"yes anak magiging sikat at magaling ka din na doctor paglaki mo basta't alagaan mo ang sarili mo kakain ka ng ng gulay at maraming prutas para maging healthy ka game ka ba nak?"
"Yes po mama, hindi na po ako magiging maarte kakain na po ako ng maraming gulay"
"Good boy nga talaga ang anak ko pa hug nga si mama? Niyakap ako ng anak ko at doon bumuhos ang luha ko hindi ko alam kung papaano ko sasabihin sa kanya na may sakit siya, ayaw ko siyang masaktan kapag malaman niya iyon
"Mama bakit po kayo umiiyak" bumitiw sa yakap ang anak ko at pinunasan ang aking mga luha
"Wala a-anak, magpagaling ka ha pa-para makalabas na t-tayo bukas"
"Really mama? Pero ma gusto kong always makakita ng Doctor at nurse gusto ko din dito" matagal niya na kasing gustong makakita ng totoong doctor at nurse sa tv niya lang kasi nakikita iyon kaya siya tuwang-tuwa na nakapunta dito
"Haha nako andro yung ibang bata nga ayaw na ayaw sa Hospital ikaw parang gustong-gusto mo dito haha" natawa na lang ako sa anak ko ibang klasi
"Mama,gusto Ko kasing makita kung paano nila alagaan at gamutin ang mga pasyente"
"Ang bata-bata mo pa yan na agad iniisp mo nako anak ha advance ka masyado matutunan mo rin yang mga yan kapag nag-aral ka na"
"Ay oo nga po mama hehehe"
"Ang gwapo ng anak ko ,alam mo ba parang mapapadalas sguro ang pagpunta sa hospital dahil magpapacheck-up tayo at saka baka nga magstay ka pa ng isang buwan sa Hospital" pagpapaliwanag ko sa kanya
"Bakit mama may sakit ba si andro? May sakit ba ako mama" alam kong matalino ang anak ko madali niya lang ma gets ang mga bagay-bagay
"Kapag ba sasabihin ko na meron eh iiyak ka ? O baka naman malulungkot ka?" Tanong ko ulit sa kanya tumahimik siya bigla at nag-isip
"Mama kung meron naman ay gagaling naman po ako diba at saka malaki na ako mag 6 years old na nga ako sa susunod na month kaya kung meron man akong sakit lalaban po ako gaya ng nakikita ko po sa TV "
"Ang talino talaga ng anak ko, mana ka sa mama scholar nga si mama dati tsaka honor student"
"Ma, nasaan po ang mama at papa niyo po yung lola at lola ko bakit wala sila dito sa cebu*
"Nasa manila anak"
"Ganun po ba eh ang mama at papa ng papa ko po ? Ma bakit hindi na nagpapadala ng laruan at sulat si papa ? Uuwi pa po ba sya? Bakit po hindi siya umuwi,? Bakit po hindi din siya tumatawag?puro padala lang gingawa niya
Tanong ng anak ko, kung alam niya lang na ako ang magpapadala sa kanya ng mga yun para kahit papano ay iisipin niyang mahal siya ng papa niya, alam kung mali na pinapaasa ko ang anak ko na babalik pa ang papa niya pero yun ang nagpapasaya sa kanya sumasaya siya dahil akala niya talaga iniisip at inaalala pa siya ng papa niya.
"Nako alam mo naman na nagtatrabaho ang papa mo sa malayo kaya hindi siya pwedeng maka-uwi dito nak, tama na nga ang tanong haha tatawagan ko lang si tita madeline mo papabantayan kita mamaya sa kanya dahil uuwi ako pra kumuha mg kauting damit natin kahit lalabas ka na bukas"
"Ok po"
Tinawagan ko si madeline agad niya naman sinagot ang tawag ko
"Hellow madam ano pong order niyo ? Ako po ba? Hahah"
"Sge support kita diyan madeline itong babaeng to, bigyan mo nga ako ng number. Ng mama mo ibebenta kita doon sa lalaking papakasalan mo sana haha"
"Ay nako naman Mea haler wala nga akong contact sa mommy ko o sa ilang relative ko pareho tayo keypad ang cellphone tsaka iwas-iwas social media hahaha, alam mo ikaw na lang kaya ibenta ko doon sa gurang na lalaking iyon"
"Yan ka nanaman tinatawag mo na naman siyang gurang Paano mo nalaman na gurang ni hindi mo nga nakita ? Haha"
"Wla lang ikw ha bakit ka napatawag mabuti nga at wala masyadong customer kaya nasagot ko agad"
"Ehh madeline pwde pang pumunta ka dito sa hospital mamaya papabantayan ko si andro kukuha lng ako ng damit sa bahay"
"Ano???? Bakit anong nangyari kai andro kumuzta siya?"
"May Leukemia siya madz" mahinang saad ko sa kanya.
"Ano? Nako naman ang bata- bata niya pa para magkaroon ng sakit na ganyan"
"Yun na nga mads hahanapan ko ng paraan para mapagamot ang anak ko"
"Tutulongan kita armea ,wag kang mag-alala pupunta ako diyan pagkatapos ko dito, e text mo lang ako kung saang hospital ha ."
"Okay, Salamat mads"
"Ano ka ba wla yun bye na muna ha "
"Sge"
Ilang oras din akong nakabantay sa anak ko habang siya naman nanonood ng tv sito sa private room niya may pumapasok na nurse na tumitingin sa kanya may itinurok nga sa kanya ni hindi ko man lang siya nakitaan ng sakit matapang ang anak ko alam kung malalampasan niya tung pagsubok na ito nag text na din ako kai madeline nag reply namn siya na dadting siya mamaya.
Tok! Tok!
"Armea?"
"Oh madeline pasok" saad ko sa kanya naglakad siya papunta sa amin ng anak ko at pinagmasdan ang natutulog na si andro
"Kawawa naman si andro"
"Hindi ko alam kung anong gagawin ko madz nawawalan ako ng lakas sa tuwing iniisip ang condition niya"
Naglakad siya sa gawi ko at umupo siya sa tabi ko
"Maging matatag ka dahil sayu huhugot ng lakas ang anak mo, paano na yan anong gagawin mo wala ka ng trabaho saan ka kukuha ng ibabayad sa hospital may pera ka ba diyan kung wala may kaunting ipon ako" saad niya sa akin
"May kaunting pera pa naman ako sana sapat na yun sa pambayad dito sa hospital saka na lang ako hihiram kapag kulang "
"Teka ang mahal namn ata ng Hospital na to nagulat nga ako komg bakit dito ang adress ng Hospital na sinabi mo"
"May tumulong kasi sa amin isang doctor daw siya ito nga oh may ibinilin siyang calling card " kinuha ko ang calling card na ibinigay sa akin ng Doctor na si van kanina, kinuha niya naman ang calling card at binasa ito
"Dr. Van H. Harper" gulat niyang basa at tumingin sa akin
"Ohh kilala mo rin pala ang Doctor na yan sikat nga ata sya" ibinigay niya muli sa akin ang calling card nanginginig ang kanyang mga kamay na inabot sa akin iyom
"Oh bakit ka nanginig bigla? Kilala mo siya?"
"May kapangalan siya na kilala ko pero hindi ako sure kung siya iyon nasa manila siya malabo naman kung nandito siya sa cebu"
"Nako baka siya nga iyan galing din iyon sa manila may seminar daw sila dito sa cebu"
"Hindi maaari"
"Ha bakit ?" Tanong ko ulit sa kanya tila naging balisa siya ng Sabihin niya kasi iyon