Chereads / PLAY ALONG / Chapter 31 - CHAPTER 32

Chapter 31 - CHAPTER 32

Warning:Mature Content.

Clary's Point of View

Nanginginig na ibinaba ko ang cellphone pagkatapos tumawag ni maui. hindi ko alam ang gagawin, natatakot ako sa kung ano man ang pwedeng mangyari.

"Are you alright, sweetie?" Bumalik ako kay henry at nginitian sya ng bahagya. Ayokong mawala sya.

"Oo, Nag order lang ako ng makakain natin." kalmado kong saad. itinago ko ang kamay ko sa likod ko upang hindi mahalata ang panginginig at nag sumikap akong hindi mautal sa harap nya.

Hinagkan nya ako sa noo at iginiya ako papasok sa classroom. Sinamahan nya kase akong mamigay ng relago para sa mga estudyante na tinuturuan ko.

"Teacher clary, pwede po ba kaming mag laro natapos na po kami sa pag susulat ng letters." tanong ng bata sa akin. Tumango naman ako bilang pag sangaayon medyo maingay sa klase dahil break time ng mga estudyante.

"H-hindi kapa ba uuwi?" tanong ko kay henry ng umupo ito sa harap ko.

"I want to stay here. pina-cancel ko ang appointments ko for you." namula naman ako. ito ang gusto ko kay henry, ako parin ang pinipili nya at gumagawa ng palusot sa asawa para lang makasama ako. deserve ko paba ito? gayong alam ko naman na nakikihati lang ako.

"Sige mag stay ka muna dito. Uuwi narin naman nyan ang mga bata." saad ko at tinignan ang mga batang nag lalaro. ito talaga ang hilig ko ang pag masdan ang mga bata.

Tumingin naman si henry sa mga bata at tinitigan ako. " you enjoy watching the kids?"

"Yes. Gusto ko kase makita yung sarili ko nung bata ako. Hindi ko alam na masyado kong hinangad ang buhay na meron si... yssa" bahagya pang humina ang boses ko sa huling salita.

"Wag kana maiinggit sakanya. Hindi naman din sya perpekto." Tama sya hindi rin perpekto si yssa.

Saglit kaming natahimik at pinag masdan ang mga batang nag lalaro marami sa mga tinuturuan ko ang hindi nabibigyan ng sapat na sustento ng magulang kaya eto ako upang tulungan sila.

"Ang saya nilang tignan no? sayang hindi tayo nakapag laro nung bata tayo" Bahagya pa akong natawa sa sinabi ko.

"Ang maldita mo kaya nung bata ka. Alam mo ba nung sinigawan mo mama ko gusto kitang paluin sa pwet no'n." Nanlaki naman ang mata ko. Naalala nya yon?

Ngumiwi ako at nag peace sign. "Sorry na..." napa "tsk" lang sya at nag smirk. kumamot nalang ako sa tainga ko.

"Gusto ko itong trabahong ito para kapag nagka-anak tayo alam ko kung paano ko sila pangangaralan." Tumitig ako sakanya. Sinadya ko talagang sabihin yon upang malaman ang reaksyon nya sa pagkaka-roon ng anak.

Lumingon sya saakin at tumitig ng malalim sa mata ko. "You want to have a kids?" tanong nya sa seryosong expression.

"Oo, may tao ba o babae na ayaw magka-anak? Gusto kong magka-anak sayo" ulit ko. Wala paring expression ang mukha nya na kalaunan ay iniwas din ang tingin saakin.

"you know it's impossible for that to happen."Saad nya at tumayo habang ako naman ay natulala.

"it's 3:00 pm in the afternoon. Pauwiin mona ang mga bata." Tumayo narin ako kahit na nalutang ako sa sinabi nya. unti-unti narin na nag datingan ang mga magulang hangga sa mawalan na ng bata sa classroom at kami nalang ni henry ang natirang nag liligpit ng mga gamit. Dumating din ang pina-deliver ko at kumain muna kami.

Hindi ko na sya kinibo dahil parang bumigat ang pakiramdam ko. Nawala rin ako sa mood.

Hangga sa kotse ay hindi man lang nya ako sinubikang kausapin. Alam ko naman ang sitwasyon. ginusto ko ito pero bakit ang sakit?

Naalala ko tuloy ang sinabi nya kagabi na dapat simulan ko na uminom ng morning pills. Pumayag naman ako at kanina nga ay nag take ako.

Pagpasok namin sa mansyon ay sa sala palang naabutan namin si mommy kasama ang mga Amigas nya na napaka plastik din ng ugali kagaya nya.

"Darling, you're here." bati ni mommy saakin. Lumapit ako sakanya at nakipag beso habang si henry naman ay nasa likod ko lang.

"Sehny, your daughter is beautiful bakit hindi mo sya ipakilala sa anak ko? I'm sure agad magkaka develop-an ang dalwa dahil parehas na mayaman at may pinag-aralan." sabi ng isa sa mga amigas ni mommy.

Napangiwi naman bigla si mommy at pasimpleng tumingin kay henry na ngayon ay naka kuyom ang kamao ngunit ang expression nito ay kalmado parin.

