"Ah dito na lang kayo kumain mamaya meah"
"Nakakahiya naman nay"
"Sge na anak samahan nyo ako alas otso pa yun uuwi si recardo"
Si tatay recardo ay ang asawa ni nanay isang jeepney driver yun habang si nanay naman dito lang sa bahay .pinadalhan namn sila ng pera ng mga anak nila pero ayaw umasa ni tatay sa kanila dahil may sariling pamilya ang mga ito kaya nagtatrabaho si tatay.
"Ahh sge po nay"
"Mea may napapansin ako kay andro parati pang nabububngo ang batang iyan "
"Po? Hindi namn ata nay bakit?"
"Tingnan mo ang hita niya anak may pasa"
Agad ko naman tiningnan at may maliit nga na pasa kaya tinanong ko ang anak ko na nakikinig lang sa amin
"Andro prati ka bang nabanga ka ba ?bakit may pasa ka?
"Hindi po ma, maingat po si andro"
Hinawakan Ko ang hita nya at tinanong siya
"Masakit ba ?"
"Hindi po"
"Napansin ko noong nakaraan na lingoo nak may pasa sya sa kamay pero nawala rin nmn"
Hindi ko napapansin na may pasa ang anak ko ngayon lang na sinabi sa akin ni nanay anong klasing ina ako hindi ko agad napansin iyon.
"Andro next time mag-inggat ka namn anak baka kung saan-saan ka lang nababanga"
"Opo mama"
Napasarap ang kwentuhan nmin ni nanay 6:30pm na kami nakakain ng dinner sobrang maalaga ni nanay . Kasalukuyan kaming kumakain ngayon
"Ito pa sabaw mea, kumain kayo ng marami "
"Salamat po"
"Napapansin ko mea mas lalo kang pumapayat, alagaan mo ang sarili mo"
"Ahh opo nay sisil "
"Ma tapos na po ako"
"Ayaw mo na nak?"
"Opo "
Bumaba siya sa upuan at pumunta sa sala. Ilang minuto lang natapos na akong kumain.
"Ako na dyan mea" saad ni nanay sisil at tumulong sa pagligpit
" ako na po dito nay"
"Ano kaba mea ako na"
"Sge na nay hindi nmn ito marami ako na ang maghuhugas"
"Aba sge nak pupuntahan ko lang ang anak mo ha"
Inilagay ko muna ang mga nagamit na pinggan at baso sa lababo tsaka pinunasan ang mesa , pagkatapos ay hinugasan ko na ito madali ko lang natapos ang paghuhugas.
Narinig kong nagtatawanan ang anak ko at si nanay kaya pinuntahan ko sila.
"Pangit po nay"
"Haha natural lang yan andro ganyan din ako noong bata pa ako ma improve din yang pagdrawing mo" saad ni nanay sisil
"Hehe thank you nay"
Lumapit ako sa kanila at umupo sa upuan .
"ano yan anak?"
" Ma nag draw po ako ."
Pinakita niya sa akin ang ginuhit nya bigla akong nakaramdam ng lungkot
"Sino ang mga yan baby"
"This is mama and andro . Ito po si papa nasa malayo siya kaya hindi natin kasama"
Gumuhit sya ng mga parang stick na tao ako raw at sya yong magkahawak kamay habang ang papa nya ay nasa kabilang banda .
"Ma I'm sleepy "
"Tara na umuwi na tayo"
Niligpit ko ang mga gamit ng anak ko at nilagay sa bag niya .
"Nay una na po kami salamat po"
"Sge mea bye bye andro "
Binuhat ko ang anak ko at nilagay ang bag niya sa kamay ko at lumabas na ng bahay at naglakad
"Ang gaan mo na nak"
"Hmm"
Nang makarating kami sa tapat ng bahay pilit kong kinukuha ang susi sa bag ko pero diko magawa
"Nak ibaba lang muna kita ha hug ka lang sa binti ni mama pra hindi ka matumba."
