Chereads / One Night Stand - Season 1 / Chapter 24 - ( He's in comatose)

Chapter 24 - ( He's in comatose)

Sa bording house ng dalaga

Nag iimpake na ito para sa kaniyang paglisan sa bahay na kaniyang pinaglaanan ng apat na taon.

Nalulungkot siyang lisanin ang bahay na naging hantungan ng lahat ng kaniyang problema at saksi sa pag iyak niya kung siya'y nalulungkot.

Naka balot na lahat ng gamit ng dalaga habang inaalala ang masasayang araw niya roon sa bording house niyang masikip at mainit.

Sa munting bahay na kaniyang naging silungan sa mga taong lumipas.

" Good bye my bording house! Mamimis ko yong appearance mo saka yong sofa, sala at kusina. " aniya ng dalagang naka impake na ang mga bagahi niya.

Makikitang nasa sofa ang papa Jeno niya habang nanood ng Tv.

Maya maya pa ay may biglang sumingit sa breaking news update.

" magandang hapon sa lahat. Andito tayo ngayon sa natarik na bangin ng St. Veneracion kung saan nahulog ang kotseng minamaneho ng binatang business man na si Mr. Carllex de la Vega....." panimula nito.

" Jen, tingnan mo ito! Si sir Carrlex naakasidente uli. " tawag niya sa anak nito. Napakuripas na lamang ang dalaga sa kaniyang nakita.

" ayon sa mga pulis nawalan ng malay ang binata habang nagmamaneho kaya nawalan ng kontrol ang manubila. Sa ngayon ay nasa hospital na ng bayang San El Vador ang binata at sa kasamaang palad. Nasa kritikal ang kalagayan nito. This is San El Vador news bulletin update!" pagbabalita nito.

Nawalan na lamang ng malay ang dalaga sa kinauupuan nito na tila nagulat sa kaniyang nalaman.

Makalipas ang ilang sandali ay nagkaroon uli ng malay ang dalaga.

Napahikbi ito na tila nagsisisi sa kaniyang mga nasabi sa binata.

Sa kabilang banda naman, sa room #23 naroon ang room ng pasyenteng si Mr. Carllex de la Vega II.

Nasa labas ng room ang ginang na tumutulo ang mga luha sa nag iisa nilang anak na nakaratay muli sa kamang hindi dapat niya hinihigaan.

Naroon din ang mga iba pang tito at tita nito pati ang señora na tila naawa sa apo niyang lagi nalang nadidisgrasya.

" is he ok? Pasaway talaga siya kahit kailan! " sumbat ng ginoo sa anak niyang nasa kritikal pa ang kalagayan.

" tam na Fierce, hindi naman niya kasalanan na nawalan siya ng malay. " pagtatanggol nito sa anak nila.

" yan talagang batang yan! Sinabi ko na sa kaniya na wag siyang magmamaneho dahil sa kondisyon niya. Pero ayon, pinauna ang driver niya pauwi at mag isang nagmaneho. " dagdag pa nito.

" anak, wag mo nang pagsumbatan yang apo ko kasi binata na yan. Im sure, pupunta dito yong babae na mahal na mahal niya. Kaso binasted siya. " aniya ng señora.

" sana nga ma, sana mahal din siya ng babaeng yon. " ani Fierce na tila ayaw masaktan ang solo nilang anak.

" pupunta yon! " sabat ng señore habang hawak ang phone ng apo niyang si Carllex.

" paano niyo nasisigurado? " usisa ni Fierce rito.

" well, tumawag yong Jennalyn Santos dito at humingi ng tawad. Pero sabi ko, pumunta siya rito with her papa para naman makilala ko ang magiging asawa ng apo ko. " tugon ng señore.

" what do you mean, pa? " ask ni Fierce na tila walang alam sa anak niya dahil abala ito sa pamamalakad ng negosyo niya.

" ayan kasi, lagi kong sinasabi sayo na maglaan ka ng oras sa anak mo. Para wala lang ma mis na kahit maliit na bagay na mga nangyayari sa kaniya. " payo ng señore Carlos sa anak niya.

" ok, I'll got it! Nakalimutan ko lang siyang kausapin that time. " admit ni Fierce sa sarili niya.

Mapapansin ang katahimikan hanggang sa lumabas ang doktor nag checheck sa anak nila.

" doc, how is he? May amnesya ba siya? May fracture ba siya sa skull? " usisa agad ng papa ng binatang nasa kritikal na kalagayan.

" just calm down, Mr. Fierce de la Vega because he's in comma. Maayos naman ang skull niya pero hindi pa siya magigising dahil sa natamo niyang injury. He needs more care and pray so that kaagad siyang makakagising as soon as possible. Maiwan ko muna kayo, " paalam ng doktor.

Napahikbi na lamang ang ginang sa tabi ng asawa nito na tila hindi makapaniwala na comatose ang anak nila.

" Bat siya pa? Siya lang nga ang ibinigay sa atin tapos mararatay pa siya diyan? " tangis ng ginang habang nakasubsob ang mukha sa dibdib ng asawa nito.

" stop crying pangit, wag ka ngang umiyak! Ang pangit pa ng pangalan mo tapos iiyak ka pa. Jerimy naman, matapang ang anak natin at dadalaw dito si Jen para gisingin siya. " wika ni Fierce sa asawa niya ba tila inaasar pa.

His Pov's

Ay naku, ito talaga si Carllex sinuway na naman ang utos ko.

