Chereads / One Night Stand - Season 1 / Chapter 22 - ( The Guest Speaker)

Chapter 22 - ( The Guest Speaker)

His Pov's

Andito pa rin kami sa loob ng kotse ko.

Well, binalak namin ni papa Jeno na dito papasukin si Jen.

Papa na talaga ang tawag ko sa kaniya dahil nagkakasundo na kami.

Maliban lang sa anak niyang pangit na pangit na ayaw pang umamin.

Ang babaeng talagang itong ang sarap ilagay sa bulsa ng suit ko para hindi na makawala.

Well, ang cute niya sa suot niyang dress.

Mabuti nga at kumasya sa kaniya yong binili kong pares ng shoes at dress.

Saka gumanda siya kunti and I'll hate that because all I want is simple.

Mas ok pa yong pangit siya at walang make up kasi yon ang minahal kong Jen Santos at hindi na magbabago pa.

Ang hindi alam ni Jen ay kanina pa nakahinto ang kotse at nasa tapat na kami ng school.

Actually, naka parking na nga ang kotse at hindi lang umiimik si papa Jeno.

" Jen, dito ka muna mag si - cr lang ako. " paalam ng papa niya na tila hudyat na para sa pag uusap namin ni Jen.

Uusog ako kunti at nilock ang bawat pintuan para walang kawala si pangit sa akin.

Tamang upo lang sa tabi niya at baba ng butones na mas lalo pa niyang ikina kaba.

" si-sir? Anong ginagawa niyo? " lunok niyang tanong na hindi maikaila ang pagkatakot niya.

Ngingisi na lamang ako para lalo siyang kabahan.

" alam mo Jen, ayoko talagang lubayan ka kaso basted na ako. " bulong ko sa kaniya habang umaatras siya.

" sir, wag niyong gagawin yan? Wag mo nang dagdagan pa ang kasalanan mo. " bara niya sa akin sa paglapit ko sa kaniya.

" Jen, wala talaga akong pag asa sayo? Sige na oh, gagawin ko lahat para matanggap mo lang ako. " pakiusap ko sa kaniya.

Sa boung ko, ni hindi pa ako nakiusap sa kahit kanino pero sa harap lang ng babaeng mahal na mahal ko. " Jen, bigyan mo pa ako pagkakataon para makilala mo pa ako. " pakiusap ko pa sa kaniya.

Hindi na lamang siya umimik sa akin at ibinaling ang titig sa kabilang banda.

Now I guess, she's still refuse me again!

How poor Carllex is? Simpleng babae na nga lang hindi mo pa mapasagot.

Now I know na sa business ka lang magaling at hindi sa pag ibig.

Ok fine, time out muna baka mas lalong magalit pa itong pangit na ito.

Pangit na mahal na mahal ko.

I silently unlock the door of my car para makalabas na siya.

Ako na mismo ang bumukas para sa kaniya.

" Congratulations, Ms. Santos you did a great job! " sabi ko sa kaniya na tila hangang hanga ito.

" thank you sir, " tugon lang niya at yumuko sa akin.

Andoon na siya habang sinasalubong ng papa niya.

Hayyst, hindi nalang kaya ako tumuloy baka kasi mag collapse pa ako mamaya.

" manong, pwede bang umuwi na tayo! " bukas ko ng window sa driver area.

" sir Carllex, ayos lang ba kayo? " usisa ni Manong Ed sa akin. He's my kind and loyal driver.

" masama ang pakiramdam ko. " hawak ko sa ulo kong ewan. Sobrang bigat niya at parang sasabog na.

" sir, hindi na ba tayo tutuloy? " usisa ni manong sa akin.

" tuloy tayo manong saka sayang naman kung di ako maka attend ng graduation ni Jen. Kasi pagsisihan ko na naman kong uurong ako ngayon. " sabay butones ko ng amerika ko at inayos ang sarili.

Hay Jen, mapapa sa akin ka rin.

Alam kong mahal mo ako pero pinipigilan mo lang ang sarili mo na mahalin ako.