Pagkatapos kung buksan binuhat ko siya at pumasok sa bahay sinigurado ko munang naka lock talaga ang pinto. Kahit mahirap nga mananakawan kaya mas mabuting sigurado. Inilapag ko ang anak sa kama at nag half bath muna bago natulog.
Kinabukasan
"Andro ito suotin mo ,bibilhan kita ng damit ngayon tapos papasyal tayo sa mall" saad ni madeline at binihisan ang anak ko
"Talaga po ninang?"
"Yes kaya suotin mo na to dahil aalis na tayo"
Pagkatapos kung maghanda ng baon ko kinuha ko na ang bag ko
"Aalis na kami bes"
"Bes ikaw na bahala sa anak ko ha"
"Yeap bes"
"Andro wag kang makulit ha, makinig ka sa teta ninang mo , huwag magpapabili ng mamahaling gamit"
"Opo mama"
Na una na silang lumbas ng bahay ,sumunod ako at sinirado ang pintuan nakita ko silang sumakay ng traysikad
Magpapahatid pa yun sa sakayan ng jeep .
Naglakad lang ako at ilang minuto ay Nakarating ako sa bakeShop.
Nadatnan ko ang mga ka trabaho na tila wla sa sarili at parang nagkakagulo ang iilan.
"Hoy fe anong nagyayari dito"
Saad ko sa kanya ng madatan ko siya sa locker ,inilagay ko muna ang aking bag at tsaka sinuot ang apron
"Nako Armea maagang dumating si manager at saka sinabihan niya ang mga naunang nakarating na magtatangal daw sila ng trabahador dito napapansin mo naman na humihina na ang bakeshop kaya medyo nalulugi na daw saka wag daw mag-alala may makukuha raw na kunting pera ang matatangal."
Malungkot niyang sabi sa akin
"Patay, wag naman sana tayong matanggal ang hirap pa naman makakita ng trabaho ngayon"
"Yun na rin ang problema ko , sa susunod na araw ilalabas nila ang mga matatangal."
"Agad-agad? Sana nag inform naman sila last week para naman nagsimula na tayong maghanap ng malilipatan na trabaho kung sakaling matatangal tayo."
" Wala na tayong magagawa desisyon nila iyan eh."
Lumabas na ako at pumunta sa pwesto ko midyo mahina na nga ang binta ng tinapay dito marami na rin kasi ang nagtayo ng bakeshop sa lugar na to.
VAN ANDREW POV
Nandito kami ngayon ng mga coDoctors sa meeting room namin pag-uusap namin kung sino ang ipapadala sa Seminar na gaganapin sa Cebu .
"Dr. Harper we need to decide kung sino ang ipapadala natin sa Cebu para mabigay natin ang name doon at mailista na daw nila kung ilan ang pupunta."
Tanong sa akin ni Dr. Leo Chavez
"Ganon na nga Dr. Chaves, We need to vote who will be the one to attend" sabat naman ni Dr. george Samson
"The duration of the seminar will be 1 week dahil mag mga gagawin na task para mas matoto ang aattend It will start this april 6- april 12 so kung sino ang free at walang mga operation siya ang pupunta" Saad ko sa kanila
"Dr. Sanchez available ka ba sa mga araw na yan?" I ask one of our skillful Doctor Here in V.A hospital
"I'm so sorry Dr. Harper I'm not available may mga operation ako at loaded ang schedule ko"
"Sino sa inyo ang available?"tanong ko sa kanila ngunit ni isa wlang nagtaas ng kamay at nagsabing available sila
"I guess busy kayo lahat"
"May suggestion ako " saad ni Dr . Eleise Pastro
"Ano yun Dr. Pastro
"Dr. Harper kayo po , baka may available kayo ,mas maganda po na ikaw ang attend since kayo ang may-ari ng hospital na to mas maganda kung ikaw ang mag represent."
Tumanggo ang iilang doctor na parang sanggayon sa suggestion ni Dr. Eleise
"Okk ako na lang ang pupunta since majority naman sa inyu ay busy "
"Kami na po bahala sa iilang pasyente nyo doc"
"Okk thank you ,