"Yun na nga Madeline eh dumugo ilong nga kanina nagka-nosebleed kasi eh nababahala nga ako pero muna ikaw na bahala sa anak ko ha"
"Oo na dalian mo"
"Sge, aalis na ako. Andro magpakabait ka sa ninang mo ha, wag makulit maghahanap lang ako ng work babalik din si Mama," paliwanag ko sa kanya.
"Opo, Mama"
Lumakad lang ako dahil tatlong store lang ang pagitan ng building na pupuntahan dito. Nang makita ko ang guard nagtanong ako sa kanya.
"Magandang umaga Manong guard may Job hiring pa po ba dito?"
"Ahh, saktong-sakto maam kasalukuyan pa ang interview kaya pumasok na po kayo may table po sa kaliwang banda dyan doon po kayo magtanong." Tinuro niya ang table na may nag-babantay na babae.
"Maraming salamat po manong,"
Sinunod ko ang sinabi ni manong may nakita ako babaeng doon kaya nagtanong ako.
"Excuse me po saan po ba dito ang nagpapa- interview? Mag-aaply sana ako ng trabaho,"
"Nako Ma'am , tapos na po kasi may nakuha na po,"
"Baka naman pwde pang humabol miss"
"Hindi na po talaga maam pasensya na po kayo naubos na po ang slot dahil may na hired na maghanap na lang po kayo sa ibang building baka may job hiring sila pasensya na po talaga"
"Ganun ba salamat po"
Uuwi na naman akong sawi hindi sawi sa pag-ibig kundi sawi sa trabaho aba naman kay malas ko naman yung akala ko magkakaroon na ako ng trabaho naubusan pa ng slot nko naman anong gagawin ko ngayon sayang naman ang pinunta ko dito maghahanap na lng ako ng ibang trabaho baka naman swertehen.
Bumalik na ako sa store nila madeline ng pumasok ako nadatnan ko ang anak ko na naka-upo lang sa gilid kawawa namn ang anak ko may kausap kasi si madeline ng natapos mag-usap ni madeline at customer ata pumunta siya sa gawi ko
"Ang dali mo naman ata armea? Natanggap ka ba ?"
"Wala eh, tapos na ang interview may natanggap na daw kasi minamalas nga naman, " malungkot kong saad sa kanya.
"Sayang naman. Nako marami pa diyan Mea Fighting lang makakahanap ka rin ng trabaho. Ano ka ba wag kang malungkot diyan ganyan talaga ang buhay diba? Ikaw pa nga nagsabi sa akin niyan na kung hindi sa ngayon baka bukas meron ka ng trabaho,"
"Haha oo na ,bumalik kana kaya sa manila para makapagtapos ka na sa pag-aaral nuh sayang namn kasi oh baka naman inurong na yung Kasunduan Madeline, hindi ka ba nahihirapan sa pagtrabaho? Hindi ka pa naman sanay sa trabaho ah yung parang princessa ang buhay noon ipinagpalit mo. "
"Sinong hindi sanay? ilang taon na akong ganito aba, nasanay na ako sa buhay mahirap na mi-miss ko na sila mommy at daddy time will come babalik ako sa kanila pero alam mo nagpapasamat pa rin ako kahit na ganito ang buhay ko ngayon dahil naging independent na ako kaya ko ng tumayo sa sarili kung mga paa. Yung hindi ako humihingi ng pera sa mga magulang ko kahit mahirap lalaban pa din tayo ha." Hinawakan niya ang balikat ko at ngumiti kay gandang dalaga talaga.
"Oo naman, alam mo for sure hinahanap ka ng Daddy at Mommy mo ngayon panahon na sguro na bumalik ka na sa kanila."
"Babalik ako pag babalik ka na doon,"
" Haha shunga ka talaga wla na akong babalikan doon no. Mukhang malaki galit nila mama sa akin mas magagalit pa yun kapag nalaman nila na uuwi lang ako dahil iniwan ako ni brent susumbatan lang ako ng mga yun alam mo naman si papa police yun haha.
"Oo na haha!"
"Excuse me miss magkano to? " tanong ng isang customer kaya nagpag-isipan kung nagpaalam sa kanya dahil mukhang busy siya kinuha ko ang anak ko.
"Mama, saan po tayo papunta. "
"Okk ka na ha anak? Maghahanap lang tayo ng work ni Mama ha tiis-tiis muna sa paglalakad nak ha ikakarga kita mamaya." paliwanag ko sa kanya.
"Ok lang po mama sana magkaroon na kayo ng work dahil kung wAlang work si Mama walang makakain si andro dahil walang pera."
Bilib talaga ako sa anak ko dahil mabait na matalino pa top 1 nga siya sa klasi nila eh for sure mana sa Mama haha pagbigyan nyo na ako kahit ngayon lang .
Naglakad-lakad muna kami at nagtanong-tanong kung may bakante bang trabaho na pwdeng ma applyan medyo ma init na kasi magtatanghali na kaya kinuha ko ang payong ko sa bag.
Binitawan ko lang saglit ang anak ko saktong pagbukas ko sa payong natumba ang anak ko kaya sobrang natataranta ako.
"Andro, naririnig mo ba si mama nak? nak gumising ka,"
"Tulong tulongan nyo kami, paramg awa nyo na." Malakas kung sigaw.
VAN ANDEW POV
Nagmamaneho akoa sa kotseng hiniram ko lang dito sa company ng Daddy ko. May branch kasi kami dito pero dahil nga sa Doctor ang kinuha ko iba ang namamahala ng companya ang kuya ko ang pinagkakatiwalaan ni daddy pero may shares namn kami ng kapatid ko sa company kahit papano.
Bigla akong napahinto ng may napansin akong babaeng umiiyak at may bata sa kandungan niya na parang walang malay bumaba ako sa kotse dahil naaawa ako may iilang tao naman na pilit siyang pinapakalma.
"Kumalma ka muna iha magiging ok rin ang anak mo tumawag na kami ng ambulansya, " saad ng ginang.
Lumapit ako sa babae at tinanong ito ngunit nagulat ako sa nakita ko kilala ko sya
"Excuse me miss ? Anong nangyari sa anak mo?" tanong ko sa kanya hindi ko pinahahalata sa kanya na nagulat ako ng makita siya.
"Bigla na lang .. po siyang nahimatay huhu!" umiiyak nyang saad mukhang hindi niya na ako natatandaan.
"Isa akong doctor tutulongan kita akin na ang anak mo sumakay na kayo dadalhin ko kayo sa hospital,"
Binuhat ko ang anak niya at binuksan ko ang likoran ng kotse gamit ang isa ko pang kamay subrang gaan ng anak niya.
Sumakay siya ibinigay ko muna sa kanya ang anak niya pumasok ako sa kotse at pinaharurot ito may nadaanan kasi akong private hospital kanina isa sa sikat na hospital at alam kung maayos at maganda ang service nila doon.
Umiiyak pa rin ang babae habang mahigpit na niyayakap ang anak niya pagkadating namin sa hospital may sumalubong kaagad na guard at nurse sa amin ganito sila ka handa nabisita ko na din itong hospital na to noon pero matagal na panahon na iyon.