Chereads / Her Downfall (tagalog) / Chapter 7 - Chapter 4

Chapter 7 - Chapter 4

CHAPTER 4

NEW FRIENDS

LOUISE

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip ng kalabitin ako ni Gavin kaya napabalik ako sa ulirat. "huy, natulala ka na naman diyan huwag mo siyang masyadong titigan baka matunaw soulmate. Sa akin ka na lamang tumingin kasi nakakasakit ka ng damdamin soulmate kasi may gusto ka yata sa pinsan ko eh" anas niya na humawak pa sa dibdib na animo'y na nasasaktan talaga kaya hindi ko tuloy alam kung ano ang magiging reaksyon ko. "uhhmmm sorry hindi ko na pansin na napatulala na pala ako. Pasensya na talaga" anas ko.

"ano ba pinapagaan ko lamang mood mo para kasing sobrang lalim ng iniisip ko mo. Hindi ko mareach kaya kita kinalabit" anas niya at ngumiti kaya napangiti rin ako. "alam mo yung awkward lamang kasi atsaka hindi ako sanay na center of attraction at may kasama kasi lagi akong mag-isa kaya pasensya na talaga" anas ko sa kaniya. "ganun ba hayaan mo lagi mo na akong makakasama kaya sanayin mo na yung sarili mo" anas niya kaya napangiti na lamang ako nagpapasalamat na hindi niya inalam ang dahilan. "hindi ko itatanong ang dahilan kasi inaantay ko kung kailan ka handang ikuwento yun" anas niya naputol lamang ang kuwentuhan namin ng umupo si Kristoffe sa tabi ko kasama yung mga kaibigan at pinsan niya.

"siguro naman guys ayos lamang kung dito na rin kami umupo, right?" anas ni Jennica at ngumiti sa aming dalawa. "hhmm ayos lamang naman" anas ko in an awkward face. "mas maganda siguro kung magpakilala muna kayo guys, para hindi masyadong awkward sa part niya" anas niya sa mga kasama niya at ngumiti. Kaya naman as on cue nagpakilala sila isa-isa with a smile on their face. "hi gorgeous, I'm Mikaella Janine Evans it's nice to meet you. I hope we can be friends" anas niya at naglahad ng kamay at ngumiti. Hanggang sa sunod-sunod na sila nagpakilala sina John Kevin Acosta, Giovanne Javier Suarez at Archer Dale Orteza na humalik pa sa kamay ko sa akin ngunit hindi nagpakilala si Kristoffe sabagay ano pa ba ang aasahan ko sa yelong yon. Inalok nila ako bilang kaibigan na tinanggap ko naman agad naisip ko kasi na hindi siguro masama kung tatanggapin ko yung alok nila siguro oras na para buksan ko yung sarili ko sa ibang tao. Hindi naman pare-parehas ang tao atsaka napakaideal sobra ng friendship nila at hinahangad ng lahat na maging kabilang sa kanila.

Biruin mo isang nobody lamang ako sino naman ba ko para tumanggi sa once in a lifetime opportunity ang taas naman ng tingin ko sa sarili ko kung tinurn down ko sila. Masaya sila kasama na never ko naimagine na mahahanap ko din pala ang totoong happiness through friendship. Aaminin ko hindi pa buo ang tiwala ko sa kanila pero sigurado ako in a span of time magiging buo rin yun kailangan ko lamang sanayin ko ang sarili ko na kasama sila.

"as a new member of the group why don't you come with us to hangout and for us to celebrate that you belong with us now" anas ni Mikaella na sinugundahan nila ng pagsang-ayon. "sorry pero hindi kasi ako makakasama kasi I'll be busy later maybe some other time I can join" anas ko sa kanila at muling humingi ng paumanhin.

---

Nasa sa kalagitnaan ng klase namin sa marketing nang nag-excuse ang mga representative ng mga clubs upang ipaalam kung anong mga club ang available na salihan ng mga estudyante. Pagkaraan ng ilang minuto ng may nag-excuse na naman upang sabihin na may gaganaping pageant at may isang linggo na lamang upang maghanda. Tinanong nila kami kung sinong gusto naming representative sa business management department ngunit may desisyon na pala ang proffesor sa department namin. Kinuha daw lamang kasi nila ang opinyon ng majority ng estudyante kung tugma sa napili nila. Hindi ko lang maintindihan kung bakit nais pa nila na alamin ang opinyon namin eh siguro naman na yung desisyon pa rin nila ang mananaig.

"Miss Madrigal, is it okay with you?" anas ni Prof Sanchez na nakapagpagulo sa akin. I mean ganun ba ako katagal na nagspace out at hindi ko na naintindihan yung sinasabi nila? "Pardon Miss Sanchez, what do you mean?" anas ko at ngumiti ng pilit atsaka kumamot sa batok sa hiya. "What I mean is, is it okay with you to be the representative of our department? Alam namin na it's your first time to join the pageant but please try for the sake of our department?" anas ni prof in encouraging way kaya lamang wala na ba silang ibang choice. Marami namang maganda at talented sa department namin para kasi yun sa Ms. & Mr. Clarke University at yung mananalo dun ay ilalaban sa ibang universities.

"tipikal lamang naman ito na pageant kagaya ng nakagawian yung nakauniform, casual wear, sports wear, talent portion with your partner, nakagown and especially the talent portion. Ang magiging partner mo naman ay Michael Jared De Guzman from section 3. Bibigyan kita ng chance na pag-isipan ito, first in the morning tomorrow I want your answer, okay? Are we clear?" anas ni miss at umalis na. haist para namang hindi nila ako binigyan ng chance na makatanggi kasi para sa kanila ako daw pag-asa ng department namin at yung way pagkakasabi niya, it seems that I agree or not their decision is final. Front lang yung pagbibigay nila ng choice kunno.

Sa tagal ko na dito sa university hindi ito yung unang beses na inalok nila akong sumali sa pageant na lagi ko naman tinatanggihan kasi hindi ko hilig yun. Isa pa masyado kasi akong focus sa academics kaya ganun pero nag-eexcel pa rin naman ako sa sports. Its funny right lagi akong nilalaban sa academics pero wala akong lakas ng loob pagdating sa pageant.

Mukhang mapupuyat pa yata ako pag-iisip kung sasali ako o hindi at hihingin ko na rin ang opinyon nina nanay linda kasi wala namang pakialam si akin sina mommy. Isa pa parang awkward naman siguro kung iistalk ko yung makakapartner ko kung sakali hindi ko kasi siya kilala. Sa sobrang focus ko nun sa studies eh wala akong masyadong kilala sa university kundi mga kaklase ko lang at grupo nina Kristoffe.

---