Chereads / One Night Stand - Season 1 / Chapter 29 - (Tsismoso't Tsismosa)

Chapter 29 - (Tsismoso't Tsismosa)

Nagkatitigan lang ang dalawa habang nasa sofa ang dalawa.

Hindi ininilihis ang mga titig niya sa dalaga, " may dumi ba ako sa mukha? " usisa ni Jen sa kaniya na kanina pa nagtataka sa mga titig ng sir Carllex niya.

Ngingiti na lamang ito at aakbayan ang dalaga sabay, " pangit ka kasi, " bulong nitong asar sa kaniya. Makakatikim na lamang siya ng palo sa asawa sa may hita nito sabay walk out ni Jen.

" I love you pangit ko! " pahabol nitong asar sa dalagang papakasalan na siya sa huwes.

" pangit mo mukha mo, " sabat nito sa kaniya sa may kusina.

Ngingisi ngisi na lamang si Carrlex at sisilip sa kusina.

Titigan nito ang mahal niyang pangit na nakaharap na naman sa mga prutas.

" bat walang dalandan, " dabog nito nang makitang wala ang paborito niya.

" kasi nga naubos muna kanina, " tugong lapit ni Carllex sa kaniya. Pasimple niyang kinuha ang inihanda nitong sandwich para sa kaniya.

Her Pov's

Andito ako nakaupo sa silya habang padabog dabog kasi wala nang dalandan sa basket.

Hindi ko namalayan na naubos ko na pala. Ang sarap mangtadyak eh. Yon pa naman ang gusto ko at ayoko ng mansanas o di kaya'y ibang prutas. Dalandan lang talaga.

Ayan naman si sir Carllex may kinukuha sa kabinet. Saan na ba kasi yong sinasabi niyang ginawan niya ako ng sandwich? Nagugutom na ako eh.

" ito na pangit mukha kasing takam na takam kana. " harap niya habang hawak ang isang plate na sandwich.

Wow, react ko sa isipan ng makita ang naka overloaded na sandwich na puro gulay. May repolyo na half cook, pipino, may egg na scramble at mayonaise na parang ang sarap. Ang juicy nito at natatakam na ako. " para lang ba sa akin iyan, sir? " ask ko sa kaniya na ikinangiti lang niya. Diba, parang naka shabu lang siya ang lakas kasi ng tama niya.

Kukuha na lamang siya ng kutsilyo at parang hihiwain niya para di ako mahirapan sa pagkain. Ang swerte talaga ng magiging mga anak ko at may papa silang napaka alaga at sobrang pogi. Sana all talaga, " Jen, " tawag niya sa kabilang banda habang nakatalikod at mukhang may ginagawa na kung ano.

Ano kaya ang ginagawa niya? " ho sir? " galang kong sagot na parang dating gawi sa bording house ko non. " wag ka nang mag ho sa akin ma'am Jen dahil di naman kita employee. " tugon niya. Yan din ang tugon niya sa akin nong nasa bording house kami. Hindi ako makapaniwala na papakasalan ko sa susunod na linggo. Sa isip ko kasi ay hindi pa rin ako handa at wala sa plano ko magpakasal.

Isusubsob ko na lamang ang mukha ko sa mesa at napaisip. Ano kaya ang mangyayare kapag kinasal ako sa kaniya? Saan kaya kami titira pagtapos ng kasal? Magbabago kaya ang pagtingin niya sa akin? Ang dami kong tanong sa isipan kung magbabago ba ang ugali niya sa araw na ikinasal kami sa huwes. " anong iniisip mo, Jen? " sabi ni sir at inilapag ang isang baso ng mango shakes.

Nagulat na lamang ako dahil nagawa pa niya akong gawan nito. Sana ganun din siya pag kinasal kami, " iniisip mo ba iyong kasal natin sa huwes? " sabi pa niya at umupo sa gilid ko sabay hinawakan ang palad ko. Ang lambot ng mga kamay niya na parang walang trabaho.

