Chereads / One Night Stand - Season 1 / Chapter 28 - (Accepted)

Chapter 28 - (Accepted)

Habang nag uusap ang dalawa sa kubo sa may garden ay masaya namang nagmamasid ang mga magulang nila na nakasilip sa kanila.

" mukhang matutuloy na ang kasalan, balae. " ani Mang Jeno na natuwa sa nakikita.

" tuloy na tuloy talaga balae saka kahit anong mangyare ay papakasalan talaga siya ng anak namin. " wika naman ni sir Fierce na tila nakatitig lang sa anak niyang nagdidiskarte na naman sa dalagang mahal na mahal niya na ngayo'y dalawang buwan ng buntis.

" Fierce, diba't triplets ang pinagbubuntis ni Jen baka mahirapan siya. " pag alala ni ma'am Jerimy sa magiging asawa ng anak niya.

" dont worry my pangit kasi nakahanda na ang lahat para sa panganganak niya. " tugon niya sa asawa.

" mga balae sa loob muna tayo baka makita nila tayo. " ani Mang Jeno.

Sa kubo naman

Nakasandal lang si Jen sa bisig ng binatang si Carllex na hindi sumusuko sa pag ibig niya sa dalaga mas lalo nang nagbunga ang isang gabing pagtatalik nila.

" Jen, napapagod ka na ba? Gusto mo bang imasahe kita mamaya tapos lulutuan kita ng lumpia saka yong paborito mong isaw. " sandali niyang kulong sa dalaga sa mga bisig niya.

" sir, nasa bahay ka namin kaya wag mo nang gawin yon. " tugon ni Jen habang nakatitig sa malayo.

Mapapansin naman ito ng binata at titigan ang mahal niyang pangit.

Hahawakan sa pisngi ang dalaga, " ano na naman ba ang iniisip mo? Andito na ako oh saka hindi mo pa ako nababayaran sa utang mo kanina. Ang sakit kaya ng tadyak mo. " ani Carllex na tila naniningil sa pautang niya.

Iwawaksi na lamang ang mga kamay niya ni Jen at iiwanan ito sa kubo.

Hahabulin naman siya nito, " my pangit baka matisod ka buntis ka pa naman. " paalala nito habang humahabol.

Hindi na lamang siya papansin ni Jen at patuloy lang ito sa paglalakad papaakyat ng hagdan.

Sasalubungin na lamang sila ng mama at papa nila.

" oh, anong nangyare doon? Bat maasim ang mukha ni Jen? " usisa ni Mang Jeno sa binata.

" ayon nga po nagalit na naman sa akin si Jen. " ani Carllex na napaupo sa silya.

" ganun talaga naglilihi eh, " tugon ng mama Jerimy niya habang naghuhugas ng mga gulay.

" suyuin mo siya at nagtatampo lang yon. Para kasi kayong si mama at papa dati. " ani sir Fierce na pinaghahambing ang mama Mia at papa Carlos niya sa kanilang dalawa.

Magkahawig kasi ang nangyare sa dalawa kaya madalas sabihin na ng señora Mia na ang apo na si Carllex ang nagmana ng ugali ng asawa niya.

" Jen, papasok ako ha! " paalam ni Carllex sa pintuan ng kwarto ng dalaga. Sisilip muna ito saglit at saka papasok.

Bubungad na lamang sa kaniya ang lumilipad na unan mula sa asawang hindi maipinta ang mukha. " Jen naman napaka sungit mo talaga sa akin. " pulot ng mga unan at ibinalik sa kama.

" lumabas ka nga, " utos nito sa binata.

" nagtatampo ka na naman eh. Ma'am Jen, " tawag niya sa dalaga na tila tinawag niya sa pormal nitong profession.

Mangingiti na lamang si ma'am Jen na tila iniisip na nahihibang na naman si sir Carllex.

" ay, ang cute ng pangit ko. Wag ka nang sumimangot diyan kasi yong baby natin ay baka pumangit na rin. " ngisi niyang suyo sa mahal niyang pangit na ngumingiti na.

" sir naman doon ka na nga, " higa nito sa kama na sinabayan ng sir Carllex niya at nakipag eye to eye ito sa kaniya.

Iiwas na lamang si Jen sa mga sandaling iyon at magtatago sa unan na tila kinikilig sa titig ng sir Carllex niya. " sus, ang pangit mo talaga kapag kinikilig ka. " lapit nang mukha ng binata na ikina atras ni Jen.

" oh, wag kang aatras baka mahulog ka buntis ka pa naman. " harang agad nito ng mga bisig niya para hindi na umatras ang dalaga.

" dumidikit ka kasi sa akin malay ko ba kung may gagawin ka namang iba diyan. Ang bilis kasi ng kamay mo. " ani Jen na tila alam na alam ang galawan ni sir Carllex niya.

Ngingisi na lamang si Carrlex at magdadamoves na naman ang mga kamay niya at ano ano ang hinahawakan nito. " ano ba, " palo niya sa kamay ng binata na nakahawak na sa kamay niya.

Tatawa na lamang si Carllex, " ang sungit mo talaga hindi ka naman inaano diyan. Im so worried kasi baka ano pa gawin mo. Patay ako kay papa eh, " pag aalala ni Carllex sa kaniya.

" hindi naman kasi ako tatakbo bat ba kasi ang O. A mo. " ani Jen na tila masungit na sa mga sandaling iyon.

