Dalawang araw ang nakalipas mula noong natanggal ako sa trabaho. Tini-tipid ko lang ang perang nasa akin ngayon para magkasya ang pera ko sa kainlangan namin ng anak ko.
Maghahanap ako ngayon ng bagong trabaho pero ang problema wala akung mapag-iwanan kai Andro busy kasi si Madeline ayaw kung maka disturbo sa kanya.
Kasalukuyan akong nagbibihis dahil maghahanap ako ng trabaho kahit dadalhin ko na lang si Andro. Kahit nga dishwasher lang muna ok na ako basta may trabaho lang ako.
"Mama, ma.... Huhu Maa,"
Nataranta ako bigla dahil umiyak ang anak ko. Nasa sala kasi siya. Pinahintay ko muna kasi siya dahil tapos ko na syang bihisan.
"Oh my god! anong nangyari sayo bakit dumudugo ang ilong mo andro?"
"Hindi ko po alam mama huhu," wika ng anak ko.
"Wait ka lang nak ha? kukuha lang ng panyo si mama. Wag ka ng umiyak magiging ok ka."
Dali-dali akong bumalik sa anak ko tapos pinunasan ko ang ilong niya at Pina-upo siya ng tuwid at pinaharap pasulong(lean forward) para maiwasan na malunok ang dugo.
Pinisil ang ilong niya gamit ang aking hinlalaki at hintuturong daliri at at sinabihan syang huminga gamit ang bibig
dahil ito daw ang paraan ng mapigilan ang pagdurugo.
"Ano bang nangyayari sa iyo nak? nag-aalala na si mama ah,"
Ilang minuto lang at tumigil na ang pagdurugo ng ilong niya.
"Ma, okk na po ako," pangumbinsi niya.
"Ang putla-putla mo pa anak. okay ka lang ba anong masakit sayo?
Nasa gitna kami ng pag-uusap ng anak ko ng may nag-iingay sa labas.
"Armea! lumabas ka diyan!" malakas niyang sigaw.
"Dito ka lang muna anak ha,"
Umalis ako at binuksan ko ang pintuan bumungad sa akin ang galit na galit na si Madam Betty na tila umuusok ang kanyang ilong sa galit.
"Bakit po Madam? pasok muna kayo," magalang kung wika sa kanya.
" Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa.
Maniningil na ako ng bayad niyo sa renta dito sa bahay,"masungit niyang saad. "Aba dai dalawang buwan ka ng hindi nakaka-bayad." Dagdag niya sabay paypay sa pamaypay niya luma na.
"Nako Madam, wala pa akong sapat na pera pambayad sa inyo. Nawalan po ako ng trabaho at sapat lang po ang perang naitabi ko para sa pangagailangan namin ng anak ko. Huwag po kayong mag-aalala magbabayad ako kapag nakahanap ako ng trabaho."
"Aba-aba ang kapal ng mukha. hoy inday! may mga anak din ako ha. Baka nakakalimutan mo yun marami rin akong babayaran hindi lang ikaw ang may kailangan ng pera! kaya bayaran mo ako ngayon dini"
Sobrang maldita talaga nitong si Madam Betty. Hindi ko naman maiwanan ang bahay na tu baka kasi bumalik dito si Brent.Dito kasi kami nakatira noon na nandito pa siya.
"Bigyan n'yo po ako ng isang buwan magbabayad po talaga ako. Nagmamakaawa na po ako sa inyo alam niyo naman po na wala si Brent. Walang tutulong sa akin sa paghahanap ng pera."
Lumuhod na talaga ako para maa-awa siya.
"Hindi mo ako makukuha sa paluhod-luhod mo. Gusto ko bayaran mo ako ngayon din!" Tinuro-turo niya ako.
"Baka gusto niyong matulog sa kalsada? At wala akong paki kung iniwan ka ng asawa mo!"
Bumuntong-hininga siya at nilahad ang kanyang kamay. "Bigyan mo ako ng tatlong libo kung ayaw mong palayasin ko kayo ngayon din! Nakakabweset ka talaga!"
Tumayo ako at pinagpagan ang suot ko. Useless lang ang palihod ko dahil hindi man lang siya naawa.
