CHAPTER 15
PUNISHMENT
Louise
Gumising ako ng alas tres ng umaga upang makapaglinis ng maaga. Inumpisahan kung maglinis sa fifth floor. Hindi naman masyadong madumi ang buong bahay dahil araw-araw nililinis ng mga kasambahay ang buong bahay. Una kong nilinis ang mga cr ng bawat kwarto bago yung public cr sa first floor. Tinanggalan ko muna ng alikabok ang mga ibabaw ng mesa, figurines, picture frames, windows, at marami pang iba. Pagkatapos winalisan ko ang buong paligid upang mamop ko na buong paligid. Nang matapos akong maglinis sa buong bahay nilinis ko ang buong paligid sa labas ng bahay. Diniligan ang mga halaman sa garden at pagkatapos nilinis ang pool upang mapalitan ng bagong tubig.
Nang makatapos ang paglilinis ay nagluto ako ng breakfast para kina mommy kung kayat nagmamadali akong naligo at nag-ayos kasi baka malate ako sa pagpasok. Pagkalabas ko ng bahay nasa labas na si tay Victor at nag-aantay sa akin. Humingi ako ng pasensya para sa pag-aantay nila ngunit ngumiti lamang si tay sa akin.
It's been six days since I've been doing that, it's my daily routine for a week. Pagkadating ko sa university nagmamadali akong maglakad kasi baka malate ako sa klase nang sumabay sa akin sa paglalakad sina Miks at Jenny. "Good morning, Lou! Why do you look so exhausted?" tanong ni Miks na mayroong pag-aalala. "I'm just quite busy these past few days" I said and smile shyly. Hanggang sa nagkahiwa-hiwalay na kami upang magtungo sa aming mga sariling klase.
Siguro mukha akong haggard kung kayat napansin nila ang pagod ko. Kahit naman kasi sanay akong gumawa ng gawaing bahay naninibago pa rin ang katawan ko kasi hectic ngayon ang schedule ko sa university. Ngunit kailangan ko isingit ang paggawa ng gawaing bahay. Kung sabagay bukas na iyong huling araw ng punishment ko na paggawa ng gawaing ng walang tulong ng iba.
Pagkakatapos ko nga mag-aral sa gabi ay nakakatulog ako kaagad sa pagod. Hindi naman masama ang loob ko sa kanila dahil sa punishment na ito. Alam ko kasi na mayroong mas malalang sitwasyon sa akin. Iyong mga mahihirap na kailangan na isabay ang trabaho sa pag-aaral. Mabilis lumipas ang buong araw at uwian na naman.
Pagkarating ko sa parking lot ay naroon na si tay na naghihintay sa akin at nakita ko rin roon sina Kristoffe na parang may iniintay. Tinawag ako ni Miks kung kayat napalingon muli ako sa kanila ngunit sumenyas ako na kausapin ko lamang saglit si tay. Lumapit muna ako kay tay upang humingi ng kaunting minuto para makausap sina Miks. "Tay, okay lamang po ba kung kausapin ko saglit ang mga kaibigan ko?" tanong ko tay at nahihiyang ngumiti. "Sige ngunit huwag masyadong matagal ha. Upang hindi tayo mapagalitan parehas" sabi niya at tumango sa akin.
Lumapit ako kina Miks at ngumiti sa kanila. "Bakit mukhang nagmamadali ka nitong mga nakaraang araw?" tanong ni Jenny sa akin. "Pasensya na kayo tulad ng sinabi ko sa inyo kaninang umaga ay masyado lamang akong abala sa maraming bagay. Binigyan kasi ng curfew at dapat kasama si tay ang driver namin kapag umaalis ako." Sabi ko sa kanila at ngumiti ng pilit.
"Ganoon ba? Pasensya na mukhang lalo kang paghihigpitan dahil sa pagsuway mo" sabi ni Gav ng nahihiya. "Ano ba naman kayo? Ayos lamang yun, worth it naman ang pagsuway ko kasi nag-enjoy talaga ako" sabi ko sa kanila at ngumiti ng totoo. "Saan ba ang lakad niyo ngayon?" tanong ko sa kanila ng nakangiti. "Tagaytay mag-oover night sa rest house nina Kristoffe. Ang uwi ay tommorow night kaya lamang mukhang hindi ka naman makakasama sa amin" sabi ni Arch ng malungkot. "Next time na lamang siguro ako sasama sa inyo" sabi ko sa kanila ng nakangiti at nagpaalam nasa kanila sapagkat kailangan ko na talagang umalis.
Bago ako sumakay ng kotse ay kumaway muna ako sa kanila. Tuwing dumarating ako sa bahay pagkagaling sa university ay nakaluto na sina nay. Ang katwiran nila ay pagod na raw ako pagdating galing eskwela para magluto ng hapunan kung kayat sinuguro ko na ako naman ang magliligpit ng pinagkainan. Kahit pa tumututol sila pero hindi ko sila hinayaan na tulungan ako sapagkat ayaw ko sila madamay sa galit ng mga magulang ko sa akin.
Pagpasok ko ng kwarto ay ginawa ko na ang mga natitirang homeworks ko sa bahay at nakatulog kaagad. Nagising muli ako ng maaga at ginawa ang daily routine ko sa umaga sa loob ng isang linggo. Pagkatapos pumunta na ako sa likod ng bahay upang maglaba ang huling task ko na natitira. Iniready ko na yung mga gagamitin ko sa paglalaba dahil hindi naman masyadong mahirap kasi mayroon naman kaming washing machine at dryer. Kinuha ko yung mga maruruming damit na lalabahan sa mga kuwarto nila.
Bago magtanghalian tapos na akong maglaba kung kayat nagluto na ako ng tanghalian namin. Wala naman sina mommy sapagkat mayroong business trip abroad marahil ay sasabihin ng iba hindi ko na kailangan pang sundin ang utos nila. Ngunit para sa akin ay kailangan upang mabayaran ang ilang beses kong pagsuway sa kanila. Isa pa alam ko na kailangang magreport ni tay kina mommy kung ginawa ko ba yung punishment ko at ayaw ko na magsinungaling si tay sa kanila para sa akin. Pagkatapos kong maglipit ng tanghalian ay pinalantsa ko yung mga damit at inilagay sa kanilang closet.
Pagpasok ko sa kuwarto ng naglog-in muna ako sa facebook at nakita yung mga pictures nila Miks na nakatagged pa rin ako kahit hindi ako kasama. Nandoon yung mga pictures noong nagroad trip sila ng Friday kitang-kita yung buong city sa tulong ng mga ilaw. Ang ganda ng view kung kayat nakakapanghinayang na hindi ako nakasama. Namasyal din sila Tagaytay sobrang saya nila sa mga litrato at sobrang ganda ng mga pinuntahan nila.
Mabuti pa sila malaya na makapunta sa kung saan nila nais samantalang ako hindi ko magawa. Napabuntong hininga na lamang ako sapagkat ilang beses ko pa nga lamang sumuway ay mayroong nang parusa. Ang pinagtataka ko lamang ay kung bakit hindi nila ako pinagalitan noong mga araw na nalate din ako ng uwi. Imposible naman na hindi nila nalaman dapatwat ipinagpapasalamat ko na hindi nila pinarusahan sa pagkakataong iyon.
---