"Baby ko, halika na. Bumagon ka na nak."
"Hmmmpp, Maayong buntag Mama," agad niyang bati sa akin saka ako niyakap.
"Haha! Magandang Umaga anak, ang galing naman may alam na bisaya words na nalalaman ang anak ko ah."
"Mama , kahit galing ka po sa manila dapat alam natin minsan kahit kaunting words ng mga bisaya, baka pinag-uusapan na tayo hindi natin alam."
Kaunti lang ang alam ko na bisaya dahil hindi naman ako lumaki dito sa Cebu dahil sa Manila talaga ako lumaki. Napadpad lang ako sa Cebu ng nagpagpasyahan namin na lumayo muna dahil galit sina mama sa akin dahil pinili ko si Brent saka nabuntis niya ako. Ayaw sa kanya ng nila Mama dahil Nagtatrabaho lang sa Resto si Brent bilang waiter sa umaga at singer sa gabi. Nagkakilala kami sa Resto na kung saan ka-trabaho ko siya.
"Hmm, marunog kaya ang mama mo nak."
"Sge nga, e-translate mo sa sa bisaya ang sasabihin ko," bumangon siya at nag Indian sit.
"Aba! hinahamon mo ako anak ah. sge go dalian lang natin dahil paliliguan kita at kakain pa tayo."
"Sus, ang dali ko lang maligo ma, dali translate mo ang I LOVE YOU."
"hmm sus! ang dali naman, Gihiguma ko ikaw. "
"Haha! Ang lalim nmn ma haha! "
"Ang astig ng Mama mo no?" usal ko sabay kindat sa kanya.
"Hahaha! nalaman mo lang yan galing sa katrabaho mo. Lagi ko iyan naririnig dahil sinasabihan ni uncle Sam si tita Fe ng ganyan."
Sinasama ko kasi si Andro sa trabaho minsan pag-aalis si manang Sisil kaya naging malapit na rin ng anak ko sa mga ka-trabaho ko.
"Oo na, halika na. Ang baho na ng maliit na prinsipe ko." Binuhat ko siya at pumunta kami sa maliit na CR dito sa bahay.
"Ma, grr ang ginaw!" reklamo niya habang pinapaliguan ko siya.
" Andro, baka gusto mo na susunod-sunod sayo ang langgaw dahil ang baho mo. Gusto mo yun?" Pagbibiro ko sa kanya.
"No, ayaw ko Ma. Hindi ako papansinin ni Brea pag-mabaho ako"
"Sinong brea ha? Aba! andro. "
" hehe! yung bata sa may kanto po ang bahay."
"Crush mo? Ay este friend mo?" Seryosong tanong ko sa kanya
"Friend ko po Mama, pinapasyal ako ni nanay Sisil sa park at doon ko po siya nakilala."
"Hindi mo siya inaaway ? good boy ka ba?" Minsan kasi maypagka pilyo ang anak ko.
"Hindi ahhh! Mama, good boy si Andro Mama,"
" Good ,Wait ka lang dito ha, kukuha ako ng towel."
" Yes , ma'am hahaha!" saad niya at may pa salute pa na parang pulis. Kinuha ko towel at binalut sa kanya.
"Mama, pwdeng sumama sa'yo ngayon?"
"Hindi pewde anak, alam mo namn na busy si Mama. Hindi kita mababantayan ng maayos."
"Next time Mama, ha sama ako."
"Yep anak, hands up ka muna isusuot ko na tung damit mo," pagkatapos kung bihisan at sinuklayan ang mataas niyang buhok ay bigla na lang siyang bumaba sa kama.
"Saan ka pupunta?"
"Sa salamin Mama." saad niya at pumunta sa maliit na table dito sa kwarto namin na may nakalagay na medyo basag na salamin pero klaro naman kahit papano.
"Tingin ka sa akin Mama, ang gwapo ko nohh."
