"Doc ito na po ang kailangan nyo," saad ng assistant nurse ko ganyan talaga ka handa ang staff sa hospital ko.
Agad ko naman kinuha iyong at tinusok sa dextrox ng bata para mapakalma ito.
Ilang minuto lang kumalma ang bata at bumalik sa normal.
"Maraming salamat po doc," pinuntahan ang anak niya at niyakap ang anak.
"You're welcome ma'am kung may kailangan kayo tumawag lang po kayo sa intercom."
Lumabas ako at pumunta sa office upang kunin ang iilang files ng pasyente dahil e-check ko lang sila.
Naging abala ako sa trabaho buong maghapon 5pm ako nag out. Lumabas ako at pumunta na sa parking lot nandoon na kasi ang driver kung si manong Permen.
Nang makita niya ako lumabas siya sa kotse at pinagbuksan ako ng pinto. Pumasok sya sa kotse pero bago iyon may sinabi siya sa akin.
"Sir pumunta po ang Mommy mo kanina may ibinilin na letter daw galing sa Daddy mo pinapabigay sayo," sabi nya at pinaandar ang kotse.
"Nasaan po ang letter manong?"
"Nasa office niyo sir basahin niyo na lng po importante daw po iyon. Napag-utusan po ako ni maam na sabihin po sa inyo dahil alam niyang hindi niyo po babasahin kung ilalagay lang doon."
Matagal ko ng kilala si mang Permen dati siyang driver ni Daddy noon. May bagong driver si Daddy kaya naman hiniling ko na sa akin na lang mag-trabaho si mang Permen bilang driver ko. Sa bahay ko na rin sila pinatira kasama ang asawa niya.
Medyo may edad na rin itong si manong. Sila ang pinagkakatiwalaan ko sa bahay dahil bumukod na nga ako kila Mommy simula noong nagkaroon ako ng trabaho at nang nakaipon na ako ng sapat na pera ay nagpa-tayo ako ng hospital ang hospital na pinagtatrabahoan ko ang V.A Hospital.
"ahh, ganun ba manong sge babasahin ko po iyon. Meron pa bang ibang binilin sayo si mommy?" Tanong ko sa kanya.
"ahh, oo nga pala, haha! makakalimutin talaga ako. Sinabi niya rin po pagkatapos niyo pong basahin ang sulat, magdesisyon raw po kayo agad baka pagsisihan niyo daw ang mangyayari at hindi niyo po magugustuhan"
"okay, manong salamat. "
Sa totoo lang kinakabahan ako sa sinabi ni manong. Ano kaya ang laman ng liham na pinababigay ni dad? Mukhang importante talaga dahil kailangan agad ang response ko. Napa-isip tuloy ako at isinandal ko ang aking ulo sa bintana saka pinagmasdan ang mga dinaraanan namin.
"Nandito na po tayo sir."
Hindi ko namalayan na nakarating na kami sa mansion dala na siguro ng pagiging lutang ko ng dahil sa kakaispin sa liham na yon.
"sge manong mauna na po ako sa loob ikaw na bahala sa mga gamit ko po pakidala na lng sa office ko. "
Agad kung binuksan ang pintuan ng kotse at kumaripas ng takbo papunta ng bahay muntik ko ng masagi ang vase malapit sa pinto. Dali-dali akong naglakad sa hagdan at binuksan ang pintuan ng office ko nakita ko ang liham sa ibabaw ng table kaya agad kung binuksan at agad na binasa.
Van Andrew, Gusto ko sana na makasal ka anak. Your mom and I are getting older also I'm sick anak gusto ko lang naman ay makita kitang ikasal at magkaroon ng sariling pamilya. Mahirap ba na tuparin iyon anak? yan lang ang hinihiling ko sayu.
Please do what i want anak, hindi ka na namin pipilitin ng mommy mo na makasal sa mga babaeng enirito niya hahayaan ka naming maghanap ng babaeng mamahalin mo at papakasalan .
Kung hindi mo man yan gagawin hindi ko ibibigay ang mana sayo at lahat ng meron ka ngayon ay mawawala, iyang Hospital mo kayang-kaya ko iyang ipasara. You know me Van kaya kong gawin. Baka nakakalimutan mo kung sino at ano ang daddy mo, binabalaan kita lalabas lahat ng secreto mo Van Andrew, secretong ikakasira ng pagkatao mo. Secretong kaamumuhian ka ng lahat baka nga ikakukulong mo pa. Kaya gawin mo na lang ang gusto ko bibigyan kita ng tatlong buwan kapag wala kang ihaharap sa akin na babaeng papakasalan mo, alam mo na ang mangyayari.
From Dad.
Iyan ang laman ng sulat ni dad, kilalang-kilala ko si dad gagawin niya ang mga banta niya . malaking problema iyon kapag ilalantad niya ang secretong iniingatan ko ng limang taon.
Pinunit ko ang sulat sa akin ni Dad at itinapon iyon sa basurahan napakuyom na lang ako sa kamay ko at sinuntok ang table.
"Oach! This is shit!" Sinira ko ang mga gamit sa loob ng opisina ko.
crakk! bogsh! bogshh!
toktok! tok!
"sir okay lang po ba kayo?"
Hindi ko sinagot ang ang kasambahay ko.
"sir papasok po ako, " biglang bumukas ang pinto at nakita ko si manang teresa.
Si manang teresa ang dati kong yaya at tinuring ko na rin siyang pangalawang ina dahil nga siya ang nag-alaga sa akin simula pa bata pa lamang ako at sya ang una kung nasasabihan ng problema ko noon dahil sobrang busy nila Mommy at Daddy.
"juskong bata ka! anong nangyari sayo ha? "
"manang, huhu! " Hindi ko na napigilan ang emosyon ko bumalik na naman sa isip ko ang nagyari noon.
"Huminahon ka Van Andrew, tumayo ka dyan halika, Sofia ! Sofia !"
"bakit po manang? oh my gaddd sir."
"Tulongan mo ako dito dadalhin natin si Sir sa kwarto niya," dinalaa nila ako sa kwarto ko at pinaupo sa kama .
"Dito ka lang bata ka kukuha lang ako ng first aid kit," saad ni manang at dali-daling lumabas.
"Sir ano pong nanyari ?" tanong ng kasambahay kung si sofia. Matagal na pahanon ng nandito siya tinulungan ko siya noon dahil muntik kung masagasaan ang dalagang iyan. Inabuso kasi ng dating amo niya kaya tinulungan ko siya, kasalukuyan rin siyang nagtatrabaho sa bahay at pinapaaral ko siya sa kolehiyo ngayon, tungkol naman sa umabuso sa kanya nakasuhan na rin ang dati niyang amo at nakulong.
"Wala lang ito sofia bumalik ka na doon sa ginagawa mo."
"Salamat po sir sana maging maayos po kayo malalampasan niyo rin kung anong problema iyan," lumabas na siya at sakto naman na bumalik si manang teresa.
"Van Andrew, tungkol ba ito sa liham ng daddy mo? Pinipilit niya ka pa rin ba magpakasal ka na?
"opo, manang."
"naku Van sundin mo na lng ang gusto nila kilala mo namn ang Ama mo diba? maghanap ka na lang ng babaeng mamahalin ka.l"
"wala na akong magagwa manang susundin ko na lng sila"
"ganyan talaga van, halika nga gagamutin natin ang mga sugat mo. Nako! sobrang mainitin talaga ng ulo mo."
Hinugasan ni Manang Teresa ang sugatan kung kamay sa palanggana niyang dala pagkatapos ay nilagyan ng vitadine.