Chereads / One Night Stand - Season 1 / Chapter 20 - ( I'm still thinking you, Jen!)

Chapter 20 - ( I'm still thinking you, Jen!)

One day before graduation at abala na ang dalaga sa bording house niya habang nag aasikaso ng susuotin niya.

Para siyang inosenteng dalaga na tila nakalimot agad ng kahapon.

Mapapansing may pulang kahon na naiwan sa may sofa na hindi naman niya nanaising buksan dahil galing ito sa binatang kinasusuklaman niya.

Nagpaplantsa lang si Jen habang nagpapa music ng phone niya na naroon sa mesa.

Halatang kabado na ang dalaga para sa pagtatapos niya.

Hindi maiwasang masabik sa pagtatapos niya.

" sa wakas makakauwi na rin ako sa probinsya. " excite niyang sambit habang pinaplantsa ang togang itim na binili naman ni sir Carllex para sa pagtatapos niya.

Binilhan din siya ng bagong dress na susuotin niya at black sandals na mamahalin.

Lahat ng kailangan niya ay inasikaso ng binata bago ito tuluyang nagpaalam sa kaniya.

" haysst, ang saya saya ko! " sambit pa niya habang sinusukat ang togang itim habang pa ikot ikot sa sala. Ang ngiti niyang kaytagal niyang tinago para sa araw ng pagtatapos niya.

Jen Pov's

Sa wakas Jen makakauwi kana sa inyo.

Ito talaga ang pinakahihintay ko sa lahat.

Pagkatapos kong mag aral ay agad akong kukuha ng board exam para kapag nakapasa ako ay agad akong magtuturo.

Ay, im so excited para bukas at si Aling Celia ang aakayat sa akin bukas.

Jen, good job magtatapos kana ng kolehiyo.

Kring.... Kring... Kring..

Sino kaya yong tumatawag bat unknown number?

Hala, baka wrong call ang isang ito ah!

Kaya sinagot ko na lamang.

(on call)

" hello po, " galang kong sagot sa kabilang linya.

" hello Jen anak! Sunduin mo naman ako dito sa kalye oh! Dito lang kasi ako binaba sa tapat ni Aling Celia store! " sabi nong boses na parang pamilyar.

" papa! Papa ikaw ba yan? " pagkagulat ko na agad na tumakbo papalabas ng bahay.

" ako ito anak, " tugon niya.

" arghh, papa talaga! " iyak ko habang papalabas ng iskinita.

(call ended)

Nakalabas na ako ng iskinita at sa sobrang saya ko ay hindi ko namalayan na wala pala akong nasuot na tsinelas.

Jen, para kang timang kasi tumakbo kang walang tsinelas.

Inilibot ko ang aking mga mata kung saan naroroon si papa.

Oh my gosh, andoon siya nakikipag usap sa isang bodyguard's?

Hala, " papa! Papa andito ako! " kaway kong sigaw sa kabilang kalye na ikinasigaw din niya.

Bigla nalang naghintuan ang sasakyan na tila pinapatawid na si papa papunta sa akin.

Ayan na si papa at suot niya iyong puting polo niya at napakasimple niya.

" papa! " sambit ko ng mangiyak ngiyak sa harap niya. Para akong bata na tila kaytagal na nawalay sa tabi niya.

" Jen, ang pangit kong anak! " sabi niyang inis sa akin at binitawan ang dala niya.

" si papa talaga iniinis pa ako. " iyak ko ng tuluyan. Niyakap na lamang ako ni papa sa kinatatayuan ko.

May napansin akong itim na van sa may kanto.

Mukhang bodyguards ni sir Carllex ang mga iyon at ayon na umalis na.

" Jen, bat wala kang tsinelas? Ikaw na bata ka wag mong sabihin na nakalimutan mong magsuot ng tsinelas dahil sa akin? " usisa ni papa na parang sermon na naman. " papa, wag niyo na akong sermunan kasi magtatapos na ako. " sabi ko na tila nagpapa cute pa.

" tara na nga, saan ba yong tinutuluyan mo? " tanong ni papa saka tumingin sa paligid.

