Sa hardin na kung saan ang liwanag at kapayapaan ay ang namumutawi biglang mag didilim, ang mga bulaklak na kay gandang pagmasdan ay malalanta, ang paru-paro na nagliliparan ay mawawala.
"Yssa!" sabay na napalingon ang dalawang bata sa boses na nanggaling mula sa mataas na bintana.
"Sinong tinatawag mo, maui?" tanong ng isang batang babae habang naka tingala parin sa bintana. Nasa veranda kase ang batang lalaki habang pinag mamasdan na mag laro ang dalawang babae sa malawak na hardin.
"clarissa, alam mo naman na si yssabella lang ang tinatawag ko sa gano'ng palayaw"saad ng batang si maui at bumaba sa pagkakasampa sa bakal na naka harang.
"kasi naman itong si yssa, tawag din sakin ay issa"sabay ngiti nito. talaga naman maituturing na magkaibigan itong si clarissa at yssabella dahil sa magkasundo ito sa lahat ng bagay.
"Maui, tara laro tayo ng tumbang preso at luksong tinik"anyaya ni yssa. Nag madali naman na pumasok ang batang lalaki sa loob ng veranda at bumaba upang makipag laro sa dalawa. maliban sa pagiging magkaibigan ni yssa at clary. parehas na may negosyo ang mga magulang nila na pinyahan, magkakompetensya at sa kabaligtaran na si yssa at clary ay magkasundo ibahin natin ang mga magulang nila, para silang mga leon at tigre napaka bangis pagdating sa negosyo.
Sa kabilang dako naman ng ating bidang lalaki na si maui, isang batang mahirap ngunit napaka buting bata. ulila sya sa ama habang ang ina naman nya ay hahamakin ang lahat makaahon lang sa kahirapan.
Habang masayang naka akyat sa bungang mangga ang ang mga bata ay palihim naman na sinusulyapan ni maui si yssabella ang ating mga bidang karakter. Sampung taon palamang ay may angking ganda na si yssa na animo'y ito'y dalaga na habang si clary naman ay maputi na may mahabang buhok, maipagmamalaki rin.
Trese anyos palang ay mulat na si maui sa magulong pamilya. iniwan sila ng ama nito at nagpakalayo masasabi kong hindi pa ito patay.
"Maui, kanina kapa naka titig, bakit ba?" suway ni yssa. "may dumi ba'ko sa mukha?" pinunasan pa ni yssa ang mukha gamit ang palad kaya lalo itong nadumihan. Napa halakhak nalang ang batang lalaki dahil sa inakto ni yssa.
"Hoy, kayo dyan. tara uwi na tayo at mag hahating gabi na" Oo nga pala't pating hapon na silang naglalaro.
"Pero, clary ayaw ko pang umuwi, nakaka lungkot sa bahay walang kasama, tanging ang mga katulong lamang ang pumapansin saakin." gumuhit naman ang lungkot kay clary.
"Sige~"
"clary, anak wala kabang balak na umuwi? alam mo namang may gagawin kapang proyekto. wag mong gagayahin si yssa na puro laro ang nasa isip" Sona ng ina ni clary habang papalapit sakanila.
"yssa, pasensya na mukhang kailangan konang umuwi" lumingon sya sa batang lalaki at nginitian ito.
"Paalam maui" Agad na kumaripas ng takbo ang bata at sinalubong ang ina. bago paman sila maka alis ay narinig pa nila ang sinabi ng ina nito.
"Wag kanang makikipag laro doon kay yssa, alam mo nang kaaway natin ang pamilya non!" pagalit na saad nito.
Nang tuluyan nang maka-alis ang mag-ina ay napasandal naman sa punong mangga si yssa. "Bakit ba ang sungit ni Tiya sehny satin, parang nakakadiring bata tayo kung maka sabi kay clary na wag makipag laro"naka busangot na saad ni yssa.
