Chereads / One Night Stand - Season 1 / Chapter 25 - ( I'm here by your side)

Chapter 25 - ( I'm here by your side)

Sasakay na ng barko ang dalaga pauwi sa Islang kinalakihan niya.

Lulan siya ng barkong Super Ferry na dumaan ng Sibuyana Island.

Ang isla kung saan siya lumaki at nagkaisip. Babalik na siya kasama ang papa Jeno niya at dala ang diplomang nais makuha ng mga taga isla ngunit sa kahirapan at hindi magawang matupad.

Nasa folding bed ang dalaga habang nakahawak sa sinapupunan niya.

Gusto man niyang mamalagi sa tabi ni sir Carllex ay hindi niya magawa dahil talo ang puso niya.

Laging isip niya ang nanaig sa lahat ng desesyon niyang binibitawan.

" sorry anak, wala talaga akong kwentang mama kasi iniwan ko siyang nakaratay sa kamang hindi dapat paghigaan niya. Patawarin niyo si mama ha dahil duwag siya at mataas ang pride." paumanhin ni Jen sa buhay na nasa sinapupunan niya habang tumutulo ang mga luha sa mga mata.

Lalapitan naman siya ng papa niya at papayuhan, " anak, kung andito lang ang mama mo ay hindi ka niya hahayaang tumakbo papalayo sa ama ng dinadala mo. " wika niya rito at sandaling yayakapin ang anak.

Her Pov's

Im so sorry Carllex at hindi ko magawa ang gusto mo.

Sana manaig ang puso ko at hindi pa huli ang lahat.

Wala ka namang ginawa kundi ang maging masaya ako.

Pero ano itong ginawa ko? Tinakbuhan kita habang nakaratay ka!

Walang kapatawaran ang ginawa ko kaya tama lang na hindi mo ako patawarin.

" kumain kana anak at bawal sayo ang malipasan ng gutom. " paalala ni papa. Iniabot na lamang ni papa ang isang supot.

Kinuha ko na lamang ito at binuksan, " sandwich? " pagtataka kong sambit habang nakangisi lang si papa. Teka, ito yong laging ginagawa niya kapag nasa bording house kami.

Ilalabas pa ni papa ang isang supot na nakalagay na isang platic box na taper ware. Bubuksan ito ni papa, " wow, ginawa niyo ba yan? " mangha kong sabi habang natakam sa leafy vegetable na nakasalansan at makulay dahil sa ibat ibang vegetable na inarange nito.

" ginawa yan para sayo ni sir Carllex kasi nga alam niyang may laman na yang tiyan mo. Bago siya umalis ay ginawan ka muna niya ng maraming ganiyan. " sabi ni papa na ikinahikbi ko.

Si sir talaga ang daming alam.

Hindi ko naman kailangan ng ganito eh saka ayos naman ako.

All this things na pinagtabuyan ko siya pero he never think na susuko siya.

Sir, nakokonsensya na ako! I hope na makabawi sa lahat ng pinapakita mong kabutihan.

Not now but soon!

" pa, may binilin ba siyang note o sulat? " usisa ko kay papa na alam kong nag usap sila ni sir pagkatapos nong graduation ko.

" mayroon nasa bag mo saka sinikreto lang niyang ibinigay baka daw magalit ka. " sabi ni papa sa akin na tila alam niyang magagalit nga ako.

Sumubo na lamang ako at kumain ng tahimik. Ano kaya ang iniisip ni sir Carllex ngayon?

Alam kong gala ang kaluluwa niya kaya bated kong nasa paligid lang siya.

" anak, wag kang kakain ng tumutulo ang mga luha dahil masama yan. Yong baby na nasa tiyan mo ay umiiyak rin kaya tumahan kana. " lapit ni papa sa akin.

Hindi ko alam kung bakit ganito ako kalungkot ngayon.

Kasalanan ko ang lahat kung bakit ako ganito.

Hindi na ako nahiya sa sarili ko na tinakbuhan ang lalaking mahal na mahal ko.

Bat ko nga ba nagawa ang bagay na iyon?

Jen, mag isip ka naman oh! Hindi yong uuwi ka nalang basta basta sa inyo tapos siya iiwan mong nakaratay.

