CHAPTER 1
MEET
LOUISE
Nagising ako sa malakas na kalabog sa labas ng pinto ng aking kwarto. "Ano ba lumabas ka diyan ano magbubuhay prinsesa ka dito sa bahay? Ikaw talaga, wala ka na ginawang tama eh palamunin ka lamang dito sa bahay. Pasalamat ka kasi binuhay pa kita kasi kung ako lamang masusunod noon eh di sana pinalaglag na kita. Hindi ka na nagtanda, wala ka nang ginawang tama puro problema ang dala mo dito sa bahay eh. Bakit kasi nabuhay ka pa pabigat ka lamang naman?" anas ni mommy. Habang ako umiiyak sa mga sinasabi niya kasi kahit pala paulit-ulit mo naririnig masakit pa rin. Akala ko sa tagal nang panahon sa tuwing marinirinig ko yan mawawala rin ang sakit, hindi pa rin pala kaya kung minsan hinihiling ko na manhid na lang ako eh.
Masakit kasi kahit minsan hindi ko naramdaman na tinuring nila akong anak at kapamilya kasi para sa kanila isa lamang akong salot. Lahat ginawa ko para matanggap nila ako pero bakit ganun wala namang lamang halaga yun sa kanila. Hindi nila nakikita lahat ng effort ko para ituring nila akong pamilya. Palagi nilang sinasabi na kailangan ko nang mataas na grado sa unibersidad sapagkat kahihiya raw ako kung salot na nga ako ay bobo pa rin.
Kinakailangan na dean lister ako at nag-eexcel rin sa curricular activities kasi kung hindi pagkauwi ko ay may nakahandang parusa. Buong buhay ko wala akong ginawa kundi patunayan ang sarili ko na karapat-dapat ako sa pamilya. Samantalang ang ate kahit anong gawin at maachieve niya ay okay lamang. Focus kasi siya sa modeling career kasi para kina mommy ang pagiging sikat na model ay malaking tulong sa lumalagong kompanya namin.
Napabalik ako sa ulirat ng sampalin ako ni mommy. "Oh, ano tutunganga nga ka na lamang diyan maghapon? Bakit hindi pa nakahanda ang almusal namin ha? Ito tandaan mo habang naririto ka sa pamamahay ko hindi ka magbubuhay prinsesa at gagawin mo lahat ng utos namin. Kaya kung gusto mong umalis bahala ka bukas ang pintuan at huwag kang mag-alala dahil bibigyan ka namin ng allowance weekly, may gold credit ka rin naman." anas ni mommy. Hindi ko na inintindi ang sinabi ni mommy at patakbo akong pumunta sa kusina ng lumuluha para ipaghanda sila ng almusal. Ganito ang routine ko sa araw-araw gigising ng maaga ipaghahanda sila ng almusal pagkatapos maghahanda sa pagpasok, pagkagaling sa unibersidad para mag-aaral kasi sa labas sila nagdinner. Sa dinami-rami naming katulong pero ako naghahanda ng almusal, naglalaba ng mga damit nila at namamalantsa ng mga damit sa bawat pagkakamaling nagagawa may karampatang parusa physically and verbally. Kung minsan napapaisip ako kung totoo ba nila akong anak o ampon lamang kasi kahit minsan hindi ko naramdaman ang pagmamahal ng isang pamilya sa kanila.
Naiisip ko siguro ampon lamang ako at may kasalanan o galit sa totoo ko mga magulang kaya ganito ang trato nila sa akin. Kaya lamang bakit ako gagantihan nila hindi ko naman kasalanan yun eh. Natapos ko ang pagluluto ng almusal nila na puno ng katunungan ang isipan ko at puno ng luha ang aking mukha napangiti ako ng mapait.
After my first class my professor asked me, if there's something bothering me kasi kahit gaano ko raw itago ang pamumugto ng mga mata ko ay halata pa rin. Kahit pala takpan ng makapal na concealer halata pa rin siguro mukha na akong zombie pero okay lamang hindi pa rin kasi ako nawawalan ng pag-asa na magbabago rin yung tingin nila sa akin. Yung isang araw mararamdaman ko kabilang ako pamilya nila.
