"I'm on my way malapit na ata ako sa inyo" saad sa akin ni Van sa kabilang linya isang linggo na rin ang nakalipas mula noong tinulungan niya kami, tatlong araw din akong nag-isip ng mabuti bago ko siya tinawagan na papayag ako sa offer niya ang sabi niya sa akin na saka na lang daw kami mag-uusap kapag tapos na siya sa seminar niya
"Sige sabihin mo lang kung saang kanto ka na dito na lang kita hihintayin sa labas ng bahay"
"Nandito na ako sa sinabi saan ako liliko sa right o left"
"Sa right because he left hahaha" biro ko sa kanya
"May ganun?"
"Oo, ... " Magsasalita pa sana ako ng bigla niya akong babaan ng tawag nagulat na lang ako ng may bumusina na kotse sa harapan ko
"Ay alien!!" Saad ko at napasigaw sa gulat lumabas siya sa kotse niya. Napansin ko din na may mga taong chismosa at chismoso na nakatingin sa amin wow ha ang lakas ng ng Signal ng mga tao dito grabi ang radar aabot hangkang kabilang kanto pero hindi ko sila masisisi kung maki-chismis sila eh sa madalang lang ang mga taong may kotse ang pumupunta sa lugar namin dahil nga hindi naman mapera ang mga tao dito.
Ang gwapo nga niyang tingnan , matangkad siya, makinis ang kutis at maputi may matangos na ilong at medyo singkit na mata. Napansin ko din magkapareho sila ng shape ng mukha at mata ng anak ko haha ambisyosa
"I'm sorry na natagalan ako"
"Ano ba okk lang po yun halika po pasok kayo sa munti naming tahanan"
"Munti nga "narinig kung sinabi niya sumunod lang siya sa akin pinapasok ko siya sa loob ng bahay nilibot niya ang kanyang mata sa loob ng bahay.
"Natitiis niyong manirahan sa maliit at medyo sira-sirang bahay na to?"
Sabi niya sa akin saka umupo sa kawayan na upuan at inilapag ang dalawang paper bag at isang supot sa tabi niya
"Ahh oo "nahihiya kung tugon sa kanya at kumuha ng maliit na upuan para sa akin
" where is your son?"
"Nasa kwarto po namin natutulog"
"Okay, anyway I just want to let you know that probably tomorrow pwde na tayong pumunta sa manila since pumayag ka na naman"
deritso niyang sinabi sa akin
"Teka lang pwde naman sguro sa susunod na araw kakausapin ko muna ang anak ko tungkol dyan baka mabigla siya dahil aalis kami agad dito"
"But we need to rush kailangan na nating makasal ng mas maaga...." Hindi ko siya pinatapos sa sinabi niya
"Kung ako lang sana ang magdedesisyon pwede naman na bukas tayo pumunta ng manila pero yung anak ko ang iniisip ko paano ko ipapaliwanag sa kanya na magpapakasal ako sayo, umaasa pa siya na babalik ang papa niya"
"I will talk to him," seryoso niyang saad sa akin
"Hindi ganon kadali iyon"
"Sasabihin natin na matagal na ang relasyon natin hindi lang natin sinabi sa kanya Because we are afraid na baka magalit siya ganun lang ka simple yun"
"Pero .."
"I will give you only one day na sabihin sa kanya bukas na bukas mu sasabihin pupunta ako dito, sa ngayon let's just talk about the wedding"
"Ahh okkay"
hindi ko alam kung ano ang e tutugon ko sa kanya
"May kilala akong Judge na pwdeng magkasal sa atin pansamantala para hindi tayo mahirapan sa pagkuha ng marriage licence,"
Nadismaya ako sa sinabi niya hinsi ganito ang pinangarap kung kasal ang gusto ko ay sa simbahan pero wla naman akong magagawa hindi naman ako ang masusunod.
"Kailan? "
"As soon as possible, pwde naman na 2days after nating makarating sa manila since pwse lang naman sa bahay ko tayo ikasal kahit walang ceremony"
"Ahh okk"
"Anyway plano ko na talaga na ikasal tayo bago kita ipapakilala kina mommy at daddy dahil kapag nalaman nila na kasal na tayo hindi na sila maka-angal o kontra na pakasalan kita if ever na pumayag na sila magpapakasal tayo ulit" naka-plano na pala ang lahat
"May itatanong lang sana ako, may contract ba to? Kung ilang taon tatagal?"
"Yes, 3 years para hindi nila mahalata na hindi totoo ang lahat sasabihin natin sa lahat na we have lots of Differences kaya hindi tayo magka-intindihan, and also pagbalik ko sa manila magpapagawa ako ng contract natin About our rules also"
"Ahh okay mabuti naman kung ganun"
"Mama " nilingon ko ang anak ko sininyasan ko siya na pumunta sa akin
Van Andrew POV----
"Mama" napalingon ako sa batang lalaking tinawag si armea magulo ang mahaba niyang buhok na talagang halata na galing sa tulog
"Gutom ka na ba nak?"
Tanong sa kanya ng mama niya ngunit umiling lang sya.
Tumingin siya sa akin at tinitigan lang ako ngayon ko lang napansin na ang suplado niyang tingnan kapag magkasalubung ang kanyang makakapal na kilay at kapag nakaligay ang kanyang buhok.
"Bakit siya nandito mama?"
Parang matanda tung bata na tu ah kung magtanong at magsalita pero hindi ko masisisi nasa dugo ang pagiging matalino niya
"Dinalaw ka niya nak magmano ka sa tito van mo" sumunod sya sa utos ni Armea, lumapit siya sa akin at nagmano
Agad naman din siyang bumalik sa mama niya
"Talian nga natin iyang buhok mo nak akin ang ang rubber bad" tinaliaan niya ang buhok ng anak niya ngayon mas nahahalata ko na kung sino ang kamukha niya
"Andro? May dala akong mga toys at damit saka may fruits akong dala para sa iyo" ipinakita ko sa kanya ang dala kong dalawang paper bag na naglalaman ng toys at mga damit na binili ko noong nakaraan tapos bumili rin ako ng prutas para sa kanya gusto ko kasi ns kunin ang loob ng bata ang pangit naman kapag ikinasal kami ng mama niya tapos hindi niya ako magustuhan
"Nag-abala ka pa salamat pala Andro magpasalamat ka sa tito mo"
"Salamat po" akmang ibibigay ko sa kanya ang mga dala ko ng tiningnan niya lang ako at hindi pinansin
Aba suplado saad ko sa sarili ko may pinagmanahan nga naman ang batang ito
"Ah pasisya ka na Van midyo masungit itong anak ko" nahihiyang saad ng mama niya
" it's okay nga pala aalis na muna ako babalik na lang ako bukas ng umaga" paalam ko sa kanya ngunit pinigilan niya ako
"Pwede ba na mamaya ka na umalis may gustong kumausap sa iyo" nagulat naman ako sa pahayag niya wala naman kasi akong kakilala dito sa cebu kaya nagtaka ako kung sino yun
May biglang kumatok sa pintuan pinuntahan ni armea iyon at binuksan iniluwa nito ang maganda at maputing babae. Hindi ko alam kung anong dapat kung reaction magagalit ba o matutuwa dahil nakita ko na siya, ngumiti siya saka tumakbo papunta sa akin at niyakap ako