" dito papa saka dadaan pa tayo sa iskinita at looban para marating yong bording house ko. " yaya ko kay papa saka sinamahan ko siya sa munti kong tahanan saa loob ng apat na taon.

Ang daming sermun ni papa sa akin at talo pa niya si mama.

Nang makarating na kami sa hagdan ay agad siyang nagtaka.

" Jen anak, hindi ka ba pinagtritripan ng mga adik dito? " usisa ni papa sa akin. Diba, para siyang si sir Carllex kung mag usisa.

" pa, may guardian angel po ako kaya sa awa ng diyos y heto safe akong makakauwi sa atin. " sabi ko kay papa saka kinuha yong mga dala niya.

Umupo kami sa sofa ni papa habang nagkukuwento siya ay agad akong napahikab at humiga sa kandungan niya. " pa, namis ko kayo ni mama saka ang lungkot lungkot ko ngayon. " pagtatapat ko kay papa dahil sa nangyare sa amin ni sir Carllex na hindi ko kayang aminin kay papa ngayon. " anak, may nobyo kana ba? " kinabahan na lamang ako bigla sa tanong ni papa sa akin.

Ayaw ko namang magsinungaling sa kaniya.

" pa, wala pa ho saka ayokong masaktan at hindi pa ako handa. " pagtatapat ko kay papa.

" anak, alam mo ba kung sino ang sumundo sa akin sa probinsya. " ani papa na mukhang gusto niyang malaman ko kung sino nga ang taong iyon.

" sino pa? " usisa ko na tila nasasabik rin sa sagot niya.

" si sir Carllex de la Vega at nakakatuwa siya dahil pinilit niyang matutu ng bisaya para lang makausap ako at makumbensi na pumarito sa graduation mo. " pagmamalaki ni papa sa akin.

Nahihibang na nga siya at kailangan na niyang magpatingin sa doktor.

" hindi naman papa saka laging nang aasar yon. Kalimutan niyo na ho siya. " sabi ko kay papa at bumangon. Inihanger ko na yong susuotin ko bukas.

" anak, sabi niya iniligtas mo daw siya kaya hindi niya alam kung paano siya makakabayad sayo. " sabi pa ni papa na ikinahinto ko.

" madami na ho siyang naitulong sa akin papa kaya tama na ho yon. " tugon ko at kumuha ng juice para kay papa.

" Jen, alam ko na may problema ka kaya dapat mong ayusin yon. Kahit buhay pag ibig pa yan. Pagsisihan mo yan kapag hindi mo inayos. " payo ni papa.

" pa, alam ko ho kung saan ako lulugar kaya tama na ho yon. " sandali kong yakap kay papa na parang ayokong ipagtapat ang lahat ng nangyare.

" uy, anak wag kang hihikbi diyan kasi walang magpapatahan sayo. " paalala ni papa. Imbis kasi na patahanin niya ako ay dinagdagan pa niya ang pang aasar sa akin para lalo akong umiyak.

Na mis ko talaga si papa at ayoko nang palipasin pa ang mga oras na magkasama kami.

Hayyst, na mis ko rin si mama sana nasa tabi namin siya ngayon at nakikita niya kung gaano ako kasaya.

Oo, bobo ako pagdating sa pagdating dahil pinili ko siyang i let go kapalit ng kapakanan ko.

Im so stupid girl na hindi para sa kaniya.

Hay Jen, napakatanga mo talaga!

Mahal mo siya diba? Pero bat pinakawalan mo?

Paano nalang kong magbunga yong nangyare sa inyo?

Basta! Desesyon ko ito at paninindigan ko.

" Jen, may iniisip ka na naman? " usisa ni papa na tila pansin ang pagkunot ko ng noo habang nakatitig sa kabilang dako.

Wala talaga akong kawala kay papa basta siya ang kaharap ko.

Daig pa niya ang imbestigador kong maka usisa kaya nililigaw ko lagi ang usapan.

" pa, gusto niyo ba ng meryenda? Oo nga pala papa wag kayong mali late bukas ha! Baka gigising na naman kayo ng tanghali sige ka magtatampo ako. " paalala ko kay papa. Since kasi nong elemtary ay lagi siyang late kong dumating kaya mag isa akong nagmamarcha.