Habang naglalakad ako papuntang library may nakabungo akong lalaki. "Pasensya ka na miss hindi kasi ako nakatingin sa daan at hindi ko naman sinasadyab na makabungo ka. Ayos ka lang ba?" anas nung lalaki. "Ayos lang ako pasensya rin kasi kung saan-saan ako nakatingin kanina kaya nabunggo kita." anas ko sa kanya. "By the way, I'm Cohen Gavin Castanier transferee lang kasi ako kaya pwede bang magtanong saan ang daang papunta sa dean's office?" anas ni Gavin.
"Tamang-tama malapit lang yan sa library sabay ka na akin" anas ko.
Nang nasa tapat na kami ng library at ngumiti siya sa akin. "Salamat, sige see you next time" anas ni Gavin. Nginitian ko lamang siya at dumiretso nasa library upang mag-advance reading for the next class.
---
Its six thirty in the evening katatapos lamang ng last class ko nandito ako ngayon sa labas ng school nag-aantay sa driver naming si Tatay Victor. "Hey, bakit nandito ka pa sa labas ng gate? May inaantay ka ba?" anas ni Gavin. "Ahhmmm, inaantay ko pa kasi si Tatay Victor malapit na raw naman siya dito" anas ko. "sige samahan na lamang kitang mag-intay malamig na kasi dito sa labas tapos kakaunti na lang yung estudyante madilim na rin baka kung ano pa mangyari sa iyo dito." Anas ni Gavin
Umupo kami sa may waiting shed sa labas ng university at nagkuwentuhan. Makalipas ang ilang minuto dumating na rin si tatay Victor." Salamat sa pagsama sa akin sa pag-iintay, ingat" anas ko kay Gavin at sumakay nasa kotse. "Pasensya ka na Louise hindi kita agad nasundo sinamahan ko pa kasi si Cora sa pamimili ng grocery sa mall" anas ni tatay Victor. "Ayos lamang po kasama ko naman po si Gavin kanina" anas ko.
Habang nasa biyahe naisip ko kailan kaya dadating yung araw na magiging masaya rin ako yung mayroong masayang pamilya at kaibigang totoo. Marami naman gustong makipagkaibigan sa akin kaya lamang puro sila plastik. Nakikipagkaibigan sila kasi mayaman kami at lagi akong may honor. Makalipas ang tatlumpong minuto nakarating na rin kami sa mansyon ngunit sobrang tahimik tapos nakita ko si nanay Linda na galing sa labas ng gate upang magtapon ng basura. "Nanay Linda nasaan po sina mommy ang tahimik po kasi sa loob ng mansyon?" anas ko. Ngumiti si nanay ng pilit bago sumagot. "Umalis sila eh may family dinner daw kasama yung family friends. Pasensya ka na anak alam muna ang ugali nila atsaka nandito naman kami. Adobong manok ang ulam natin anak katulad dati kami na lamang ang sasabay sa iyo. Huwag ka na lamang malungkot oh ngiti ka na please" anas ni nanay
"Nanay akyat lamang po muna ako sa taas para magbihis" anas ko at ngumiti sa kanila. "Woah sige pagkatapos ay bumaba ka na kasi kakain na tayo ihahanda lamang namin sa lamesa ang mga pagkain." anas ni nanay. Ngumiti ako sa kanila at nagpasalamat kasi lagi silang nandiyan para sa akin. Sa bagay kung tutuusin masuwerte pa rin ako kasi nandiyan sila na never akong iniwan at itinuring akong pamilya at anak.
Haist, hindi pa rin ako nasanay kahit lagi silang wala sa araw-araw, sa umaga lamang kami nagkikita nila daddy. Hanggang ngayon masakit pa rin na hindi nila ako itinuturing na parte ng pamilya siguro kasi umaasa pa rin ako na magbabago sila at makikita nila ang worth ko at magiging happy rin ako. Dalawa lamang ang tanging hiling ko eh ang maging parte ng pamilya at magkaroon ng isang totoong kaibigan. Hindi na ako naghahangad ng marami kasi sapat ang isa upang maramdaman ko man lamang na bukod kina nanay Linda ay may mapaglabasan ako ng sama ng loob.
--------------