Wala kang kwenta Jen kaya mabuti pang manahimik ka.

Someone Pov's

I was staring sa pangit na babaeng ito.

Ayan siya humihikbi habang kumakain.

Ano ba yan, bat ang pangit niya pa rin kahit dinadala na niya ang anak namin.

Well, kung nakikita niya lang sana ako ngayon kanina ko pa siya inasar.

" hoy Jen, kapag di mo inalagaan yang sarili mo sisingilin talaga kita paggising ko. " sumbat ko sa kaniya na hindi naman niya maririnig.

" im so sorry sir kasi duwag talaga ako. " paumanhin na naman niya sa akin.

Dapat hindi ako na comatose eh para nasumbatan ko itong babae na ito ang hirap pakisamahan. " Jen, wag ka nang malungkot diyan mumultuhin talaga kitang pangit ka. " sumbat ko sa kaniya. Mumultuhin ko talaga ito kapag ako nainis sa kaniya.

Aha, pasimple kong umupo sa tabi niya habang umiiyak siya.

I hug her tightly kahit di niya mararamdaman. I wish na sana maging malambot na ang puso mo Jen. " I love you pangit kaya stop crying na! " hawi ko sa buhok niya na halata namang hindi ko magawa dahil isa lang akong galang kaluluwa ngayon na naglalakwatsa para sundan itong pangit kong Jen nq hindi man lang magawang aminin na mahal niya ako.

Tskk, tatakutin ko talaga ito para tumili na naman.

Jen, wag kang ano diyan tatakutin talaga kita.

" sir, hindi ko pala kaya! " hikbi pa niya habang napatago sa isang bagahi at umiyak na lamang.

Totoo nga Carllex, hindi niya kayang lumayo na wala ka sa tabi niya.

Mahal niya ako pero huli na Jen at nasa kalagitnaan na tayo ng dagat.

Wag kang mag alala Jen dahil babantayan kita.

" andito lang ako Jen. Pag gising ko ay agad kitang pupuntahan para hingiin muli ang mga kamay mo. " bulong ko sa kaniya sabay halik sa noo niya.

Andito lang ako Jen at kahit ipagtabuyan mo pa nararamdaman mo para sa akin ay hindi pa rin ako susuko.

Simula sa araw na ito ay lagi mo na akong makakasama.

Sa pagtulog, pagkain at sa lungkot na nararamdaman mo.

" Jen, kaya mo yan at support kita kahit pangit ka! " bulong ko pa sa kaniya na sana naman ay marinig niya.

Her Pov's

Sir, ayokong isilanga ang anak ko ng walang papa.

Ayokong umiiyak sila ng umiyak ng hindi nasisilayan ang mukha ng papa nila.

Sir Carllex pagdating ko sa bahay sana maalala kita sa lahat ng anggulo.

Sana maging kamukha mo yong magiging baby natin.

" baby, gusto mo bang makilala ang papa mo. Dont worry, alam mo ba na napakabait ng papa mo at napaka caring kaso tanga ang mama mo. Pinili niyang lumayo para sa sarili niyang kapakanan habang nakaratay ang papa mo sa hospital bed. " sambit ko pa at bahagyang napahiga sa kamang kinauupuan ko.

Alam kong naririto siya at nararamdaman ko siya.

Nandito lang si sir Carllex at hindi niyo ako pababayaan.

Kahit ipagtabuyan ko pa siya sa malayo ay babalik pa din niya.

Babalik para patunayan ang pag ibig niya sa akin.

Noon ay inisip kong ang mayaman ay para lamang sa mayaman.

Ngayon ay nagbago na dahil sa kaniya.

Habang siya'y nakahiga sa kama ay nasa tabi naman niya ang kaluluwa ng binatang sumama sa kaniya. " Jen, nababasa ko lahat ng nasa isip mo. Magpahinga ka Jen at babantayan kita. " halik niya sa noo ng dalagang pinagdadalangtao ang anak nila. Kasabay ng pagtulo ng luha sa mga pisngi niya ang hikbi ng nalulungkot na dalaga.

@YhunaSibuyana.