"Mama, kwento ka po about kay Papa."
Tumingin siya sa akin at niyakap ako.
"Do you really want to know more about your Papa?"
"Yes po, Mama," tumanggo lang siya at sumiksik sa akin.
Ako si Armea Stewart Twenty six years old, matangkad, maganda. Sabi ng karamihan para daw akong may lahing British, kasi nga matangos ang ilong ko at medyo kulot at blonde na buhok. Ako ay isang Single mom, mag-isa kung tinataguyod ang cute at bibo kung anak.
"Your papa was handsome, kagaya mo." Pinisil ko ang cute na mukha ng anak ko sobrang nangigigil ako sa kanya.
"Mama, naman. Mashakit. continue po."
"Okay, haha! Masayahin ang Papa mo, anak. Sobrang maalaga. Naalala ko pa noong pinagbubuntis pa kita, anak. Ayaw niyang maglinis ako ng bahay. Gusto niya sya lang. At saka uuwi siya ng maaga para ipagluto ako."
"Really, Mama?"
Nakita ko sa mga mata niya na he admire his father so much kaya hindi ko siya sisiraan sa anak niya.
"Yes anak, i miss your Papa so much anak. hindi ko na napigilan ang aking mga luha, hindi biro ang maging isang single mom. Hindi biro ang walang katuwang sa buhay lalo na galit sa akin ang mga magulang ko.
"Mama, wag na kayo iyak please, hindi na po ako magtatanong about papa po." Hinaplos niya ang aking pisngi na may luha pinunasan ko ito at hinawakan ang maliit niuyang kamay.
"Wag mo kung iiwan baby ha kahit mahirap tayo lalaban parin ha."
"Yes Mama, payting tayo Hawn." Inaantok na ang anak ko kaya inayos ko ang kumot niya.
"Ang baby ko talaga matulog na nga tayo inaantok ka na oh."
Five years old na ang anak ko ang bilis lang ng panahon Parang kahapon lang nasa sinapupunan ko lang sya at kasama ang Papa niya. Tumayo ako at pumunta sa drawer kinuha ko ang nag-iisang Picture namin ng Papa niya. Itinago ko na kasi ang iba at ang iilan naman ay nasa album. "I missed you so much Brent, bakit mo kami iniwan ng ganito lang."
Galit ako sa kanya sabi niya babalikan niya kami pero hindi niya nagawa. Walong buwan akong buntis noon ng nagpaalam siya sa amin na pupuntahan niya daw ang mga magulang niya. Ibinalik ko sa drawer ang larawan namin at humiga sa tabi ng anak ko, naalala ko ang panahon kung saan huli ko siyang nakasama.
(Flashback)
Nasa higaan ako non ng pumasok siya sa kwarto namin at umupo siya sa kama.
"Hon, dito ka lang ha pupuntahan ko sila Mama hihingi lang ako ng pera kasi malapit ka ng manganak."
"Pero hon, diba galit sila sa iyo? Hon baka hindi ka na nila papabalikin dito. Baka mas lalo silang magalit sayo hon naman."
Kinuha niya ang dalawang kamay ko saka hinawakan.
"Hon wag kang mag-alala kaya ko ang sarili ko susubukan ko lang naman hon mabait namn ang mga yon"
"Pwedeng sumama?"
"Wag na hon. Tinawagan ko na ang bestfriend mong si Madeline para samahan ka muna mga tatlong araw kasi ako doon alam mo na malayo ang Manila dito sa Cebu."
"Sama na lang ako hon. Sige na please," pagmamakaawa ko sa kanya baka sakaling isama niya ako.
"Ano ka ba naman hon, Malapit ka ng manganak bawal sayo ang mag byahe."
"Okay."
"Wag kang malungkot, malulungkot din si andro niyan."
Iba ang nararamdaman ko, parang kinakabahan ako sa pag-uwi niya sa kanila. Hindi ko pa nakikilala ang mga magulang niya ang sabi niya pagkatapos ko daw na manganak pupunta kami sa manila at magpapakilala sa kanila baka sakali tanggapin nila kami pagmakita nila ang apo nila.
