Araw ng sabado kaya naman mag tatagpo-tagpo ang magkaka-ibigan pag sasapit na ang dapit hapon. ito ang naka sanayan nila kailangan nilang sundin ang mga magulang pero nakaka gawa parin sila ng paraan upang mag tagpo.
"Anak, halika at samahan mo ako sa kubo sa imbakan ng gamit" salubong ni ginang mira sa anak na si yssa.
"Mama, dami pong gas doon e, baka mag asthma nanaman po ako" tugon nito sa ina. hikain kasi si yssa. lumapit naman ang ginang at pinasuotan ng facemask.
"Saglit lang naman tayo anak kailangan lang kunin yung natitirang isang galon na gas doon" kanina kase ay tinanggal na ng mga trabahador ang mga galon galon na gas doon upang iwas sunog kung sakali man na may aberya. Ngunit dahil sa pag mamadali ng mga trahabante ay may nakaligtaan pa silang isa. imposible naman na mag-iwan pa sila ng isang pirasong galon doon.
Habang tinatahak ang daan patungo sa naturang kubo ay nakasalubong nila si maui.
"maui, saan ka paroroon?" sabay hinto ni yssa habang ang ina nito ay patuloy sa pag lalakad.
"Balak sana kitang puntahan. saan din ba kayo tutungo ni tiya mira?" tanong ng binata at tinignan ang di kalayuang ginang na mukhang malalim ang ini-isip.
"Sa kubo malapit sa minahan namin. gusto mong sumama?" anyaya ni yssa na agad namang sinang-ayunan ni maui.
"Nga pala, bakit hindi mo kasama si clary?" tumingin lang si maui kay yssa. huminto naman sa pag lalakad si yssa. malapit na sila sa kubo at kita nyang pumasok na ang ina nya sa kubo.
hinarap ni yssa si maui. "Alam kong may naiilang ka kay clary, ramdam ko iyon" saad ni yssa. hindi parin.
"bakit?"dugtong pa nito.
" Hindi ko alam. Sa tuwing may gusto kang gawin tutol sya—" natawa naman si yssa.
"Ano bang ibig mong sabihin? siguro ay dahil iniisip nya ako? katulad nalang nung nakaraang araw buti nalang at tumutol sya na dumaan tayo do'n sa eskinita at kahit na sa ipinag babawal na daan tayo nag tungo ay maayos tayo. alam mo ba na may batang nakagat ng aso do'n sa eskitina nung araw din na iyon." Mahabang paliwanag ni yssa. lumapit ito kay maui. Medyo may kataasan si maui kaya naman naka tingala si yssa.
"Mag kakaibigan tayo maui, wag mo sanang pag dudahan ng masama ang isa satin. ikaw lang ang kaibigan naming lalaki na mag tatanggol samin kung sakali man na may mang api samin." naka ngiti na ito ngayon.
Hindi napigilan ni maui ang yumakap kay yssa. bakit ba kase napaka buti nitong bata. Napapahanga n'ya lalo si maui dahil sa uri ng pananalita nito.
"M-maui..." mahinang usal ni yssa ng biglang kumabog ang kanyang dibdib. rinig nya ito.
"O...Yssa, maui?" napahiwalay ang dalwa sa pagkaka yakap ng marinig nila ang boses ng ina ni yssa.
"Mama, nakuha nyo na po ba?" namumula ang pisngi nitong tanong. Naka ngiti naman na tumango ang ina. Animo'y natatawa sa reaksyon ng anak.
"Tiya, ako na po ang mag dadala ng galon" pag-aako ni maui. Hindi naman nag dalwang isip ang ginang at ibinigay ito kay maui.
Sabay sabay silang nag lakad pabalik sa mansyon. walang tao sa mansyon ngayon dahil nais ng ginang ng katahimikan muna sa mansyon kaya eto sya, sya ang kumilos para kunin ang galon ng gas. Nasa manila si don apollo dahil may importanteng tao itong kinakausap. Isang big time supplier ng piñahan nila.
Dahil sa susunod na araw na ipapadala ang piña sa manila kailangan na nilang kumilos para bukas ng hating gabi ay matapos na nila ito.
