Alam naba ito ni yssa? sigurado magtatampo iyon" natigilan uli sya sa pag suklay ng buhok. Naalala nya tuloy ang nasaksihan kahapon. akap ni maui si yssa at mukhang seryoso sa pinag-uusapan.
"Sasabihin ko sakanya, samahan moko gusto ko syang maka-usap bago kami umalis ni inay, sa dating pwesto" tugon pa nya, tumango nalang si yumi.
••••
"yumi naparito ka, may hinahabilin ba ang guro?" tanong ni yssa ng makalabas sa gate ng kanilang mansion.
"magkita- kita tayo nila clary sa dating pwesto, may importanteng sasabihin sayo" napalingon pa ito sa gate.
"H-ha e, bawal ako lumayo baka hanapin ako ni mama."malungkot nyang saad.
" Please... takas tayo tara" mabilis syang hinablot ni yumi at kinaladkad.
"yumi, hindi ba't may piano lesson ka, madalang kanangalang makisama samin ni clary tapos hahablutin mo nalang ako basta"
"Babae, wag kana nga mag pabebe, basta sumunod kanalang" napa 'tsk' nalang si yssa.
nang makarating sa malayong parte ng hacienda at huling parte ng bayan ay bumungad si clary na naka pameywang. "yssa" masaya nitong salubong at inakap sya.
"bakit? anong meron?" nakakunot noo nyang tanong.
"gusto sana kitang kausapin—"
"Hoy! anong ginagawa nyo dito" sita ng patrol. mukhang kailangan nilang umalis sa pwesto. nagsitakbuhan nalang sila kahit na hindi pa nakaka lapit ang tanod.
"teka saan tayo" hingal na tanong ni yumi. "Sa kubo nalang ng magsasaka doon samin" saad ni yssa.
Hangga sa nakarating sila sa kubo nang hinihingal at sinara ang kawayan na pinto. dahil sa hingal ay hindi nila namalayan ang presensya na may iba papalang tao sa kubo bukod sa kanila.
Sabay sabay na nang laki ang mata nila dahil sa gulat at dahil narin sa mga hawak ng mga ito.
"Maui, henry at caloy? a-ano—" natigil si yumi.