Chereads / Her Downfall (tagalog) / Chapter 11 - Chapter 6

Chapter 11 - Chapter 6

CHAPTER 6

ORDER

Louise

Kinabukasan pagkagising ko naninibago ako kasi sobrang tahimik sa mansion na nangyayari lamang kapag nandyan ang mga magulang at ang ate ko. Isang himala nandito pa sila ngayong umaga ngunit walang sampal na sumalubong sa akin at mga masasakit na salita kaya lalo lamang akong kinabahan kasi pakiramdam ko may balak na naman silang ipagawa sa akin na labag sa kalooban ko.

Naalala ko tuloy limang taon ang nakakalipas ay mahilig akong tumugtog ng piano kaya laging akong inilalaban sa contest ng aming school. Laging akong umuuwing panalo hanggang sa kinausap ako nina mommy na tumigil sa pagtugtog ng piano kasi wala raw silang anak na pariwara dapat daw pinagtutuunan ko ng pansin ay ang pag-aaral. Wala daw akong kinabukasan doon sa pagtugtog at malaki raw kahihiyan sa pamilya namin kapag naging musikero ako.

Wala daw kasi sa lahi ng pamilya nila ang ganun at huwag ko daw ipahiya ang pamilya nila kasi dala ko raw apelyido nila. Sobra akong nasaktan sa mga sinabi nila pero sinunod ko ang utos nila. Itinigil ko ang pagtugtog kahit pinipilit pa nga ako ng mga teacher ko nun na bumalik sa pagtugtog ngunit kahit gaano ko gusto ituloy ay hindi pwede. Pagkalipas ng ilang buwan nalaman ko na lamang na lumalaban na din si ate sa mga piano contest at proud pa ang mga magulang at kamag-anak namin. Doon ko narealize na kaya nila ako pinatigil sa pagtugtog ay para mag-give way kay ate at sinabihan ng mga masasakit na salita para madiscourage ako.

Sobrang sakit makita at marinig kung paano nila ipagmalaki si ate sa mga achievements niya samantalang ako ay ikinakahiya nila. Ang tanging hinihiling ko na lamang na sana balang araw ay mayroong dumating na kahit isang tao lamang na mauunawaan at dadamayan ako at hindi iiwan yun lamang ay magiging sobrang saya ko na. Kung minsan iniisip ko na anong wala ako na maging dahilan kung bakit hindi nila ako tanggap at sobrang hirap sa kanila na pakisamahan ako.

Iniisip ko, ano kaya yung feeling na may nagmamahal sayo at pinahahalagahan ka yung laging nandyan sa tabi mo kung kinakailangan mo. Hindi ka iiwan kahit na anong mangyari at karamay mo sa lahat ng problema. Kumakain kami ng almusal ng tahimik ng biglang magsalita si mommy. "Balita ko mayroon ka na raw mga kaibigan sa school mo, is it true?" mom said na nakatingin sa akin habang nakataas ang isang kilay. Napalunok ako at napayuko agad I have a bad feeling about this conversation. "Yes, mom" kinakabahang sagot ko. "Well, lumayo ka sa kanila makakasama lamang sila sa iyo. Just focus on your studies because I don't want you to be distracted. Understand? May I remind you that we are monitoring your grades ayoko ng madagdagan ang kahihiyan na dinala mo sa pamilya namin. Are we clear?" Mommy said with full of authority. Masakit kasi pati ba naman pagkakaroon ng kaibigan ipagkakait pa rin nila sa akin samantalang ito yung unang pagkakataon na mayroong lumapit sa akin upang makipagkaibigan ng may sinseredad.

Kaya nga idinidistanya ko na lamang yung sarili ko sa iba kasi pagnaattached ako sa mga taong nakakapaligid sa akin ay papaluyuin nila ako ngunit kapag hindi ko ginawa ay gagawa sila ng paraan upang layuan ako ng mga ito. Kahit nga sina nanay ay alam ko naaawa sila sa akin pero wala silang magawa dahil sa kapangyarihan ng pamilya ko. "But, mom---""no buts and don't call me mommy hindi kita anak kaya pwede ba tigilan mo na ang katatawag sa akin ng ganyan malilintikan ka sa akin" mom said with full of disgust on her face. "Ano itong naririnig ko na sumali ka sa pageant, ha? Itigil mo na nga iyang kahibangan mo mapapahiya lamang kami kasi sigurado akong matatalo ka lamang. Bakit hindi mo tularan ang ate mo na madaming achievements sa buhay kagaya ng pagiging professional model at future beauty queen. Eh, ikaw, anong inaabot namin sayo kahihiyan?" anas ni daddy at kumain muli. Kahit hindi pa ako tapos kumain ay tumayo na ako dahil para akong sinasaksak ng paulit-ulit sa dibdib sa mga narinig ko sa kanila at pakiramdam ko nawalan ako ng ganang kumain sapagkat sobrang sakit na nung nararamdaman ko. Kinuha ko na lamang yung bag ko at nagpahatid nasa driver atsaka tumulo yung masaganang luha sa mga mata ko.

Nang malapit nasa university ay kinalma ko yung sarili ko at inayos dahil ayoko na pumasok ng pugto yung mga mata. Inaalo pa nga ako ni tatay kanina kaya lamang lalo akong naiyak. Nang nasa tapat na kami ng gate ay bumaba na agad ako ng kotse at nagpasalamat kay tatay sa paghatid. Pagpasok ko pa lamang ng gate ay bumungad nasa akin ang mga kapwa ko estudyante. Bigla akong napahinto ng may sumigaw ng pangalan ko at paglingon ko ay si Gavin na kumakaway sa akin ang nakita ko kaya pinagtitinginan tuloy ako ng mga kapwa ko estudyante.

"Balita ko kasali ka raw sa pageant, kasali rin si Kristoffe pero wag kang magseselos sa partner niya ha?" anas ni Gavin ng mayroong mapang-asar na ngiti sa labi. "Huh? Bakit naman ako magseselos?" anas ko na may naguguluhang tingin sa kanya. "Pero aminin mo curious ka sa pinsan ko diba?" sabi niya habang nagtataas-baba ang kilay. "Ganun na ba talaga siya walang ekspresyon yung mukha palagi?" tanong ko sa kanya ng mayroong nagtatanong na tingin. "Oo huwag kang mag-alala malalaman mo rin ang dahilan kung bakit ganun siya once na mapalapit ka na sa kanya." anas ni Gavin at kumindat bago siya naglakad papalayo upang pumunta sa klase niya. Kahit minsan hindi ko naisip na magiging close kami ni Kristoffe at kapag nagkikita kami hindi naman niya ko kinakausap. Even though in my dreams I can't imagine that I will get close to him as in really. Parang hindi ako nag-eexist sa mundo niya kaya napakalabong mangyari ng sinabi ni Gavin. It feels so weird sapagkat nasabi niya magsasabi magseselos ako sa partner ni Kristoffe. Eh, bakit naman ako magseselos? Hindi ko naman siya gusto. He's really weird.

---