CHAPTER 12
HANGOUT
Louise
It's been a week since the pageant happened so I've been very busy because of the things that I left behind when I joined the contest. Sa loob ng mga araw na nagdaan lalo akong napalapit kina Jennica at sa buong barkada. Pakiramdam ko nagkaroon ako ng bagong pamilya dahil sa kanila. Unti-unti nagiging komportable na ako sa kanila sapagkat sa kanila madarama na parte ka talaga ng samahan nila as in walang iwanan.
Mula noong makilala ko sila naramdaman ko ang totoong kasiyahan na hindi ko pa nararamdaman. Akala ko kasi dati ayos lamang na nandyan sina nanay sa tabi ko at dapat kuntento na ako kasi alam ko mayroong iba na kahit sino walang nandyan para sa kanila at makakapitan man lamang. Ngunit heto ako nagkaroon ng pamilya sa katauhan ng mga kasambahay namin dapatwat humiling ako na magkaroon ng isang tunay na kaibigan. Humiling ako ng isa ngunit binigyan ako ng pitong kaibigan na marapat ipagpasalamat ang lubos na pagpapala sa akin.
Sa lahat ng dinanas ko sa buhay natutunan ko na hindi lahat ng bagat na nais mo ay makukuha mo sapagkat walang perpektong buhay. Hindi lahat ng hilingin mo ay matutupad kaagad sapagkat ipagkakaloob ito ng Diyos sa tamang oras. Madalas kung ano pa ang hindi mo ninanais ay siyang pinagkakaloob sa iyo. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito kailangan nating maging masaya sa kung ano mang bagay na ipagkaloob ng Diyos. Huwag kalilimutan na bawat araw na nagdaraan ay kasama natin ang Panginoon sa lahat ng bagay na ating gagawin.
Sabado ngayon at maaga ang labas ko ngayon sapagkat hanggang alas tres lamang ang klase ko. Naglalakad ako palabas ng locker room nang makasalubong ko sina Jennica at Mikaela na tuwang-tuwa sapagkat Linggo bukas. Ibig sabihin lamang nito pare-parehas kami na walang pasok. "Hi Lou, let's hangout tomorrow? Please, pretty please" Jennica said and she looked at me with a puppy eyes. "Don't worry, it's a girls' hangout. Okay? You should join us common" Mikaela said while giggling.
"I'm sorry girls but I will attend a mass tomorrow. Maybe some other time" I said and smile at them. "Okay? Ah huh, how about we'll join you attending the mass in exchange you will come with us after the mass?" Mikaela said while smiling so widely. "Yeah, it's a good idea. So Lou, what do you think? Is it a deal?" Jennica said with a smile so genuine. "Yeah, it's a deal. It's my first to attend the mass with someone. So why not?" I said that made squeal in happiness.
We are shocked when we hear the familiar voice spoke behind us. "Where do you planned to go, ladies? You guys seems so happy to didn't notice our appearance" Kristoffe said in a serious tone that us gulped. Pakiramdam ko tuloy nahuli kami sa isang krimen na hindi naman namin ginawa. "So no one has the guts to answer us. You guys are so speechless" Gavin said with a creased on his forehead. "Hindi ba at napaalalahanan na namin kayo na hindi kayo pwedeng umalis na hindi kami kasama?" sabi ni Archer ng malumanay ngunit nakatingin ng matiim sa amin.
"Magsisimba lamang naman kami pagkatapos ay magshashopping. Alam namin kasi na mainipin kayo kaya hindi na namin kayo niyaya" sabi ni Mikaela ng nakasimangot. "Alam naman namin na ayaw niyong magtagal sa mall kasi kinukuyog kayo ng mga kababaehan. Matagal kaming mamili na mga babae, so sama pa ba kayo?" sabi ni Jennica at umirap sa kanila. "Kung gusto nilang sumama hindi niyo dapat sila pinipigilan" sabi ko ng nakangiti.
"Okay para sa inyo magtitis kaming kuyugin at maghintay ng matagal" sabi ni Giovanne ng nakangiti. "Dapat kasi Lou hindi mo sila pinayagan na sumama. Asungot lamang sila sa atin eh" sabi ni Miks at umirap din sa kanila kaya hindi ko mapigilang mapatawa. "Pumayag man kasi kayo o hindi sasama pa rin naman kami sa inyo" sabi ni Kevin ng natatawa.
---
Napagkasunduan na susunduin nila ako sa labas ng village namin para sabay-sabay na kaming pumunta ng simbahan. Nang makarating kami sa loob ng simbahan kakaunti pa lamang ang tao. Umupo kami sa upuan malapit sa harap ng altar magkakatabi sina Gavin, Archer, Jennica, Giovanne, Mikaela, at Kevin samantalang sa likod kami nakaupo ni Kristoffe. Unti-unting dumarami ang mga tao na magsisimba kung kayat nag-umpisa na ang misa.
Nang matapos ang misa ay dumiretso muna kami ng restaurant upang kumain ng breakfast. Kumakain kami habang nagkukuwentuhan sa mga bagay-bagay hanggang sa napunta sa crush. "Lou, so sino ang crush mo ngayon sa loob ng university?" tanong ni Miks na mayroong halong panunudyo. "Shane West" sagot ko ng nakangiti. "Ano ka ba naman, Lou? Singer naman yun eh" sabi ni Jenny ng naiinis.
"Okay, eh di si Sherlock Holmes na lamang" sagot ko sa kanila ng natatawa kaya naiinis na umirap sila sa akin na nagpapatawa sa mga boys. "Pokus kasi ako sa studies eh kaya wala ako ng mga ganyan" sabi ko ng nakangiti. "Kayo na lamang ang tatanungin ko, sinong crush niyo?" tanong ko sa kanila. "Siyempre si Yang Yang" sabi ni Miks ng kinikilig. "Ako naman si Lee Jung Suk" sabi ni Jenny ng nagpapadyak kaya natawa na lamang talaga ako.
"How about you, guys? Sinong crush niyo?" tanong ni Jenny sa excited na tono. "Oo nga, umpisahan natin kay Arch" sabi ni Miks ng nakangiti. "Anna Kendrick" sabi ni Arch ng nakangisi. "IU" sabi ni Gio ng nakangiti ng malawak. "Sadako" sabi ni Gav ng seryoso kaya nagtawanan kaming lahat.
"Siyempre joke lamang yun. Si Taylor Swift talaga" sabi niya ng nahihiya at tumungo kaya napatawa kaming muli. "Julie Ann San Jose" sabi ni Kev na ngiting-ngiti na labas ang kanyang mapuputing ngipin. "Oh, huwag mong sabihin insan na wala ah? Dahil hindi naman pwede na wala kang crush" sabi ni Gav ng matiim.
"Kaya nga bawal kj dito, hahaha" sabi ni Arch ng tumatawa. "Park Shin Hye" sabi ni Kristoffe ng walang gana. Hindi ko alam na nanonood pala siya ng korean drama. Wala kasi sa hitsura niya yung nanonood ng mga ganung bagay sapagkat lagi siyang seryoso at walang emosyon. Ano kayang hitsura niya kapag nanonood ng kdrama?
---