"Salamat maui, gusto mo bang mag miryenda muna kayo ni yssa? ipag hahanda ko kayo. Mag tungo nalang kayo sa garden, pag sisilbihan ko kayo." Naka ngiting saad ng ginang.
Sa isip ni maui ay ang pag kasabik na sana ganon nalang din ang kanyan ina. Sana pinag sisilbihan din sya. Sana ngumingiti rin ito sa kanya ng maluwag.
"maui, ano nanaman ini-isip mo?" tanong ni yssa na prenteng naka upo sa kaharap nya. Ngumiti sya at umiling.
bumusangot naman ang babae "Bakit ka naka simangot? inano ba kita?" natatawa na ito sa itsura ng babae.
"ikaw kase e, hirap mong basahin. Sana naman pag laki natin e hindi ka maging badboy" Natawa lalo si maui.
"Hindi naman ako magiging badboy, ayokong gayahin si mang asyong na sinasaktan ang mga matandang babae na sinasabi nyang chics nya daw"
"Maui, talagang hindi ka matutulad doon. si mang asyong matandang babae ang gusto at kulubot na ang balat nya mukhang wala narin ngipin" naka ngiwing saad ni yssa.
"Pero dahil ikaw ay bata pa at kalaki mo sigrado g-gwapo ka marami kang magiging chics" Nag-iwas ng tingin si yssa. bakit parang ayaw nyang magkaroon ng chics si maui? hayst, naaasar sya sa sarili.
Tila alam ni maui na nailang si yssa kaya naman mas inasar pa nya ito. "Marami talaga akong magiging chics, magaganda at makinis" naka ngisi nyang saad.
Lalong nairita si yssa. makinis rin sya at maganda. Sa katunayan nga ay mistisa ito pinkish ang balat ni yssa at malambot hawakan.
"Tumigil kananga!" pagalit na saad ni yssa. Natatawa naman si maui sa ekspresyon nito. ang cute nya.
"Yssa, Maui. Nag handa ako ng sandwiches at macaroon sainyo at palamig" naka ngiti parin ang ginang. Tinignan naman ng ginang si maui na ngayon ay nahihiya na.
"Wag kanang mahiya maui, para narin kayong mag kapatid ni yssa. kaya feel at home ka dito, okay ba?" nahihiyang tumango tango si maui.
"Sige, maiwan kona muna kayo. baka mailang pa si yssa dahil naka bantay ako" ngisi nito. "MAMA" nginitian nya ang anak at pumasok na sa loob.
"Ayst!" asik ni yssa.
"Bad trip kana agad?" tanong ni maui habang kumakain ng macaroon. hindi kumibo si yssa.
"Unang beses ito na pinag silbihan ako na parang anak" malungkot na sambit ni maui. sumerysos bigla si yssa at naka ramdam ng awa. kilala nya ang ina ni maui. si Glenne ay ina maui.
patuloy lang ito sa pag nguya at nang malunok na ang kinain ay uminom ito ng juice at nginitian si yssa. "Salamat sa pameryenda, sungit" batid ni yssa na gusto lang nitong iwasan ang nasabi kanina.
"Gusto korin mag mall kasama ka maui. gusto ko pag tutuntong ako doon kasama kita." seryoso nyang saad. natawa naman si maui.
"Maganda daw doon ang sabi ni Clary, kahit naman ako ay hindi pa nakaka punta doon"
"Pero kung meron man akong gustong puntahan kasama ka... ay yung makikita mo akong nakikipag karera gamit ang magara kong sasakyan tapos susuportahan moko." Nag ngitian lang silang dalawa.
Dahil nasa garden sila ay kita nila ang kalangitan. "bakit tila dumilim" naka kunot noong tanong ni yssa. "Nako, kailangan ko nang umuwi mukhang uulan yssa." pag papa-alam ni maui sabay tayo.
"Mabuti panga." agad silang nanakbo sa may gate. "Bukas uli, yssa" malawak ang ngiti nito na tila ayaw alisin ang paningin kay yssa.
"b-bye" kaway nya sa papalayong si maui.