Napayuko na lamang ako, " wag mo nang alalahanin yon kasi naayos na namin yon. Jen, pagkatapos ng kasal natin sa huwes ay magbabago na ang pag aalaga ako sayo. Magiging caring na ako sayo at sinisigurado kong hindi kita sasaktan. But strict ako Jen kaya be ready!" paalala na niya agad.

Mapapaisip na lamang ako, " suplada din naman ako ah, " sambit ko ng ganun sabay titig sa sandwich na hiniwa niya kanina. Kanina pa kasi ako natatakam. Tatawa na lamang siya sabay inis na naman sa akin. Si sir talaga eh parang ewan.

" kain kana, my pangitttttttt! " asar na naman niya sa akin. Ako lang ba kakain nito? Paano naman siya? " hati tayo, sir. " sabi ko sa kaniya. Pero titig na naman ang response niya. Ano ba kasi ang tinititigan niya sa pangit kong mukha. Itong lalaking ito wala nang ginawa kundi titigan ako.

" alam mo Jen ang pangit mo pero ewan ko kung bakit mahal pa rin kita. " ngisi niyang sabi sabay kuha ng isang hiwa. " ahh, " subo niya sa akin. Dahan dahan kong tinanggap at nginuya. Hmm, ang sarap niya saka lasang lasa ko yong gulay. Tama lang yong lasa niya.

" sir, hindi ba kayo kakain baka nagugutom na rin kayo. " sabi ko s kaniya habang ngumunguya. " Jen, wag kang magsasalita kapag may laman niyang bibig mo. " strict niyang sabi. Tama nga siya strikto siya pagdating sa akin. Nilapitan niya ako at napagawi siya sa likod ko. Hindi ko namalayan na nakabuhughag pala ang buhok ko.

Nabigla na lamang ako ng itinali niya ang buhok ko. Hala, ang lupit ni sir sa ginawa niya.

" Jen, ito tandaan mo hindi ako suplado. Pero strict, oo! " bulong niya sa akin at sabay pahid ng dumi ko sa bibig.

Naninibago na ako sa mga gawi ni sir Carllex kaya dapat akong masanay kasi ganun siya.

" saluhan mo kaya ako, " tampo kong sabi sa kaniya na ikinangiti niya lang. Ayan na naman siya laging ngumingisi. " sige, baka kasi magtampo ang pangit na ito. " tayo niya at kumuha ng sandwich sabay yakap sa leeg ko na tila kumakain siya.

Ano ba yan hindi ko tuloy makita kung paano siya kumain pero parang tahimik ata siya.

" sir, ayos lang ba kayo? " sandali kong baling sa kaniya nang magkasalungat ang aming mga mata. Parang kong anong may kuryenteng dumudugtong sa aming mga mata sa mga sandaling iyon. Hindi ko mailigaw ang aking mga titig ba kung ano'y may pumipigil rito.

Hindi ko namalayan ang paghawak niya sa mga kamay ko at may kung anong isinuot.

" you're my ma'am, Mrs. Jennalyn Celine Rygosa Santos y De la Vega. " sambit niya ng bou kong pangalan kasama ang apelyido niya.

" si - sir! " gulat kong sambit ng makita ang napakagandang singsing na may makinang na diyamante. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon.

Napahalik siya sa kamay ko at sumulyap ng titig sa akin. Ano ba gagawin ko? Sisigaw ba ako dahil sinuotan niya ako ng singsing? O yayakapin siya?

" gustong gusto ko talaga ang reaksiyon mong yan, Jen. Wag mong wawalain yan ha saka mahal yan. Kapag nilait ka nila dahil pinakasalan kita dont mind them because I see your beautiful inner you, Jen. And I don't regret it. " matamis niyang ngiti sa akin.

Arghhh, para akong matunaw sa sinabi niya. Ngayon ko lang naramdaman ang pakiramdaman na ito. " sus, kinikilig ka na naman diyan. Kain ka na nga at maglalakad tayo. " sabi niya sa akin. Kinuha na lamang niya ang hiwa ng sandwich at sinubo sa akin.