Lalambingin naman siya ni Carllex at ibabaling ang titig sa tiyan ng dalaga.

Lalapitan at hahawakan ang tiyan nito saka hahagkan.

" hi mga baby at mahal na mahal namin kayo ng mama niyo. " haplos niya sa tiyan ng dalaga.

" di sila magrereply sayo kaya lumabas ka muna at umaasim na naman ang mukha ko. " ani Jen na tila gustong kumain ng maasim.

" sige pero ipaghahanda kita ng meryenda. " ani Carllex na palabas ng kwarto.

His Pov's

My pangit na laging masungit kaya ito gagawan ko ng sandwich.

Laging nangangasim mukha niya sa akin ewan ko ba siguro dahil sa dalandan na laging kinakain niya.

" pa, dala niyo ho ba yong ano ko.... " sandali kong kamot na nakalimutan ko na naman kung ano yong sasabihin.

Titig na lamang si papa sa akin. Diba, ang sama ng titig niya. Wala kasi akong ginawa kundi sumuway sa utos niya. " tanungin mo mama mo baka maalala mo yong dapat mong sabihin." turo ni papa sa akin kay mama na abala kay papa Jeno na nasa kusina.

Tatawanan ko na lamang si papa baka kasi nag away na naman sila ni mama kaya ganiyan siya. " pa, nag away ba kayo ni mama? " usisa ko sa kaniya sabay pang asar kay papa.

" doon ka na nga, magsama kayo ng mama mo. " sabi ni papa ng ganun sabay walk out.

Napatawa na lamang ako kay papa.

" ma, anong nangyare kay papa bat ganun yon? " usisa ko ng makarating sa kusina. Abala kasi sila ni papa Jeno sa mga gulay na bagong pitas.

" baka nagseselos, " lokong tugon ni mama sa akin habang nagtawanan sila ni papa Jeno.

" pansin ko nga, " ngisi ko rin.

Maririnig namin ang mga yabag na papaakyat ng hagdan. Mukhang si papa iyon at mukhang nagtatampo si papa kasi di siya pinapansin ni mama dahil abala ito.

Gagawa na lamang ako ng sandwich para kay Jen para pagbaba niya ay may kainin siya.

Si mama naman ay enjoy sa pagharap sa mga gulay at di niya pinapansin si papa kaya ayon masungit.

" papa Jeno, balak ko sang pakasalan muna siya sa munisipyo bago siya manganak para maayos yong pangalan ng mga anak namin. " paalam ko rito.

" sige, teka alam ba ito ni Jen? " usisa niya.

" surprise ho sana, " ani ko.

Sana naman pumayag si Jen para maayos na ang lahat.

Hindi ko kasi mahulaan ang takbo ng isip niya.

" maiwan ko muna kayo at pupuntahan ko muna siya sa taas. " paalam ko.

Pagdating ko sa kwarto ni Jen ay kumatok muna ako.

" papasok ako, " paalam ko sa kaniya baka batuhin na naman ako ng unan eh mahirap na.

Naabutan ko siyang may binabasa, " Jen, pakasal tayo sa susunod na linggo sa munisipyo muna saka sa simbahan kapag nakapag panganak kana. " sabi ko sa kaniya na hindi niya ikina imik.

" sige, " tugon niya sabay tiklop ng binabasa niya. Totoo ba iyong narinig ko?

" Jen, hindi ka ba nagbibiro? " usisa ko sa kaniya na hindi makapaniwala sa sinabi niya.

" oo nga kasi, bawiin ko talaga yon. " tampo niya ng bahagya.

" yes, thank you my pangit! " yakap ko sa kaniya at hinagkan sa noo.

" saan na iyong sandwich na sinasabi mo. Na mis ko kaya yon. " sabi niya na parang siyang si Jen na nasa bording house pa.

" tara, nasa kusina! Dahan dahan lang ha baka madulas ka! " alalay ko sa kaniya. Ngayon ko lang kasi siya nahawakan ng ganito.

Kaya heto bumabawi ako para sa pangit kong napaka pangit. Pero mahal na mahal ko yan kahit ganiyan. " Jen, hindi ka na ba galit sa akin? " usisa ko habang pababa kami ng hagdan.

" bat naman ako magagalit? Sir, di naman ako madadapa at kaya ko naman ang sarili ko." sabi niya sa akin na tila ayaw niyang nag aalala sa kaniya.

Hinawakan ko na lamang siya sa balikat at pasimpleng nagnakaw ng halik sa pisngi.

" sir talaga, " palo niya sa akin.

" pangit ka talaga, " ganti kong asar sa kaniya.

Ang saya ko ngayon dahil pumayag na siyang magpakasal muna kami sa munisipyo bago sa simbahan. Sana tuloy tuloy na ito Jen. Ayokong isipin ng iba na tinakbuhan ko ang responsibilidad ko sayo dahil walang wala ka compare sa amin. Walang ganun Jen dahil mahal kita kahit sino ka at tanggap kita kahit noon pa. Marami akong natutunan dahil sayo at dahil din sayo nailigtas ang buhay ko. " I love you, Jen. " bulong ko sa kaniya na ikinalingon niya. Sana magresponse siya kahit ano wag lang ' I hate you'.

Napatitig na lamang siya sa akin na tila may gustong sabihin mula sa mga mata niya.

Ano ba yan hindi naman ako manghuhula na titig lang itutugon niya.

@YhunaSibuyana.