"True amiga, bagay na bagay sila. May manliligaw kanaba hija?" tanong naman ng isa. Lumingon akk kay henry at ngumiti.

"Wala po" Napa tingin naman saakin si mommy at tinignan si henry. Hindi alam ng mga ito na karelasyon ko si henry, ang alam nila ay kaibigan ko ito at dahil kilala nila si henry na may-asawa sa manila.

"Good to hear. bukas na bukas din padadalaw kita sa anak ko, If you have a free ti—" naputol ang sasabihin nito.

"Wala syang time dahil may mga bata syang tinuturuan. At tomboy itong babaeng 'to ayaw nya sa lalaki." singit nya. medyo mataas din ang boses nya na tila hindi sumasang-ayon sa sinabi ng matandang babae.

Nagka tinginan lang ang mga amigas ni mommy ng maka-alis si henry patungo sa dati kong kwarto dito lang din sa unang palapag.

"I-I'm sorry. mommy, aunties, He's so rude talaga." ngumuso pa ako at ako naman ang sumunod na umalis. Makahulugang tingin ang iginawad ko kay mommy bago umakyat. Hangga kelan ko sya pagtatakpan!

Hayst baka ako pa manunuyo nyan ha? 'di ba dapat ako yung galit.

Pumunta muna ako sa kwarto ko upang mag palit ng damit dahil naka teacher's uniform parin ako. Wala narin akong naririnig na nag-uusap sa baba kaya naman bumaba na ako para puntahan ang dati kong kwarto na kwarto na nya ngayon.

Bukas naman ang doorknob kaya pinihit ko nalang ito. Naaninag ko na nasa staircase sya kaya naman nag dahan dahan nalang akong lapitan sya may kausap ito sa telepono at dahil malapit na ako sakanya ay rinig ko ang pinag-uusapan nila ng kabilang linya.

"Don't worry. I'm doing this for you love. Babawi nalang ako next time— you know how much i love you. Yes, ibibili kita." Kausap nya dito. Kumirot bigla ang dibdib ko at bumigat ang pag hinga gusto ko man umalis sa kinatatayuan ko ngunit may pumipigil saakin para pakinggan ang tugon ng nasa kabilang linya.

"Love, i need your honesty rather than your sweet talk." saad ng nasa kabila, napaka perpekto ng boses nito bagamat malumanay.

Hindi agad nagsalita si henry at bumuntong hininga. "I'm honest, okay. kapag hindi na ako busy isasama kita sa resort natin dito sa laguna." Hindi naman nya sinabi sakin ang ganyan na isasama ako sa resort nya.

"Good. That's great paghahandaan ko yan."Tugon ng nasa kabilang linya. Hangga kelan pa makaka gawa ng lusot si henry?

Umupo ako sa mini-sofa at hinintay na matapos ang dalwa sa pag-uusap. Ibinulsa ni henry ang phone nya at pumuhit sa gawi ko. Nagulat pa ito pero naging seryoso rin ang itsura.

"Siguro dapat mauna muna akong maka punta sa resort mo na kasama ka?" naka ngiti kong tanong. Tumayo ako at lumapit sakanya.

Nag-niningning ang matang tumitig ako sakanya. "Pwede ba?" Hindi sya nag salita kaya naman tumingkayad ako at sinapo ang batok nya at hinalikan sya sa labi.

Malalim ang mga mata nya na animo'y binabasa ako. hinawakan nya ang beywang ko at hinapit papalapit sakanya. He smirked.

"Of course. Gusto mo bukas na bukas dadalhin na kita doon." naka ngisi nyang saad. Tumango tango ako at ngumiti.

"let's go swimm. naiinitan ako" sambit nya. pumayag naman ako at nagtungo kami sa pool area.

Nag suot lang ako ng two-piece na kulay maroon bumagay naman iyon sakin dahil may kaputian ako habang si henry ay topless lang at naka upo pa sa gilid ng pool.

"Inaya mo ako dito mag swimming tapos uupo kalang pala dyan para panoorin ako." saad ko ng lumapit sakanya.

Bumuga sya ng usok at tinapon ang sigarilyo. Sinamahan nya ako sa pool at hinawakan sa beywang.

"Nagtatampo ka parin ba?" tanong ko. Naka pout kong tanong, napa ngisi naman sya at pinisil ang pisnge ko.

"Kelan pa ako nag tampo sayo?" tanong nya at niyakap ako. Napaka komportable talaga ng yakap nya saakin. ang sarap sa pakiramdam.

Minsan ini-isip ko rin na sana naging mabuti ang pakikitungo namin sa isa't-isa nung bata pa kami, kung alam ko lang na ganito ang magiging estado namin sa buhay, dapat noon palang gumawa na ako ng paraan para mapa saakin sya.

Nag tagal pa kami ng ilang minuto sa pool area at nag laro kaya naman ng umahon kami at pumasok sa mansion ay tuwang-tuwa ako.

Napalis din ang ngiti ko ng maalala ang sinabi ni maui.