Chereads / Her Downfall (tagalog) / Chapter 12 - Chapter 7

Chapter 12 - Chapter 7

CHAPTER 7

PRACTICE

Kristoffe

Nasa tambayan kami at nagkukuwentuhan sila habang nagbabasa lamang ako ng libro namin sa World Geography para mag-advance study nang biglang dumating si Mikaela. "Alam niyo na ba na kasali si Louise sa pageant? My gosh I'm so excited to watch that pageant kahit na alam kong walang laban yung ibang candidate." sabi niya ng may patalon talon pa. "How about you cuz anong talent mo sa pageant?" tanong ni Jennica ng nakangiti. "Dancing" tipid kong sagot at habang nagbabasa. "Haist, bakit ba tinatanong pa kita? Wala ka talagang kuwenta kausap cuz" sabi niya ng may pag-irap pa kaya nagtawanan yung mga kaibigan namin na ipinagkibit balikat ko na lamang.

"Hindi ba ngayon lamang siya sasali ng pageant? Buti naman pumayag na siya kasi ilang taon na rin siya inaalok na sumali pero ayaw niya" dagdag pa ni Mikaela habang kumakain ng pizza. "Eh, ikaw cuz paano ka napasali ng prof natin eh wala ka namang hilig sa mga ganyan" tanong ni Gavin ng may nagtatakang tingin habang kumakain ng chips. "They will kick me out" tipid na sagot ko at hindi na lamang sila pinansin. Nababagabag ako na sumali na siya sa pageant sapagkat alam ko na mapapansin na siya ng karamihan. Kahit naman sikat siya dahil mayaman sila at eskolar siya ng university dahil sa galing at talento niya pero walang lumalapit sa kanya upang manligaw kasi hindi sya palaayos. Although, masaya ako para sa kaniya kasi mabibuild-up na iyong confidence niya.

Inaasahan ko na rin na maraming lalapit sa kanya para kaibiganin siya for fame. Sana lang hindi siya kagaya ng iba na pakitaan mo ng kaunting kabutihan tapos magtitiwala na ng lubos. Nababasa ko kasi sa mga mata niya ang lungkot at sakit kahit ngumiti siya. Pakiramdam ko mayroon siyang pinagdaang mabigat kaya hindi na dapat madagdagan pa ng mga manggamit na tao. Haist, bakit ba ako nag-aalala ng ganito sa kaniya? Dati naman wala akong pakialam sa iba? Anong nangyari sa akin para mag-alala sa kanya ng ganito samantalang hindi ko naman siya kaano-ano? Gusto ko kasi makita na wala na yung sakit at lungkot sa magagandang mata niya. There's something on her that wants me to be close to her.

"Who is your partner in the pageant?" anas ni Gavin na may nagtatakang tingin. "Princess Janica Fernandez from section 2" walang buhay na sagot ko. "Cuz you should be careful sa practice at sa actual performance baka hindi mo alam may nagseselos na pala" anas niya ng may makahulugang tingin. Naguguluhan man ngunit hindi ko na tinanong kung ibig niyang sabihin sa mga sinabi niya. Kailan pa siya naging concern sa mga admirers ko? Parehas lamang kami na walang pakialam sa iba maliban na lamang kung pamilya, kaibigan o kamag-anak kita.

I'm not used to talking if it's not important or someone's asking me. I love quite and peaceful places that's why I love sight seeing beautiful spots and nature. One of my hobby is going on hiking thrice or four times a month. Also, scuba diving on the different places on the Philippines and travelling.

---

Late na kaming dinismissed ng prof namin kaya nagmamadali akong lumabas dahil late na ako sa practice namin sa pagent. Pagkalabas ko ng room hindi ko inaasahan na may makikita akong babae sa labas ng room na may hinihintay. Lalagpasan ko na sana siya ngunit kumapit siya sa mga braso ko na siyang kinagulat. "Pasensya ka na Miss nagmamadali kasi ako" anas ko habang tinatanggal ang pagkakahawak niya sa braso ko. "Ano ka ba Krisoffe ako ito si Princess inintay talaga kita para sabay na tayo" sabi niya at ngumisi habang ng nakatingin malagkit sa akin. Ang kaninang pagkakahawak niya sa braso ko ay naging yapos na. Isa ito sa mga dahilan kung bakit hindi ako nakikipaglapit sa mga babae karamihan kasi hindi pakikipagkaibigan ang pakay.

Haist, habang tumatagal talaga dumadami ang bilang nila, ngayon bihira ka na lamang makakita ng dalagang Pilipina kasi yung iba nagpapanggap lamang pero yung totoo may tinatago din silang kalandian. "Miss baka namin pwede pakitanggal ng pagkakayapos mo? Isa pa kailangan natin magmadali kasi late na tayo ng thirty minutes" anas ko ng may inis sa boses. Ngunit parang hindi niya ako narinig kasi humigpit lamang lalo ang yapos niya kaya habang naglalakad kami pinagtitinginan kami kasi may klase pa ang ibang estudyante. Ngiting-ngiti pa nga siya sa mga taong nadaraan namin yung ngiti na may pagyayabang.

Every woman thought that I'm a trophy so they want to get close to me. I really don't get them why they think like that. Nang makarating kami sa gymnasium kung saan gaganapin ang pageant nag-uumpisa na sila. Lumapit kami sa nagtuturo ng practice upang humingi ng paumanhin dahil sa late na pagdating. Habang kinakausap namin yung instructor nakita ko na ang rumarampa ay si Louise na lumalakad na parang professional beauty queen. She's really intelligent because she can adjust easily. She walks gracefully like she's use to these things.

Dahil late kaming nakaattend ng practice kaya kami ang huling rarampa. Hindi ko talaga alam kung bakit ako nandito, kung hindi lamang talaga ako binalack mail ng mga prof hindi ako sasali dito. Wala naman kasi akong interes sa mga ganitong bagay. Madami nga na nag-alok sa aking mga model pero tinanggihan ko. Ayaw ko kasi yung nagmamall kami ng fabulous boys tapos bigla na lamang kaming kukuyugin. Ang kapartner kong si Princess habang rumarampa ngiting-ngiti siya at bago tumalikod kumikindat at nagfiflip ng hair.

Pagkatapos ng practice namin kanina nagpunta naman kami sa mga professor namin para pagdesisyunan kung namin kung paano ipeperform yung sayaw at kung anong kanta ang gagamitin. Napagdesisyunan na ang gagamiting tugtog ay Rewrite the Stars. Nagsimula na rin kaming magpractice sa tulong ng cheorographer na kinuha ng prof namin.

I really hope na matapos na itong pageant kasi mas gugustuhin ko pa na umattend ng practice sa basketball kaysa sumali ng pageant. Ang mga kasama ko sa team ay nagpapractice para Inter- Collegiate Sports Fest samantalang ako heto gumagawa ng mga bagay na kahit minsan ay hindi ko naisipan na gagawin ko. Sa tingin ko naniniwala na ako sa kasabihang expect the unexpected.

---