Chereads / Her Downfall (tagalog) / Chapter 18 - Chapter 13

Chapter 18 - Chapter 13

CHAPTER 13

BONDING

Louise

Pagkatapos namin kumain sa restaurant ay napagdesisyunan namin na dumiretso sa mall. Ngunit hindi ko akalain na totoo pala yung sinabi nina Arch na pinagkakaguluhan sila lagi sapagkat pagkapasok namin sa mall ay kaagad na kinuyug yung lima. Natatawa pa kami sa ekspresyon nila na naiirita sa babae na nakapaligid sa kanila. Kahit kasi anong pakiusap nila hindi talaga sila tigilan noong mga kababaehan sa kakasunod.

Naaawa naman ako sa kanila kasi pawis na pawis na sila kakatakbo palayo sa mga humahabol sa kanila. Lumapit ako sa kanila at hinila sila papasok sa loob ng isang boutique upang magtago kasama sila. Sumunod naman sina Miks at Jenny sa amin. "Dapat magsuot kayo ng disguise para hindi na nila kayo habulin. Isa pa kailangan na niyo na magpalit ng damit gusot na gusot at sira-sira sa kakahila nila sa inyo" suhesiyon ko sa kanila ng nakangiti. "Tama ka Lou, alam niyo kasing ganito lagi ang nangyayari dapat ay nagdedisguise na kayo" sabi ni Miks ng naiinis. "Makikilala pa rin nila kami kasi alam nila na palagi namin kayo kasama kung kayat kailangan niyo rin magsuot ng disguise" sabi ni Kristoffe habang nakatingin ng matiim sa amin.

"Okay, let's go we have to hurry before they will saw us here" Jenny said with excitement. So all of us change our outfit and wear a wig. Miks and Jenny do our makeup so the others won't notice us. Nang natapos kaming mag-suot ng disguise ay naglibot muna kami kasi walang mapili sina Miks na bibilhin. "Bakit kaya hindi tayo manonood ng sine?" sabi ni Jenny na nagtatalon habang nakatingin siya sa amin.

"Sige, hindi ko pa nasusubukang manood ng sine kasi wala akong kasama para manonood" sabi ko ng mayroong kumikinanang na mata. "Nagbibiro ka ba?" tanong ni Gav ng napapanganga. "Totoo yun, never kong naexperience na manood ng sine" sabi ko ng nahihiya. Hindi ba kasi talaga kapanipaniwala na hindi pa ako nakakapanood ng sine? Sa loob ng labing walong taon marami kong namiss na maexperience. Late bloomer kung baga, kung kayat ngayon lamang ako nag-umpisa mag-explore.

"Okay, gagawin nating memorable yung first experience mo na manood ng sine" sabi ni Gio ng nakangiti. Pumunta kami sa sinehan upang pumili ng aming panonoorin samantala sina Kev, Gio, at Arch ang bumibili ng popcorn at drinks. Napili naming panoorin ay iyong 'Family History' kaya bumili na sina Gav at Kris ng mga tickets.

Nang makapasok na kami sa loob ng sinehan pumiwesto kami sa bandang gitna. Ang arrangement ng upo namin ay Kris, ako, Gav, Jenny, Arch, Miks, Kev, at Gio. Habang nanonood ako hindi ko talaga mapigilang umiyak dahil sa mga eksena sa movie. "Here's the tissue" sabi ni Kris kaya bigla akong napatingin sa kaniya at tinanggap ang tissue. "Thanks" sabi ko habang sumisigok-sigok kaya tinulungan na rin niya akong magpunas ng luha.

Pagkatapos namin manood ng movie ay nagpunta muna kaming girls sa cr upang magretouch. Nagkita-kita kami sa tapat ng national book store. "Ano pang gusto niyong gawin, ladies?" tanong ni Arch sa amin. "Maglaro sa arcades" sabi ni Miks at Jenny ng magkasabay kaya nagkatinginan sila at tumawa. "Ano, Lou okay lamang ba iyon sayo?" tanong ni Gav ng nakangiti.