"Pwede po bang dalawang libo lang muna? Babayaran ko naman talaga kayo sadyang gipit lang talaga, "
"Aba dapat lang! Daliaan mo, kunin mo na ang dalawang libo. May pera ka naman pala," Inirapan niya ako at pinag-patuloy n'ya ang pagpay-pay.
"Kukunin ko lang po."
Nakita ko ang anak ko na nag-aalala siya. Ngumiti lang ako sa kanya at pumunta na sa kwarto kinuha ko ang aking bag na nakasabit sa likod ng pito.
Pagbukas ko ng aking pitaka 5500 lang ang pera ko. Kapag kukunin ni Madam ang 2000 maliit na pera na lang ang matitira sa akin.
Ngunit bahala na maghahanap na lang ako ng trabaho at magtitipid, sobrang mahal ng bilihin ngayon. Ibibigay ko na lang ito kaysa naman matulog kami sa kalsada .
Bumalik ako sa kay Madam Betty na tila naiinis na sa ka-aantay.
"Ito na po dalawang libo." Inilahad ko sa kanya iyon.
Agad n'ya namang kinuha at nilagay sa bulsa niya.
"Sa susunod na araw magbayad ka sa akin ng isang libo dahil maniningil ako ulit,"
"Pero, hindi pa po ako makakahanap ng pera sa susunod na araw Madam. Sana po kahit sa susunod na buwan na lang po."
"Aba, inday problema mo na iyan. Kapag wala kang isang libo na mababayad hala! inday lumayas na kayo. Mas mabuti nga kung magsimula na kayong mag impake kung alam mong hindi ka pa makakabayad kaya shupi babush Armea." Pagpaalam niya at lumabas ng bahay.
Nakaka-stress nawalan na nga ng trabaho mukhang mawawalan din ng bahay kapag hindi ako makakabayad.
Ang mahal naman kasi ng renta sa bahay 1500 ang buwan eh, mukha isang bagyo lang wasak agad itong barong-barong na bahay na to. Tuwing umuulan nga tumutulo dahil may butas ang bubong. Nireklamo ko na yan kai Madam Betty pero hindi n'ya man lang pinaayos.
"Mama, may tumatawag po."
Bumalik ako sa kwarto dahil nandoon ang CP ko.
"Hello Madeline napatawag ka?"
"Nako girl, halika dito malapit sa work place ko may job hiring sa isang building malapit dito,"
"Talaga? anong hinahanap nila?" tanong ko sa kanya.
"Janitres or Janitor, kaya halika na girl. Grab the opportunity baka ma hired ka pa.
Ako na bahala kay Andro kaya halika na."
Alam kasi niya na natanggal ako sa trabaho kaya sinabi niya sa akin na tutulongan n'ya ako.
"Nako,maraming salamat. Pupunta kami diyan." wika ko sa kanya.
"Sge, e-text mo ako kapag malapit na kayo,"
"Okay salamat."
"Halika anak, bihisan kita ulit pupunta tayo sa kay ninang mo."
Pagkatapos kung bihisan ang anak ko ay sumakay kami ng traysikad at bumaba sa may sakayan ng jeep. Double ride kasi medyo malayo ang pupuntahan namin galing dito kaya hindi kami magkasama ni Madeline sa bahay dahil naghanap lng siya ng mauupahan na malapit sa tinatrabahoan nya.
Nang medyo malapit na ay kinuha ko ang cellphone ko at nag text sa kanya.
To madeline:
Malapit na kami sa inyo.
From madeline:
Nandito na ako sa labas.
"Manong dito lang po, bayad po." Inabot ko kay manong ang bayad ko pagkatapos ay bumaba.
Nang makababa kami nakaabang lang si Madeline sa labas ng store isa syang sales lady dito
"Hai andro," bati n'ya sa anak ko
"Hello po ninang,"
"Armea dala mo resume mo?"
"Oo, nadito sa bag,"
"Nakita mo yung building na yun?" may itinuro siya sa akin na building. "May hiring doon. Kaya akin na si Andro."
"Teka lang! bakit ang putla ng anak mo Armea?" Tanong niya sa akin