Matapos magbigay ng speech si sir Carllex de la Vega ay agad namang nagsitayuan ang lahat ng mga mag aaral para sa kanilang pinning of ribbons.
Hindi na lamang nasaksihan ng binata kung gaano kasaya ang dalaga sa pag akyat nito sa entablado.
Wala siya roon para pormal na palakpakan ang dalaga ay nag iwan naman siya ng camera man para kunan ng litrato ang dalaga.
Fast Forward....
Makikitang nasa upuan na ang dalaga at parang umasim ang mukha nito.
Hindi niya alam kung bakit pero nanatili siyang tahimik sa kinauupuan niya.
Suot na niya ang mga medalyang katas ng pagpupursige ng dalaga at tiyaga nito sa pag aaral.
Her Pov's
Para akong duduwal nalang bigla na hindi ko alam kaya napatayo na ako.
Tatawagin ko na lamang si papa sa kinatatayuan niya.
" pa, uwi na ho tayo saka pagod na ako. " palusot ko kay papa at tumayo na sa aking kinauupuan. Dali dali kong kinuha ang aking bag at naglakad.
Papalabas na kami ng hallway ng salubungin kami ng mga ginoong katulad kanina.
Pinadala na naman ba sila ni sir Carllex? Nahihibang na nga ang lalaking yon.
" excuse me, pinahahated ho kayo ni sir Carllex sa amin. " sabi niya at naunang lumakad.
" pa, baliw na yong sir Carllex! " sabi ko kay papa na tila naiinis sa kaniya.
" Jen, wag mo nang pag inisan siya kasi mabait naman yon. " pagtatanggol ni papa sa kaniya.
Ano kaya ang pinakain niya kay papa at nag iba ang pananaw nito?
Hmm, sasapakin ko talaga kapag ako nainis! Humanda talaga siya kapag nagkaharap uli kami.
" alam mo Jen wala nang mas mababait pa kay sir Carllex kaya dapat mag isip kang mabuti. " paalala na naman ni papa. Pati siya botong boto doon sa lalaking yon.
Basta, ayoko talagang sagutin siya kahit nakuha na niya pagkababae ko.
Mananatili pa din akong manhid sa ngayon. May gusto pa kasi akong makita at mahanap na katangian sa isang lalaki. Sana naman mayroon siya non para masagot ko siya. Sana hindi pa huli ang lahat para makita ko ang anumang hinahanap ko.
Nakarating na kami sa kotse, papasok ako uli ng dahan dahan ng bumungad sa akin ang mukha ng lalaking lagi kong kinaiinisan. Andito pa pala siya pero bat nga ba hinintay niya kami? Argh, nakakahiya natutulog na pala siya at mukhang stress na stress. " hayyst, " sambit niya habang minumulat ang mga mata niya at iniinat ang katawan niya. Ayyt, ang pogi ni sir eh ang sarap ibulsa kaso mukhang di ata siya kasya sa bulsa ko. Ay loko ka talaga Jen.
Mapapatitig na lamang siya sa akin sabay ngingisi.
" sana all cumlaude! Mukhang maghahanda talaga si Mang Jeno para sa anak niyang matalino. " padinig niya habang inaayos ang porma niya. Sus, papogi pa itong si sir eh.
" sir Carllex, mukhang pagod na ata kayo? Pwede naman kayo sa bahay magpalipas ng pagod niyo. Hindi ba, anak? " pa sang ayon ni papa.
Hala, si papa nahibang na rin. Grabi, mukhang pinag iisahan ata ako ng mga ito.
" wala na hong espasyo sa bahay saka iisa lang ang kama. " saad kong sabi na tila ayokong makita ang pagmumukha niya sa bording house ko.
" sir Carllex sa bahay kana mananghalian saka magluluto ako ng paborito nitong anak ko. At alam mo ba kung anong gusto niyang kainin at laging hinahanap sa hapag? " pa usisa ni papa sa kaniya. Ayan si sir, mukhang interesado sa pinagsasabi ni papa sa kaniya.
Ay naku, mahirap talagang maging babae eh. Dapat talaga naging lalaki nalang ako.
" ano ho, Mang Jeno? " usisa niya rin na tila panay ang pang aakit sa akin ng mga titig niya. Uy, hindi mo ako mapapahulog sa tingin tingin na yan no!
" paborito ng anak ko yong gulay lalo na kapag leafy. Magwawala talaga siya kapag inubusan mo siya. Diba, Jen? " pa sang ayon ni papa sa akin na ikinangisi ni sir.
Tskk, ako na naman ang napagkaisahan ng mga ito, " pa, ang daldal niyo talaga, " inis kong sabi sabay simangot. Argh, ang sarap mag walk out ngayon.
Matapos ang maikling biyahe ay agad akong lumabas sa kotse. Aba, ang lapit lapit ng bording house ko tapos ihahated niya pa kami? Mukhang pa VIP ka Jen at ayaw kang lubayan ng lalaking ito. Basta, iniwan ko sila sa loob ng koste. Nag walk out nga ako na walang bukang bibig kundi bweset na bweset sa kaniya.
