Chapter 7 - Chapter 7

Ilang minuto lang bumalik ang waiter at dala-dala ang sinabi ko.

"Nicks and larry pewde nyo akong tulongan?" saad ko saka tinunga ang isang baso ng alak na nilagay ko.

"Ano yon van?"

"Hanapan niyo ako ng babaeng papakasalan pare." deretso niyang saad sa kaibigan.

"Susubukan namin pare." sagot naman ni larry.

"Van, tamang-tama anniversary ng company ko sa 6 pumunta ka. Maraming dadalo na magagandang babae at mayaman pa," sambit ni Nicks saka nilandi ulit ang babae niya

"Ay, oo nga. 5 na pala bukas pare maghahanap pa ako ng susuotin hahaha!" saad ni Larry.

"Hindi ako pwde. Dude sorry ha . Next time na lang may seminar ako sa cebu 6-12." paghingi ko ng tawad sa dalaw.

"Ako nalang maghanap para sayo Van hahaha! alam mo naman ako, matinik sa babae." pagmamalaking sabi ni Larry

"Kayo na ang bahala, haha! Nakaka-umay at tang.inang buhay talaga." Kinuha ko ang isang bote ng alak saka tumayo.

"Huy! van saan ka pupunta ?"

"sa labas mag hahanap ng bebe"

Lumabas ako sa VIP room at pumunta sa Gilid na may upuan pinagmasdan ko lang ang bawat galaw ng tao dito sa Bar may iilan na sumasayaw , may naghahalikan sa gilid may iilan naman na nagkakasiyahan kasama ang barkadaa .Mraming tao ang nandito sikat kasi ang bar natu at marami ang dumadayo. Maya-maya may lumapit sa akin na babae at umupo sa tabi ko

"Hey doc," malandi niyang saad. Hinawakan niya ang balikat ko at tumitig sa aking mga mata.

"What?" Tanong ko sa babae. Ito yung babae kanina.

"Can I have you tonight?" Straight to the point niyang sabi.

"Hahaha. Lakas ng fighting spirit mo ah"

"So? what's your decision doc?" Hinawakan niya ako sa kamay .

"No. alam mo ba,ayaw na ayaw ko sa lahat ay yung babaeng nangunguna." Kinuha ko ang kamay niya na naka-hawak sa kamay ko. Para naman siyang nahilaw sa sinabi ko.

"Hmp. Ang sungit mo naman doc! Bwset!" Tumayo sya at umalis nakita kung papunta sa mga kaibigan niya dahil sa na bored ako I decided na umuwi na. Na-text ko na rin si Larry na aalis na ako sya na bahala sa ininom ko hahaha.

Kinabukasan

ARMEA POV

"Mama, tinggnan niyo po bagay po ba?" tanong ng anak ko siya kasi ang namili ng susuotin n'ya.

"Bagay na bagay anak. Halika itali natin iyang buhok mo." Niligpit niya muna ang mga damit niya na nag-kalat sa higaan at lumapit sa akin.

"Mama, sobrang dami po ng binili ni ninang na damit sa akin kahapon po. Tapos punta kami sa Zoo Mama subrang ganda po" pagmamalaki ng anak ko.

" Nag-thank you ka ba kay ninang mo?" tanong ko sa anak ko. Tinuroan ko kasi siyang mag-pasalamat sa mga taong nagbibigay sa kanya.

"Opo Mama, binigyan ko pa nga po si ninang ng super big hug, tapos po kiss ko po siya."

"Ang sweet talaga ng anak ko . Tara na baka ma late si Mama." Kinuha ko ang backpack n'ya at pinasuot sa kanya, kinuha ko na rin ang bag ko. Ni locked ko ang bahay papunta na kami sa bahay ni Nanay sisil ng madatnan ko sila ng asawa nilang may dalang bag

"Nay," tawag ko sa kanya lumingon naman siya at pumunta sa gawi ko.

"Saan po kayo pupunta ni tatay?"

"Nako iha, pupunta kami sa Mindanao sa Cagayan de Oro. Bibisitahin namin ang anak ko doon nagkasakit kasi nak. Nag text ako sayo kagabi na hindi ko muna mababantayan si Andro. Pasinsya kana iha ha medyo magtatagal pa kami doon," paghingi ng tawad ni Nanay Sisil.