Napangiti na lang ako sa anak ko gwapo nga siya manang mana sa papa niya magkapareho silang may matangos na Ilong, mataas rin ang anak ko, singkit ang kanyang mga mata na parang may lahing korean. Mana talaga kay brent parang koreano rin yung mokong na yun.
"Mama, Ano na? gwapo ako nuh?"
"Hmmmmm. Hindi hahaha!"
"Ngeee, ang gwapo ko kaya ma," reklamo niya sa akin.
"Gwapo ka sana."
"Bakit sana lang ma?"
"Dahil maganda ka sa paningin ko hahahaha! Ang taas na kasi ng buhok mo hanggang balikat mo na."
"Chuuyy kaya nito." Nilugay-nugay niya ang basa buhok niya, sobrang bibo talaga ng anak ko ayaw niyang pagupitan ang buhok niya. Tinatali niya ang buhok niya pag hindi na ito basa.
"Gupitan na natin buhok mo nak?"
" Sa susunod na po kapag umuwi na si papa dito, siya na lang gugupit sa buhok ko," malungkot niyang saad.
"Ok, sge kapag bumalik na si Papa mu ha. Hali ka na kakain na tayo para naman makaalis na tayo baka ma late si mama nak, ha."
Na una na siyang naglakad patunggo sa kusina. Naawa ako anak ko umaasa siyang uuwi ang papa niya ,kasalanan ko naman kasi iyon eh..
End of Armea Point of view
Van Andrew Point of View
Tok! Tok!
"Come in."
"Excuse me Doc , tumawag po sa telephono ang mommy niyo po sabi nya hindi mo daw sinasagot tawag niya," saad ng personal assistant ko.
"Okkay thank you."
Kinuha ko ang phone ko sa bag at tiningnan may 10 missed calls si mama kaya tinawagan ko na lang siya
Ring! Ring!
"Hoy Van Andrew ! bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko ha! ikaw talagang bata ka. Bakit hindi mo sinagot? Lunch break mo ngayon kaya alam ko wala kang pang trabaho. "
"Chill ka lang, dyan Mommy. Nagbabasa kasi ako at bakit ka ba natapatawag ha na miss mo na ang gwapo mong anak?"
"Kalokohan mo ! Nagmamaang-maangan ka pa, hindi mo raw sinipot ang date nyo kahapon ng magandang anak ng amega ko day off mo kahapon."
" Tssskkk nakaka-bored makipag date. Tapos I already told you na, I don't want to get married right now."
"Van, ang sabi ng Daddy mo hindi mo makukuha ang mana mo pag hindi ka pa nag-asawa."
" I don't care, may trabaho naman ako"
"Anak, just follow what we want van. Alam mo naman na may sakit ang daddy mo yan lang naman ang hiling niya sayo ang makita ka namin na ikasal. Sana makita ka namin na magkaroon ka ng sariling pamilya at maraming anak. Van 28 years old kana nasa tamang edad ka na pra mag-asawa."
"Let's just talk next time Mom, I love you."
"Pumunta ka dito sa bahay when free ka dahil mag-uusap tayo ng masinsinan."
"Yes mom, bye."
Ibinaba ko na ang tawag. Ganyan parati si Mommy lagi akong kinukulit na mag-asawa na ehh ayaw ko na magpakasal sa ngayon. I just want to focus on my career and this makes me happy.
Ako si Van Andrew Harper 28 years old at isa ng sikat na Doctor dito sa pilipinas. Sabi ng iilan gwapo daw ako marami kasing naghahabol sa akin pero ni isa sa kanila wala akong gusto.
"Emergency! Emergency! Doc. Van kailangan ka po sa Room 217! masama po ang lagay ng bata."
Narinig kong saad sa Intercom. Dali-dali kung sinuot ang labgown ko at kumaripas ng takbo patungo sa kwarto ng bata.
"Anong nangyari sa kanya?" tanong ko sa mama ng bata.
"Doc. Bigla na lng po siya nagsuka at tila nagkukumbulsyon po sya doc." Nakikita ko sa mata niya na sumbrang nag-alala siya para sa anak at halatang kinakabahan.