Pagpasok ko sa bahay ay agad akong nagbihis at natulog. Pinatuloy kasi ni papa yong Carllex na yan sa bording house ko. Akala ba niya sasagutin ko siya? Pwes, nagkakamali siya. Makitulog na nga lang at ayokong makita pagmumukha ni sir Carllex ngayon.
After an hour
Makiktang nasa kusina ang dalawang ginoo na nagpre - prepare ng tanghalain. Mapapansing tila nag uusap ang dalawa at ang dalaga ang pinag uusapan nila.
" alam mo sir Carllex masungit yang dalaga ko kapag mahal niya ang isang tao. Minsan nga nong may nanligaw sa kaniya ang bait bait niya roon pero binasted niya kasi nga may hinahanap siya sa isang lalaki na hindi ko rin maintindihan kung ano. " sabi ni Mang Jeno sa binatang kausap nito.
Mapapaisip na lamang si Carllex at sandaling ngingiti, " alam niyo Mang Jeno, si Jen ay mabait rin sa akin dati pero ngayon parang tigre na. Ang tatalas ng pangil. " sabi nang binata at palihim na tumawa.
Mahihinto na lamang sila ng may kumalabog sa pintuan ng kwarto ng dalaga.
Kaya dali dali itong tinungo ng dalawa.
Kumaripas na lamang ng takbo si Carllex ng makitang si Jen ay nakahandusay sa lapag.
" tatawag ako ng doktor, Mang Jeno. " sabi ng binata na tila balisa ngunit pinigilan siya ng ginoo.
" ihiga natin siya sa kama niya at nawalan lang siya ng malay kaya wag kang mag panic. Ito lagi ang sakit niya. " paliwanag niya sa binata na napahinto sa pagkabalisa nito.
Dahan dahan nilang ibinalik sa kama ang dalaga at agad namang nanumbalik ang malay nito.
" argh, ang sakit ng ulo ko. Pa, nagugutom na ako. " sabi ni Jen habang bumabangon. Tatayo na lamang si Mang Jeno. " dito ka muna at maghahain na ako. " iwan niya sa dalawa sa kwarto.
Nagkaroon naman ng pagkakataon na mag usap ang dalawa.
" Jen, baka iba na yan. I think you're pregnant kaya please just accept my offer. " pakiusap niya sa dalaga na tila nakakatawa lang ang dating nito sa kaniya.
" are you insame? Oo nga pala, matagal ka na palang baliw sir! Sa tingin mo ba kung mabubuntis ako ay ipapaalam ko pa sayo. Of course not, hindi tayo pwede sir kaya please lang tigilan niyo na po ako. " aniya ng dalagang seryoso sa mga binitawan niyang mga salita.
Napakasakit ng mga salitang natanggap niya mula sa mahal nitong dalaga kaya oras na para bigyan niya ng laya ang pagmamahal niya rito.
" ok fine, iyon ba ang gusto mo then I set you free! " sabi nito na tila desidido sa mga sinabi niya.
Napatamihik na lamang ang binatang si Carllex sa sofang kinauupuan niya.
Papasok naman ng kwarto si Mang Jeno para sabihan ang dalawa na kakain na.
Sa hapag kainan
Mapapansing may hinahanap ang dalaga sa hapag kainan.
" pa, wala bang okra? " usisa nito habang wala pang laman ang plato niya.
" anak, ayaw mo ba nong niluto namin ni sir Carllex? Saka leafy yan oh, ang paborito mong adobong manok tapos may ginisang repolyo. " wika nito sa anak na tila hindi nagustuhan ang mga nakahain sa harapan niya.
" gusto ko talaga ng okra! Wala akong ganang kumain ngayon. Maiwan ko muna kayo. " paalam ng dalaga na hindi malaman ang pakiramdam nito.
" sir Carllex, pagpasenyahan niyo muna siya kasi ganun talaga yon kapag gusto nagtatampo. Hindi siya kakain hangga't walang paboritong okra sa hapag. " paliwanag niya sa binata.
" sige Mang Jeno ipagluluto ko siya ng okra para naman umaliwalas ang mukha ng anak niyo." tayo ng binata at saka may tinawagan. Mukhang magpapabili siya ng okra sa mga tauhan niya.
After 30 minutes
Kakatok sa kwarto ng dalaga ang binatang si Carllex.
" Jen, si Carllex ito pinagluto kita ng okra saka lumabas kana at magdi dinner na tayo. " yaya niya sa dalaga. Sisilip na lamang ang dalaga sa pintuan at titingnan ang sala.
Ayaw niya kasi makita ang pagmumukha ng binatang si Carllex kaya panay ang tago niya.
" Jen, halika na dahil mainit pa ito. " tawag ni Mang Jeno sa anak niya.
Tahimik na papasok sa kusina ang dalaga at uupo sa silya niya.
Kaagad naman siyang paghahainan ng papa niya.
" sinong bumili nong okra? " usisa ni Jen.
" pinabili ko sa bodyguard's ko doon sa suki mong tindera. " tugon ng binata sa kaniya.