Naiintindihan ko naman siya. Wala naman akong karapatan na pigilan si nanay dahil mas kailangan siya ng anak niya. I am so thankful nga dahil tinuring nila akong ka-dugo.

"Ganon po ba ? Hindi ko po napansin ang text n'yo nay. Wag po kayong mag alala dadalhin ko po si andro sa trabaho"

"Andro "

"Bakit po nay?"

"Aalis muna kami ni Tatay Recardo mo babalik lang kami sa susunod. Magpakabait ka ha? wag kang makulit at pasaway sa Mama mo lalo na kapag dadalhin ka niya sa trabaho."

"Opo Nanay Sisil."

"Armea mag-inggat kayo ni andro ha. Mauna na kami sa inyu medyo malayo- layo pa ang byahe namin," usal ni Tatay Recardo.

"Sge po. Mag-inggat rin po kayo ni Tatay. "

Umalis na sila nanay sakay ang traysikad. Papunta ata sa sakayan ng jeep na maghahatid sa kanila sa pier .

"Paano ba yan anak sasama ka kai Mama. wag kang masyadong makulit at malikot doon ha."

"Opo."

Naglakad kami lang kami ng napansin kung mabagal at tila napapagod ang anak ko kaya binuhat ko na lang sya. At nang makarating kami sa Bakeshop ay nandoon na lahat ng trabahante. Sinalubong ako ni Fe.

"Oy, Andro maayung buntag (Good morning) dinala ka pala ng Mama mo."

Good morning rin po sa inyo teta Fe. OPo umalis po kasi si nanay Sisil."

"Anong nagyayari dito fe bakit nagkakagulo ang iilang trabahante?"

"Yun na nga kasi naman dai tumawag ang may-ari sa manager ngayon na daw sila magbabawas ng trabahante"

Ibinaba ko muna ang anak ko

"Ano akala ko ba sa susunod na araw bakit napaaga yata?"

"Hindi ko rin alam armea kung bakit eh"

"Attention everyone ikinalulungkot kung sabihin sa inyo na ngayong araw kami magbabawas ng trabahante pero wag kayong mag-alala may maliit na pera kaming ibibigay bilang pasasalamat sa serbesyo nyo dito sa bakeShop."

Saad ng manager namin

"Kinakabahan ako armea" nilingon ko sya at nahahalata sa kanya na kinakabahan talaga siya

"Nasa papel na hawak ko ang listahan ng mga matatanggal , sisimulan ko ng tatawagin,. Gerald, Serina , rena, Armea...

Hindi ko na pinakingan kung sino-sino pa ang natanggal tila binagsakan ako ng langit at lupa sa narinig ko, isa ako sa matatanggal paano na lang kami ng anak ko ang hirap-hirap pa naman ang maghanap ng trabaho sa panahon ngayon kadalasan nga college graduate ang hinahanap

"Armea? Okk ka lang ? Tatagan mo ang sarili mo" saad ni fe at niyakap niya ako

"Lahat ng natawag ko pumunta kayo sa office ngayon din"

Sumunod sa manager ang iilang natanggal ibinilin ko muna si andro kai fe.

"Magsi-upo kayo"

Medyo marami rin pala kaming natanggal. Umupo kami sa upuan ang iilan ay nakatayo lang dahil nga hindi magkasya sa upuan

"Pasinsya na kayo kung natanggal kayo, hindi ko naman gusto ito lalo na ng may-ari pero kailangan naming gawin ito dahil hindi naman magkakasya ang sweldo sa inyung lahat dahil nga nalulugi na ang bakeshop pasensya na talaga kayo masakit man na taggalin kayo sana makahanap agad kayo ng bagong trabaho may inihanda kaming maliit na pera sana ay makatulong ito sa inyo"

Personal niyang inabot sa amin ang sobre na may laman na pera kanya-kanyang umalis ang mga tao sa loob ng opisina dahil nga maliit lang ang opisinang ito nang sa akin na ay lumabas ako nadatanan ko ang anak ko na naka-upo lang sa upuan at tahimik na nagmamasid sa mga tao.

"Fe, "

"Armea nakakalungkot naman isa ka sa mga natanggal ,"

"Wag kang mag-alala fe simula bukas maghahanap ako ng trabaho"

"Kapag kailangan mo ng tulong ha nandito lang ako"

Saad niya sa akin kinuha ko ang anak ko at umuwi na lang kami sa bahay