"Mag-iimpake lang ako ha, mauna ka ng matulog."
Kinuha niya ang iilang damit at pinasok sa maliit niyang bag. Tiningnan ko lang ang bawat galaw niya. Matapos niyang gawin iyon ay nilagay niya sa upuan ang bag biya at lumapit sa akin.
"I told you, Hon, na matulog ka na," saad niya sa akin.
"Mami-miss kita, Hon."
Naiiyak ako nang hindi ko alam. Dahil siguro sa hindi ako sanay na mawalay siya sa tabi ko o malayo man lang nang iilang araw.
"Ano ka ba, Hon? Halika nga." Niyakap niya ako at hinalikan ang noo ko.
"Ito ang tatandaan mo, Hon. Mahal na mahal ko kayo ni Baby, ha." Hinaplos niya ang tiyan ko.
"I told you hon na matulog ka na," saad niya sa akin.
"Mamimis kita hon."
Naiiyak ako ng hindi ko alam na dahil sguro sa hindi ako sanay na mawalay siya sa tabi ko o malayo man lang ng iilang araw.
"Ano ka ba hon, halika nga. " niyakap niya ako at hinalikan ang noo ko.
"Ito ang tatandaan mo hon, mahal na mahal ko kayo ni baby ha, " Hinaplos niya ang tiyan ko.
"Oo naman hon." ngumiti ako sa kanya ng napakalapad"
"Ang peke ng tawa mo hon hahaha," saad nya at tumawa.
"Ito naman nag dadrama ang tao eh."
"wag ka ng malungkot hon."
"Babalik ka diba?" Malungkot kung tanong sa kanya.
"Ofcource hon babalik ako ano ka ba. Aalagaan ko pa kayo ni baby Von andro." Ningitian ko na lang siya gustong,-gusto niya na Von Andro ang ipapangalan sa baby namin eh gusto ko Brent Darwin , brent ang name niya ang darwin naman eh gusto ko lang
"Matulog na tayo hon , i love you."
"I love you to brent."
Kinabukasan noon maaga daw siyang gumising para ipaghanda ako ng pagkain kahit na aalis na siya sabi ng bestfriend ko , tulog pa ako ng umalis siya. Nagising lang ako na si madeline ang nasa kusina pinaghanda niya ako ng almusal na niluto ni brent.Lumipas ang dalawang araw noon wala paring text si brent sa akin kaya mas lalong kinabahan ako. Lumipas ang linggo hanggang sa malapit na akong manganak eh wla pa rin siya parang gusto ko ng mabaliw non pero naalala ko ang anak ko. Ang tangi ko lang pinanghahawakan ang kanyang kataga na babalik siya ngunit araw-araw akong umaasa.
END OF THE FLASHBACK
Kinabukasan, Gumising ako ng maaga para maghanda ng almusal ng anak ko at baon ko na rin sa trabaho. Sobrang hirap ng pinagdadaanan ko ngayon gustuhin ko man na magpahinga hindi ko magawa, kakayod ako para matustusan ang kinakailangan ng anak ko at mga gastusin namin sa araw araw.
"Anak,gumising ka na dyan."
"Andro anak woohh gising na," Inilagay ko muna sa bag ang baon ko habang ang isang baunan naman ay sa maliit ba bag ng anak ko at dinala ito sa sala bago pumunta sa kwarto
"Hey andro , gising na halika na." Umupo ako sa gilid ng kama at pinagmasdan ko siya
" Hmmmm ma 3, minutes please."
"Okayy."
Naaawa na ako sa anak ko napipilitan siyang gumising dahil walang magbabantay sa kanya dito sa bahay, dahil nga summer pa ngayon wala pa syang pasok. Pinaaral ko kasi siya ng nursery Iniiwan ko lang siya sa kapitbahay namin na si manang sisil malaki na kasi ang mga anak niya ang dalawang anak niya ay may sarili ng pamilya kaya gustong-gusto niyang alagaan si andro.