CHAPTER 3
SOULMATES
LOUISE
Habang nasa hallway ako naglalakad papunta sa class ko pinagbubulungan at pinagtitinginan nila ako dahil sa encounter namin ni Kristoffe kahapon. Hindi yata sila makamove on sa nangyari kahapon kung sa bagay nakakapanibago naman talaga na hindi ako pinarusahan ni Kristoffe sa pagbunggo ko sa kanya. Kinakabahan tuloy ako kasi lahat nakakabunggo niya pinarurusahan at pinapahiya niya sa buong university tapos hindi niya ginawa sa akin kahapon baka mamaya niya ako parusahan.
Mamaya nakarinig ako ng tili ng mga kababaehan sa may likuran ko paglingon ko nakita ko sina Kristoffe kasama yung mga kaibigan niya na member ng fabulous boys at mga pinsan kasama si Gavin. Puro nagtitilian kasi sila yung sikat sa buong university ngunit balewala lamang sa kanila ang mga ingay na likha ng ibang estudyante kasi siguro sanay na sila. Nang malapit na sila sa gawi ko tumabi kaagad ako at umaasa na sana hindi nila ako mapansin. Nag-angat ako ng tingin ng maramdaman ko na may nakatingin sa akin at nakita ko na nakatingin naman siya sa akin na nagbigay sa akin ng kaba.
Lalo pa akong kinabahan ng tumigil silang lahat sa tapat ko, ngumiti sa akin ang isang babae nasa tingin ko ay pinsan nina Kristoffe. Naglahad siya ng kamay at nagpakilala sa akin na lubhang kinagulat ko. "Hi I'm Jennica Evans Castanier sister of Cohen Gavin Evans Castanier and cousin of Kristoffe Evans. So it's true you're beautiful, I like you, hope to see you again." anas ni Jennica at ngumiti siya bago sila muli lumakad. I found it weird akala ko ipapahiya na nila ako pero hindi nila ginawa ngunit ngumiti pa yung maga kasama ni Kristoffe sa akin bago lumakad palayo.
Naguguluhan man ngunit tumuloy na lamang ako sa paglalakad papunta sa class ko. May fifteen minutes pa bago magsimula ang klase pero pumasok na ako sa room at nakita na iilan pa lamang ang mga kaklase ko nasa loob ngunit pumasok na lamang ako at nagbasa ng libro. Makalipas ang ilang sandali dumating na ang professor namin sa biology ngunit imbis na tumahimik lalo pang umingay sa loob ng room.
Dala ng curiosity tiningnan ko kung bakit sila nagtitilian lumingon na ako sa harap. "Class may bago kayong classmates sa biology class. Mr. please introduce your name in front" aniya ni Prof De Silva kayong lalong umingay. "Good morning guys, I'm Cohen Gavin Castanier, 18 years old" anas niya sa buong klase at ngumiti. "Okay, you can sit beside Ms. Madrigal" aniya ni Prof De Silva kaya nagtaas ako ng kamay.
Umupo siya agad at ngumiti sa akin. "Oh hi Louise naniniwala ka ba sa soulmates kasi sa tingin ko tinadhana tayo eh? alam mo yun kanina lamang hinihiling ko magkita ulit tayo at maging kaklase kita kahit sa isang minor subject lamang" anas niya sa akin habang kumindat at ngumisi. "hindi kasi ako naniniwala sa soulmate eh pero its nice kasi kaklase kita sa minor subject" anas ko sa kanya at ngumiwi. "Mula ngayon soulmate na ang itatawag ko sayo at sisiguraduhin ko na maniniwala ka rin sa soulmate" anas niya sabay wink kaya napangiti na lamang ako ng pilit.
---
Habang papunta sa cafeteria para kumain ng lunch nang may biglang umakbay sa akin na siyang ikinagulat ko at nagpalaki ng mata ko. Ngunit paglingon kung sino yun napangiwi na lamang ako samantalang siya ngiting- ngiti habang pinagtitinginan na kami. "Soulmate sabay ka na sa akin para naman hindi kumain ng mag-isa malungkot yun" sabi niya sa akin pero bago pa ako makapagsalita ay hinila na niya ako papasok sa loob ng cafeteria. Puro bulungan sa paligid kasi magkasami kami kahit paano eh kilala naman ako dahil lagi akong rank 1 at nilalaban kung saan-saan. Yet, they see me as a plain student who excel in sports too. And, I like it that they saw me that way coz I don't want to be in the spotlight.
"Bakit magkasama sina Louise at Gavin?" schoolmate1
"waahh sila ba huhuhu" schoolmate 2
"masakit man sabihin pero bagay sila huhuhu" schoolmate 3
"wala na ba talaga akong pag-asa kay Gavin?" schoolmate 4
"bagay sila, sana may relationship talaga sila kasi naman nakakakilig sila" schoolmate 5
"naku sinabi mo kaysa naman bitch ang maging girlfriend niya hindi katanggap-tanggap yun" schoolmate 6
Pagkahanap namin ng mauupuan ay umupo agad kami at tinanong niya akong kung anong gustong kong kainin. Sinabi ko na lamang na kung anong kakainin niya ganon na lamang din ang sa akin. Tumayo siya agad pumila ngunit pinauna din naman siya ng ibang estudyante kaya tumingin ako sa paligid na agad ko rin na pinagsisihan kasi nakatingin pa rin yung iba sa direksiyon ko at puno pa rin ng bulungan na siyang nakapagpailang sa akin.
"heto na ang pagkain natin soulmate, let's eat by the way, it's my treat anyway" anas ni Gavin kaya ngumiti na lamang ako at nagpasalamat sa kanya. Nag-uumpisa pa lamang kaming kumain ng lalong umingay sa cafeteria kaya napalingon kami sa entrance ng cafeteria at nakita namin na papasok ang fabulous boys kasama yung dalawang babae kaninang umaga.
Lalo pa silang nagkagulo nang patungo sa direksyon namin sila Kristoffe na nakapoker face na naman. Naisip ko kung ngumiti ba siya o marunong ba siyang ngumiti. Malamig pa yata siya sa yelo pati ugali eh ganun din. He's so cold like the ice on the Antartica. Para siyang galit sa mundo at napakaraming problemang dinadala sa buhay. Iniisip ko tuloy ano kayang nakita ng mga humahanga sa kanya at mga kaibigan niya? Bakit kaya siya naging ganyan I mean yung mukha kasi niya eh mukhang inosente. Kailan kaya ko siya makikitang ngumiti? Ginto siguro ang ngiti niya kaya sobrang rare lamang makita. Kailan ko kaya makikita na magkaroon ng emosyon yung mukha niya? Kasi yung mata niya malamig rin eh. kapag nagkaroon kaya siya ng love life eh magiging masaya na siya? Natawa na lamang ako sa isip kung ano-ano na tuloy naiisip kasi nabobother ako kung bakit ganun siya haist. Sana naman makita ko rin na ngumiti siya.
---