Lumabas na lamang ako sa kotse dahil kanina pa naghihintay ang mga bodyguards ko sa akin. " let's go! " sabi ko sa kanila at agad namang nagsihanay sa likuran ko.

Papasok na ako ng hallway ng San Veneracion University.

Ang daming students na naka toga ang naka kalat sa paligid.

Panay ang kuha ng mga pictures sa bawat isa na tila huling araw na nila ng pagkikita.

Bigla nalang may bumungad na mga press pagliko namin sa court building.

" sir, maari ka ba naming ma interview tungkol sa babaeng nagligtas sa iyong buhay? " bungad nilang tanong sa akin habang panay ang flash ng mga camera nila.

Haharangan na lamang sila ng mga bodyguards kong nakahanda sa pangyayaring ito.

Hindi na lamang ako nagbigay ng komento at pumasok na sa loob ng court na pagdarausan ng pagtatapos.

Nagsitayuan na lamang ang mga andoon at binati ako ng isang magandang umaga.

Isa lang talaga ang hinahanap ng mga mata ko.

Nasaan na kaya yong pangit na iyon?

Hindi ko kasi makita ang kapangitan niya.

" sir this way! " guide nong isang teacher sa akin.

Sumunod na lamang ako sa kaniya at bandang unahan ako pinaupo katabi ng isang pangkaraniwang desk. Pero yong aking upuan ay sofa talaga. VIP talaga ako rito eh. Sanay naman akong umupo kahit saan ah. Nag abala pa talaga sila sa akin.

Nagrelax na lamang ako sa kinauupuan ko habang ang mga praning kong bodyguard's ay nasa bawat kanto ng court. Para namang mayroong papatay sa akin. Napaka OA nila eh, kulang nalang lagyan ako ng bullet proof vest rito.

Napalingon na lamang ako nang mapansing nagsisidatingan na ang mga graduating students kasabay ng mga parents nila. Hm, mukhang nasa unahan talaga si pangit habang nakayakap sa bisig ng papa niya. Tumayo na lamang ako at humarap sa mga students na paparating.

Nagtilian na lamang ang mga ito ng ako'y masilayan.

Ay naku, mga babae talaga ngayon kung makatili wagas.

Kaya nga gustong gusto ko si Jen kasi hindi siya tulad ng ibang babae na napaka over.

Maybe wala siyang ganda para ibandera sa publiko pero sa ugali.

Damned, siya lang talaga ang gusto ko at wala nang iba.

Napapansin kong palapit rito si Jen.

Wag niyang sabihin na upuan niya itong sa tabi ko?

Ay oo nga pala, malapit ko nang makalimutan magaling pala siya at cumlaude pa.

Proud na proud ako sa babaeng ito at nagawa niyang maging cumlaude.

" hi sir, " bati niyang yuko sa akin at saka tumayo sa tabi ko.

Ngumisi na lamang ako, " kapag siniswerte nga naman! " bulong ko at pasimpleng ngumiti.

Hmm, matalino pala siya at ngayon ko lang nalaman.

Kaya bagay talaga kami eh at agree sina mama at papa doon.

Pati yong mga tao sa mansiyon pinagkakaisahan ako.

Bakit daw wala pa akong jowa?

" good morning ladies and Gentleman. Today we are to gather to witness the graduation day of out deserving students who are surpass the challenges in these past 4 years. May I congratulates, 100 female students and 95 male students. But we have on the top of the class that start with our first the cumlaude. No other than Ms. Jennalyn Celline Rygosa Santos. " panimula nang emcee.

Woah, ang galing ni pangit at kahit pangit siya ay magaling pala.

Hmm, mukhang ang saya saya niya ngayon biruin mo.

Magkatabi kami habang umaagos ang mga luha niya.

" here, " pasimple kong abot ng panyo ko sa kaniya.

Kababaeng tao pero ni panyo wala siyang dala.

She's so weird but I like her so much!

Tskk! Ang sarap niyang ibulsa eh.

Nagsiupuan na kami at nagsimula na yong emcee.

Actually kanina pa ako stress kaya dapat talaga rest time ko ngayon.