" ok, " tipid niyang tugon at kaagad na naghugas ng kamay.
Habang kumakain ang mga ito ay napakatahimik.
Mapapansin namang takam na takam ang dalaga sa okrang nilaga habang sinasawsaw sa kalamansing may sili.
" dahan dahan lang anak para kasing naglilihi ka. " nang bigla nalang nabulunan ang dalaga sa sinambit ng papa niya.
" tubig, " abot ng binata sa kaniya.
" porket ba takam na takam ako sa okra eh naglilihi na agad. Na mis ko lang naman kumain nito. Oo nga pala pa, uuwi na ba tayo bukas? " usisa ni Jen sa papa niya.
" oo anak, saka binilhan tayo ng ticket ni sir Carllex para daw hindi na tayo mahirapan makasakay ng barko bukas. " sabi ni Mang Jeno.
" sir Carllex, sorry nga ho pala sa inasar ko kanina. Hindi ko nga maintindihan ang sarili ko ngayon kaya nakakagawa ako ng bagay na hindi ko nais. " paumanhin ng dalaga sa kaniya.
" ok lang yon Jen saka kasalanan ko naman. " tugon ni sir Carllex sa kaniya.
Her Pov's
This is the last day na makikita ko ang pagmumukha ni sir Carllex kaya magpapakabait muna ako. Kahit ngayon lang, ano kaya kung kausapin ko siya? Mamaya na siguro para makalinawan kami. Tama nga yan Jen para hindi siya umasa sayo.
Matapos naming kumain ay agad kong dinala ang mga hugasan sa lababo.
Ayan din si sir Carllex tumutulong din siya sa akin.
Nakakahiya nga eh, ano ano na ang sinasabi ko sa kaniya pero ayan pa rin siya.
" sir, baka may gagawin kayo. " sabi ko sa kaniya habang naghuhugas ng sasabunang mga plato.
" Jen, mag usap tayo kahit ngayon lang. Pagtapos nito at hindi na kita kukulitin saka wala ka nang tatawagin sir dahil babalik na ako sa bayan ng San de la Vega. " sabi ni sir Carllex na tila nasa seryoso siya ngayon.
" sige sir, " payag ko habang dahan dahan na sinasabunan ang mga plato. Kukunin naman niya ang mga nasabunan ko at babanlawan.
" Jen, may isa sana akong pakiusap sayo. Kapag bumunga nong nangyare sa atin ay wag mo akong kalimutan na tawagan. Pananagutan ko yong ginawa ko sayo pero ikaw na mismo ang nagsabi na ayaw mo akong pakasalan kaya sana magbago pa ang isip mo. Minsan lang ako makiusap at sayo lang ako nakiusap. At kapag nalaman kong dinadala mo ang anak natin hahanapin kita Jen at tinitiyak kong hindi ka na makakatanggi. " pakiusap niya sa akin.
Kinabahan na lamang ako bigla sa sinabi niya kaya nag isip din ako ng paraan para barahin siya. " iyon ay kung maabutan mo pa akong single. May balak kasi akong mag asawa ng isang binata na laking probinsya. " pa alam ko sa kaniya.
Napangisi na lamang siya, " well, kung may magkakagusto sayo. Alam mo ba kung bakit? Kasi I know na may laman na yang tiyan mo. " saad niyang sabi habang nakatitig sa tiyan ko. Buweset talaga itong lalaki na ito. Pinagbabantaan ata ako.
" tingnan lang natin kung mahahanap mo pa ako." sabay walk out sa harap niya. Tskk, ang adik na ito ayaw pa ding tanggapin ang pagkabasted niya.
His Pov's
Pangit, humanda ka talaga dahil hindi kita tatantanan sa kahahabol ko sayo.
Hindi pa nga ako nagsisimula ng diskarte ko. Basted na agad!
Well, bahala ka basta susundan kita hangga't saan ka magpunta.
Marerealize mo din na mahal mo ako kapag hindi mo na naaninag ang mukha ko.
Magpapaalam na nga lang ako kay Mang Jeno dahil galit na naman si pangit sa akin.
" Mang Jeno, aalis na ho ako saka kita kits nalang tayo sa Isla niyo kapag nagkaroon ako ng oras. " paalam ko kay Mang Jeno at kinuha ang susi ng aking sasakyan.
Nagmaneho na ako ng sasakyan ko habang unti unting nasasaktan sa bawat kilometrong dinadaanan ko. " I miss you pangit sana magkita pa tayo. " inabot ko na lamang ang phone ko.
Nang walang ano ano'y nandilim ang aking paningin at tuluyan ng nawalan ng malay.
Makikitang pagiwang giwang ang isang kotse patungo sa mabangin na bahagi ng kalsada.
Walang ano ano'y bigla nalang sumalpok sa isang barrier habang pagiwang giwang sa balanse ng kalsada at bangin.
Ilang minuto pa'y bigla nalang bumigay na ang kotse at nahulog sa banging malalim.
Kasama ang binatang walang malay at duguan ang bahaging ulo nito.
@YhunaSibuyana.