Dahil may upuan ang ilalim ng punong mangga ay napag pasyahan nilang umupo doon. "Yssa, mas mayaman naman kayo kari clary at dihamak na maunlad ang inyong negosyo kesa sakanila" Alam naman ni yssa 'yon ngunit gusto naman nyang magkasundo man lang ang mga magulang nila upang malaya silang makapag laro ng sama-sama.
Tumingin sa langit si yssa. nababalot na ng itim ang kalangitan at lumalabas narin ang nagkikinangan na mga bituwin. "Maui, ipangako mo sakin na hindi tayo magkaka watak watak nila clary ano man ang mangyari" pumaling sya sa batang lalaki na matyagang naka titig sa mala anghel nyang mukha.
"Ipangako natin sa mga bituwin na, dumilim man hindi tayo bibitaw sa isa't-isa. Gusto ko kayong makasama hangga sa pagtanda" May bahid ng lungkot sa tono ni yssa.
Humarap si maui sakanya at tinignan sya ng may ngiti sa labi. "Oo naman, hinding hindi tayo magkaka hiwalay. Promise koyan sayo." tumayo pa ang batang si maui na animo'y nagpapanata.
"Tara na yssa, ihahatid na kita sainyo"inabot ni maui ang kamay ni yssa at sabay na umalis sa punong mangga.
dahil sa malawak ang probinsya ng laguna ay marami rin ang mga magbubukid na naninirahan dto. Isa sa pinaka mayamang pamilya ang mga sanchez, ang pamilya ni yssa kaya naman maraming humahanga at marami rin ang naiinggit.
"Anak, gabi kana nauwi ngayon ha, alam mo namang malapit kanang mag dalaga" bungad sakanila ni doña Mira.
"pasensya napo ina'y hindi napo namin namalayan ang oras eh, ang sarap po kasing mag laro." naka ngiting sambit ni yssa. Nadako naman ang tingin ng ginang sa batang lalaki.
"At ikaw hijo? bakit hindi kapa nauwi sainyo?" strikto man tignan ang ginang ay may tinatago naman itong kabutihan.
"Hinatid ko lamang po si yssa. Una narin po ako" tumingin pa itong muli kay yssa. "Paalam yssa. Sabay tayong pumasok bukas" Maging ang mga mata ng binata ay naka ngiti.
"b-bye!" habol ni yssa sa papalayong si maui. binalingan ng tingin ni ginang mira ang anak at mapanukso itong nginitian. "Nag dadalaga nanga ang anak ko, nanliligaw ba sayo si maui?" dahil sa tanong ng ina ay namula ang kan'yang pisngi.
"H-hindi po nay" sabay iwas tingin nya. alam ng ginang pag nahihiya o nagagalak ang puso ng anak nito. " o sya mag palit kana ng damit doon at tayo ay kakain na. darating na ang iyong ama."
Pagkatapos na mag-ayos at mag palit ng damit ni yssa ay bumaba na ito at naabutang nag-aayos ang ibang katulong. Nagtungo sya sa kusina at naabutan na nasa hapagkainan na ang ama't ina nya.
"yssa, come join to our dinner. meron akong mga pasalubong sayo."sambit ni don apollo.
paniguradong libro nanaman ito. "Binili kita ng mga greek mythology books." masayang saad nito. pilit ngiti nalang ang ibinigay nya sa ama. hindi man lang nya naranasan maka hawak ng manika at barbie tanging libro lang kase ang nireregalo ng kanyang ama at mga tiyahin.
"Ama, pwede po ba tayo mamasyal sa baryo?" natigilbnaman sa pag nguya ang ina neto. "At bakit gusto mo naman na pumunta sa baryo?" balik tanong nito.
Gusto din nyang maranasan na mamasyal sa ibang lugar. nakaka sawa rin kasing libutin ang napaka lawak na hasyenda.
A/N:This Chapter is not edited! Hope you'll enjoy it!
Word count:1084