Pero pinilit ko ang sarili ko para sa lang sa pangit na ito.

" good morning to all of you, allow me to introduce to all of you our guest for tonight. He's actually save by an ordinary girl in a car accident. He's life is more than enough kaya ganun na lamang ang mga bodyguards niyang nakakalat ngayon. He's one and only son of Mr. Fierce de la Vega and Mrs. Jerimy Mabini y De la Vega. A kind, generous, bad tempered heart but a soft one and industrious business man that surpass the top leading list. He's also a single kaya habulin ng mga babae. Also, the CEO and Owner of a publishing company in San De la Vega that trends and lots of investor. May I present to you, Mr. Carrlex Fierce Carlos Charles de la Vega II. " pakilala sa akin.

Grabi, ipapakilala lang ako ang dami pang sinabi.

Mabuti naman at pagtapos nito at uuwi na ako.

Gusto ko nang makapagpahinga kasi hindi ko na kaya ang pagod.

Pagtayo ko ay sinalubong ako ng palakpakan at tayuan ng lahat.

Papaakyat na ako sa stage para magbigay ng aking speech.

Tutungo ako sa mikropono at sa stand na dapat kong pwestuhan.

Tinitigan ko muna ang lahat at inihanda ang sarili.

" Magandang umaga sa inyong lahat, lalo na sa mga magsisitapos ngayonng araw. Well, deserve niyo talaga ito dahil sa hirap at tiyaga niyo ay nagawa niyong lampasan ang lahat ng pagsubok. Nong sinabi na ako mag ge - guest speaker dito. Nainis lang naman ako kasi nga sobrang pagod na ako. Pero I'll realized na hindi ko pala masasaksihan ang pagtatapos ng babaeng nagligtas ng aking buhay. Alam niyo ba, ang swerte niyo dahil nagawa niyong magtapos sa paaralang ito. At nag ooffer ang bayan ng San de la Vega ng job interview next week so be ready sa mga gustong sumubok. Nandito ako ngayon para ipaalam sa inyo na mapalad kayo at nakapagtapos kayo ng pag aaral. Mayroon ngang iba diyan na pinag kakasya ang limang daang allowance sa isang linggo. May iba namang nagraraket para dagdagan ang allowance dahil sa dami ng gastusin. Pero ang buhay ay puno ng pagsubok at pagbabakasakali kaya laban lang mga ginoo at binibini. Noong niligtas ako, sabi ko sa sarili ko na hindi ko pa pala oras dahil may dapat pa akong gawin. Pinatunayan ko sa sarili ko na worth it ang pangalawa kong buhay kaya pinuntahan ko yong babae na tumulong sa akin. Alam niyo ba, isa siya sa inyo ngayon dahil narito siya at napakatapang niyang babae ( tinitigan ko si Jen). Alam niyo ba kung bakit? Nakatira lang naman siya sa isang maliit na iskinita na puno ng adik. Pero ang nakakamangha doon ay ang panalangin niya at pagiging matapang ang nagbabantay sa kaniya sa loob ng apat na taon. Kaya utang ko talaga ang buhay ko sa kaniya at bilang ganti ay binigyan ko siya ng pabuya. Pero ito pa ang nakakahanga dahil ibinalik niya sa akin iyon. Pero ibinalik ko din naman sa kaniya at wala siyang ginalaw ni sentemo. Sana lahat ng kabataan ay tulad niya. Kung mayroon mang babae na tulad niya. Well, di ako magdadalawang isip na pakasalan siya (nagtawanan na lamang sila pero yong pangit ay tahimik lang). Ayoko nang pahabain pa ang speech ko dahil alam kong sabik na kayong makuha ang inyong diploma. Iyon lamang at maraming salamat! Sa uulitin, magandang araw sa inyong lahat! " pagtatapos ko ng speech ko at dali daling ibinaba na ang butones ng aking pang itaas na damit.

Ang init kasi at para akong mag collapse.

Nagpaalam na lamang ako na lumabas na at sa kotse magpahinga.

Hayyst, I'm so stress!

@YhunaSibuyana.