Ang swerte ko talaga sa kaniya kahit na hindi maintindihan ugali ko ay tinanggap niya pa rin ako. Ang pogi ni sir eh saka pa fall talaga siya kahit anong gawin niya ay nakaka inlove siya.

Makalipas ang ilang minuto.

Pinagpahinga niya muna ako habang siya may hawak na nail cutter at guess what kung anong ginagawa niya. Ayan oh, nasa paanan ko nakahawak sa paa ko at kina cutter niya kuko ko sa paa. Ayan pa, seryoso talaga siya sa ginagawa niya. Nakakahiya nga kasi kalalaki niyang tao at yan pa ang ginagawa niya. Ay naku Jen, nakakahiya ka talaga.

Mababaling naman ang titig niya sa akin at ngingisi.

" oh, gulat ka no? Hayaan mo na ako Jen dahil di ako sanay kapag walang ginagawa. " katwiran niya sa akin.

" sir, nakakahiya kasi saka señorito kaya kayo. " sabi ko sa kaniya.

" señorito nga ako pero di ibig sabihin non ay hindi ko ito pwedeng gawin sayo. You're now my wife kaya masanay kana. " lapag niya ng dahan dahan ng paa ko na tila tapos na siya. May kukunin siyang gamit na pang linis.

Hala, lilinisan pa niya ito! Oh my Jen, nakakahiya talaga ang ginagawa niya. Mukhang enjoy siya sa ginagawa niya. Si sir Carllex talaga oh! Hayaan mo nalang Jen saka trip niya eh.

After niya akong nilinisan ng kuko sa papa ay tumayo na siya at naghugas ng kamay.

Nakakahiya kasi ilang linggo ko nang hindi nalilinisan yon kasi nga hindi ako makayuko dahil malaki na itong tiyan ko. " Jen, heto oh may binili akong jacket na hindi masyadong mainit kaya suotin muna ito dahil malamig na ang hangin sa paligid. Malapit na pala ang ber months at ito ang unang pasko ko na makakasama kita. " sandali niyang suot sa akin kasabay ng malambing na yakap.

Hay, ang sarap ng yakap niya sa akin at hindi ko magawang bumitaw.

" sus, gusto mo lang na yakapin kita. " puna niya sa akin. Panira talaga siya ng moment at lagi niya akong iniinis. Paglabas nitong mga baby namin ganun ito palatampo kasi panay ang asar niya sa akin.

" ano na naman ang iniisip mo? " pasimple niyang tanong na tila hinuhulaan na naman laman ng isip ko. " wala naman saka tinatamad na akong lumabas ng bahay baka pag tsismisan na naman ako nila. " sabi ko ng ganun. Ang dami kasing tsismosa rito at ako ang topic nila. Mukhang pera daw ako at kahit masakit at pinapalabas ko nalang sa labas ng tenga ko ang mga naririnig ko.

Bigla nalang nag iba ang awra ng mga mata niya na tila napalitan na ito ng galit.

" Then, tuturuan ko sila ng leksiyon. " sabi niya habang nakataas ang mga kilay at hinawakan ang aking mga kamay. Ano kaya ang gagawin niya? Nakakatakot siya kung magalit. Sana di ko nalang sinabi eh. Ang daldal ko kasi ayan tuloy nagalit siya.

Andito na kami sa labas habang naglalakad. Napapansin kong tahimik siya habang hawak ang kamay ko. Hindi siya umiimik na parang nakikiramdam sa mga taong nasa paligid ng kalye. Marami kasing tambay ngayon at trip nilang magtsismis kahit nasa harapan nila ang pinag uusapan nila.

Napahinto na lamang kami ng biglang may narinig siya na ikinalingon niya. Ay hala, war na ito at mukhang ayaw niya magpaawat. " wag kang mangialam Jen dahil tuturuan ko sila ng leksiyon. " saad niyang bulong sa akin na tila may gagawin siyang hindi maganda.

