Chereads / Her Downfall (tagalog) / Chapter 19 - Chapter 14

Chapter 19 - Chapter 14

CHAPTER 14

ANGER

Louise

Pagdating ko sa bahay ay hindi ko inaasahan na bukas pa ang ilaw sa salas kung kayat kinabahan na kaagad ako. Ngunit imposible naman na gising pa sina mommy, sana si nanay ang nag-intay sa akin. Pagpasok ko sa loob ng bahay ay nakita ko si mommy na galit na galit na nakatingin sa akin. Lumapit siya sa akin at sinampal niya ako ng dalawang beses sa magkabilang pisngi. Hindi ko na napigilang umiyak sa lakas ng sampal na iginawad sa akin ni mommy.

Lalo akong napaiyak ng sabunutan niya ako at inginudnod sa sahig. "Walang hiya ka talagang babae ka. Saan ka galing, ha?" tanong niya na mayroong galit sa mga mata. Lumuhuha akong tumingin sa kanila. "Nagsimba po pagkatapos nagpunta po akong mall, hindi ko lamang po napansin ang oras kaya na late po ako ng uwi. Sorry po!" sabi ko ng nakayuko. "Nagpaalam ka na magsisimba, pinayagan kita. Pero umabot talaga ng alas otso ha! Ano yun hanggang gabing misa? Siguro nanlalaki ka kaya ginabi ka uwi. Ano ito bigay sayo ng lalaki mo, ha? Sumagot ka!" sabi niya ng galit na galit.

"Hindi po bili ko po iyan. Gusto ko lamang naman po magkaroon ng koleksyon ng mga stuff toy" sabi ko habang sumisigok sigok. "Siguraduhin mo lang, ha! Dahil oras na malaman ko na mayroon ka nang boyfriend mananagot ka sa akin. Kapag nalaman ko na nagpapabaya ka sa pag-aaral papalayasin na talaga kita" sabi niya habang dinuro-duro ako.

"Mula ngayon pagkatapos ng klase umuwi ka agad. May curfew ka hanggang alas siyete ng gabi pagkatapos aral muli pagkauwi. Mula ngayon kinukuha na namin ang tablet at cellphone mo sapagkat hindi ka na pwede gumamit nito mula ngayon. Kung kailangan mo ito sa pag-aaral mayroon ka naman laptop at desktop so wala kang dahilan para kuhanin sa amin pabalik ang mga ito. Maliwanag ba?" tanong ni daddy sa kalmadong boses. "Opo" sagot ko sa kanila ng nakayuko.

"Isa pa, hindi ka na rin pwede umalis ng hindi kasama si Victor. Naiintindihan mo ba ako?" tanong ni daddy na nakatingin ng matiim sa akin. "Opo" sagot ko ng nakatungo. "Ikaw naman Victor, irereport mo sa amin kung saan siya nagpupunta at kung sino ang mga kasama niya. Kung hindi, sisisantehin kita kasama ang asawa mo. Maliwanag ba?" tanong ni daddy kay tay ng seryoso. "Yes, sir" sagot ni tay ng matiim.

"Huwag kang pakasaya Louise sapagkat hindi diyan nagtatapos ang parusa mo sapagkat sa loob ng isang linggo ikaw ang gagawa ng gawaing bahay dito. Ang sino man na tutulong sa kaniya ay masisisante" sabi ni mommy ng nakangisi. "Tikayin mo lamang na habang ginagawa mo ang parusa mo ay hindi mo pababayaan ang pag-aaral. Sapagkat umasa ka kapag nalaman ko na bumaba iyan kahit 0.01 lamang malilintikan ka sa akin" sabi niya na bakas sa boses ang pagkairita.

Pagkatapos noon ay umakyat na sila sa taas upang matulog nasa kuwarto nila. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko? Pero ayos lamang kakayanin ko lahat para matanggap na nila ako. Titiisin ko lahat ng parusa at ang trato nila sa akin hanggang kaya ko. Nilimot ko yung mga stuff toys na binigay nila sa akin kanina na hindi ko namalayan na nalaglag. Nakapokus kasi ako sa galit na ipinapakita sa akin nina mommy.

Sa tingin ko naman ay hindi na ako mahihirapan sa paggawa ng parusa sa akin kung kayat ang problema ko na lamang ay kung paano ko isisingit sa schedule ko ang paggawa ng gawaing bahay. Lumaki ako na marunong gumawa ng mga gawaing bahay kahit mayaman kami. Ang nagpalaki kasi sa akin ay sina nanay at tatay sapagkat sina mommy ay napokus palagi kay ate.

Nang dahil sa kanila naranasan ko kung paano ang pangalagaan na hindi ko naramdaman sa mga magulang ko. Umakyat ako sa taas dala ang mga stuff toy habang umiiyak ngayon ko napagtantong ang hirap pala talagang maging masaya. Sapagkat kasunod nito ay ang kalungkutan, pinili ko lamang naman na maging masaya kahit sandali pero mayroon agad na katumbas na parusa.

Humiga ako ng umiiyak habang yakap yung stuff toy na pikachu kasi ito ang paborito ko na cartoon character. Isang oras na akong nakahiga ngunit hindi pa rin ako makatulog kung kayat nagbrowse muna ako sa facebook sa laptop gamit ang incognito. Bumungad kaagad sa akin ang mga friend request at maraming messages. Tinignan ko kung mayroon ba akong kakilala sa mga nagfriend request sa akin at nakita ko ang pangalan ng buong barkada na nagfriend request. Walang pagdadalawang isip na tinanggap ko ang friend request at nakita ko rin na may group chat pala kaming barkada. Nagsend ako ng mensahe kay Kristoffe upang magpasalamat sa binigay niyang pikachu kasi paborito ko yung stuff toy kaya lamang wala ako laging makita sa mga mall na tinda.

Louise: Thank you sa pikachu na stuff toy matagal na kasing naghahanap noon para makabili kaya lamang wala akong mahanap. Maraming salamat talaga 

Pagkalipas ng tatlong minuto ay nagreply siya kaagad. Nabigla naman ako akala ko kasi hindi siya magrereply sa message ko. Hindi kasi siya online noong sinend ko yung message after a few seconds active na siya.

Kristoffe: Welcome. Mabuti naman nagustuhan mo iyong stuff toy 

Napangiti na lamang ako sa reply niya. Biglang nagchat yung barkada nagyaya na mag-ikot sa city sa Friday night. Nakakalungkot man na hindi ako makasasama pero mayroon pa namang ibang araw para makasama ako. Sinabi ko sa kanila na hindi ako pwede sapagkat hindi na ako pwedeng lumabas kapag gabi. Mabuti naman na hindi na nila ako pinilit kasi hindi talaga pwede kung sumuway ako ay dagdag parusa lamang.

Nagpaalam ako sa tutulog na ako kasi inaantok na ako. Naggood night ako sa kanilang lahat kasi maaga pa ang gising ko kinabukasan. Nagsend din ako kay Kristoffe kasi hindi niya siya sumasali sa usapan namin at hindi niya rin sineseen siguro busy sa ibang bagay. Kung kayat nabigla ako ng magreply siya kaagad.

Louise: Good Night 

Kristoffe: Good Night, too. Sweet dreams (

Nagugulat talaga ako kasi mahilig din pala siya gumamit ng emoji. Napangiti na lamang ako sa reply niya at naglog out nasa facebook. Humiga na ako sa kama at yinakap ang stuff toy samantalang yung iba ay inilagay ko sa bawat gilid ko. Thankful talaga ako sa kanila kasi kahit sandali nakalimutan ko ang masamang trato sa akin ng magulang ko.

---