Alam niya namang nawawalan siya ng malay kapag nagmamaneho siya pero hindi pa rin nakikinig.

Hayyst, dinagdagan pa ng mama niyang sibuyas.

Ayan, panay ang hikbi ang sarap ibulsa eh.

Ang pangit ni Jerimy kung umiyak.

Panglalaki pa ang pangalan niya kaya ito lagi kong inaasar.

" tumahimik ka na nga pangit, " bulong ko sa kaniya habang nasa bisig ko.

" paano, inaasar mo pa ako. " sabi niya.

" paano hindi kita asarin para kang ewan diyan. " sumbat ko pa sa kaniya.

" palibhasa kasi manhid ka! " palo niya sa akin. Aba, ang pangit kong asawa aanakan ko talaga ito para magkaroon na ng kapated si Carllex.

" damned Jerimy, tumahimik ka kung ayaw mong kagatin kita diyan. " bulong ko sa kaniya habang iniinis siya.

Mas lalo pa siyang lalayo sa akin. Oh diba, ang pangit kong asawa kung magtampo ay parang ang ganda ganda niya para suyuin ko. Syempre, susuyuin ko talaga ito kasi asawa ko at mahal ko. " halika nga dito, " hila ko sa kaniya at niyaya na pumasok sa room ng aming anak.

Hayyst, nakaka down ang nangayare sa uniko eho namin.

Kakambal niya talaga ang disgrasya pero sa awa ng diyos nakaligtas siya.

Kritikal siya ngayon at tanging pagmasdan lang ang magagawa namin.

Nasa praying room sina mama at naroon din sina papa pati ang mga kapatid ko.

" anak, gising kana oh! " sabi ng mama niyang umiiyak na naman. Buti nga at ayaw kong umiyak ngayon kasi nakahanda na ako.

" tigilan mo nga ang kakaiyak mo. " bulong ko uli sa kaniya.

" eh anak natin to eh, " katwiran niya.

" I know kaya dapat maging matatag tayo. " yakap ko sa kaniya at sandaling tinitigan ang anak naming pasaway.

May bigla nalang kakatok sa pintuan. Tumayo na lamang ako at binuksan ang pintuan.

" ikaw pala Ms. Santos tuloy ka! " bungad ko sa dalagang namumugto na ang mga mata. Sabi ko na nga ba mahal niya din ang anak namin pero hindi niya magawang aminin.

" im so sorry po at dahil sa akin ay nariyan siya. " paumanhin niya agad.

" Ms. Santos is not your fault kaya dont be sorry! " tapik ko sa kaniya at pinaupo sa tabi ng asawa ko.

Umupo ako sa may sofa na malayo sa pag uusap nila.

I saw her na parang nakahawak sa tiyan niya.

Teka, binuntis ba siya ni Carllex anak ng pating.

Hindi ko siya tinuruan ng gumalaw ng babae hangga't di sila kasal.

" Ms. Santos, are you pregnant? " ask ko sa kaniya habang papalapit sa kinauupuan niya.

Bigla nalang tumulo ang mga luha niya kasabay ng mahinang hikbi.

Damned, totoo nga! " anak nang pating Carllex, gumising kana diyan dahil sasapakin talaga kita. Hindi ba't sabi ko sayo ay pakasalan mo muna ang isang babae bago mo galawin. " sumbat ko sa anak kong na comatose.

Alam kong naririnig niya ako kaya humanda talaga siya sa akin.

" eha, papakasalan ka ba ng anak ko? Anong usapan niyo? " usisa ng asawa ko sa kaniya.

" hindi ko ho tinanggap ang alok niyang pakasalan ako. Im so sorry po kasi hindi pa ako handa. Narito ho ako para magpaalam sa inyo. Babalik na ako sa Isla para magsimulang muli. " paalam niya sa amin.

Napatutol ako bigla, " Ms. Santos, hindi ka pwedeng magtago o taguan mo ang anak namin. Dont you ever ran away para lang sa sarili mong kapakanan. Habang comatose ang anak namin. I'll be the one to support all the finances na magagastus mo. Tinitiyak kong pananagutan ka ng aming anak even hindi mo gusto. " sabi ko sa kaniya sabay kinuha ang tracker driver.

Pasimple kong idinikit sa damit niya para wala siyang kawala sa amin.

" im so sorry sir pero hindi ko ata matatanggap ang gusto nito. Im not yet ready para sa sinasabi niyo. Mauuna ako sir at malayo ba ang biyahe ko. " paalam niya habang pasimpleng tumitig sa anak namin.

I know gusto niya talaga ang anak namin kaso ang baba ng tingin niya sa sarili niya.

Para siyang si Jerimy dati napakababa ng tingin sa sarili.

" keep safe, Ms. Santos! " pahabol kong sabi sa kaniya.

Umupo na lamang ako sa tabi ni Carllex, " hey son, narinig mo ba yon? Magiging papa ka na. Kaya pakiusap gumising kana diyan at pakasalan mo na siya. " sabi ko sa kaniya habang tumutunog ang life instruments niya.

Maya maya pa'y may biglang gumalaw sa kanan niyang kamay.

" nagkakamalay na siya, " tuwa kong sambit habang nakayakap sa asawa ko.

" narinig niya tayo Fierce kaya lalaban siya. " tugon ni Jerimy sa akin.

His Life is worth it compare sa bilyones na kinikita ko sa bawat araw.

Kaya mas pipilian kong mabuhay siya kaysa sa yaman na tinatamasa namin ngayon.

@YhunaSibuyana