"Sure" sabi ko ng nakangiti kaya lumakad na kami papunta sa arcade. Nagpapalit sila ng daliwang libong piso ng mga token. Naglaro ang boys' ng basketball at nagpapaligsahan sila ng paramihan ng mashohoot na bola sa loob ng tatlumpong minuto. Nanalo si Kris kaya napagdesisyunan nila na papalitan ang mga ticket na naipon nila. Nakakuha si Kev ng bear na panda, kay Gio naman ay brown na bear, kay Arch naman ay human size na bear, at kay Gav naman bear ay kulay pink. Samantalang si Kris naman ay nakakuha ng malaking pikachu.

Kami namang mga babae ay naglaro sa claw machine ngunit hindi naman kami makakuha kahit isang stuff toy. "Ladies, kami na lamang ang kukuha ng stuff toy na gusto niyo. Ituro niyo na lamang sa amin ang inyong gusto." Sabi ni Kev ng nakangiti. "Oo nga, malapit na kasing maubos ang token natin. Kanina pa kasi kayo naglalaro wala naman kayong nakukuha" sabi ni Gav na napakamot na lamang sa aming tatlo.

Ikinuha nila kami ng tig-dalawang teddy bear at nagpunta naman sa ice skating sa loob ng mall. Naghabulan kami doon at nagbatuhan ng binilog na ice. Hindi ko alam na ganito pala kasaya na magkaroon ng kaibigan. Mayroon kang kasama sa pagsimba, panonood ng sine, pagshoshopping at marami pang iba. Akala ko dati kapag may kaibigan magiging bad influence lamang sila sa iyo. Ganiyan ang pananaw ko dati sa pakikipagkaibigan hindi niyo ako masisisi sapagkat ang mga nakikipagkaibigan sa akin dati ay mga bad influence.

Tuturuan ka nila na gumawa ng masamang bagay pero ngayon alam ko na depende sa tao na kaibigan mo ang impluwensya niya sa iyo. Ang grupo nina Kristoffe ay kilala bilang bad boys sa university ngunit hindi naman nila ako tinuturuan ng gumawa ng masama. Naniniwala ako sa sabi-sabi ng karamihan na hindi naman dapat dahil para ko na ring hinusgahan sila.

Totoo pala na hindi mo makikilala ng lubusan ang isang tao kung hindi ka malapit sa kanya. "Gusto ko nga pala magsorry kasi pinag-isipan ko ng masama noong una. Naniniwala ako sa chismis ng ibang tao na masama raw kayo. Siyempre, gusto ko rin na magpasalamat sa inyo sapagkat kinaibigan niyo ako. Maraming salamat kasi kung hindi dahil sa inyo hindi ko mararanasan iyong ganitong kasaya" sabi ko sa kanila ng naluluha. "Ano ka ba naman wala iyon nuh. Hindi ka namin masisisi kung ganoon ang iisipin mo sa amin sapagkat kapag mainit ang ulo ni Kris eh pinaparusahan talaga niya. Alam kasi namin na kahit sikat kami sa university maraming mayroong galit sa amin kung kayat binabangga kami hindi literaly huh." Sabi ni Kev ng seryoso.

"Maraming salamat sa pang-unawa pero may mali talaga ako hinusgahan ko kayo kahit hindi ko naman kayo lubusang kilala. I'm sorry" sabi ko at nagpeace sign sa kanila kaya napatawa sila ng malakas. Sana balang araw masuklian ko rin ang mga kabutihang nagawa nila sa akin. Ginabi na kami sa pag-uwi pero worth it yung pagod. Kapag pala masaya ka sa ginagawa mo hindi mo mararamdaman yung pagod. I'm so blessed kasi nagkaroon ako ng mga mabubuting kaibigan.

---