Sumilong kami sa isang tindahan na may nagsusugal at may nagtatawanan. Sila yong grupo ng mga tsismosa dito sa aming bayan. Kaya lahat ng mga nangyayare ay alam nila pero masakit roon ay iniiba nila ang pangyayari at ginagawang katatawanan.

" excuse mga ale, " sabi ni sir Carllex habang mahinahon ang sambit niya. Magtatawanan na lamang ang mga ito. Mukhang iniinsulto pa nila ang si sir Carllex.

" Jen, yan na ba ang anak pinunta mo sa San Veneracion? Kaya pala nagpabuntis ka dahil mayaman. " halakhakan nila.

Para akong makahiya na tumiklop na lamang bigla sa harap nilang lahat. Kahit na hawak na mahigpit ni sir Carllex ang kamay ko ay hindi ko magawang lumaban. Ayokong makipagbangayan dahil buntis ako. " say it, again! " sambit niya sa harapan ng mga ito na kahit nakayuko ako ay alam kong nagsisitaasan na ang mga kilay niya na puno ng galit at pagtitimpi.

" wag mo kaming angasan dahil anak mayaman ka. " sabat ni Mang Kell, siya yong asawa ng ginang na sumagot kanina. Bigla nalang itinago ako ni sir Carllex sa likod niya na tila may gagawin siyang kakaiba.

" How dare you! Paano mo natitiis na sabihin yan? Im sure ama ka pero you dont even know na walang matutunan ang mga anak mo sa bulok mong ugali. Anong tingin niyo sa sarili niyo? Malilinis? O come on! Mga bulok ang pagkatao niyo at naninira kayo ng puri. Mga pala munin ng lipunan at walang ginawa kundi magsugal at magtsismis dito. Ano kaya ang magiging kapalaran ng mga anak ninyo? O baka naman tuturuan niyo silang magsugal at manira ng dignidad ng mga tao? " sermon niya sa mga ito ng biglang nagsitahimikan. Nararamdaman kong nagtitimpi na siya sa galit ngayon.

Napahigpit na lamang ang hawak ko sa kamay niya na tila gusto ko nang umalis na kami pero hindi niya ito pinakinggan. " alam niyo ba kung sino itong babae na nasa likuran ko? Well, hindi niyo alam kasi wala kayong ginawa kundi ang manira ng buhay. Makinig kayong lahat si Jen ang nagligtas sa buhay ko sa San Veneracion at pinatunayan niya na hindi lahat ng kagaya niyo ay bulok ang pagkatao. At wag na wag kong maririnig na nagpabuntis siya dahil mayaman ako. Dahil ang togo ay may marriage certificate kami bago ko siya nabuntis. Heto ang kopya at basahin yong maigi. " bato niya sa mukha ng lahat ng naroon na tila walang masabi sa mga tinuran niya.

Napalabas na lamang ako sa likuran niya at pumulot ng isang kopya. Napahikbi na lamang ako na tila nagtatanong sa mga mata niya kung bakit ngayon lang niya sinabi na iyong kontrata ay paper marriage pala. " sa mga naririto at sumira sa puri ng asawa ko. Well, magkita nalang tayo sa korte. " taas niya ng mga kamay niya nang biglang may dumating na mga pulis.

Napatigil na lamang ako at takang taka sa nangyare. Ganiyan pala siya magalit at walang pinalampas kahit nagmamakaawa pa mga ito sa kaniya. Alam ko na kung bakit lubos na ginagalang at hinahangaan ang pamilyang pinagmulan niya.

Nilapitan niya ako at biglang niyakap, " as long as andito ako walang dapat na manira sa puri mo, sweetheart. Pagbabayarin ko ang sinumang sumakit sa damdamin mo. " sabay hawi niya sa buhok ko at hinagkan ako sa noo. Tumulo na lamang ang luha ko sa sandaling iyon.

@YhunaSibuyana.