" ano ka ba anak gusto mo sabay pa tayo eh. " pagmamalaki pa niya.

" papa talaga, sinabi niyo yan saka bubuhusan ko talaga kayo ng mainit na tubig bukas kapag hindi kayo nagising. " loko kong paalala kay papa.

Tatawa na lamang siya sabay aakbay sa akin at bubulong.

" teka, ipis ba yon? " sabay turo ni papa na ikinatakot ko.

" arghh, papa talaga! " akyat ko sa sofa na parang ewan. Sabi na nga ba, wala namang ipis kainis kasi si papa parang si sir Carllex kung mag trip. Pareho silang may sira sa pag iisip.

Kainis talaga, napababa na lamang ako sa sofa at pumunta sa kusina.

Ayon si papa panay ang tawa habang naka pang de kwatro sa sofa.

Tskk! Trip talaga nilang manakot sa tulad kong matakutin sa ipis.

" anak, boyfriend mo ba yong sir Carllex mo? " usisa ni papa na ikinagulat ko.

Hala, sino naman nagsabi sa kaniya na jowa ko yon?

Fake news na naman itong nasagap ni papa eh.

" hindi kaya saka mayaman yon papa at hindi siya magkakagusto sa tulad kong mahirap lang." tugon ko sa kaniya at naghugas na lamang ng kaldero dahil magsasaing na ako.

" bagay pa naman kayo, Jen. " sabi na nga ba, botong boto siya don eh. Kainis talaga si papa eh. Ano kaya ang pinakain sa kaniya ni sir Carllex at pati siya ay nahibang na rin sa lalaking yon.

Ay naku Jen, kalimutan mo na nga at magsaing ka nalang diyan.

Just erase him in your mind and in your life!

You're not compatible with each other!

Not now and not soon!

Sa kabilang banda

Sa hundreds floor of Publishing de la Vega Company na pagmamay ari ni Sir Carllex de la Vega II.

Ang mga kumikinang na fiber glass na siyang naka desenyo sa building ay parang mga diyamanteng kumikinang na hindi matutumbasan ang bilyones na halaga.

Ang mga empleyadong abala sa bawat area nila.

Walang tumutunganga sa oras ng trabaho ay agad na sibak ang aabutin mo.

Sa boss nilang mas mataas pa ang kilay sa mga babaeng empleyado.

Mataas ang pasahod na dapat tapatan ng katapatan sa trabaho.

Sa office ng CEO at Owner ng company.

Naka bukas ang unang butones ng polo niyang puti habang suot ang amerikanang itim.

Ang mga titig niyang nakakatakot na hindi alam kung anong ibig sabihin.

" sir, ito na ho ang files na pinahahanap niyo. " lapag ng isang naka pormal suit sa mesa niya.

Isang kumpas ay agad na umalis ang ginoo at nilisan ang opisina niya.

Ang galaw niyang nakaka hanga at titig na nakaka heart attack.

Kaya matakot kana kong ganiyan ang titig niya.

" what a poor file? " sambit niyang tila ay nainis sa nabasa. Kaagad niya itong ibabato sa pintuan na ikinapasok ng secretary niya.

" sir, " yuko nitong bungad.

" just get it and throw it in the trash can. " utos nito sa secretary niya na agad namang sinunod ang utos niya.

Ano kaya ang problema niya at parang sobrang galit niya sa kaniyang nabasa.

Hindi man niya nabigyan ng pagkakataon ang files na iyon ay agad naman niyang pina background check ang may ari non.

His Pov's

Oh, just calm down Carllex!

Don't let your ego control yourself!

You're not a bastard anymore!

Don't do that again because of what you've seen.

Just make yourself calm and relax!

I slowly lay down my back on my soft and relaxing chair.

Hayyst, I was thinking of her! Poor Carllex wag kang annoying.

I know na babalik siya sayo! Not now but soon!

I'll promise that and we live happily just like mom and dad done.

There's nothing imposible just pray for her and you'll given an answer.

@YhunaSibuyana