CHAPTER 11
CLUB
Louise
Habang papunta kami sa restaurant ay nagkukulitan at nagkukuwentuhan kami tungkol sa maraming bagay. Samantalang sumisilap lamang sa rear view mirror si Kristoffe habang nakaupo sa passenger seat. Nakikitawa lamang siya minsan at sumasagot kapag tinatanong kung kayat hindi ko tuloy alam kung ganyan ba talaga siya o kapag kasama lamang nila ako. Masaya ako kasi kahit minsan hindi ko naranasan na kumain sa labas na mayroong mga kasama na kaibigan. For 18 years lumaki ako na hindi pwede lumabas ng bahay kung hindi importanteng bagay ang aasikasuhin. Pagkatapos ng klase ay kailangang umuwi kaagad ng bahay upang hindi maparusahan.
Tuwing summer naman ay naiiwan ako mag-isa sa bahay kasama ang mga kasambahay upang pumasok sa mga work shop para paghusayin ang aking mga kasanayan. Samantalang ang ate ay kasama nila upang magbakasyon sa iba't-ibang bansa. Sa panahon naman ng kapaskuhan at bagong taon ay mayroong silang family reunion out of town at ako ay naiwang magcelebrate kasama sina nanay.
Lumaki ako na hindi ko rin naranasan na maglaro tulad ng mga hide and seek, chinese garter, jackstone, etc,. sapagkat ang laro ko noon ay scrabble, chess, sudoku, puzzle games, badminton at marami pang iba. Buong buhay ko wala akong ginawa upang pagbutihin ang aking sarili sa kagustuhan ng aking mga magulang. Sa totoo lamang ilang beses pa lamang ako sumuway sa utos ng aking mga magulang ang una ay ang pagsali ko sa pageant.
Kahit sumuway ako sa utos ay masaya pa rin ako sapagkat bago lamang sa akin ang mga bagay na ito. Masarap pala sa pakiramdam na magkaroon ng mga kaibigan. Bumalik lamang ako sa reyalidad ng biglang huminto ang sasakyan na sinasakyan namin kung kaya't sabay-sabay kaming bumaba ng sasakyan. Papasok lamang kami sa restaurant ay alam ko na nasa prestihiyoso kaming restaurant sa itsura pa lamang nito.
Inasist kami ng receptionist sa reservation namin na pinareserve kanina ni Kristoffe habang papunta lamang dito. Pinagtitinginan kami ng mga kumakain sa restaurant pagkapasok pa lamang namin. Iginiya naman kami ng receptionist sa VIP room na nakareserve para sa amin na mayroong walong upuan sa mahabang mesa. Umorder na kami ng aming pagkain sapagkat maaga pa kami kumain ng tanghalian kanina para sa pageant na ginanap.
"We should go to the club to celebrate! Are you in, guys?" sabi ni Archer ng nakangisi sa amin habang naghihintay kami na dumating ang aming order. "Were in" they answered in chorus except for me and Kristoffe na nakatingin lamang sa kanila. "Oh, common guys, don't tell me you two won't come with us? Kill joy!" anas ni Gavin ng nakasimangot dahil hindi kami sumasagot kaagad. "Ate Micks and I won't come with you guys. After this we just go home" he said in a serious tone. "But, Kris gusto kong sumama sa kanila atsaka it's still so early pa kaya para umuwi" anas niya at nagmakaawa sa kapatid. "How about you, Louise? You should come with us. We know that it's your first time to go there but you are safe with us. So don't worry, okay?" Jennica said in a hopeful tone.
I sighed before answering them. "Okay, I come with you guys" I said with a smile that make them gasp in surprise. "Woah, that's good. Akala ko pipilitin ka pa namin ng sobra para lamang sumama" anas ni Kevin na mukhang nabigla pa rin sa sagot ko. "How about you, cuz? Louise is now in to go on a club. So don't be kill joy, join us. We will celebrate because you guys won the title. Come on?" Gavin said while grinning. He sighed and look at us then the waiters come in bringing our food so he stopped on what he gonna say. Habang kumakain ay binasag ni Jennica ang katahimikan. "Cuz, what's your decision?" she said in hopeful tone. "Okay, I come with you guys" he said sa tonong napipilitan lamang.
Pakiramdam ko ayaw niya sumama ngunit napilitan lamang siya. Pinili kong sumama sapagkat hindi pa ako nakakarating sa ganoong lugar. Alam ko sasabihin ng iba na ako ay isang ignorante ngunit hindi naman lahat ng tao ay nalalaman lahat ng bagay. Oo lumaki ako sa siyudad ngunit hindi ko naranasan na lumabas kung hindi importanteng bagay ang aasikasuhin. Sinasabi kasi ng karamihan na ang mga taong lumaki sa siyudad ay aware sa mga ganitong bagay.
Para sa kanila ang mga probinsyana ang hindi aware sa ganiyan ngunit depende ito sa tao. Hindi dahil sa probinsiya lumaki ay ignorante sa ganyang bagay. Pakiramdam ko ngayon ko lamang masisilayan ang mundo kung anong mayroon ito. Natapos kaming kumain ng matiwasay at puno ng kasiyahan. Nakakatakot makaramdam ng sobrang kasiyahan sapagkat ang kasunod nito ay kalungkutan. Bago kami umalis sa restaurant ay nag-iwan ng cash si Kristoffe na isipit sa menu.
Makalipas ang ilang minuto ay nakarating kami sa elite na bar. Isa itong high class bar na madalas na puntahan ng mga rich kids sa tingin ko. Sapagkat sa estruktura pa lamang nito masasabi mo na isa itong mamahalin. Pinapasok agad kaming ng mga bouncer sapagkat tinanguan ito ni Giovanne. Mukhang madalas sila rito dahil kilala na sila na mga bouncer.
Pagpasok sa loob ang daming tao at nakakalula ang mga ilaw. Busy ang mga bartender sa pagmimix ng mga alak dahil maraming customer gayundin ang mga waitress sa pag-aasikaso ng order. Sa stage naman ay mayroong nagpeperform na banda na kinagigiliwan ng marami. Pumunta kami sa bakanteng mga sofa upang umupo. Hindi ko alam na ganito pala ang itsura nito at napag-alaman ko rin na mayroong mga VIP room sa taas. Ngunit ito ay para sa mga customer na gustong magvideoke hindi para sa mga malaswang bagay. Ang bar raw na ito para sa mga customer na gusto lamang uminom.
Umorder ang mga boys' ng vodka samantalang soju lamang para sa aming mga babae. "Ladies, huwag kayong pumunta sa mga ganitong lugar kung hindi kami kasama, ha?" anas ni Gavin habang nakatingin ng matiim sa amin. "Oo, nga delikado ang panahon ngayon. Kaya dapat mag-ingat kayo upang huwag mapahamak" anas ni Archer ng nakangiti sa amin. "Alam namin na curious kayo sa mga bagay- bagay ngunit alam nyo dapat ang limit nyo. Kapag sa tingin nyo ay makapagpapahamak sa inyo itigil nyo na" sabi ni Giovanne na pinangangaralan kami ng seryoso.
"Kung kayat hindi dapat kayo sumama sa mga lalaki kasi panigurado ay mayroong masamang balak sa inyo. Sana maintindihan nyo kami kasi pinangangalagaan lamang kayo. Okay?" anas ni Kevin sa malumanay na tono. "Huwag kayong aalis ng hindi kami kasama upang mabantayan namin kayo. Maliwanag ba?" sabi ng Kristoffe habang matiim na nakatingin sa amin.
"Oo susundin namin kayo. Maraming salamat sa mga paalala. Alam namin na kapakanan lamang namin ang iniisip nyo kahit masyado kayong mahigpit sa amin" sabi ni Jennica ng nakangiti. "Ganyan talaga sila Louise kaya masanay ka na kasi kasama ka na rin sa babantayan nila. Hahaha" sabi ni Mikaela ng natatawa. "Nakakataba naman ng puso ang inyong pag-aalala para sa kapakanan namin kung kayat maraming salamat sa inyo" sabi ko ng may ngiti sa labi.
Dumating na rin yung mga order namin dala-dala ng mga waiter. "Ladies isang baso lamang para sa inyo hindi kayo pwedeng malasing" sabi ni Kristoffe kung kaya napangiwi sina Mikaela.
"Is it your first time to drink, Louise?" anas ni Gavin ng may pag-aalala. "Don't worry it's a ladies' drink so it has a little alcohol content only" sabi ni Jennica na may reaasuring smile. "No, I drink wine occasionally so no worries" I said with a smile. Ganito pala yung feeling ng may nag-aalala masarap sa pakiramadam. Mabuti pa yung ibang tao nag-aalala sa akin samantalang ang pamilya ko ay hindi.
---